Chapter 22: Missing (2nd message)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Shiella Pov

Halos lahat kame biglang kinabahan at nataranta dahil sa napanood namin. Si Maria hanggang ngayon umiiyak pa din, sila princess medyo naka-recover na sa video'ng napanood pero si Janella hanggang ngayon tulala pa rin sya.

Nakipag-ugnayan na kame sa mga pulis para mahanap agad si Ana. Nagpatulong kame sa kanila dahil hindi namin alam kung saan maghahanap.

"Guys please mag-iingat kayo." Rinig kong sabi ni Janella.

Tumango lang kame saka nag-si-alisan na para tumulong sa paghahanap.

Halos suyurin namin ang buong lugar mahanap lang kung nasaan sya, andami na naming napuntahang bayan para lang magtanong-tanong kung may nakita silang babaeng dinala sa kung saan. Sinuyod na rin ng mga pulis ang bawat building, mga bahay, establishment na abandunado na dahil malakas ang hinala naming baka doon sya itinatago dahil base sa video mukhang abandunado ang lugar.

Nagbabakasakali kame na mahanap namin sya kahit na malabo ang lead kung saan sya dinala. Ginagawa namin lahat para lang mahanap sya kahit pa sobrang hirap at imposible.

Napahinto ako sa ginagawa ng mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binuksan. Nakita ko ang message ni Erick.

Emergency asap! Nawawala sa room nya si Jerome!

Parang gusto kong maiyak, hindi pa nga namin nahahanap si Ana, si Jerome naman ang nawawala.

Agad kameng pumunta sa hospital para malaman ang nangyare.

Pagdating doon naabutan naming umiiyak si Janella.

"Anong nangyare?" Bungad namin na halos tumakbo na makarating lang sa mismong kinatatayuan nila.

"Nawawala si Jerome!"

"Hinanap nyo na? Baka nasa paligid lang!"

"Wala...nawawala talaga sya, walang nakakita sa kanya."

"Tinanong nyo na ang mga doktor, nurse, guard o kahit janitor?!"

"Wala talaga."

Pare-parehas kameng na-frustrate sa narinig naming sagot ni Janella mula sa mga tanong namin.

"Jana..." Tawag ni Erick

"Lumayo-layo ka sakin!"

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag, hindi ko sinasadya------"

Nagulat kame ng biglang sampalin ni Janella si Erick.

"Hindi sinasadya?! Gago ka ba?! Kabilin-bilinan ko na wag nyo syang iiwan tapos nag-inarte lang si Erich nakalimutan mo na ang bilin ko! Ginagago mo ba ako?!"

"J-Jana..."

"Problema kase sayo puro sarili mo lang iniisip mo! Alam mong malaki ang problema natin dahil nawawala pa si Ana tapos nagpabaya ka! Sayo ko ibinilin kase pinagkatiwalaan kita! Tapos ganito lang ang gagawin mo? Dapat pa ba akong matuwa sayo?"

"Misis tama na." Awat ni Carlos saka inilayo kay Erick si Janella.

"Tara na Erick, ikaw na nga ang nagmalasakit tumulong ganito pa ang------aray! Bitawan mo ang buhok ko!"

Hindi namin pinigilan si Nicky ng hilahin nya ang buhok ni Erich saka nanggigigil na sinabunutan ito.

"Wala ka na ngang naitulong nanggugulo ka pa!" Sigaw ni Nicky.

"Awatin nyo si Nicky pleasee! Baka mapatay nya si Erich!" Sabi ni Janella.

Umirap kame nila Maria. Sumaltak si Andrei saka umawat at inilayo si Nicky kay Erich.

Gaganti sana si Erich ng masiko sya ni Andrei.

"Sorry." Agad syang tinulungan ni Andrei pero nauna na syang tumayo at hinila na si Erick paalis.

Nag-report kame sa pulis tungkol sa nangyare tapos ipinaalam namin sa papa ni Jerome pati sa hospital ni-report na rin namin na nawawala sya.

Halos matumba ang papa ni Jerome ng malaman ang balita.

Magkakasama naming chineck ang CCTV para malaman kung anong nangyare, hinayaan nila kameng makita yun dahil may kasama naman kameng pulis na agad dumating ng tawagan namin kanina.

Pero kahit sa CCTV bigo kameng malaman kung ano talagang nangyare at kung bakit nawala sya bigla.

Napagpasyahan naming umuwi na lang muna at hayaang ang pulis ang maghanap.

Pare-parehas kameng tahimik lang na nakaupo sa sofa ng makarating kame sa bahay nila Janella. Pare-parehas iniisip kung ano ba talagang nangyayare.

Kinabukasan halos kulang kame sa tulog, hindi din kase kame makatulog ng maayos sa tuwing pumapasok sa isip namin na dalwa na sa kaibigan namin ang nawawala at hindi pa matagpuan.

"Bunso asan na yung purple hyacinth?" Rinig naming tanong ni Jam kay Janella.

"Anong hyacinth?" Singit na tanong ni Maria

"A purple hyacinth is a popular symbol of sorrow and regret. For a funeral setting, it is a simple acknowledgement of the family’s grief toward someone they lost." Sagot ni George.

"Itinapon ko na Kuya." Sagot ni Janella.

"Nakatanggap ka ng ganun?" Kunot noong tanong ni Carlos

Tumango sya.

"May kasamang letter pa, kaya pinag-iingat ko kayong lahat. May nagbabantang pumatay sa atin." Sagot nya.

Inabot nya kay Princess yung papel at binasa naman ito ng babae. Halos magulantang na naman kame sa naririnig namin.

"Kelan pa?" Tanong ni Nicky

"Nung magtangkang magpakamatay si Jerome."

Natahimik kameng lahat.

Malinaw na kung bakit nangyayare ito.

May gustong pumatay sa aming lahat pero ang tanong sino?

Halos mapatalon kame sa gulat ng biglang tumunog ang mga cellphone namin.

"Tang-ina!" Rinig kong mura ni Kris dahil sya ang unang nakabukas ng phone nya.

Binuksan ko na din yung sa akin. Katulad ng natanggap namin kahapon, message naman sya na may kasamang picture.

He's broken too.
He even tried to killed his self by suicide.

Just like how Belle want's to be with Beast.
I let them see each other.
I was just too kind to let them before they would die.

Isn't it romantic?
Atleast they have a chance to meet again before death separate them forever.

Sa picture kitang-kita si Jerome na naka-hang sa ere habang may mga kutsilyo na naka-abang sa ilalim nya na handang sumalo sa kanya pag-nalaglag sya.

Binalot ako ng takot sa nakita ko.

Ano mang oras pwede syang ilaglag ng kung sino mag-killer.

Ano mang oras pwedeng makalag ang tali na nakatali sa kanya at pwede syang mamatay kapag nalaglag sya.

Natatakot ako para sa mga susunod na araw na lumilipas hangga't hindi namin natutuklasan kung sinong nasa likod nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro