Chapter 9: Drama 101💔

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella's Pov

Kinabukasan paggising ko kwinento ko agad kay Kristel ang napag-usapan namin ng Mommy nya.

Nakatanggap din kase ako ng Text mula sa kay Tita na kakausapin na nya ang parents nung lalake para huwag ng ituloy ang business partnership nila for the sake na huwag ng guluhin nung lalake si Kristel.

"Akyat muna ako sa taas."

Nagpaalam na ako sa kanya at umakyat para maligo. Magta-tanghali na din kase.

Pagkalabas ko ng banyo biglang bumukas ang pinto at pumasok si Carlos.

Lumapit ako sa silya at naupo saka blinower ang buhok ko, lumapit naman sya at kinuha sa akin ang blower at sya na ang gumawa.

"San ka pala nanggaling?"

"Umuwi ako lang saglit."

Hinampas ko sya.

"Ba't di ka nagsabi?!"

"Sorry na, biglaan kase eii."

Umirap ako.

"Bakit anong nangyare?"

"Masama kase pakiramdam ni mommy."

"Anyare? Ayos na ba sya?"

Tumango sya.

"Tara puntahan natin sya."

"My Queen wag ka ng mag-alala ayos naman na sya."

"Buti naman."

Nahiga ako sa kama at tumabi naman sya.


"Movie marathon tayo."

"Sige anong panonoorin natin?"

"Horror."

Paktay! ayoko ng horror T^T

Tapos lumabas na sya ng kwarto after ng ilang minuti bumalik na sya at isinalang ang balang dala nya. Di ko na tinanong kung saan sya nakakuha nun. I'm sure kay kuya nya nakuha yun.

Jusko ba't ba naman horror ang trip nyang panoorin? Huhuhu kadiri kaya.

"Bakit ba nakatakip ka nyang kumot?"

"Walang pakelamanan!" Angil ko.

*Toktok*

Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Jusko kung kelan naman horror yung trip nyang panoorin saka may kakatok na akala mo kasali sa horror na pinapanood namin.

Bumaba sya sa kama at binuksan iyon. Bumungad agad samin ang mukha ng tropa si Kuya rio lang ang wala.

"Hellooooo!!" Sigaw ni Kris

Nag-unahan pa silang pumasok.

"Hi mssss!" Sigaw nila Andrei at George

"Oy insan bakit nakatakip ka nyan?" Tanong ni Ann

"Ayaw nyang tanggalin." Singit ni Carlos na nakasandal sa pader habang kausap si Winston.

Umakyat sa kama si Jerome at tumabi sa akin.

"Bhest may problema ba?" Tanong nya.

Itinuro ko lang yung T.v na-gets naman nya.

"Mga galawan talaga nitong asawa mo." Natatawang sabi nya saka tumayo at binatukan si Carlos.

"Aray!" Daing ni Carlos.

Nag-kanya-kanyang pwesto na silang lahat. Yung iba naupo sa lapag, may naglatag pa ng mattress at nahiga, may nahiga din sa sofa.

"Aray Ice masakit!" Daing ko ng maipit nya ang paa ko.

Di pa naman magaling yung mga paltos ko masakit padin pati yung ankle ko dahil dun sa sapatos.

"Sorry cream! Di sadya." Sabi nya.

Sinimangutan ko lang si George at di na sumagot. Sa paanan ko pa kase pumuwesto maluwag naman sa sahig.

Maya-maya nakigulo na din si Jerome at Winston samantalang tumabi naman sa akin si Carlos.

"Misis tanggalin mo na yan." Pangungulit nya.

"Eiii! Bhest oh!"

Lumingon saglit samin si Jerome.

"Bro wag mong pilitin yan takot yan sa horror!" Natatawang sabi ni Jerome

"May nakakatawa?!" Angil ko sa kanya.

"Andito naman ako ei." Sabi ni Carlos

"Ayoko ngaaaa! Bhest oh!"

"Maling tactics ka naman kase bro eii!" Sabi ni Jerome.

Sumimangot na lang ako.

Napatingin kameng lahat kay Erick ng bigla syang tumayo at lumabas pare-parehas kameng nakatingin sa pintuan.

"Anyare dun?" Puna ni Kuya Jams

"Ba't nag-walk-out?" Segunda ni Shiella

"Baka naman nagselos? Ayieee! Ms ito na ang hinihintay mo!" Sabi ni Kris

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bhest mas mabuti kung sundan mo sya." Sabi ni Jerome

"Para malaman natin kung ano yun." Segunda ni Winston

Inalis ko ang kumot saka bumaba sa kama at lumapit sa pinto. Bago ako lumabas napatingin ako kay Carlos pero hindi sya nakatingin sa akin. It seems like ayaw nyang tumingin at umiiwas sya.

"Don't tell me may nasasaktan?" Tanong ni Shiella

Napasipol silang lahat.

"Tsk." Rinig kong saltak nya bago ako lumabas.

Napabuntong hininga ako saka naglakad pababa ng hagdan pumunta ako sa garden at nakita kong nakatayo sya habang nakatingin sa malayo. Lumapit ako sa kinatatayuan nya.

"Best?" Tawag ko

Hindi sya lumingon.

"Ayos ka------"

"Bakit hindi ako?"

"Huh?"

"Bakit sya?"

"Ano bang----"

"Ako ang bestfriend mo di ba? Bakit sya?"

Humarap sya sa akin at nakita ko kung gaano ka seryoso ang mukha nya.

"Ano bang problema?"

"Problema?! Ikaw!"

"A-ako?"

"Oo! Andito naman ako ah? Bakit kailangang kay Jerome ka pa lumapit?! Best andito ako oh! Bakit sa kanya!"

Napahinto ako pakiramdam ko nanigas ako bigla sa sinabi nya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ko

"Ikaw! Nakikita mo ba ang ginagawa mo?!"

Nakuyom ko bigla ang kamay ko.

"Andito naman ako ah! Bestfriend mo-----"

*Boogssh!*

Sinuntok ko sya bigla.

"Talaga ba?! Pakinggan mo nga ang sarili mo! Ikaw pa ang may ganang magalit bakit sino bang nagsimula?! Ako ba?!"

Hinawakan nya ang panga nya at tiningnan ako.

"Ako ba ang nagsimula nito?! Kung makapagsalita ka parang hindi mo kasalanan kung bakit ganito!"

"Isinisisi mo sakin kung bakit sa kanya ka lumalapit kesa sa akin?"

"Oo! Kasalanan mo! Kung andyan ka lang palagi edi sana hindi ko na kailangan ng iba! Tapos sasabihin mo nandyan ka lang palagi?! Ginagago mo ba ako?! Ni hindi nga kita maramdaman ei!"

Napapikit ako saglit para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Halos kalimutan mo na nga ako ng mapalapit ka sa kanya eii! Tapos ngayon tatanungin mo ako na parang kasalanan ko pa lahat? Ang unfair mo."

"B-best....."

"Ni hindi mo nga naalala man lang na ako ang dahilan kung bakit napalapit ka sa kanya basta ka na lang nawala tapos sisisihin mo ko pa ko."

Pinunasan ko ang nangingilid kong luha.

"Ni hindi mo man lang nga ako makamusta kung buhay pa ba ako. Ako na lang ba parati ang iintindi? ako na lang ba parati ang mag-aadjust? asan na ba talaga yung bestfriend ko? yung bestfriend ko na ipinagtatanggol at ipinaglalaban ako. Yung bestfriend ko na nag-aalala at nagpapahalaga sa akin at higit sa lahat karamay at kasama ko sa kahit anong nangyayari sa buhay ko!? asan na!? kasama na bang nawala ang lahat ng yun dala ng pagbabago ng panahon? kung alam mo lang na kailangan kita, kung alam mo lang na namimiss ko yung dati."

Umatras ako saka tinalikuran sya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Napatakip na lang ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Malapit na ako sa may sliding door ng bigla syang humarang at niyakap ako.

"Best."

"Bitawan mo ko pleaseee."

"Ayoko."

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"I'm sorry. Pleaseee let's fix this."

Hindi ako nakaimik.

"I'm so sorry kung inaway pa kita dahil lang dun. Sorry sa mga pagkukulang ko."

"B-best....."

"Sorry kung akala ko ayos lang na wala na ako sa tabi mo kase andyan naman si Carlos. Sorry kung akala ko kaya mo na ng wala ako."

Nag-angat ako ng tingin, pinunasan nya ang mga mata ko saka ngumiti.

"Iyakin ka pa din." Natatawang sabi nya.

Hinampas ko sya saka humiwalay.

"Ewan ko sayo!"

"HAHAHA. Sorna."

Sinimangutan ko sya saka ko pinunasan ang sarili kong mga mata.

Lumapit sya sakin saka hinalikan ang noo ko.

"I miss you baby ko."

Itinulak ko sya.

"Che! Lumayo ka nga di pa tayo ayos!"

"Nagtatampo ka pa din? Sorna nga eiii."

"Wala! Pagkatapos mo kong paiyakin! Friendship over na tayo!"

Tumakbo na ako papasok ng bahay sumunod naman sya.

"Oh come on! Bati na tayo!"

"Neknek mo! Tapos kakalimutan mo na naman ako? Manigas ka!"

Tumawa sya saka huminto at umacting na nanigas talaga.

"Ayan nanigas na ako sa kinatatayuan ko! Bati na tayo!"

Inirapan ko sya.

"Ito na ba yung que ko para tumawa? Wait! Ni hindi ako matawa! Joke ba yan? Kilitiin mo nga ako baka sakaling matawa ako sa joke mo!"

Tiningnan nya ako. Yung tingin na para bang may naisip sya bigla.

Tumakbo sya palapit sa akin at hinabol ako. Tumakbo din ako palayo.

Nagulat ako ng bigla nya akong nahila papunta sa sofa.

"Aaahhh! Bitawan mo kooo!"

"HAHAHA!"

Pinigilan ko ang kamay nya na kilitiin ako kaso wala eiii mas malakas sya at yung iba sa pangingiliti nya di ko maiwasan.

"HAHAHA! Ano ba!"

Huminto lang sya ng tumunog ang cellphone nya. Naupo sya sa tabi ko at tiningnan yun.

"Best I have to go." Baling nya sakin.

"Ayan! Yan na nga ba sinasabi ko ei!"

"Hindi ah! May inuutos lang si Mommy."

Umirap lang ako. Tinawanan nya ako saka pinisil ang pisngi ko.

"Una na ko."

"As if may choice ako?"

Tumawa lang sya saka hinalikan ako sa noo at umalis na. Napakamot na lang ako sa ulo ko at umakyat sa taas.

Habang naglalakad sa hallway inilapat ko ang kamay ko sa dibdib ko kung saan nakalocate yung puso ko saka pinakiramdaman.

Sobrang bilis nun na para bang nakikipagkarera.

Sheeet iba talaga ang epekto pag-andyan sya sa paligid, pagmalapit sya sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko saka pumasok sa loob ng kwarto nadatnan kong nanonood pa din sila. Sumampa ako sa kama at bumalik sa pwesto.

Maya-maya luminga-linga ako sa paligid.

"Guys? Si Carlos asan?" Tanong ko

"Ewan lumabas din kanina pag-ka labas mo eiii." Sagot ni Jerome

"Akala ko sumunod sayo insan?" Sagot ni Ann

"Oh! Ayan na pala sya eiii!" Puna ni Maria na itinuro pa ang pinto.

Napatingin ako dun at nakita ko syang pumasok.

"Pareng M! Hinahanap ka ng misis mo!" Sabi ni Kris.

Hindi sya umimik at naupo na lang sa tabi ko.

"San ka galing? Ayos ka lang ba?" Tanong ko

Pero ni hindi sya nagsalita, hinayaan ko na lang baka wala lang sya sa mood magsalita.

Maya-maya tumayo sya at walang pasabing lumabas ng kwarto.

Napano ba sya? Hays.

Matapos ang pinanonood nagpaalam na sila na uuwi na kaya naiwan akong mag-isa dito sa kwarto.

Kinuha ko yung laptop ko at nagbukas ako ng account ko.

Isang maingay at sunod sunod na pop up ang bumungad sa akin.

Shiellang madaldal: Nag-away pala kayo Ms?

Kris loko loko: Sabi na eiii! May silent war sila!

Jerome the goodboy: Wag nyo ng pakelaman atleast ayos na sila.

Ann chismosa: Talaga? Okey na sila?

Erick manhid: 👍

Nicky tomboy: Ba't umalis ng hindi nagpapaalam si Carlos kanina?

Jams panget: Oo nga anyare ba kay Bayaw?

Mariang maganda: Baka may problema sila ni Janella

Winstong snobers: @Janella bes anong nangyare sainyo ni pareng carlos?

Nagsimula na akong magtype ng reply. Isi-send ko na sana ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Misis ko."

Inilayo ko saglit sa tenga ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumawag. Si Carlos pala.

"Po?"

"Can I sleep beside you?"

"Huh? Di ba nakauwi ka na?"

"Open the door. Please?"

Naguguluhan man tumayo ako at lumapit sa pinto para lumabas. Pagkabukas ko nakita ko syang nakasandal sa pader habang nakayuko.

"Ayos ka lang?"

"Hdvhbkievgyvnkosvvuvdjkigvfwjo."

"Huh?"

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko sya.

"Ba't amoy alak ka? Nag-inom ka ba?"

Umiling sya. "Hindi ako lasing." Sabi nya.

Nilampasan nya lang ako.

"Carlos!"

"Ssshh! Hindi ako lasing!"

"Ano bang sinasabi mo?"

Nagdive sya sa kama saka winasiwas ang kamay nya.

"Shut up. Gusto ko lang tumabi sa asawa ko kahit pa hindi nya ako mahal!"

Natulala ako bigla.

A-anong sinabi nya?

Tama ba ang narinig ko?

Lumapit ako sa kanya at tiningnan sya pero tulog na sya. Inayos ko na lang sya at hinayaang matulog sa kama ko.

Kinuha ko ulit yung laptop saka binura yung una kong tinaype.

Hindi ko alam pero mukhang may problema nga kame.

Isinara ko na ang laptop ko saka nahiga sa sofa para matulog.

Kinabukasan ng magising ako nasa kama na ako nakahiga. Bumangon agad ako para mag-asikaso sa pagpasok.

Nang makababa ako tinanong ko sila Kuya kung asan na si Carlos ang sabi nila nagmamadali daw umalis kanina mukhang may emergency daw.

Pumasok na lang ako sa school baka kase pumasok din sya kaso ayun na nga ilang oras na ang lumilipas wala parin. Mukhang hindi ata sya papasok.

Dumating ang uwian pero ni anino nya hindi ko nakita kaya dumiretso uwi na lang ako.

Naglalakad na ako palapit sa bahay ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod ng lingunin ko nakita ko sya. Bumitaw din naman sya agad at sinabayan ako sa paglalakad.

"Ba't di ka pumasok?"

"Sorry nagka-emergency lang sa bahay."

"Emergency?"

Tumango sya. "Hinimatay si Mommy."

"Kamusta na sya? Ayos na ba si Mama?"

Tiningnan nya ako saglit bago sumagot.

"Maayos na sya nagpapahinga na sa bahay."

"Mabuti naman."

'Gusto ko lang tumabi sa asawa ko kahit pa hindi nya ako mahal'

Napahinto ako sa paglalakad ng maalala ang sinabi nya kagabi.

Tiningnan ko sya, seryoso lang sya na sumasabay sa paglalakad ko.

Naaalala nya kaya yung mga sinabi nya kagabi?

Magsasalita na sana ako ng makita kong nasa tapat na kame ng bahay.

Napabuntong hininga na lang ako saka pumasok.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

Tumango lang sya.

Ewan ko kung ako lang ba talaga o sadyang tahimik sya ngayon? May problema kaya?

Sa kakaisip ko muntikan na akong mapahampas sa hagdan ng mapamali ako ng apak buti na lang nahawakan nya ako.

"Be careful my queen." Sabi nya

Binitawan nya din ako agad ng masiguradong ayos na ako. Pagdating sa kwarto nahiga lang sya sa kama habang pumasok naman ako sa banyo para magbihis.

Nang lumabas ako tumabi ako sa kanya.

"May problema ba tayo?" Tanong ko

"Wala."

"Ei kung wala bakit ganyan ka?"

"Wala lang toh misis ko."

Umupo sya saka hinalikan ang noo ko.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango sya.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang pinto.

"Mommyyyy!"

Napangiti ako ng makita ko si Aldrine.

"Imissyouu Mommy"

Nag-open arms ako.

"Come baby. I miss you more."

Lumundag sya sa kama at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko sya sa ulo.

"Mommy marami akong ikukwento sayo!" Excited na sabi nya

"Okey kwento mo sakin later."

Tumango sya.

"Si Mama Mel mo pala asan?"

"I'm here."

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Ate Melissa. Ang Mama ni Aldrine at pinsan ko.

"Mommy Mommy sino sya?" Tanong ni Aldrine habang itinuturo si Carlos.

"Baby asawa ko sya."

"Daddy ko po?"

Ngumiti ako. Bumitaw sya sa akin at lumapit kay Carlos. Nagwave sya saka ngumiti.

"Hello po." Bati nya

Nakita kong mula sa pagiging seryoso biglang lumambot ang expression nya.

"Asawa ka po ng Mommy ko edi Daddy na po kita?"

"Definitely."

"Yehey!"

Yumakap si Aldrine sa kanya.

"Tara laro tayo sa labas?" Aya nya

"Sigii po!"

Bumaling sakin si Aldrine saka humalik sa pisngi ko.

"Mommy maglalaro lang po kame ah? Byieee!" Excited na sabi nya saka umalis sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. Humalik lang din sa noo ko si Carlos saka lumabas.

Napasimangot ako.

"Oh? Para saan ang pagsimangot mong yan?" Tanong ni Ate Melissa

"Hindi ko kase malaman kung anong problema nya. Kahapon ayos pa naman tapos ngayon ayan ganyan na sya."

"Huh?"

"Hayst! Basta!"

Lumabas kame ng kwarto dumiretso ako sa kusina at inabala ang sarili ko sa pagluluto.

Nang matapos binitbit ko yun papunta sa likod bahay kung saan naroon sila.

"Meryenda muna kayo." Sabi ko

Inilapag ko sa lamesa yung tray at naupo ako sa silya.

Lumapit naman sila. Agad na umupo sa silya si Aldrine at kumain samantalang pumasok naman sya sa loob ng bahay.

Malapit na kong manggigil sa ginagawa nya.

Ni hindi nya ako kausapin kung ano bang problema.

Ni ayaw magsabi kung ano bang mali o kung may mali ba akong nagawa.

"Misis."

"Po?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sya sa akin habang nakatayo at hawak ang cellphone nya.

"Can you go with me?"

"Sure san ba?"

"Mom want's to see you."

"Ah. Sigii."

"Can I go too?" Singit ni Aldrine

Ngumiti sya kay Aldrine.

"Sure." Sabi nya

"Teka! Sino ka ba?" Tanong ni Ate

"I'm Carlos Montes her husband." Tipid na sabi nya.

Naglakad na sya pabalik sa loob sumunod naman sa kanya si Aldrine.

"Ba't ansungit ng asawa mo?" Tanong ni Ate

Nagkibit-balikat lang ako saka nagpaalam at sumunod na sa kanilang dalwa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro