Chapter 27: After What Happened

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

One year after.....

Naging maayos na ulit kameng lahat. Matapos ng pinagdaanan namin last year mas lalong naging solid ang pagkakaibigan namin although hindi na namin muling napag-usapan ang tungkol sa nangyare at sa mga nabunyag na sikreto basta bigla na lang parang naging taboo na lahat umiiwas na pag-usapan ang tungkol doon at basta na lang nag-stick sa kung anong meron kameng lahat bago ang nangyare.

After naming maisugod nun sa hospital lumipas ang one week at isa-isa na silang nagpaalam.

Si Kristel at Kennedy magkasamang lumipad papuntang Europe.
Si Ana at Jerome ayos na din sila pero si Ana at Kuya Rio ang magkasamang umuwi ng US para magbakasyon.
Si Princess mukhang hindi naman na-trauma araw-araw akong ginugulo ei ganun din si Kris.
Si Winston ayun nag-fly away papuntang france kasama si Barbie.
Si Kuya tambay sa bahay samantalang si Maria nasa cebu.
Si Nicky nasa mindanao charrot, malay ko basta nagpaalam na aalis din pero di sinabi kung saan pupunta.
Si Shiella umuwi ng bicol samantalang si Andrei nasa korea umuwi sa mga magulang nya.
Si Erick nasa baguio.

Samantalang si Carlos ayun kina-career ang pagiging businessman. One month matapos yung nangyare nagpaalam sya na pupuntang Australia for business kasama nya si Papa tapos ng bumalik nagulat ako na kinausap nya si Mommy. Asking kung pwedeng tumira kame dun sa dream house na ni-regalo nya. As in parang live-in ganun! Jusko ke-bata-bata ko pa eii! Nagulantang na lang ako ng isang araw pumayag si Mommy at pinag-eempake na ako kahit si Mama ganun din itinutulak na akong sumama sa anak nya.

Sabi nila para daw mas maka-recover ako sa nangyare pero if I know kaya ako pinaaalis ni Mommy sa bahay yun ay dahil dumating si Daddy. Samantalang si Mama for sure pinags-ship na naman kame ni Carlos.

Kaya ito. Isang taon na din akong nakatira sa isang bahay kasama sya.

Bahay--school lang ako samantalang sya bahay--school--company----trabaho.

He's starting to build his own company. Halos sumubsob na nga sya sa pag-aaral tapos may trabaho pa sya at hindi lang isang trabaho kundi tatlo, as in kayod kalabaw ang lalake. Ayaw nya kaseng humingi ng tulong sa mga magulang nya gusto nya paghihirapan nya. Wag ka ang talino nya infairness! Within one year malapit na nyang ma-achieve yung pangarap nyang company pero kahit ganun hindi sya nawalan ng oras sakin. Minsan nga napapaisip ako kung totoo bang busy sya kase may mga time na kung tumambay sa bahay parang wala syang trabaho but then nung unti unting nag-bunga ang pag-sisipag nya naisip kong totoo nga.

Samantalang ako ito butihin----ay mali----maingay slash magulong may bahay nya. Wala akong ibang ginawa kundi mag-aral at mag-asikaso dito sa bahay.

Nung bumalik nga silang lahat abot-abot na panunukso ang natanggap ko ng malaman nila lahat ng nangyare within one year.

Inaasar pa nga nila ako na baka daw may anak na kame dahil nga sa set up namin pero I highly assured them na wala. Kahit gustuhin nya hindi pa pwede. Una hindi pa kame kasal, Pangalawa di pa stable ang buhay namin, Pangatlo bata pa kame, Pang-apat baka ibigti sya ni Papa nya pag-nagkataong may nangyare. Atsaka hindi pa kame ready sa ganun dahil nag-aaral pa kame.

"Misis?"

"Po?"

Lumabas ako ng kusina at naabutan ko syang nakatayo sa may pintuan ng bahay. Nang makita nya ako agad syang lumapit sa akin. Inilapag ko sa mesa ang tray at tiningnan sya.

"Bakit?"

Umiling sya saka ngumiti at yumakap sa akin.

"I miss you."

Natawa ako.

"Miss ka dyan, ilang oras lang tayong di nagkita ah!"

"Wala ei, na-mi-miss kita pag-di kita nakikita."

"Asus! Is this what you called 'nanlalambing dahil may kasalanan'?"

Tiningnan nya ako.

"Sorry."

"Sabi na ei. Anyare ba?"

Sumimangot sya.

"Someone tried to seduce me."

"Oh? Tapos? Pinatulan mo?"

Umiling sya saka sumubsob sa balikat ko.

"Muntikan----"

"Muntikang may mangyare?"

"Hindi, muntikan akong bumigay pero nung maisip kita, nung maalala kong committed na ako sayo lumayo ako. Sorry, natukso ako."

"Wala yun. Ayos lang. Lalake ka you have your needs na hindi ko kayang ibigay kaya natural lang yun."

"No...no..." Humigpit ang yakap nya. "No..I don't need it, all I need is you. Tandaan mong hindi importante ang bagay na yun, makakapag-intay yun hanggang sa tamang panahon. Ang importante ikaw...ikaw lang."

Napabuntong hininga ako kaya nag-angat sya at tiningnan ako.

"Sa susunod ipikit mo ang mga mata mo. Alalahanin mong dapat kang matakot sa diyos pero mas matakot ka sakin dahil hayup na yan pag-ako nanggigil sa labas ka ng bahay matutulog!"

Tumango-tango sya. "Noted."

Umirap ako. "Kung bakit ba naman kase ke-gwapo ei ayan tuloy maraming nagkakadarapa."

Nag-pogi sign sya saka tumawa.

"I love you." Sabi nya saka nag-lean palapit sa akin.

"I love you more."

Inilapat nya ang labi nya sa labi ko saka hinalikan ako. Humawak ako sa balikat nya, kinabig nya ako palapit saka niyakap.

Ito na naman kame.

Nang bumitaw sya yumuko ako para habulin ang hininga ko.

"Sige na magbihis ka na sa kwarto. Kakain na tayo pagbaba mo."

Tumango sya saka kinurot ang pisngi ko dahilan para mapasimangot ako. Humiwalay na ako at umakyat na sya sa taas.

Naupo ako sa sofa at binuksan ang T.v saka tahimik na nanood.

He's always like that.

Kapag may kasalanan syang nagawa(kahit pa nga minsan hindi naman kasalanan basta pakiramdam nya may kasalanan sya sakin or kasalanan sa akin ang ginawa nya) yayakapin nya ako tapos sisimulan nya sa sorry tapos ikukwento nya kung anong nangyare.

Iniiwasan kong magalit minsan pero madalas di ko mapigilan kahit pa wala naman kameng malinaw na label. Basta yun na yun nag-committ na lang sya sakin bigla then wala ng limitation sa feelings.

One time ang nagger ko. Gusto ko ganito ganyan, gusto ko gawin nya yung ganito, yung ganyan. Dapat ganito kame, dapat ganyan. Hindi sya nagalit tumawa at ngumiti lang sya tapos sinuyo ako. Sinunod nya ko.

Tapos One time sobrang clingy naman nya. Laging nakayakap sakin, laging nakahawak sakin kahit na nasa public place at kung ano-ano pa, basta super clingy nya that time. Hinayaan ko lang hindi ako nagreklamo kahit pa hindi ko trip na super clingy nya kahit sa public. Hinayaan ko lang sya kase dun sya masaya kahit minsan ka-badtrip na kase ang init tapos trip nyang manyakap.

Hanggang sa ng tumagal na sanay na lang ako sa kanya at pinabayaan na lang sya.

"Anong iniisip mo?" Tanong nya saka humalik sa pisngi ko.

Umiling ako. "Wala, naisip ko lang bakit yung paa natin may daliri samantalang yung mukha wala, di ba may taong mukhang paa?"

Natawa sya kahit di naman nakakatawa yung sagot ko.

"Nababaliw ka na naman." Sabi nya saka sumandal sa sandalan at hinila ako palapit sa kanya saka ipinulupot ang braso nya sa bewang ko.

"Kain na nga lang tayo. Gutom lang toh."

Kinuha ko yung nakalagay sa tray. Salo kameng kumakain everytime na sabay kameng kakain, hindi pwedeng hindi.

"Dinalaw ka ba nila Nicky?"

Umiling ako saka tiningnan sya.

"Bakit? Pupunta sila dito?"

Tumango siya. "Kakamustahin ka daw nila."

"Wala namang dumating."

"Kinontak ako nila Jam, hinihingi address natin."

"Binigay mo?"

Umiling sya.

"Bakit hindi?"

Umangat ang sulok ng labi nya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Did you just.....omyghad! Ang sama mo sa kanila!"

Tumawa sya saka sumubsob sa likod ko.

"Hayaan mo sila, kung talagang gusto ka nilang makita kahit mali pang-address ang ibigay ko mahahanap at mahahanap ka nila."

"Asus! Ang sabihin mo pinag-ti-tripan mo na naman sila."

Tumayo na ako sa pagkakaupo, natumba sya sa sofa.
Sinimangutan nya ako pero nginitian ko lang sya saka ko binitbit yung pinagkainan sa kusina.

Nang matapos ako magligpit at maghugas bumalik ako sa sala dala ang isang bowl ng chips at isang mansanas na kinakain ko. Naabutan kong tulog na sya habang nakahiga sa sofa.

Naupo ako sa lapag at nanood na lang ng tv.

Maya-maya naramdaman kong niyakap nya ako tapos isiniksik nya ang mukha nya sa may leeg ko.

"Umakyat ka na sa kwarto para makatulog ka na ng maayos."

"Later."

Hanggang sa nakatulog na naman sya habang nakasiksik sa akin.

"Seryoso na carlos umakyat ka na sa taas."

Bumitaw sya sa pagkakayakap. Tumayo ako at inilagay sa ref yung natira sa kinakain ko saka ako uminom ng tubig at bumalik sa sala para patayin yung tv.

"Akyat na sa taas."

Bumangon sya sa pagkakahiga at naglakad paakyat sa taas. Sumunod naman ako.

Pagdating sa kwarto nag-dive agad sya sa kama.

Pumasok ako sa banyo para gawin ang routine ko bago matulog. Paglabas ko pinatay ko na ang ilaw at binuhay ang lampshade saka sumampa sa kama at inayos ang unan ko. Pagka-higa ko lumapit sya sakin saka yumakap sa bewang ko.

"Goodnight Misis."

"Goodnight."

Ngumiti sya. Ipinikit ko na ang mata ko at natulog na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro