Chapter 26: Their Secrets

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Princess Pov

Napalunok ako habang nakatingin sa patalim na nasa harapan ko. Tatlong patalim na paniguradong tatapos sa buhay ko. Isa sa ulo, isa sa leeg at isa sa puso. Paniguradong isang maling galaw tusok ako.

"Ana kaya mo pa?" Tanong ko.

Kinalampag lang nya ang salamin ng kinalalagyan nya.

"Guys kaya nyo pa ba?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Kakayanin." Rinig kong sagot nila.

"Damn! Pag-ako nakawala dito ako mismo ang papatay sa kanila!" Galit na sigaw ni Carlos.

Kanina pa yan, kahit bugbog sarado na ayaw parin paawat gusto nyang makaalis dito dahil well iniisip nya si Ms.

"Sana ayos lang si Janella." Rinig kong sabi nila Nicky

"Tang-ina ang tanga naman kase natin! Hinayaan nating maiwan sya dito sa ugok na toh!" Sigaw ni Kris na ang tinutukoy ay si Erick na tahimik sa isang tabi.

"Makawala lang ako dito pati mata mo may latay sakin." Banta ni Jam.

Nalaman na namin ang buong nangyare sa bawat isa. Sa tagal ba naman namin dito habang kaharap ang kamatayan namin na-bored na lang kame ka-iintay.

Sabay-sabay kameng napatingin sa direksyon ng pinto ng biglang bumukas iyon. Kumalat ang masakit sa matang liwanag na nanggagaling sa labas.

"Misis!" Rinig naming sigaw ni Carlos.

Nang makapag-adjust ang mata ko sa liwanag nagulat ako ng makitang parang sakong buhat-buhat ng isang lalake si Ms.

Wala syang malay hanggang sa ibaba sa silya sa mismong harap naming lahat. Itinali sya doon saka inalis ang plastic na nakatakip sa ulo nya. Nang umalis ang mga lalake at sumara ang pinto narinig namin ang pagtunog ng mga bakal.

"Wife! Wife wake up!" Sigaw ni Carlos. "Damn this chains!" Galit na sigaw nya.

"M-Ms, gising..." Halos magkakasabay na sabi namin nila Maria.

Pilit kumakawala sila Jam sa pagkakatali makalapit lang sa kanya pero hindi nila sya maabot. Naiiyak ako sa nangyayare.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang bruhilda.

"Ang saya naman ng reunion natin!" Tumatawang sabi nya.

Lumapit sya kay Ms, at binuhusan ng tubig na hawak nya ang ulo nito.

"Gumising ka na sleeping beauty nakakahiya sa mga bisita natin." Parang baliw na sabi nya.

Hayup! Sino ba toh?!

Narinig namin ang pamilyar na pag-ubo ni Ms, pati narin ang paghahabol nya ng hininga.

"Thank god." Rinig naming sabi ni Carlos.

Mukhang katulad namin nakahinga din sya ng maluwag dahil nagising na si Ms.

Biglang bumukas ang ilaw at halos masilaw ako. Nang muling makapag-adjust ang mga mata ko halos mapanganga ako sa nakita ko.

"Ikaw?!" Halos sabay-sabay na sabi namin.

Hindi makapaniwala sa nakikita.

"Oo ako! Nagugustuhan nyo ba ang nakikita nyo? Ako kase gustong gusto ko ang nakikita ko." Sabi nya.

"Tang-ina andami mong drama! Kung pinatay mo na lang ako at pinalaya mo sila edi sana tapos na toh!" Sigaw ni Ms.

"Ah no. Ayokong minamadali ang mga bagay bagay di ba? Let just take this very slowly."

Nag-angat ng tingin si Ms, dahilan para makita namin ang mukha nya may dugo sya sa gilid ng labi at sa damit, bumakas ang magkahalong gulat at pag-aalala sa mukha niya.

"G-Guys!" Tawag nya.

"Don't worry Ms, Ayos pa naman kame." Sabi ni Kris

Nagsimula na namang maiyak si Ms,

"Magpakatatag ka bes, kakayanin natin toh." Sabi ni Jerome.

"Nakakaiyak naman, masyado nyo syang nirerespeto samantalang wala naman syang kwentang tao at puro kamalasan lang ang hatid nya sa inyo hindi ba't simula ng maging kaibigan natin sya nagkanda-letche letche na ang buhay natin!" Singit ni Erich.

Oo! Si Erich ang bruhildang ansarap patayin! Sya ang may kagagawan ng lahat ng ito.

"Ikaw ang walang kwenta!" Sigaw ni Shiella

"Mabuti ng malas kesa sa demonyo!" Sigaw ni Nicky

"Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin, nasa atin ang bawat desisyon kung anong tatahakin. Hindi kasalanan ng iba kung minalas ka o may masamang nangyare sayo, ikaw mismo ang may kasalanan dahil yun ang consequences ng bawat desisyong ginawa mo." Nahihirapang sabi ni Kennedy.

"Whatever, let's play a game." Nakangising sabi nya saka kumuha ng upuan at naupo.

"Ako ang magtatanong kayo ang sasagot at sa bawat maling sagot lalapit sainyo si kamatayan at unti-unti kayong papatayin ng isa-isa." Sabi pa nya.

Napairap ako sa sinabi nya,

Matagal na akong handang mamatay, hindi ako natatakot lalo na ngayong nandito silang lahat kasama ko. Wala akong takot mamatay basta nasa tabi ko sila.

"First question." Tiningnan nya si Ms. "What is your biggest sicret?" Tanong nya.

Tiningnan nya kame isa-isa.

Kinabahan ako bigla. Hindi ito ang tamang oras para malaman nila lahat yet dahil sa demonyitang ito malalaman nila.

"Walang sagot?" Ngumisi sya. "Fine-----"

"Itinakwil ako ng daddy ko." Rinig kong sabi ni Ms.

Napasinghap ako.

"Ms, wag please, wag ngayon." Pagmamakaawa ko.

Huwag ngayon dahil hindi ko kayang makitang madurog sya sa harapan naming lahat.

"Bunso hindi mo kailangang alalahanin yun, hindi mo kailangang gawin ito, hindi mo kailangang sumagot sa mga tanong nya." Sabi ni Jam

Umiling si Ms.

"Ayos lang ako, kung ito ang magiging daan para hindi kayo mamatay ayos lang." Sabi nya

"Daming drama! Kwento na!" Sabi ni Erich.

Pumikit si Ms.

"I was too young that time, elementary days I guess? Itinakwil nya ako dahil nalaman nyang sinunog ko ang science lab kung saan may batang nadamay at namatay, anak yun ng isa sa mga business partner nya. Nagalit sya sakin at itinakwil ako, mas tumindi yun nung nalaman nyang na-rape si Kristel. He was so mad at me. Sinisisi nya ako sa lahat ng nangyare. Nag-patong patong ang mga kasalanang nagawa nyo at lahat yun ako ang sinisisi. Kasalanan ko daw lahat kung bakit nangyare yun. Ako daw ang responsable sainyo." Nagpunas sya ng mga mata.

Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko. Naikuyom ni Jam at Rio ang mga kamay nila.

Naguguluhan namang nakatingin silang lahat.

"After nya akong itakwil, pinalayas nya ako. A 9year old girl become homeless ipinadala sya sa ibang lugar para lang hindi na makita. Hindi ako magawang tulungan nila Mommy dahil pinagbabantaan sila ni Daddy."

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Winston

Ngumiti sya ng bahagya.

"Ayokong madamay kayo, ayokong maranasan nyong matulog sa kalye dahil walang mapuntahan, kumalam ang sikmura dahil isang buong araw na walang laman ang tyan. Ayokong maghirap kayo kagaya ng paghihirap ko. Sa murang edad natuto akong buhayin ang sarili ko, isang taon akong nag-sumikap mabuhay mag-isa hanggang sa isang aksidente ang kinasangkutan ko na muntik kong ikamatay, doon hindi na pumayag si Mommy at ibinalik ako sa bahay pero kahit kailan hinding hindi na babalik ang daddy ko sa dating sya."

Walang nakaimik sa amin nila Nicky.

Hindi sila makapaniwala sa narinig samantalang nadudurog ako dahil sa naranasan nya.

Tatlo lang kameng nakakaalam sa nangyare. Ako, si Jam at si Rio pero kahit isa sa amin walang nakatulong sa kanya dahil kahit kame pinagbantaan ng daddy nya.

Janella Pov

Nahihirapan akong huminga dahil sa patuloy na pag-iyak. Bumabalik na naman sa akin lahat ng alaala. Lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko.

Lahat ng pagtitiis huwag lang silang madamay. I was too young back then pero alam ko kung anong sakripisyo ang ginawa ko. Isinakripisyo ko ang kabataan ko huwag lang ang sa kanila. Inako ko lahat ng kasalanan, tinanggap ko ang sisi huwag lang sila ang mapahamak.

Sabi ko noon sa sarili ko ayos lang na ako na lang huwag lang sila. Ayos lang na ako ang mahirapan huwag lang sila dahil hindi ko kakayanin. Triple ang sakit na mararamdaman ko kapag sila ang nasaktan.

Mas nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan sila kaya kahit halos magmakaawa si Mommy na huwag kong gawin ginawa ko parin, alam ko kaseng kakayanin ko kahit ano dahil mas mamamatay ako kapag sila ang nahirapan at nasaktan.

Pumayag ako, pumayag akong ipatapon sa ibang lugar huwag lang silang ipatapon ng mga magulang nila sa impyernong lugar na yun. Napag-desisyunan kong ako na lang huwag na sila dahil natatakot ako na baka kapag ipinatapon sila sa lugar na yun hindi na sila bumalik ng buhay. Sabi ko ayos lang na ako na lang ang maghirap doon wag lang sila.

Akala ko nung una sa Pit ako ipatatapon pero sa isang bayan sa Europe ako pinadala. Doon hinayaan akong mabuhay mag-isa. Nagsumikap ako kahit pa sobrang hirap dahil sa murang edad hanggang sa na-involved ako sa isang aksidente na naging dahilan upang makabalik ako ng pilipinas.

Muntikan akong mamatay pero iniligtas ako ng isang babae, sya ang naging anghel ko nung mga panahon na iyon ngunit namatay din sya dahil sa pagsagip sa akin.

"S-sorry..." Rinig kong sabi nila.

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan sila Isa-isa.

"S-sorry kung wala kameng nagawa. Kung hinayaan ka namin. Ms, s-sorry."

Umiiyak na sila habang nakatingin sa akin.

"Wala na yun, ang importante kinaya ko." Nakangiting sabi ko.

For the very first time kahit na nadudurog ako habang naaalala yun biglang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa wakas alam na nila lahat ng paghihirap ko, lahat ng sakripisyong naging daan upang sama-sama parin kameng tumanda.

"Enough." Sabi ni Erich. Bumaling sya sa dereksyon ni Kris. "Bakit mo sinunog ang science lab?" Deretsang tanong nya.

Nagulat sila lahat, namutla si Kris.

Tumayo sa pagkakaupo si Erich at pinagalaw nya ang matutulis na bagay na nakaabang kay Kris gamit ang control na hawak nya.

"Ano? Hindi ka magsasalita?!" Sigaw ni Erich

Napapikit si Kris.

"Sorry guys but yes ako ang nagsunog sa science lab." Pag-amin nya. "Ako ang gumawa at sinet-up ko lang si Ms."

"Bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ni Kuya.

"Sorry..." Narinig kong umiiyak na sya. "Galit na galit ako nun sa kanya. Ang nasa isip ko nun sya ang pumatay sa alaga ko, sya ang may kasalanan kung bakit hindi ako makita ng mga magulang ko, sya kase ang magaling parati. Nagalit ako kase madalas akong ikumpara ng mga magulang ko sa kanya. Na kesyo mas magaling sya, na kesyo dapat ko syang tularan."

"Pero hindi sya ang pumatay sa alaga mo! Ako yun! Tang-ina mo naman Kris ei!" Sigaw ni Kristel

"Sorry...nung umalis ka Ms, dun ko lang na-realize na mali yung ginawa ko. Hindi dapat ako nagpalamon sa galit ko pero huli na, nalaman ko na lang na wala ka na sa pilipinas at hindi na babalik pa."

Muli akong ngumiti sa kanya.

"M-Ms....sorry! Sorry! Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko lalo na't gabi gabi akong binabagabag ng nangyare. Hindi lang ikaw ang pinahamak ko pati yung batang nadamay."

"Wala na yun ang importante na bigyan natin ng hustisya ang pagkamatay--------"

"Wala na yun?! Gago hindi nyo nabigyang hustisya ang pagkamatay nya!"

Maang kameng napatingin kay Erich.
Bigla syang umiyak.

"Hindi nyo nagawang bigyan ng hustisya ang sinapit ni Erich!"

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Winston

Bigla syang tumawa. "Hindi nyo alam? Hindi nyo din napansin!" Tumawa ulit sya. Ipinakita nya sa lahat ang tattoo nya sa braso.

"See this?"

Napasinghap kameng lahat.

"Hindi ako si Erich! Ako si Eracha! Ako ang kakambal nya!"

"I-ibig sabihin...." Di maituloy ni kris ang sasabihin nya.

Tumingin sya kay kris. "Ibig sabihin si Erich ang namatay sa sunog at hindi ako! Sya ang kawawang nasunog ng dahil sa kasamaan nyo!"

"P-pero ang sabi ng daddy mo ikaw ang namatay...." Naiiyak na sabi ni Ana

"Dahil ayaw nya sakin! Si Erich ang paborito nya kaya pinalabas nyang ako ang namatay at buong buhay akong nagpanggap bilang kakambal ko!"

"K-kaya si Carlos ang gusto mo di ba? Dahil ikaw si Eracha, si Eracha na mula pagkabata si Carlos na ang gusto." Napatingin sya sakin. "Si Eracha na ayaw na ayaw kay Erick dahil si Erick ang gusto ni Erich." Dugtong ko.

"P-paano----"

"Alam ko Eracha, hindi ako kasing tanga ng inaakala mo."

"Siguro nga hindi ka ganun ka-tanga pero kasalanan nyo parin kung bakit namatay sya!" Sigaw nya. Lumapit sya kay George. "Ikaw ang may kagagawan kung bakit napunta sya doon! Ikaw ang nag-utos sa kanya! Aminin mo!" Sigaw nya.

Kinagat ko ang labi ko ng saksakin nya si George, napadaing ito sa sakit.

"Oo na! Kasalanan ko na! Inutusan ko syang pumunta doon para hindi sya madamay kapag binugbog si Rio!" Sabi ni George. "Pinapunta ko sya doon dahil alam ko na once na malaman nya ang binalak ko pupuntahan nya si Rio!"

"Ikaw ang may kagagawan kung bakit muntikan akong malumpo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Rio

Marahang tumango si George. "Sorry bro. Nagselos ako ng malaman kong nagiging close na kayo ni Nicky kaya pinabugbog kita. Akala ko pag-nawala ka at bumalik sa pinanggalingan mo babalik sya sakin pero nagkamali ako."

"Taena mo talaga! Edi dapat sinabi mo agad para nagsuntukan na lang tayo! Bro muntikan mong masira ang pangarap ko!" Sabi ni Kuya Rio.

"Sorry."

"Makapagsalita akala mo walang ginawa." Singit ni Erich---I mean----Eracha. "Hindi ba't kaya naghiwalay si Winston at ang unang girlfriend ay dahil sayo Rio?"

"Anong-----" react ni Winston pero pinutol ni Rio

"Pinagsisisihan ko na yun! Winston nagkamali ako ng agawin ko sya sayo. Nagsisisi ako dahil nagpadala ako sa tukso."

Hindi nakaimik si Winston.

"Oh? Bakit natahimik ka ata. Ah! Naaalala mo ba si Amy?" Sabi ni Eracha saka lumapit sa kinalalagyan ni Ana at. Binuksan ang maliit na parang bintana sa box na yun.

"Winston si Amy na nagpakamatay ng dahil sainyong dalawa ni Rio." Ngumisi sya. "I bet hindi mo alam Ana?"

Sinamaan syang tingin ni Ana.

"Ano ngayon kung hindi ko alam? Dapat ba akong magpasalamat dahil binunyag mo?"

"Matapang ei, duwag naman." Bumaling sya kay Kristel. "Anong naaalala mo sa tuwing nakikita mo si Kristel? Ana, anong naaalala mo?"

"Tantanan mo ko Eracha."

Tumawa na naman ang babae saka may pinindot at biglang may tubig na nagsimulang mahinang umagos sa loob ng box.

"Sa pagkakaalala ko tumakbo ka palayo hindi ba?"

"Anong sinasabi mo eracha?" Tanong ni Kristel

"Hindi mo na ba maalala kristel? Hindi ba't nandoon si Ana ng ma-rape ka? Hindi ba't nandoon sya at pinanonood lang ang nangyayare at ni hindi ka man lang tinulungan."

"Ana..." Tawag ni Kristel

"Sorry Tel. Sorry,"

"Ibig sabihin nandoon ka...."

Tumango si Ana. "Andoon ako tahimik na umiiyak habang nakikitang pinahihirapan ka. Wala akong magawa kundi manahimik at magdasal na sana may iba pang makakita dahil hindi ko kaya. Naging selfish ako at tumakbo ako palayo dahil natatakot akong baka patayin nila ako."

Umiyak bigla si Kristel

Bumaling si Eracha kay Kuya Jam.

"Alam nyo ba kung bakit nabulag si Jam dati?" Tanong nya. "Dahil kay Andrei. Bakit mo nga ba pinagtakpan ang ginawa nya? Ah! Dahil kay Maria, dahil nangako syang tutulungan ka." Ngumisi sya. "Hindi ba't ikaw ang donor ni Jam, di ba Kristel? Mata ng kapatid mo ang dinonate mo ng mamatay ang ito, bakit nga ba? Ah! Naalala ko na! Dahil may gusto ka sakanya bago mo pa nagustuhan si Kennedy."

"Tumigil ka na!" Sigaw ni Maria

"Bakit ako titigil ei nasasayahan akong ibunyag lahat ng sikreto nyo?" Umaktong nag-iisip sya. "Ah naalala ko na! Hindi ba't isa ka din sa inuto ni Kennedy? Muntikan mo pa ngang ibigay ang sarili mo ei!"

"Damn, you bitch!" Sigaw ni Kennedy

"G na g? Alam ko namang kakalma ka kapag nalaman mo kung nasaan na ang long lost bestfriend mo. Hindi ba't mahal mo yun?" Bumaling sya kay Princess. "Hindi ba't ikaw yun Princess? Kaya nga hindi mo magawang ipaglaban si Kris kase katulad ni Kennedy umaasa ka pa ding makikita mo ang long lost bestfriend mo yet hindi nyo alam na malapit lang pala kayo sa isa't-isa."

"Tama na Eracha." Rinig naming sabi ni Erick na ngayon lang nagsalita.

"Wag kang mag-malinis Erick, may partisipasyon ka kaya dito." Ngumisi si Eracha. "Anong pakiramdam na malamang may ibang pamilya na ang Mommy mo? Ay wait hindi lang yun! Flash news si Jerome ang half-brother mo."

Nanlaki parehas ang mga mata ni Erick at Jerome.

"May isa pa pala Erick, naalala mo nung buhay pa si Erich? Hindi nakakarating sa kanya yung mga effort mo di ba? Kase hinaharang ni Nicky." Tiningnan nya si Nicky. "Di ba Nicky? Ayaw mo kaseng maging sila dahil isa ka din sa nagkakagusto kay Erick."

"Tapos after a month may issue'ng kumalat sa school tungkol sayo Nicky. Wanna know kung sinong may pakana? Si Jerome, dahil naiinggit sya sayo. Nasayo naman kase lahat, buong pamilya at masayang buhay kaya siniraan ka nya sa school."

"Wait." Lumapit sya kay Shiella. "May ito pa pala. Gusto nyo bang malaman kung bakit madalas parang may sariling mundo si Shiella? Hindi naman toh dahil kay Zav sadyang nagkakaroon lang sya ng sariling mundo dahil minsan hindi nya tayo naririnig."

May kinuha si Eracha sa tenga ni Shiella saka ipinakita sa amin.

"Akin na yan! Oo na! Hindi ko na kayo naririnig minsan! Dahil bingi na ako, bingi na ang magkabilang tenga ko dahil sa aksidente. Naaksidente ako ng subukan kong tulungan si George. Oo natulungan ko sya pero ang kapalit nun nawala ang pandinig ko!" Umiiyak na sigaw nya.

Tumawa si Eracha saka bumaling kay Carlos.

"Hey." Bati nya. "Alam mo bang lahat sila nagtataka kung bakit nagawa mong sumama sa tropa nila? Nagsinungaling ka kay Janella di ba? Hindi totoo na si Kristel ang dahilan kung bakit sumama ka sa kanila at nakipagkaibigan."

Nagulat ako.

N-nagsinungaling sya?

"Ang totoo dahil yun kay Shiella hindi ba?" Dumilim ang ekspresyon ni Carlos. "Naghihiganti ka sa kanya dahil sya ang sinisisi mo kung bakit namatay ang kapatid mong bunso, si Candy."

M-may bunso syang kapatid?

Matapos nyang sabihin yun lumayo sya kay Carlos at bumalik kay Andrei. "Sino nga uling gusto mong pakasalan sa mga babaeng nandito?" Lumingon sya kay Maria saka itinuro ito. "Sya hindi ba? Si Maria."

"Pake mo?"

"Ow well wala akong pake kung sya ang gusto mo to the point na nagawa mong i-savotage ang engagement party nila before." Sabi ni Eracha.

Sinubukan kong tanggalin ang tali sa kamay ko.


"Ang unfair naman siguro samin kung sikreto lang namin ang nabunyag di ba?" Nakangising sabi ko dahilan para mapatingin sya sakin. "Syempre deserve din nilang malaman ang sikreto mo, na ikaw ang pumatay sa daddy mo."

Tumalim ang mga mata nya saka lumapit sa akin.
Sinaksak nya ako ng hawak nyang kutsilyo.

Mahina akong napadaing dahil doon.

"Misis!"

"Ms!"

"Janella!"

Halos sabay-sabay na sigaw nila.

"Ginawa ko yun dahil malupit sya at ayaw nya sakin!"

"Kasing sama mo?"

"Mas masama ka parin dahil pinatay mo ang Mommy ko! Kasalanan mo kung bakit namatay sya at ang kakambal ko!"

"Magkaiba ang pinatay sa nag-ligtas."

Sinaksak nya ako ulit.

"Hindi ko sya pinatay, iniligtas nya ako at utang ko sa kanya ang buhay ko."

Ilang beses nya pa akong sinaksak pero hindi ko iniinda masyado.

Huminto sya ng mapabaling sya kay Erick.

"May naalala pala ako." Ngumisi sya saka nilingon saglit si Carlos.

"Sino ngang mahal mo Janella?" Tanong nya.

Hindi ako nakagalaw.

"Oh? Bakit ka namutla? Tinatanong lang kita ei."

"Ms, hindi mo kailangang sagutin." Rinig kong sabi ni Nicky.

"Ayt? Naghihintay si Erick oh! Gusto nyang malaman."

Tiningnan ko sya ng masama.

"Sino Janella? Sino ang iniiyakan mo noon? Sino nga yung mahal mo?"

"Misis...."

Tiningnan ko si Carlos.

"Si...." Tumango si Carlos na para bang sinasabing sabihin ko ang totoo. "....Carlos----Ahhhh!"

Napasigaw ako ng biglaan nya akong sinaksak.

"Sinungaling! Hindi sya yung iniiyakan mo noon. Hindi naman sya ang mahal mo, ginagamit mo lang sya."

"Hindi ko sya ginagamit!"

"Edi ano? Nilalandi lang?"

"Misis...." Rinig kong tawag nya. "Sige na....sabihin mo na."

Umiling ako saka umiyak.

"H-Hindi ko kaya!"

"Kelan mo kakayanin?" Umubo sya. "Gusto mo ng makalimot di ba? Gusto mo ng mag-move on di ba?"

"Pero.....hindi ko kaya...ayokong makasakit o masaktan."

"Ayos lang ako..." Ngumiti sya. "I still and I will love you whatever might happen in the end."

Umiling ako ng paulit-ulit. "H-hindi ko kaya...a-ayoko na..."

"Nandito lang ako Misis...Aminin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Huwag kang matakot nasa tabi mo ko."

Tiningnan ko sila Kuya at lahat sila tumango at ngumiti sa akin.

"Palayain mo na ang nararamdaman mo Ms." Rinig kong sabi ni Andrei

"Pagkatapos nito iniintay ka parin ni Pareng Carlos." Sabi ni Kuya.

"Kaya nya yan. Nakaya nya ngang mag-I love you sakin." Sabi ni Carlos.

Nagulat silang lahat.

Ibang klase din mag-palakas ng loob toh ei noh. Ibinubulgar ang sikreto ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Bumuntong hininga ako saka nagmulat at diretsong tumingin kay Erick.

"Fine! Gusto mong malaman? Oo minahal kita. Minsan kitang minahal hanggang sa sobra na ang sakit at napagod na lang ako kaya nagkaganito tayo. Hindi kita sinisisi kase kasalanan ko naman ito....I shouldn't love you more than what we have. You are once my 'Drew' in the song 'Teardrops on my guitar.' You are once the guy I've pertaining when I sing the song 'You belong with me.' but in the end of this, You will never be my 'Sun' in the song 'Your Love.' cause you will never be the Love I will have in the end."

Huminga ako ng malalim.

"You are once my life but never been my whole world. Minahal kita to the point na handa akong masaktan basta't masaya ka lang pero hindi pala tamang hayaan kang saktan ako habang masaya ka sa iba. Hindi tama na nagpapakatanga ako sa isang taong never nakita ang halaga ko. Ang halaga ko bilang babaeng laging nasa tabi mo at hindi ang halaga ng isang kaibigang pwede mong takbuhan sa tuwing kailangan mo. Sorry sa lahat ng magulong desisyong nagawa ko. Sorry kung nagagalit ako sayo. Sorry kung hindi ko kayang tulungan ka na magkatuluyan kayo. Hindi ko kayang budburan ng asin ang masakit na sugat na mayroon ang puso ko. Kaya kong makitang masaya ka sa kanya pero hindi ko kayang gumawa ng paraan para sumaya ka sa piling nya."

Ngumiti ako.

"Paglabas natin kung sakali mang mabubuhay tayo. Huwag kang hihingi ng tawad. Ayokong maramdamang nag-so-sorry ka dahil pakiramdam ko kinakaawaan mo ko. Hayaan mo nasa proseso na ako ng paglimot sa nararamdaman ko sayo dahil alam ko na ang halaga ko."

Gumuhit ang magkahalong sakit at lungkot sa mukha nya.

"Drama Queen." Komento ni Eracha. "Anyway magdrama kayo kahit kelan nyo gusto mamamatay din naman kayo." Sabi nya saka pinindot yung control na hawak nya at tumalikod.

Agad kong kinuha ang mga aspili na nasa suot kong heels at ihinagis sa kanya. Agad akong tumayo ng sumapul lahat yun sa kanya at matumba sya sa lapag.

"Insan hanggang kelan tatalab toh!?" Sigaw ko.

"Hindi ko alam!" Sigaw ni Kuya Rio

"Hindi ikaw! Si Ana!"

Kinuha ko yung control at agad pinindot yun kaso di huminto.

"Tang-ina! Pano toh!"

"Insan akin na!" Sigaw ni Ana na hanggang leeg na ang tubig sa loob ng glass box.

Lumapit ako sa kanya at ibinigay yun.

"Alam ko toh nakita ko kung pano nya ginamit kanina!"

"Bilisan nyo! Dumidilim na ang paningin ko!" Sigaw ni Kennedy

"Ito na! Huwag kayong nagmamadali natataranta ako!" Sigaw ni Ana na nasa baba na ang tubig.

"Bilisan nyo malapit na sa lalamunan ko itong hayup na kutsilyong ito!" Sigaw ni Princess.

Kinuha ko yung mga susi kay Eracha.

"Tang-ina antagal! Mamamatay tayo nito!" Sigaw ni Andrei

"Tang-ina mo din ito na nga ei!" Sigaw pabalik ni Ana

"Hoy! nagmumurahan kayo dyan yung isa nga dito may bomba sa katawan pero chill lang ei!" Sigaw ni Kuya Rio.

Agad akong lumingon.

"Sino?!" Sigaw ko.

"Itong asawa mo!"

"Tang-ina ulit!" Sigaw ko.

Tawanan sila.

Kinalampag ni Ana ang salamin kaya napatingin ako sa kanya. Sumenyas sya ng okey.

Tumango ako saka sinenyasan sya na pumunta sa dulo ng box. Bumuwelo ako at sinipa yung salamin. Sinalubong ako ng malakas na agos ng tubig muntik pa akong mabuwal.

Agad lumabas si Ana at lumapit.

"Ayos ka lang?"

Tumango sya.

"Thank god!" Sigaw nila.

"Unahin mo na si Carlos bilis baka sumabog tayo dito!" Sigaw nila.

Agad akong sumunod. Palapit na ako sa kanya ng lumiko ako kay Kuya Rio.

"Anong ginagawa mo Ms!?" Tanong nila.

"Ei alangan namang tumunganga ako sa harap nya! Saglit lang!"

Nang mapakawalan ko na si Kuya Rio mula sa pagkakagapos. Ibinigay ko sa kanya yung kutsilyo.

"Ako ng bahala." Sabi nya saka lumapit kay Carlos.

"Ayusin mo Kuya, marami pang pangakong tutuparin yan. Hindi pa ko kasal dyan!" Sigaw ko habang pinapakawalan sila Andrei.

"Ayieeeeee!"

Tumawa lang si Carlos.

"Si Kennedy guys bilis!"

Lumapit kame kay Kennedy at inakyat ko yung pader para maabot ko ang paa nyang nakatali.

"Saluhin nyo ah! Pag-di nyo yan sinalo ako papatay sa inyo!"

"Oo na!"

Nang ma-susi-an ko na. Agad nilang sinalo si Kennedy ng mahulog ito. Bumaba ako sa pader at tulong tulong naming pinakawalan sila Maria.

Naiyak ako ng makita ang itsura ni Nicky.

"Janella, babalik din yan." Sabi nya.

Lumapit kame kanila Kuya Rio.

"Anuena kuya?!" Bungad ko.

"Kalma lang." Sabi ni Kuya Rio na akala mo nag-po-focus.

Tinanggal ko na yung bakal na nakagapos sa mga kamay at paa nya.

"Rio. 1minute and 50seconds na lang! Bilisan mo na!"

"Oh sige bahala na, puputulin ko na kahit ano basta walang sisihan pagsumabog tayo!"

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko saka hinalikan ang noo ko.

"Tantanan nyo nga yan na-di-distract ako!" Reklamo ni Kuya Rio

"Mamaya ka na mag-bitter dyan!" Sabi ni Nicky na binatukan pa sya.

Nang mag-50 seconds napapikit ako.

Natatakot ako.

"Hay salamat!" Rinig kong sabi nila.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong inaalis na nila yung bomba.

Lumabo ang mga mata ko at naiyak na naman ako habang nakatingin sa kanila.

"Group hug nga!" Sigaw nila saka dinumog ako.

Matapos yun agad kameng lumabas ng silid na iyon at inintay dumating ang mga pulis.

Mahigit trenta minutos din ang lumipas bago dumating ang mga pulis sa pangunguna ng tito ni Andrei. Sya na ang tinawagan ni Andrei kanina para sa nangyare dahil gusto naming makasiguradong hindi na mauulit pa ito.

Isinugod kame sa hospital. Lalo na ako na puro saksak. Taka nga ako sa sarili ko kase hindi ko maramdaman yung sakit samantalang ramdam ko naman kanina.

Bago ako ipasok sa emergency room sinigurado kong gagamutin silang lahat dahil lahat kame may mga sugat at physical injury.

Nang maipasok ako sa loob ng emergency room ipinikit ko na ang mga mata ko.

Thank god safe ang mga kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro