Chapter 21: 1st Message

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Kinabukasan gumising ako na masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok. Tuesday ngayon at hindi pwedeng umabsent.

Nagtuturo ang teacher namin sa harap pero wala akong maintindihan, last subject na pero ni hindi ko magawang intindihin ang nasa paligid ko. Tahimik lang din na nakaupo sa tabi ko si Carlos, malalim din ang iniisip katulad ko at nasa iba ang atensyon. Kahit sila Kuya wala rin sa mood sobrang tahimik namin dahil wala ni isang nagsasalita sa grupo namin, ni hindi sila gumagalaw man lang sa kinauupuan at diretso lang ang tingin sa harap.

Nang mag-dismissal na narinig kong sabay-sabay silang napabuntong hininga na para bang pinag-usapan nila.

"Misis." Rinig kong tawag nya.

Nilingon ko sya, nandoon parin sa mukha nya ang pag-aalala.

"I need to show you something." Seryosong sabi nya.

Iginiya nya ako palabas ng room at papunta sa parking, nakasunod sa amin sila Kuya na kung sa anong dahilan ay katabi nila ang mga babaeng mahal nila.

Pagdating sa kotse pinagbuksan nya ako ng pinto. Tahimik lang kameng bumiyahe hanggang sa huminto kame sa isang hospital.

"Carlos anong gagawin natin dito? May sakit ka ba?" Tanong ko pero umiling lang sya saka hinawakan ang kamay ko at naglakad kame sa hallway ng hospital.
Huminto kame sa tapat ng isang kwarto.

Binuksan nya yun at nagulat ako sa bumungad sa akin.

Si Jerome nakahiga sa hospital bed habang mahimbing na natutulog.

"Anong i-ibig sabihin n-nito?"

Nangingilid ang luha ko sa nakikita kong sitwasyon niya.

"Kahapon lang ng makatanggap ako ng text mula kanila Andrei, nag-attempt daw magpakamatay si Jerome. Sinubukan nyang magbigti pero hindi pa man nakakatagal ay nakita na sya ng papa nya."

"I-ibig sabihin y-yung emergency mo kahapon..."

"Sya yun."

"Bakit di mo sinabi agad?!"

Tumulo na ang mga luha ko.

"Napag-desisyunan ng papa nya na huwag munang ipaalam sayo hangga't hindi nasisiguradong ayos sya, alam nilang mag-aalala ka ng husto once na malaman mo."

"Shit!"

Umiiyak na lumapit ako sa kinahihigaan nya at naupo sa may paanan nya.

"Tell me bakit nya ginawa yun? May kinalaman sa letter nya kahapon di ba? Para kay Ana yun di ba?"

Tumango sya. "Naghiwalay na sila the day before your birthday, totoo yung nasa sulat. Iniwanan na sya ni Ana dahil nasaktan nya ito kaya siguro naisipan nyang magpakamatay na lang."

Lumapit sya sakin tapos niyakap nya ako ng mahigpit.

"Tahan na ayos naman na sya, kailangan nya lang munang magpahinga."

Pinunasan ko ang mga luha ko at yumakap din ng mahigpit sa kanya.

"Asus dito pa nag-yakapan ang mag-asawa, iniinggit nyo naman ako."

Nanlaki ang mga mata ko at bumitaw kay Carlos agad naman syang humiwalay sa akin. Tumingin ako kay Jerome at nakita kong nakangiti sya.

"Ano bes? Bakit kung maka-iyak ka parang mamamatay na ako?"

Naiyak ulit ako, niyakap ko agad sya.

"Aray ko bes!" Daing nya.

"Ehem!" Parinig ni Carlos.

Agad akong bumitaw kay Jerome at naupo ng maayos.

"Seloso nga pala si pareng carlos." Natatawang sabi nya.

"Bilisan mong mag-pagaling pre ng masuntok na kita, pinaiiyak mo ang asawa ko." Sabi ni Carlos.

Tumawa si Jerome. "Ayoko ng gumaling, masakit kang manuntok ei!"

Sumaltak lang si Carlos saka hinalikan ako sa noo.

"Sa labas lang ako, mag-usap muna kayo." Paalam nya.

Tumango ako saka ngumiti. Nang makalabas sya hinampas ko si Jerome.

"Aray!"

"Anong pumasok dyan sa inaamag mong utak at nag-attempt kang magpakamatay hah?! Alam mo ba kung gano ka kasama ang ginawa mo?! Hindi ka tatanggapin sa langit pagnagkataong natuluyan ka! Gago ka! Pinag-alala mo kameng lahat!"

"Sshh! Alam ko namang na-miss mo ko. Don't worry na-miss din naman kita."

Inirapan ko sya saka kinurot.

"Ano ba kase talagang nangyare?"

Napabuntong hininga sya saka sumeryoso at nagkwento. 17 chapters lang ang lumipas mula nung official na maging sila tapos ito na agad, hiwalay na sila. Ilang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila. Nakakapanghinayang mang isipin pero wala ei nangyare na, yun ang naging ending ng lablyp nila.

After daw ng nangyare nagdesisyon si Ana na umalis at sumama sa out of the country ng parents nito. Tuluyan na daw talaga itong umalis at iniwanan na sya.

This time ako naman ang napabuntong hininga.

"Kung bakit ba naman kase antanga mo bes. Ayun na ei kung kelan nakuha mo na saka mo pa ginago. Hayuff ka alam mo yun?! Bestfriend kita pero pinsan ko yung sinaktan mo."

"I know."

Malungkot syang ngumiti.

"Pero hindi ako galit sayo, oo kasalanan mo pero na-tanga ka lang at naguluhan kaya nagkaganyan at umabot sa ganito pero pasasaan ba at babalik din kayo sa dati. Magiging kayo din ulit."

"Hindi na ako umaasa, masakit yung ginawa ko ei."

"Bes kung talagang para kayo sa isa't-isa magiging kayo ulit atsaka kung talagang sya ang mahal mo mag-pagaling ka na at sundan mo sya, suyuin mo hanggang sa makuha mo ulit ang tiwala nya. Minsan may mga relasyon na deserve ang second chance na baka sakaling pwede pa, na baka kapag binigyan ng second chance maaaring mabago pa ang nangyare at kapag nangyare yun huwag mo ng sayangin pa."

Tumango sya. "Promise itatama ko lahat toh. Gagawin ko ang lahat para bumalik sya sakin at maging kame ulit."

Biglang bumukas ang pinto at parang machine gun na pumutak sila Princess. Tumayo ako at tumabi sa gilid dahil dire-diretso silang lumapit kay Jerome at sabay sabay na sinaktan ito.

"Nagpakahirap ka pa magbigti dapat tinawag mo na lang kame at kame ang papatay sayo!" Galit na sabi ni Nicky

"Kawawa naman ako." Sabi ni Jerome

"Mas kawawa yung lubid gago! Pinahirapan mo sa bigat mo!" Sabi ni Shiella.

Halos makatanggap sya ng napakaraming suntok, kurot at hampas mula sa mga girls. Inis na inis ang mga ito sa ginawa nya kay Ana at sa sarili nya.

"Nagpigil pa akong suntukin sya kanina, sinaktan naman nila." Rinig kong sabi ni Carlos.

Natawa ako. "Hayaan mo na nabugbog na nga sya ei."

Sumandal sya sa pader sa may tabi ko saka ipinulupot ang braso sa bewang ko. Nagulat kameng lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Xandra ang mama ni Ana.

"Tita? Anong ginagawa mo po dito?" Tanong ko.

"Oo nga po? Di ba't kasama kayo ni Ana out of town?" Tanong din ni Jerome.

"J-Jerome....J-Janella nawawala si Ana."

"Ano po?!"

Agad akong lumapit sa kanya.

"Tita pano po nangyare yun?"

Umiyak sya bigla at bumagsak sa lapag, agad syang inalalayan nila Kuya at pinaupo sa sofa saka inabutan ng tubig para kumalma.

Lumapit kame sa kanya kahit si Jerome napaupo sa higaan nya.

"Nung araw na dapat aalis kame hindi kame natuloy dahil nagkaproblema sa company kaya na-reschedule. Mag-isa lang sya nun sa bahay dahil nasa batangas kame, dapat kahapon kame tutuloy kaso di sya dumating sa airport."

Nagulat kameng lahat, namayani ang katahimikan at tanging paghikbi lang ni Tita.

Nawawala si Ana.

Sabay-sabay kameng napapitlag ng biglang tumunog ng sabay-sabay ang cellphone namin. Tiningnan ko ang akin at isang message ang na-receive ko mula sa unknown number, binuksan ko yun at binasa.

She's broken,
She doesn't know what should she do to end the pain.
So here I am helping her.

She's too kind and stupid to believe.
She doesn't think twice and grab my offer.

Here she is starting to meet her own ending.

Nang-i-scroll ko ang message nanlaki ang mata ko sa nakita kong video.

S-si Ana n-nasa loob ng isang box na gawa sa glass!

Clinick ko ang video at nag-play yun.

"Help me! Please help me!" Sigaw nya habang hinahampas ang salamin.

She's screaming.

Parang pinipiga ang puso ko sa napapanood ko. Takot na takot sya habang hinahampas ang salamin.

Nanginig ang mga kamay ko at nabitawan ko ang cellphone ko causing it to fall in the floor, gumawa ito ng ingay na nakabasag sa katahimikan.

Biglang bumagsak sa lapag sila Princess habang umiiyak si Maria. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Nicky sa cellphone nya samantalang natulala sila Kuya.

"N-no...no! my princess! She's suffering! She's in danger! W-we need to find her! We need to help her!" Umiiyak na sigaw ni Tita.

Hindi kame makagalaw sa kinalalagyan namin.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. Natatakot akong mawala sya...Natatakot akong baka mamatay sya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro