Chapter 28: The Deal

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Kinabukasan nagising ako dahil nararamdaman ko ang malalim na paghinga nya. Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakayakap sya sakin. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang buhok nya, lumapit sya ng husto at isiniksik ang mukha sa leeg ko. Gamit ang mga daliri ko sinuklay ko ang magulo nyang buhok.

"Mister." Tawag ko.

"Po?"

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Day-off." Tamad na tamad na sagot nya.

Oo nga pala bukod sa linggo na wala silang pasok may isang araw na day-off sya every week.

"Labas tayo later?" Rinig kong tanong nya.

"Wag na. Kailangan mong magpahinga."

Humiwalay sya sakin at tiningnan ako.

"Sigurado ka?"

Ngumiti ako saka tumango.

"Kailangan mo ng tulog."

"Napaka-understanding naman ng Misis ko."

"Naman!"

Yumakap ako sa kanya.

"Atsaka mas maganda nga yung dito lang sa bahay. Makakatipid tayo kase hindi natin kailangang gumastos tapos di pa tayo mapapagod."

"Yayaman talaga tayo nyan." Natatawang sabi nya.

Humiwalay ako at tiningnan sya.

"Kailangan nating magtipid. Kailangan nating mag-ipon atsaka andami nating gastusin."

"Opo." Pinisil nya ang pisngi ko. "Why does it feels like we already have a big family na kailangan kong kumayod ng husto?"

"Masanay ka na, gusto mo ng marami di ba?"

Tumawa sya. "Yeah pero hindi ako sang-ayon na hindi tayo mapapagod." Ngumisi sya. "Kung gusto mo naman pwede kitang pagurin." Sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas ko sya ng unan.

"Aga-aga may lumot na agad ang utak mo!"

Hinawakan nya ang braso ko para pigilan ang paghampas ko sa kanya saka sya tumawa.

"Ikaw ah, iba ang iniisip mo." Tukso nya.

"Siraulo."

Pumiksi ako sa pagkakahawak nya at bumangon akmang aalis na ako ng kama ng hilahin nya ako pabalik.

"Maaga pa misis, may isang buong araw tayo para maglambingan, chill ka lang."

"Ang landi mo!"

"Ikaw lang naman nilalandi ko."

"Asus!"

Matapos nun bumangon na kame at nag-asikaso na para mag-almusal.

"Misis bilisan mo na magsisimula na yung pinanonood mong cartoons!" Sigaw nya mula sa sala.

"Oo na ito na." Lumabas ako ng kusina bitbit ang niluto kong almusalan. "Makapagmadali ka di ka nga nagalaw dyan."

Ngumiti sya saka tinap yung tabi nya. Inilapag ko ang tray sa mesa.

Sumandal sya sa kamay ng sofa habang nakaharap sa akin. Nasa likod ko ang isang binti nya samantalang ang isa nakadantay sa binti ko habang nasa pagitan ako ng mga binti nya nakaupo.

Tahimik lang kameng nanood ng paborito kong palabas.

"Misis masakit yan wag mong bunutin." Saway nya.

"Ay sorry!" Binitawan ko ang balahibo nya sa binti.

Nakatagilid akong sumandal sa kanya. Nakaharap ako sa tv. Iniyakap nya ang mga braso nya sa akin saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Anong gagawin natin buong araw?" Rinig kong tanong nya.

Nagkibit-balikat ako. "Matutulog."

"Wala bang naka-schedule dyan ng paggawa ng baby?"

"Wala! Behave lang tayo."

"Joke lang."

"Tch."

Pipikit na sana ako ng may kumalabog sa pinto. Parehas kameng napalingon doon. Nasundan ang kalabog ng malalakas na katok na akala mo gusto ng gibain ang pintuan ng bahay.

Sumaltak sya saka tumayo at lumapit doon. Nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa kanya. Binuksan nya ang pinto saka badtrip na nagsalita.

"Gigibain nyo ba ang bahay namin?!" Bungad nya agad pero nakatanggap sya ng napakaraming hampas at batok.

"Ikaw pa galit samantalang kame yung pinagtripan mo!" Sigaw sa kanya ni Nicky.

Naiiling na lang akong nakatingin sa kanila.

"Ms!" Sigaw ni Kris saka akmang tatakbo na sana palapit sa akin ng bigla syang harangin ni Carlos.

"Subukan mo." Nananakot na sabi nya.

Sumimangot si Kris saka tiningnan ako.

"Kung bakit ka ba naman kase nag-asawa ng maaga ei! Hindi na tuloy ako makayakap!" Sabi ni Kris.

Tumawa lang ako. Hinawakan nila Kuya Jam at Kuya Rio si Carlos saka tumakbo palapit sakin sila Kris, agad akong tumayo at umiwas ng akmang yayakapin nila ako.

"What the----Ms! Ba't ka umiiwas?!" Angil nila.

Itinuro ko si Carlos na ansama na ng tingin.
Saka ko itinaas ang mga kamay ko.

"Seloso ho ang asawa ko, isa akong mabuting may bahay at ayoko ng away." Natatawang sabi ko.

Imbis sumimangot tumawa silang lahat dahilan para maramdaman kong nag-init ang mukha ko.

Ba't ko ba kase sinabi yun?

"Ayieeeee!"

Mabilis akong tumalikod at pumunta sa kusina para hindi nila ako asarin ng asarin. Ansarap tuloy iuntog ng ulo ko sa pader.

"Naku self! Inaamag na naman ba utak mo? Nababaliw ka na naman ba? Hah? Jusko gumagawa ka na naman ng sarili mong katangahan!" Sermon ko sa sarili ko saka sinampal sampal ang magkabilang pisngi ko ng magising naman ako sa katotohanan.

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka lumapit sa ref at nagtingin ng pwedeng lutuin saka nagsimulang magluto.

"Ayan kase self masyado kang inlove kaya pati sarili mo inilalaglag mo. Sa sobrang tanga mo kulang na lang aminin mong mahal mo na sya-------ay sheeet!"

Huminto ako sa paghihiwa ng madamay ang daliri ko----wait----Did I just say that I'm inlove?! Omyghad!

Sinabi ko bang mahal ko na sya?

Sinabi ko ba?! Halaaaaaaa!

"Hoy gaga dumudugo na ang daliri mo! Wala ka bang balak gamutin man lang yan?"

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Maria saka ako napatingin sa daliri ko. Nang ma-realize ko na dumudugo nga agad agad ko iyong ginamot.

Pero hindi yun yung concern ko. Oo masakit yung pagkakahiwa ko sa sarili kong daliri pero mas napapaisip ako sa realization ko.

"Narinig mo?" Tanong ko sa kanya.

"Alin? Yung pag-amin mo sa sarili mong mahal mo na si Carlos?"

Tumango ako ng paulit-ulit.

"Narinig ko."

Napasimangot ako saka tuluyang inuntog sa pader ang ulo ko.

"Ayos lang yan atleast hindi na si Erick."

"Hindi yun yung problema!"

"Ei ano?"

"Hindi ako sigurado kung talaga bang mahal ko na sya kase hindi pa nga ako sigurado kung naka-move-on na ako."

"Believe me naka-move-on ka na."

"Ei?"

"Hindi ka naman kase magmamahal ng iba kung hindi ka pa naka-move-on."

"Pero what if hindi naman pala more than friends yung nararamdaman ko at kaya lang pakiramdam ko na mahal ko na kase ayokong mawala."

"Figure it out. Know the difference between you need and you love."

Napabuntong hininga ako saka itinuloy ang ginagawa ko.

"Pero atleast wala ka ng problema kay Erick cause in all seriousness hindi namin sya gusto para sayo."

"Halata naman."

"Si Erick kase pang-bestfriend lang talaga sya lalo na sayo. Siguro sa ibang babae jowable sya pero pagdating sayo hindi ei."

Tumango ako.

"Honestly? Kahit na minahal ko sya hindi ko ma-imagine'ng maging kame or yung para bang i-imagine-nin mo na sana naging kayo." Umiling ako. "Kahit na minahal ko sya hindi ko gustong maging jowa sya or kahit asawa."

"May ganung feels?" Natatawang tanong nya.

Tumango ako. "Yung pakiramdam na gusto mo yung tao pero ayaw mong maging kayo, pakiramdam ko nga if ever naging mutual dati yung feelings namin at lumampas sa zone tapos pag-nanligaw sya ba-busted-din ko ei."

"Kahit matagal mong pinangarap na mahalin ka rin nya?"

"Yeah. Ewan di ko talaga feel."

"Ei si Carlos?"

Napahinto ako sa pagsasalin ng pagkain.

"Baliktad."

Nanlaki ang mga mata nya. "You mean----omyghad!"

Ngumiti ako. "Ewan basta parang ang bilis ko lang natanggap na committed na ko sa kanya kahit nung simula wala naman akong nararamdaman sa kanya." Inayos ko ang singsing na suot ko. "Feels like kahit walang label willing akong sumugal."

"Ay jusko!" Tumawa sya. "Iba na talaga yan."

Napailing iling na lang ako.

"Tara na nga." Aya ko.

Binitbit ko yung tray ng pagkain tapos sya nagbitbit ng tray ng drinks saka kame lumabas ng kusina. Parehas kameng napahinto ng wala kameng maabutan sa sala. Ibinaba namin sa mesa ang mga bitbit namin tapos naglakad kame palabas ng bahay. Habang palapit kame naririnig namin ang boses nila. Ang ingay parang may nagsasabong.

Nang makalapit kame halos mapanganga ako sa nakita ko.

Si Carlos at Erick nagsusuntukan.

"Bakit hindi nyo inaawat?!" Bungad ko.

Hinawakan ako ni Kuya Rio at Kuya Jam

"Hayaan mo lang sila, gusto nila yan ei." Sabi ni Kuya Rio

"Basta yung mga pusta nyo ah? Ang matalo magpapainom!" Sigaw ni Kuya Jam

Batukan ko nga.

"Ano ba kaseng nangyayare?"

"Basta." Sagot nila.

Kahit ayaw ko sa nangyayare wala akong magawa kundi tumayo at manood sa kanila.

Nakasimangot akong naupo habang nakatingin sa kanila naiirita ako sa nakikita ko.

"Misis." Rinig kong tawag nya.

"Ba't?"

Umiling lang sya saka umiwas sa suntok ni Erick.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka magrereklamo mamaya pag-sumakit ang katawan mo, ginusto mo yan panindigan mo kung ayaw mong sa labas ka ng kwarto matulog!" Angil ko.

Tumango naman sya.

Hanggang sa nag-aya na lang sila Ana na pumasok sa loob dahil hindi pa din natatapos yung dalawa. Iwas na iwas nga sila kanina na matamaan ako habang nagsusuntukan sila kase nakaupo na ako sa lapag sa sobrang bored.

"Bakit ba kase nagsusuntukan yung dalwa?"

"Hindi nga pwedeng sabihin." Sagot ni Nicky

"Basta si Carlos na lang ang tanungin mo pagkatapos nila."

Napa-face palm na lang ako.

After siguro ng ilang oras (Oo inabot sila ng ilang oras dahil wala ni isang nagpapatalo sa kanila.) Bumalik kame kung asan sila at naabutan naming parehas silang nakahiga na sa lapag.

"Bumangon nga kayo dyan!"

"Sinong natalo?" Tanong ni Kuya Jam

"Tabla." Sagot ni Erick

"Gago wala kayong maloloko dito, sino unang tumumba?" Tanong ni Kuya Rio

"Wala nga! Sabay kameng tumumba!" Inis na sagot ni Carlos

"Asus! Dahil tabla ang laban parehas kayong magpapainom!" Sabi ni Kris

"Walang mag-iinom! Tumayo na nga kayong dalwa!"

Nahihirapan mang bumangon ginawa pa din nila. Pagka-tayo ni Carlos agad ko syang hinila papasok sa bahay.

"Uy Ms, may naiwan pang isa dito di mo hinila!" Rinig kong sigaw ni Princess

"Asikasuhin nyo!"

Huminto ako sa paghila sa kanya saka pinaupo sya sa stool, kinuha ko yung first aid kit at Ice bag saka naupo sa stool sa harapan nya.

"Ano ba kase talagang problema at nakipagsuntukan ka sa kanya?"

Pinahawak ko sa kanya yung Ice bag habang nakadikit sa pasa nya. Sinimulan ko ng gamutin yung mga sugat nya.

"Tingnan mo nagka-sugat------"

"Gusto ka nyang makausap." Putol nya sa sinasabi ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Dahil dun nagsuntukan kayo?"

"Halfway."

"What do you mean?"

"I just test him."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ayusin mo nga ang pagkukwento mo."

Napabuntong hininga sya.

Lumipat ako sa counter at naupo doon. Humarap naman sya sakin.

"Tinanong nya ako kanina kung pwede ka bang kausapin."

"He did?"

"Yeah at nagtataka ako kung bakit."

"Alam nya kaseng magseselos ka."

"Sinabihan mo?"

"Hindi ah! Sadyang alam lang nila." Kinuha ko yung betadine at bulak. "Then?"

"Hinamon ko sya ng suntukan."

"What the! Ba't mo ginawa yun?"

"Wala ei pumasok bigla sa isip ko." Idiniin ko sa sugat nya yung bulak na may betadine. "Aray!"

"Seryoso kase!"

"Siguro kase naisip ko yun yung chance para saktan ko sya dahil sinaktan ka nya and also para ilabas lahat ng inis ko sa kanya, lahat ng pagseselos. Pero hindi talaga yun yun, Ginawa ko yung para i-test kung kaya ba nyang gawin lahat para sayo."

"Then? Anong nalaman mo?"

"Nalaman ko na Oo. Ngayon na sagot na yung ini-emote mo dati. May halaga ka sa kanya."

"Carlos...." Tiningnan ko sya. "Hindi ka ba nasasaktan?"

"Hindi naman mahalaga, ayos lang ako."

Tiningnan ko ng maigi ang mga mata nya.

"Pero hindi yun yung nakikita ko. Your eye's say it all. You're in pain."

"But it doesn't important----"

"It is." Kumunot ang noo nya. Bumaling ako sa sugat nya at pinagpatuloy ang paggagamot. "Can you promise me?"

"Alin?"

"Promise me you wouldn't do such thing that might leaving you in pain. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na yan, kung ayaw mo huwag mo ng gawin. Kung hindi mo kaya dahil nasasaktan ka then leave it. You don't have to pretend that you are fine when actually not. Huwag mong budburan ng asin ang puso mong matagal ng nasasaktan. You doesn't deserve it."

"Even if that such thing will make you happy?"

"Hindi healthy ang relasyon kung isa lang ang masaya."

"But I love you and I'm willing to sacrifice the last pieces of my shattered heart just to see you happy."

"Tinanong mo na ba ako kung masaya ba talaga ako?"

Natahimik sya.

"According to Albert Einstein If you want to live a happy life, tie it to a goal, not to people or objects." nilagyan ko ng band aid ang sugat nya. "Atsaka kaya kong sumaya kahit hindi dahil sa kanya kahit mag-isa lang ako. Bakit hindi mo ba kaya at kailangang sya pa?"

"Misis..."

"Sabi mo willing kang mag-sacrifice bakit i-le-let go mo na ako?" Taas kilay na tanong ko. "Iiwan mo ko?"

"That's n-not what I mean!"

"Yun naman pala ei. Iniisip mo bang hindi mo kaya at sya lang ang makakagawa? Ni minsan ba hindi pumasok dyan sa kokote mo na hindi mo kailangang magsakripisyo at masaktan dahil kaya mo namang pasayahin ako? Ni minsan ba hindi mo naisip kung masaya ka ba? Always remember na in order to work out a one relationship kailangan pareho kayong masaya at lumalaban."

"Sorry...."

Ngumiti ako saka pinunasan ang gilid ng mata nya, bigla naman syang namula.

"I love you, so please utang na lamang loob tantanan mo na yan. Don't ever think na hindi mo kaya dahil kaya mo. Ako nga kapal ng mukha ko ei, hindi kita deserve pero ito ako, andito ako ginagawa ang lahat para maging deserving sayo." Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Nag-lean ako at inilapit ang mukha ko sa kanya. "Don't ever think that you aren't enough dahil hindi mo alam, you are more than the word enough."

Humawak ako sa balikat nya saka hinalikan sya at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong ngumiti sya between our kisses. Ipinulupot nya sa bewang ko ang mga braso nya saka binuhat ako at pinaupo sa lap nya, humiwalay agad ako.

"Uy! Limit pre!"

Tumawa sya. "I know."

Hinubad nya yung shirt nya, Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Wife open your eyes, kung makapikit ka akala mo hindi mo pa nakita toh ng maraming beses."

"Alam mo yung panira? Ikaw yun! Nag-f-feeling nga lang ei!"

Iminulat ko ang mata ko.
Humagalpak sya ng tawa naubo pa sya ng sumeryoso sya.
Isinuot nya sakin yung shirt nya.

"Anong----"

"Wear it, na-eexpose na naman yang pader mo."

"Aba! Excuse me! Hindi toh pader! Kapal mo naman!"

"Just kidding, pero in all seriousness misis. Pwede kang magsuot ng maiiksing damit or even two piece pero pwede ding wala sa harap ko------"

"Isip mo na naman!"

"Isip ko ikaw lang ang laman, but anyway katulad ng sabi ko pwede kang magsuot ng maiiksing damit or even two piece pero pwede ding wala sa harap ko pero hindi sa harap ng iba. Sakin lang Misis. Hindi ka pwedeng magsuot ng maiiksi pag-hindi mo ako kasama kase kahit na kaya mo ang sarili mo pag-pinagtulungan ka nila walang mag-tatanggol sayo."

"Asus! Makabilin para namang nagsusuot ako ng ganun. Nakalimutan mo atang manang itong asawa mo."

"Manang? Hindi ah, I love your fashion style wife. I just want to remind you dahil baka pag-binastos ka nila baka makulong ako."

"Itong mukhang ito?" Tinuro ko pa ang mukha ko. "Walang magkakamali mister, yung last na nagkamali nasa sementeryo na ngayon."

"Mabuti na yung sigurado."

"Okey sabi mo ei."

Ipinatong nya ang noo nya sa balikat ko.

"Does this mean that you are happy with me?"

"Isn't it obvious?"

"Kakausapin mo sya?"

"Ayoko sana pero kailangan."

"After all magkaibigan parin naman kayo."

"Exactly. Ikaw ang asawa ko kaya kahit anong mangyare itatak mo dyan sa isip mo na ako lang ang laman na mahal na mahal ka nitong babaeng ito."

"At mahal na mahal rin kita."

"Lalanggamin na tayo. Baba mo na ako."

"Ayoko."

Umirap ako. "Hindi ka ba nasasagwaan? Like seriously hindi maganda ang posisyon natin. Baka naman makaramdam kang mai-issue tayo pag-may nakakita."

"Komportable ako Misis."

"Ikaw yun, sila hindi."

Bumuntong hininga sya saka ibinaba ako.

Iniligpit ko na yung mga ginamit ko saka naglakad palabas ng kusina.

"Pinagkakaabalahan nyo?" Lumapit ako sa kanila. "Parang may pa-meeting ah?"

Sumulpot si Carlos at naupo sa sofa.

"Nag-chi-tsimisan na naman sila." Sabi ni Winston.

Naupo ako sa kamay ng sofa saka sumandal kay Carlos.

"Ano bang tsismis ang meron?"

"Tara dito Ms." Aya ni Princess

Tumayo ako pero hinikit ako pabalik ni Carlos.

"Mister makiki-tsismis lang ako!"

Nag-poker face siya tumawa lang ako, wala syang magagawa may sa lahing tsismosa ang asawa nya eiii HAHAHA!

Naki-tabi ako kanila Maria saka nakipagdaldalan habang kinakain ang pagkain nila. Nakataas pa ang paa ko sa sofa habang na-lafang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro