Chapter 10: Bond Like a Family💕👨‍👩‍👦

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Carlos Pov

Tahimik ko lang silang pinagbuksan ng pinto ng kotse.

"Dad san po ba tayo pupunta?"

Huminto pa sya saka tumingin sa akin para magtanong.
Pinat ko sya sa ulo saka ako sumagot.

"Sa Mommy ko."

Tumango sya saka pumasok na sa loob. Pumasok na din ako at nagsimula ng magmaneho.

Habang bumibyahe kame tinitingnan ko sila parehas sa rare view mirror.

Tahimik lang silang nakaupo habang nagmamasid sa labas.

'I miss you baby ko.'

Ipinilig ko ang ulo ko ng bigla kong maalala ang bagay na yun.

Alam kong ang unfair sa part nya na hindi ko sya masyadong kinakausap, ni hindi ko man lang sinabi kung bakit o kung anong mali.

Hindi ko rin masisisi ang sarili ko natapakan ang ego ko sa nakita ko ei.

Andun ako nung araw na yun. Nakita ko kung paano syang umiyak dahil nasasaktan sya, kung paano sya kumalma ng dahil sa isang yakap nya lang, kung paano sya naging masaya bigla ng dahil sa mga salita nya.

Napaisip ako bigla ng oras na yun.

Ganun din kaya sya sakin?

Malamang hindi, hindi naman ako ang mahal nya ei.

"Dad can we please stop over?"

Tumango lang ako.

Nang may madaanan akong convenience store huminto ako saka bumaba at pinagbuksan sila ng pinto.

"Bibili lang kame." Paalam nya saka iginiya papasok si Aldrine. Sumandal ako sa kotse.

Napatingala ako sa langit. Buwan lamang ang nandoon na syang nagbibigay liwanag sa dilim ng paligid.

Nakuyom ko na lang ang palad ko dahil sa paulit-ulit na pag-echo sa utak ko ng mga salitang iyon.

Kaya ko nagawang mag-inom kagabi dahil doon. Pagkatapos ng nangyare paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang salitang iyon.

Alam ko sa sarili kong hindi ko sya mapapantayan o kahit mahigitan kase oo ako yung nasa tabi nya pero hindi naman ako ang mahal nya.

"Daddy!" Rinig kong sigaw ni Aldrine.

Pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya ng matapat sya sa akin.

Hinila ko sya saka niyakap ipinatong ko ang noo ko sa balikat nya.

"Carlos Ayos ka lang?"

If I say I'm not anong gagawin mo?

Pagsinabi ko bang sakin ka nalang, gagawin mo?

I know it's impossible.

I cleared my throat

"Please let me stay like this."

Hindi sya umimik at hinayaan lang ako.

Nang bumitaw ako mga mata nya agad ang sumalubong sa akin.

"Ano ba talagang problema?"

Tiningnan ko lang sya.

"Tell me may problema ba tayo?"

Umiling ako.

"Bakit ba ayaw mong sabihin?"

"Wala lang toh."

Mawawala rin toh.

"Sigurado ka?"

Tumango ako.

Nag-lean ako palapit saka hinalikan sya pagkatapos idinikit ko ang noo ko sa noo nya.

"I love you."

I'm hoping na sana mawala na ang pagseselos na toh.

Gumuhit ang ngiti sa labi nya.

"I love you too."

How I love to hear it but I know it doesn't mean anything for you.

Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Next time magsasabi ka kung anong problema ha? Kung may problema ka or tayo sabihan mo agad ako kase letche ka hindi ako manghuhula na nalalaman agad kung anong problema. Alam mo namang medyo slow itong asawa mo."

Mahina akong natawa sa sinabi nya.

"Promise."

Hindi muna itong bagay na ito. Ayoko munang malaman mong nasasaktan ako.

Humiwalay ako at hinalikan ang mga kamay nya.

"I love you misis ko."

"I love you too. Wag ka ng magsusungit."

"Opo."

Tuluyan na akong napangiti. Seeing her grinning like a kid was one of my weaknesses.

Kahit na gaano ako ka-badtrip, kainis, galit o nagtatampo makita ko lang syang ganyan wala na she already lighted up my world.

"Excuse me po!" Rinig naming sigaw ni Aldrine.

Natawa na lang kame parehas saka pumasok sa loob.

Sa may tabi ko na sya nakaupo hindi na sa backseat.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while

Nilingon ko sya ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Inosente syang ngumiti saka nag-iwas ng tingin.

Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Inilapit ko sa akin ang kamay namin saka hinalikan ang kamay nya. Nilingon ko sya saglit at nakita kong nakatingin na din sya sakin.

"I love you."

Tinawanan nya lang ako saka hinampas.

And I've got all I need
Right here in the passenger seat
And I can't keep my eyes on the road
Just knowing that she's inches from me

Nang makarating kame sa bahay ni Mommy binitawan na nya ang kamay ko. Lumabas ako at pinagbuksan sila ng pinto.

Binuhat ko si Aldrine. Papasok na kame sa bahay ng hawakan nya ulit ang kamay ko kaya nilingon ko sya.

"I love you too." Sabi nya

Ngumiti lang ako saka hinalikan sya sa noo.

Pagpasok namin sa loob dumiretso kame sa kwarto ni Mommy.

"Hi Mom." Bati ko.

"Maaaa!" Sigaw nya saka tumakbo kay Mommy at yumakap.

Natawa lang si Mommy at niyakap sya.

I guess close na sila.

Inilapag ko si Aldrine sa sofa at naupo ako sa tabi nya habang pinapanood silang nag-uusap.

"Dad---I mean Kuya Carlos gaano mo na katagal kilala si Mommy?"

Nilingon ko sya.

"Matagal na."

"Mula pagkabata?"

Tumango ako. "Bakit?"

Umiling sya. "Just wondering."

Tiningnan ko sya. Sumandal sya sa sandalan saka nagcross arms at sumeryoso. Para kong nakikita ang sarili ko sa kanya.

"I'm just wondering kung inlove ba si Mommy."

"Why?"

"Because she seems so happy kung titingnan, yung kahit may problema mukha parin syang masaya."

"Siguro."

"Kanino?"

"Kay Erick."

Umiling sya saka tumingin sa akin.

"Sayo." Sabi nya.

Kumunot ang noo ko.

"Si Erick ang mahal nya."

"Nah. Mali sya."

"What do you mean?"

"Sabihin na nating may pakiramdam akong hindi talaga si Kuya Erick ang mahal nya kundi ikaw."

Napasandal na rin ako sa sandalan at kagaya nya nagcross arms din ako at sumeryoso.

"Dapat na ba akong umasa?"

"Mahal mo naman sya di ba?"

Tumango ako.

"Nasayo ang boto ko Kuya----"

"You can call me Dad."

"Yeah. Nasayo ang boto ko Dad."

"Good to hear that."

"I'll help you."

"Thanks."

"Mukhang may masinsinang pag-uusap na nagaganap ah?" Puna nila.

Lumapit sila sa amin. Sa gilid ni Aldrine naupo si Janella samantalang sa isa pang sofa naupo si Mommy.

"So who's this little boy?" Tanong ni Mommy.

Hindi nagsalita si Aldrine at sumiksik sa akin.

"Son she's my mom."

Poker face lang sya.

"Mukhang nahiya ata parang ikaw carl nung bata ka pa, ayaw na ayaw mong nakikipag-usap sa iba." Natatawang sabi ni Mommy.

Napa-poker face na lang din ako.

Parehas kame ni Aldrine na hindi umiimik habang yung dalawa nagku-kwentuhan.

Hanggang sa namalayan na lang namin na uuwi na pala kame. Parehas pa kameng nakatulog ni Aldrine sa kakahintay na matapos silang dalawa sa kakadaldal.

"Ang cuteee nyo!" Nanggigil na sabi ni Mommy.

"Para kayong mag-ama. HAHAHA" natatawang sabi ni Janella.

"It's okey mom as long as you're my mother. Walang kaso sakin." Sabi ni Aldrine.

Sabay kameng tumayo at nag-unatan ng tumingin kame sa kanila parehas silang nakangisi.

"What?!" Iritableng tanong namin ni Aldrine. Umiling lang sila.

"Tsk."

Lumapit ako kay Mommy para magpaalam ganun din si Aldrine.

"Goodbye granny!" Nakangiting sabi nya

Pinisil ni Mommy ang pisngi nya saka pinat sya sa ulo.

Matapos magpaalam umalis na kame. While on our way wala ni isang nagsasalita sa amin. Si Aldrine kase mukhang inaantok na samantalang si Janella mukhang pagod na.

Pagdating namin sa bahay agad ko silang inalalayan.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Iminulat nya ang mga mata nya saka tumango.

"Inaantok lang. Saglit magluluto lang ako."

"Nagugutom ka?"

Umiling sya. "Ikaw?"

"Don't mind me. Ayos lang ako magpahinga ka na."

"Pero-----"

"Sigiii na."

Inihatid ko sya sa kwarto nya katabi ng kwarto ni Aldrine.

"Sigurado ka?"

"Opo. Sigii na pahinga ka na."

Tumango sya.

"Tell me if may kailangan ka."

"I will."

Ngumiti sya saka hinalikan ang pisngi ko.

"Goodnight. I love you." Sabi nya

Natulala ako bigla at hindi nakapagreact ng makahuma ako magsasalita pa lang sana ako pero isinara na nya ang pinto.

"Hey! Misis ko! Andaya!" Reklamo ko.

Narinig ko lang ang pagtawa nya.

"Matulog ka na!" Sigaw nya

"Tsk. Goodnight I love you more...."

Tatalikod na sana ako pero biglang bumukas ang pinto.

"May sinasabi ka?" Taas kilay na tanong nya.

Ngumiti ako saka hinila sya palabas at ikinulong sa mga braso ko.

Hinalikan ko sya sa noo.

"Wala sabi ko maganda ka."

"Hindi yun yun ei!"

Kinurot nya ako sa braso.

"Isa! Ano nga!"

Inalis ko ang ilang hibla na nakatakip sa mukha nya.

"I just said Goodnight I love you more."

"Eeeiiii!"

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Sigii na matulog ka na."

"Tingin mo makakatulog ako sa ginagawa mo?"

"Bakit? Ayieeee."

"Letche. Pano ko matutulog kung nakayakap ka sakin?"

"Di ba pwedeng ganito na lang tayo?"

"Dito talaga?"

"Pwede namang sa kwarto."

"Letche! HAHAHA"

"I love you."

"Nakakarami ka na."

"Ayos nga yun eiii para lagi mong maaalalang mahal na mahal kita."

"Siraulo."

"Oh bakit? Mahal na mahal ko kaya ang misis ko."

"Letche."

Binitawan ko na sya tapos nag-lean ako.

"Ba't ang sweet mo?"

"Do I need to answer it?"

"Malamang!"

Ngumiti ako tapos hinalikan ko sya.

"......Cause I love you."

"Carlos!"

"I'm just stating the fact."

Umirap sya pero failed dahil na tawa din sya bigla.

"Bahala ka na nga dyan matutulog na ako."

Tinalikuran na nya ako tapos naglakad na sya palapit sa pinto.

"Goodnight misis ko see you tomorrow."

"Goodnight."

Ikinumpas nya lang ang kamay nya saka pumasok sa loob. Pumasok na rin ako sa kabilang kwarto para matulog na.

Kinabukasan maaga akong gumising at bumangon para puntahan sya. Pagbukas ko ng pinto nakita kong natutulog pa din sya sa kama.

Lumapit ako at umupo sa gilid nya. Para syang fetus na namaluktot. Probably nilalamig sya.

Inayos ko ang comforter para hindi na sya lamigin.

5am palang naman ng umaga yet I am here watching her while sleeping.

Hinawi ko ang buhok nyang magulo.

"Hmmm."

Hinawi nya ang kamay ko at nagmulat sya ng mata.

"Ikaw lang pala akala ko kung sino." Nakangiting sabi nya saka yumakap sa unan.

Are you expecting that Erick was here? Tsk.

"Maaga pa bakit gising ka na?" Tanong nya.

"Masama bang pagmasdan kang matulog?"

"Dapat na ba akong ma-conscious?"

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

"Sorry naistorbo kita, matulog ka na ulit babalik na ako sa kwarto ko."

"Tch."

Bago pa ako makahakbang hinila nya ako. Causing me to fall on her bed.

"Nang istorbo ka na rin naman lubusin mo na." Sabi nya.

Binitawan nya yung unan at naupo saka itinali ang buhok nya.

Nangalumbaba sya.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"Tch! Hindi ko kaya! Inaantok pa kooo!" Sabi nya saka hinila yung comforter at nahiga.

"Sleep." Rinig kong sabi nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Sabi ko matulog hindi ko sinabing yumakap ka."

"But I love cuddle with you."

"Whatever."

Humarap sya sakin at yumakap.

"Akala ko ba tulog lang walang yakap?"

"Shattap."

"HAHAHA."

"Tch."

Nang tingnan ko sya nakapikit na sya. Dapat na ba akong maniwala sa pakiramdam kong kumportable sya habang yakap ko sya? Tsk probably pinaaasa ko lang ang sarili ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at niyakap sya ng mahigpit.

Patulog na ako ng maramdaman kong mas sumiksik sya sa akin. Tiningnan ko sya.

"Misis ko?"

"Po?"

"Ayos ka lang?"

Nag-angat sya ng tingin at tiningnan ako.

"Opo."

Ngumiti lang ako.

After nun di na ako nakatulog. Nanatili na lang akong nakayakap sa kanya habang natutulog sya.

Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko.

Kung ano bang mangyayare sa mga susunod na araw. Kung bukas ba nasa akin parin sya o na kay Erick na.

Napakarami kong naiisip pero ni isa wala akong maisip na solusyon o kahit sagot man lang sa mga tanong.

I love you and I'll make sure na hindi ako susuko hangga't hindi ko nagagawang ipaglaban ang nararamdaman ko.

"Goodmorning."

Ngumiti sya saka bumitaw.

"Anong oras na?"

Tiningnan ko ang orasan sa gilid ko.

"8am."

Bumangon sya at nag-unat ng mga braso. Bumaba na ako ng kama.

"Let's go?"

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Saan?"

"Basta."

"Pero hindi pa ko-----"

"Misis hindi naman mababawasan ang pagmamahal ko sayo kahit pa hindi ka mag-toothbrush o maligo ng isang dekada----aray!"

Ihampas ba naman sa akin yung unan. Tsk.

"Siraulo. Hygiene kase!"

"Tsk."

Inabot na nya ang kamay ko. Inalalayan ko syang bumaba ng kama igigiya ko na sana sya palabas ng halikan nya ako sa pisngi.

"Alam ko naman yun kaso nakakahiya din mister." Sabi nya saka bumitaw at pumasok sa banyo.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at naupo sa kama para hintayin sya.

"Mister."

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakangiti sya sakin habang nakatayo sa harap ko.

"Wait! Asan na yung muta at panis na laway mo?"

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Just kidding Misis."

"Mukha mo!"

"Gwapo."

"Tch!"

Iginiya ko na sya palabas ng kwarto. Hawak hawak ko ang kamay nya habang naglalakad kame sa hallway. Paminsan-minsan sinusulyapan ko sya.

She's not that perfect.

Magulo ang itsura nya sa tuwing gigising.
Moody sya at pikunin.
May mga bagay na madalas nami-miss interpret nya.
May mga maling desisyon syang nagagawa

But it doesn't stop me for loving her.

I still loved her kahit na gaano kagulo ang itsura nya sa umaga, kahit moody sya at pikunin, kahit may mga bagay na madalas nami-miss interpret nya, kahit nakakagawa sya ng mga maling desisyon.

I still and I will loved her.

I love her Imperfections and I will accept her flaws that's because I love her more than my life.

Huminto kame sa garden.

Bumitaw sya sakin, she spread her arms and feel the warmth of morning sun.

I want to spend my whole life with her.

How I love to watch her while sleeping, I want to see those mess side of her every morning. I want to be there with her in every decision that she'll make. I want to be the one who patiently explain every things that she doesn't understand---------

"Ayos ka lang?"

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses nya.

"Huh?"

Lumapit sya sakin.

"Sabi ko ayos ka lang ba? Bakit tulala ka?"

Ngumiti ako saka hinila sya palapit sa akin.

"Sino ba namang hindi matutulala kung ganito kaganda ang asawa ko?"

"Siraulo. Ang aga aga ang corny mo."

Tinawanan ko lang sya.

"Pero seriously? Pasok na tayo sa loob nagugutom na ako."

"Tara. Ano bang breakfast natin?"

"Di ko alam eiii. Ano bang gusto mo?"

"Pwedeng ikaw?"

"Hindi eii."

"Ayoko na ngang mag-almusal."

"Ewan ko sayo."

Pagdating namin sa kusina hinawakan ko ang kamay nya.

"Po?"

"Ako na lang." ...........ang mahalin mo

"Huh?"

"I mean ako na lang magluluto."

"Pero-----"

"Ako na."

"Pero kase hindi mo naman obligasyon yun eiii."

"Sinong may sabing hindi? I am your husband and my obligation is to take care of you."

"Pero hindi kita alipin."

Hinawakan ko ang magkabilang kamay nya.

"Listen to me, kahit na alipinin mo pa ako gagawin ko. Kahit pa paglutuin at paghugasin mo pa ako or paglabahin mo pa ako ng sandamakmak na labahan okey lang basta ikaw. Basta bago ako matulog ikaw ang katabi ko at ikikiss mo lang ako tanggal na pagod ko."

"Corny mo na naman."

Hinalikan ko ang mga kamay nya.

"Gagawin ko lahat para sayo that's because I love you kaya ako na ang magluluto dahil ayokong napapagod ka."

"Sigurado ka?"

"Yeah. Gisingin mo na lang si Aldrine."

Tumango sya saka bumitaw, bago sya umalis pinisil pa nya ang pisngi ko.

"Aray!"

"I love you."

"I love you more."

Tumawa lang sya.

Ipinilig ko ang ulo ko saka nagsimula akong magluto.

"Morning."

Lumingon ako at nakita ko si Aldrine na nagkukusot ng mata habang naglalakad.

"Morning." Bati ko din.

"Mukhang maaga ka atang dumadamoves?"

Hindi ako sumagot at inihanda na ang niluto ko.

"Can you please make me a milk?"

"Sure."

Maya-maya pumasok na din si Janella dito sa kusina kaya nagsimula na kameng kumain.

"You know what Mom?" Basag nya sa katahimikan

Tumingin kame sa kanya.

"To be honest? Bagay kayo."

Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Mas boto ako sa kanya kesa kay Kuya Erick you know he's the one who'll always there for you no matter what. I think mas mabuting piliin natin yung taong laging nandyan kesa sa taong palagi lang tayong sinasaktan."

Napalunok ako.

Ano bang iniisip ng batang ito?

"Atsaka nasa kanya na lahat. He's a great husband and father too."

Kung makapagsalita sya parang wala ako dito.

Nilingon ko si Janella at nakita kong namumula syang husto.

"Mom? Are you blushing?"

Sinamaan nya ng tingin si Aldrine

"I'm not, just finish your food and don't stick your butt with my problems."

"Aye Aye! Mom!" Sabi nya saka sumaludo.

Tiningnan nya pa ako saka siya ngumisi.

Matapos kumain tinulungan ko syang maghugas.

"Mom can I swim?"

"Sure. Magshower ka muna, samahan mo sya." Sabi nya na bumaling sa akin.

Napatango na lang ako.

Iginiya ko papunta sa Cr si Aldrine.

Parehas kameng naka-poker face.

Palabas na kame ng magsalita sya.

"Sorry Dad."

Huminto ako at tumingin sa kanya.

"Are you mad?"

Lumuhod ako para magkapantay kame.

"I'm not."

"Pero tama naman po yung sinabi ko di ba?"

Tumango ako. "Pero tama rin ang mommy mo. Hindi ka na siguro dapat nangengealam sa problema ng matatanda."

"Pero Dad di ba tutulungan kita na maging kayo ni Mommy for real?"

"Tinutulungan mo ba talaga ako o ayaw mo lang talaga kay Erick?"

"Pwedeng both?"

"Son."

"Dad gusto kong kayo ni Mom ang magkatuluyan. Ayokong mapunta sya sa lalakeng yun."

"Pero son masyado ka pang bata para sa mga bagay na ganito."

"But dad----"

"Ganto na lang. Tutulungan mo ko pero sa ibang paraan."

"What do you mean Dad?"

"Tutulungan mo ko ng hindi nalalaman ni mommy mo."

"Like sicretly?"

Ngumiti ako saka tumayo at pinat sya sa ulo.

"Dad di mo pa sinasagot ang tanong ko!"

"Son. Silent means yes."

Sumimangot lang sya.

"Tara?"

"Tsk."

Naglakad na kame papunta sa swimming pool.

"Son."

Huminto sya at tiningnan ako.

"Ilang taon ka na ba?"

"Dad age doesn't measure maturity."

"Tsk."

Pagdating sa pool naabutan namin syang nakaupo at kumakain.

"Mom katatapos lang natin kumain ah?"

"Son nagugutom ako ei."

"Hayaan mo na yang Mommy mo alam mo namang matakaw yan."

"May dragon ba Dad?"

"Oy oy oy! Pinagtutulungan nyo ko ah?"

Tumayo sya at namewangan. Nagkatinginan kame ni Aldrine tapos sabay kameng tumakbo at binangga sya. Sabay sabay kameng nalaglag sa pool.

Hinagip ko agad sila at inangat para makahinga. Nang maka-huma sya kinurot nya ako.

"Aray!"

"Anak kang tokwa carlos! Muntikan akong malunod! Kitang di nga ako marunong lumangoy!"

"Sorry."

"At Ikaw naman baby ko bakit nakikisakay ka sa kalokohan nitong daddy mo?!" Angil nya kay Aldrine

Nag-poker face lang si Aldrine.

"Tama na nga yan. Tara son daliii!"

Hinawakan ko siya sa kamay saka tinulungang lumangoy.

"At talagang iniwanan nyo ako dito ano?"

"Kaya mo na yan Mom!"

Isang maliit ngunit masayang tawa ang narinig namin ni Janella mula sa kanya. Mukhang masaya sya.

Tinuruan ko lang syang lumangoy.

"Ahon muna kayo dalii!" Rinig naming sigaw ni Misis.

"Hawak ka sa likod ko."

Sumunod naman sya. Lumapit kame kung nasaan si Misis. Pinaupo ko si Aldrine sa may tabi ni Misis tapos umahon din ako.

"Kumain muna kayo."

So we did. Tahimik lang kameng kumakain.

*Click*

Sabay kameng napasimangot ni Aldrine.

"Mom stop that!"

Tinakpan nya ang mukha nya.

Ipinulupot ko ang braso ko sa waist ni Misis saka hinila sya palapit sa akin, hinila ko din si Aldrine palapit sa akin.

"Game!"

"Dad naman!"

Tumawa lang ako.

"Dalii na baby ko!"

"Pati rin ikaw Mom?"

Sumimangot sya. Parehas kameng natawa ni Misis.

"Tama naaaa!" Sabi ni Aldrine.

"Ngiti ka muna daliii."

Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Sumimangot ulit sya pero ng itapat na ulit ni Misis yung camera sa amin nagtodo ngiti na sya para isahan na lang tapos tumayo na sya at bumalik sa pool.

"Ayaw na ayaw nya talagang pini-picture-ran." Natatawang sabi nya.

Hinalikan ko sya sa pisngi saka ako sumunod kay Aldrine.

Ipinasan ko si Aldrine sa balikat ko. Sumunod na din si Janella at nakipaglaro kay Aldrine.

Maya-maya mukhang napagod na ang bata kaya nag-aya na syang umahon.

Sama-sama kameng pumasok at dumiretso sa Cr. Nakasandal ako sa pader malapit sa salamin habang hawak ko sa kaliwang kamay ang mga damit pamalit at sa kanan naman ay ang twalya.

Nang hawiin nila ang curtain nakita kong nakasimangot si Aldrine.

"Problem?" Tanong ko.

"Dad, sawayin mo nga si Mommy! Ayaw akong tantanan sabing ako ng bahala sa sarili ko eiii."

"Son tantanan mo ko ah! Anong kaya mo na ang sarili mo?! Pano pagnadulas ka dyan sa tiles tapos nabagok ang ulo mo?!" Sabi ni Misis.

Lumapit sya sa akin at kinuha yung ibang damit at twalya.
Isinipit ko sa gilid ng tenga nya ang ilang hibla ng buhok nya. Nakapusod iyon at magulo pero balewala iyon sa kanya.

"Hayaan mo na son nag-aalala lang ang Mommy mo."

Hinintay ko lang silang matapos at ako naman ang nag-asikaso.

Paglabas ko dumiretso ako sa sala at nakita kong nakaupo na sila doon.

"Anong meron?"

"Movie marathon." Sagot ni Aldrine na nakaupo at nagngangatngat ng popcorn.

Naupo ako sa tabi ni Misis, sumandal naman sya sa akin ng tingnan ko ang Tv cartoons ang pinapanood nila.

"Akala ko ba Movie marathon?"

"Yan ang gusto nya ei."

Maghapon lang kameng nanood ng cartoons. Nang makatulog si Aldrine inakyat lang namin sya sa taas tapos nag-asikaso na kameng magluto ng hapunan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro