Chapter 29: No Time.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Ano na bang araw ngayon?

Ah! Friday.

It's been two weeks simula ng mangyare yung deal nila pero hanggang ngayon hindi naman sya lumapit sakin para kausapin ako. Ni hindi din nagparamdam, after nung nangyare hindi na din nya ako pinansin tapos umalis din sya agad dahil may emergency daw sya.

Nagtataka nga sila kase wala naman daw pupuntahan yun tapos biglang umalis.

"Susunduin ka ba ni Carlos ngayon?" Rinig kong tanong ni Shiella.

Nagkibit-balikat ako saka tumuloy sa binabasa.

"Di mo alam?"

"Wala pang text ei."

Napatango na lang sya.

Tiningnan ko ang wrist watch ko saka isinara ang librong binabasa ko.

"I have to go magsisimula na ang klase ko." Paalam ko.

Sumimangot sya. "Kung bakit ba naman kase iba iba ang kinuha nating course." Sabi nya.

Ngumiti ako. "Kase iba-iba ang pangarap natin. Konting tiis lang babalik din lahat sa dati."

Tumango-tango sya. "Sige Ingat ka Ms."

"Ingat ka din."

Binitbit ko ang mga gamit at bag ko saka naglakad papunta sa building kung saan naroon ang susunod kong klase.

Sa lumipas na taon, nang maka-graduate kame ng high school nagkaroon kame ng kanya-kanyang priorities. Matapos kase ng nangyare sa amin last year (which is yung ginawa ni Eracha) nagpagaling kame sa mga sugat na nakuha namin at nagpahinga tapos pagbalik namin sa school inasikaso namin yung graduation namin then ito na nga first year college na kame at may kanya-kanyang course na pinili para sa mga pangarap namin.

As of me BSArchi ang napagtripan kong i-take although dapat Education para magma-masteral ako to become a principal yet Architecture was my first love.

Oo hindi halata pero magaling akong mag-drawing hindi lang talaga halata dahil hindi ko naman ipinagsasabi, nagulat nga sila kase BSArchi ang kinuha ko instead na Education.

Maayos namang natapos ang klase ko. Nakalabas na ako ng building ng biglang may humarang sa daan ko.

"Jana."

Kunot noo akong napatingin sa kanya.

"May kailangan ka?"

"Can we talk?"

Sasagot na sana ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa. Nahirapan pa akong kuhanin dahil sa dami ng bitbit ko. Nang tingnan ko nag-text si Carlos.

Misis sorry pero hindi kita masusundo may biglaang meeting ako sumabay ka na lang muna kanila Princess or maybe magpahatid ka na lang kay Erick. Wag mo na din akong intayin baka gabihin ako, matulog ka na ng maaga.

Ingat ka, see you na lang sa bahay. Iloveyou.

Napasimangot ako.

Yung hindi na nga kayo nagkita buong araw tapos mukhang kahit sa bahay hindi kayo magkikita nakakainis.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kalma ka lang self. Kailangan mo syang intindihin. Hindi kayo legal na mag-asawa, wala kayong label at may sarili syang buhay. Wala syang obligasyon sayo kaya kalma ka lang self.

"Jana?"

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Erick.

"Huh? Ano nga yun?"

"Can we talk?"

Napatango na lang ako kahit wala pa talaga akong balak kausapin sya.

"Tara?" Aya nya saka kinuha yung gamit ko.

Napabuntong hininga ulit ako saka sumunod sa kanya. Iginiya nya ako sa kotse nya saka pinagbuksan ng pinto. Tahimik lang akong sumakay.

Hanggang sa makarating kame sa isang coffee shop tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Normally madaldal ako kapag kasama ko sya pero ngayon na wala talaga ako sa mood, parang ayoko ngang magsalita ei.

Sya na ang pumunta sa counter para bumili ng pagkain.
Tiningnan ko ang cellphone ko saka binuksan ang Inbox.

Wala na syang text after nung natanggap kong text nya. Usually pag-ganito may follow up agad na message yun asking how's my day lalo na kung hindi kame magpapang-abot at busy sya pero ngayon wala.

Nang bumalik si Erick dala ang pagkain inilapag ko na lang ang cellphone ko sa may gilid ng mesa. Inilapag nya sa harap ko yung order ko.

"Salamat." Tipid na sabi ko.

Naupo na sya sa silya sa harap ko. Uminom ako sa tea ko saka kumain ng cake pero pakiramdam ko nahihirapan akong lumunok.

Wala na talaga ako sa mood.

"Jana? Ayos ka lang?"

Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako saka ngumiti.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"About sa nangyare, gusto ko sanang humingi ng tawad blahblahblah."

Napatango-tango na lang ako saka bumuntong hininga at napatingin sa gawi ng cellphone ko. Nang umilaw yun agad kong tiningnan pero napasimangot ako ng ibang number ang nakita ko. Ibinalik ko na lang yun sa kung saan nakalapag saka sumubo ulit ng cake.

Panay na lang ang tango ko kapag may sasabihin sya.

Yumuko ako para uminom sana sa straw ng tea pero natulala ako bigla, napabuntong hininga ako, napapitlag lang ako ng kalabitin nya ako. Nag-angat ako ng tingin saka nagtatakang tumingin sa kanya.

"Hindi ka talaga ayos Jana, may problema ba?"

Napabuntong hininga ulit ako saka sumandal sa upuan at tinusok-tusok yung cake.

"Kanina ka pa panay buntong hininga, hindi ka rin nakikinig sa sinasabi ko at pagnapapatingin ka sa cellphone mo it's either kukunot ang noo mo or mas lalong malulukot ang mukha mo. Ano bang problema?"

Kinagat ko ang labi ko.

Hindi ko alam kung dapat bang sa kanya ko ikwento toh kase hindi naman kame ayos. Parang ang awkward lang.

Umiling na lang ako.

"Wala toh."

"Si Carlos ba?"

Napahinto ako at di nakaimik.

"Sya nga. Tell me, may problema ba kayo?"

Kinagat ko ang daliri ko saka tiningnan sya.

"Sya kase ei. Lately parang nawawalan na sya ng oras, lagi na lang busy busy busy. Ei tang-ina busy din naman ako ah? Naiintindihan ko naman, di ko naman kailangan ng lahat ng oras nya kahit isang oras nga lang or kahit thirty minutes nga lang ei pero tang-ina wala ei."

Natawa na lang ako sa sarili ko. "Shocks parang ang immature ko."

Nakatingin lang sya sakin.

"Nung unang beses kitang tinanong kung mahal mo sya hindi ako naniwala sa sagot mo pero ngayon habang nakikita kitang ganyan naniniwala na akong mahal mo na nga sya."

"Kapal ng mukha ko noh? Sayo ko pa talaga na-kwento samantalang hindi tayo ayos at yung last na pag-uusap natin inamin ko pa yung naging feelings ko sayo."

"Bestfriend mo parin naman ako."

"Thank you."

"No, ako dapat ang magpasalamat sayo. Ikaw yung laging nandyan kahit na wala ako lagi sa tabi mo, kahit naging selfish ako at inuna ko ang sarili ko kahit kailangan mo ako, ipinahamak pa nga kita dahil lang sa letcheng pagmamahal ko sa taong matagal na palang nawala sa akin."

"Wala na yun. Naiintindihan ko naman."

"Kakausapin ko na lang sya."

Umiling ako. "Thank you pero wag na siguro. Hayaan na sya, baka talagang busy lang."

"Walang salitang 'busy' kung talagang gusto ng isang tao na makasama ka gagawa at gagawa yan ng paraan."

"Pero parang ang immature ko naman kung gusto kong magka-oras sya sakin, ni hindi nga kame ei!"

"Hindi ka immature Jana hindi mo naman hinihingi lahat ei, gusto mo lang ng kahit ka-unting oras para makasama sya. Hindi ba kayo nagkikita tuwing uuwi sya sa bahay nyo?"

Umiling ako. "Darating sya tulog na ako, paggising ko wala na sya. Pag-iniintay ko naman kinabukasan na umuuwi."

Sa two weeks na lumipas yung one week nun ganun ang nangyayare nung una medyo naiintindihan ko pa kase syempre sa dami ng ginagawa nya sa school tapos may trabaho pa sya at may business pa syang iniintindi syempre talagang busy sya pero ang hindi ko lang maintindihan yung tipong pati linggo aalis sya ng bahay tapos mapapaisip na lang ako kung ano bang ginagawa nya kase usually nasa bahay sya ng linggo. Tapos ni hindi na kame nagkikita kahit nasa iisang bahay lang kame. Darating sya tulog ako tapos gigising akong nakaalis na sya. Tapos magti-text lang sya kapag hindi nya ako susunduin which is two weeks ng nangyayare pagkatapos nun wala na di na sya magti-text ulit.

"Bakit di mo puntahan?"

Umiling ako. "Ayoko. Hays baka stress lang ako sa school kaya pati sya napag-iisipan ko ng kung ano-ano."

Matapos ng walang kwentang pagkikipag-usap ko sa kanya kase lumilipad ang utak ko inihatid na nya ako pauwi.

"Sorry talaga, pasensya na."

Ngumiti sya sakin. "Ayos lang basta kausapin mo na sya, ayusin nyo yang problema nyo."

Umiling ako. "Wag na siguro, hindi ako pwedeng mag-demand ei."

"Kahit na."

Nagpasalamat na lang ako at sinabing mag-iingat sya pauwi tapos umalis na sya. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto pero pagbukas ko ng pinto walang tao. Inilapag ko sa study table yung mga gamit ko, akmang bababa na ulit sana ako ng hagdan ng mapansin kong bukas ang isang pinto ng kwarto sa bandang dulo ng kaliwang hallway.

Naglakad ako papunta doon, parang sumama ang pakiramdam ko pagkakita sa loob nun. Nakita ko syang nakahiga sa kama ni hindi pa nakakapagbihis. Naglakad ako papasok at lumapit.

Gigisingin ko sana sya kaso mukhang lasing ata sya kaya kumuha na lang ako ng kumot sa kwarto namin at ikinumot sa kanya saka ako lumabas ng kwarto at sinara ang pinto. Bumalik ako sa kwarto namin at nahiga na sa kama para matulog.

Kinabukasan ng magising ako nag-asikaso agad ako para pumasok. Bumaba ako sa kusina para magluto ng lugaw para sa kanya. Nang matapos magluto binitbit ko yun paakyat sa taas, dumiretso ako sa kwarto kung saan sya natutulog. Pagbukas ko ng pinto wala ng tao, natawa na lang ako sa sarili ko. Nakalimutan kong maaga nga pala syang umaalis ngayon.

Dala ang tray bumaba ako sa kusina at itinapon na lang sa basurahan yun. Hindi ko rin naman makakain ei wala akong gana. Nagmukha tuloy kaning baboy yung lugaw dahil nilagay ko pa sa plastic bago itapon sa basurahan. Isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko saka lumabas na ng bahay. Ni-lock ko lang ang main door at gate saka lumabasa ng subdivision at sumakay ng taxi papuntang school.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikinig at paggawa ng school works para ma-divert yung attention ko.

Lunch break ng makatanggap ako ng text mula kay Ate Lyn. Tinatanong kung may gagawin ba ko bukas at kung gusto ko syang samahan sa isang wedding na pupuntahan nya. Napaisip tuloy ako may gagawin nga ba ako bukas? Probably sa bahay lang buong weekend gagawa ng school works at gawaing bahay. Nagreply na lang ako ng 'sige sasama ako.' para naman may magawa naman ako sa buhay ko at makahinga naman ako ng maayos. Dalwang linggo ng masama ang pakiramdam ko. Taena wag naman sanang magkasakit ako.

Naglalakad ako sa field ng biglang sumulpot si Maria.

"Ba't mag-isa ka lang?" Bungad na tanong nya.

"Kase walang kasama."

"Nakita ko si Carlos nasa may garden busy ata sa pagrereview sabi ni Jam may test daw sila ei."

Tumango-tango ako. Magkaklase nga pala si Kuya at si Carlos dahil obviously same course sila.

"Hindi mo ba pupuntahan?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong nya.

"Ayokong guluhin sya."

"May problema ba kayo?"

Umiling ako. "Wala naman, sige una na ko may gagawin pa pala ako."

Naglakad na ako palayo kahit tinatawag nya pa ako.

Bumalik na lang ako sa room saka napabuntong hiningang naupo sa upuan ko. Sumubsob ako sa desk at ipinikit ang mga mata ko. Iminulat ko lang ang mata ko ng maramdamang sumasakit ang puso ko, hindi dahil sa kung anong kalandian pero totoo. Dalwa ang sakit na problema ko na pwedeng pumatay sakin ano mang-oras. Asthma at Sakit sa puso na kapag nag-sabay ng atake paniguradong matitigok ako.

Pagdating ng uwian nakita kong makakasalubong ko sila Kris kaya lumihis ako ng daan habang hindi pa nila ako nakikita. Ayoko muna ng kahit anong tanong napapagod akong sumagot.

Pag-uwi ko ng bahay uminom agad ako ng gamot ko, mahirap ng mamatay hindi ko pa natutupad ang pangarap ko matapos nun natulog na ako. Kinabukasan ng magising ako hindi na ako nag-abalang hanapin pa sya paniguradong nakaalis naman na sya. Bumangon ako at tinext si Ate Lyn kung anong oras kame aalis, sabi nya susunduin na lang daw nya ako pero di nya sinabi kung anong oras.

Naligo lang ako at nag-empake ng mga mahahalagang damit at gamit na dadalhin ko. Sabi kase ni Ate baka abutin kame ng one week doon tutal Holliday naman daw pagdating ng monday. Bumaba ako sa kusina at nagbake para ma-divert na naman ang atensyon ko, saktong katatapos ko lang itabi yung mga na bake ko ng may bumusina sa labas. Agad akong lumabas at nakita ko ang nakangiting mukha ni Ate bigla parang gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko, ang weird ei bakit ba ko iiyak?

Kinuha ko na ang mga gamit ko saka umalis din kame agad kase baka daw maipit kame sa traffic. Tahimik lang ako na nakikinig sa mga kwento nya habang nasa byahe kame. Tatango, ngingiti, sisimangot, iiling at tatawa lang ako. Yung tawa ko parang tunog pekeng saya.

Ewan ko kung anong nangyayare sa akin. Naeewan na naman ako basta isa lang ang sigurado ko masama ang pakiramdam ko.

Gabi na ng makarating kame sa destinasyon namin. 12 hours din ang naging byahe namin dahil sa ayaw man o sa gusto namin kahit anong iwas inabot pa din kame ng nakaka-letcheng traffic.

Nag-stay kame sa bahay ng kaibigan ni Ate, si Ate Hanna turns out sya pala yung ikakasal bukas. Nagpahinga lang kame saglit at nag-ayos ng mga gamit saka kumain ng hapunan.

Matapos kumain nagpaalam ako na maglalakad-lakad muna sa dalampasigan. Nasa isang isla kase kame.

Kalmado ang alon ng dagat habang nagre-reflect ang buwan sa tubig. Hindi rin malakas ang hangin pero medyo malamig.

Naupo ako malapit sa dagat at hinayaang abutin ng tubig ang mga paa ko. Tumingala ako sa langit at nakitang wala ni isang star ang nandoon at tanging ang buwan lang na nagliliwanag. Mag-isa din sya katulad ko.

Madaling araw na ng tawagin ako ni Ate Lyn dahil matutulog na daw kame, na kutusan pa nga ako kase bakit daw ako naglalakad-lakad mag-isa kung kelan gabi na. Hindi na lang ako umimik dahil alam kong nag-aalala lang sya.

Pagdating sa loob dumiretso kame sa kwarto at nahiga sa kaya-kanya naming kama. Kinuha ko yung cellphone ko sa table, iniwanan ko kase ito kanina dito dahil wala naman kase akong kailangan sa cellphone ko. Tiningnan ko yun at nagpop-up ang isang notif na nagtext sya.

Asan ka?

Napabuntong hininga ako saka pinindot ang silent at ibinalik sa table. Wala naman kase akong maisip na i-re-reply sa kanya. Ewan ko basta bigla akong nawalan ng gana mag-type at hindi ko din alam kung anong ita-type kahit alam ko kung nasaan ako.

Bumalik ako sa pagkakahiga at pumikit na para matulog.

Kinabukasan maaga kameng gumising, bumangon at nag-asikaso para sa wedding ni Ate Hanna. Isang simpleng white dress lang ang suot ko at ribbon na white ang nasa buhok ko. White and pink ang color motif ng lahat. Sa designs hanggang sa mga suot ng guest.

Nagulat nga ako dahil kasama ako sa entourage. Turn's out kahit late na ako sinabihan ni Ate kasama daw talaga ako sa list dahil close kame ni Ate Hanna. Yun nga lang nagpanic sila dahil baka daw hindi ako matuwa sa partner ko. Yung kapatid nya kaseng si Handrex ang ipinartner nya sa akin pero sabi ko ayos lang sakin sobra sobra na nga yung isinama pa ako sa entourage kahit na hindi naman ako nakapunta sa practices, alam daw nilang expert ako sa ganito kaya ayos lang sinimangutan ko lang sila.

Pagdating namin ni Ate sa simbahan marami ng tao. Halos lahat sila masaya sa nangyayare hindi ko tuloy maiwasang mapaisip ganito pala pag-ikakasal noh? Sobrang saya at gaan ng atmosphere sa paligid.

Hinila ako ni ate papunta sa mga kaibigan nya at bumati sya sa kanila na nauwi sa kwentuhan. Nagmasid na lang ako sa paligid. Nang i-announce na magsisimula na ang wedding pumunta na kame sa likod para sa entourage yun nga lang wala parin ang partner ko. Iniabot na sakin nung isang babae yung maliit na bulaklak saka ngumiti sa akin, nginitian ko rin sya. Ako na ang sunod sa maglalakad sa aisle ng biglang sumulpot si Handrex.

"Sorry late."

Bahagya akong tumango. "Ayos lang."

Ngumiti lang sya saka hinagod ang buhok at inayos ang suot na suite mukhang alam ko na kung saan ito nanggaling.

Nang turn na namin pinahawak nya ako sa braso nya saka kame nagsimulang maglakad sa aisle. Ngumiti ako ng makitang nakatingin sa akin si Ate.

"It's been 5years since the last time I saw you. You look different." Rinig kong sabi ni Handrex habang naglalakad kame.

"5years yet you are still the same." Buska ko.

Tumawa lang sya at naiiling na iginiya ako sa side ng girls saka pumunta sa dapat na pwesto nya.

Tumabi ako kay Ate at inintay naming pumasok dito sa loob si Ate Hanna. Nang bumukas ang pinto ng simbahan nagsimula ng tumugtog ang musika. Nakita kong nagsimula ng maglakad sa aisle si Ate Hanna habang kasama ang mga magulang nya.

Sobrang ganda nya sa white gown nya. Bumagay talaga ito sa kanya dahil maganda din naman sya. Nang makarating sila sa tapat ng groom na mukhang umiiyak na habang pinagmamasdan si Ate Hanna.

Pwede pala yun noh?

Yung iiyak yung groom dahil nakikita nyang naglalakad palapit sa kanya yung bride nya. Yung bride nya na pinakamamahal nya at ilang minuto o oras na lang opisyal na silang mag-asawa. Yung bride nyang makakasama nya habang buhay hanggang sa tumanda sila at mamatay.

Kinausap lang saglit ng parents ni Ate Hanna yung groom tapos ibinigay na siya. Humarap sila sa Altar at nagsimula na ang seremonya ng kasal.

Tahimik lang akong nanonood sa kanila habang nangyayre ang seremonya. Pinanonood ko lang kung gaano nila kamahal ang isa't-isa at kung gaano sila ka-inlove. Kung paanong umiyak sila sa pagpapalitan ng vows.

Naiinggit tuloy ako. Hindi ako inggiterang tao pero naiinggit ako na gusto ko rin ng ganito kasayang wedding.
Gusto ko rin maranasang ikasal sa lalakeng pinakamamahal ko.

Sana maranasan ko rin toh.

Kahit kase alam ko namang may nakahanda si god na sarili kong love story di ko maiwasang mapaisip kung mangyayare ba talaga yun?

Matapos ang seremonya pumunta na kame sa reception. Hanggang doon ramdam na ramdam namin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa dahil sa mga pakulo ng host.
Ang sweet nila tingnan. Nang pumailanlang ang romantic music sa paligid sumayaw ang bagong kasal sa gitna.

Napangiti na lang ako dahil ang sweet nila talaga. Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Nang mag-switch ang song nag-announce na pwede na silang sabayan sa pag-sayaw.
Inaya na si Ate ng partner nya which is isa din sa kapatid ni Ate Hanna naiwan akong mag-isa sa table. Kumain na lang ako ng kumain.

"Can I have a dance with a loner girl who always frowning at me?"

Umirap ako. "Wag na kung mang-iinis ka lang."

Tumawa na naman sya. "Come on! Hindi ka pwedeng tumanggi maraming magagalit sayo."

"Mga babae mo lang naman ang magagalit kaya mo na yan."

Nagulat ako ng hatakin nya ako papunta sa mga nagsasayaw.

"Hoy! Hindi ako pumayag!"

Hinihila ko ang kamay ko sa kanya pero mas malakas sya. Para kameng tanga na naghihilahan---sya hinihila ako papunta sa gitna at ako na hinihila ang kamay ko para makaalis----napasimangot ako ng matagumpay nya akong nahila papunta sa gitna.

"Ito talagang dalwang ito." Natatawang sabi ni Ate Hanna.

Pinahawak nya ako sa balikat nya saka hinapit palapit sa kanya, hinawakan nya din ang kamay ko.

"Pasalamat ka at maraming tao kung hindi sinipa na kita palayo sakin."

"Hindi mo kaya yun Ella."

"Try me."

"Try you? Are you asking me to taste you?"

"Gago! Filter nga!"

Tumawa sya.

Iniikot nya ako saka nagpatuloy sa pagsayaw, pasalamat sya marunong ako sa ganito kung hindi kawawa sa akin ang paa nya.

"Come on ella ngumiti ka naman."

"Ayoko."

"Huwag mo muna kase syang isipin."

Napatingin ako sa kanya. "Alam mo?" Kunot noong tanong ko.

"Oopps nadulas ako."

"Tell me, anong alam mo?"

"Sinabihan ako ni Ate Lyn na subukan kong wag ka munang pikunin at inisin dahil wala ka daw sa mood. Ang hula nya nag-away daw kayo ng asawa mo."

Napabuntong hininga ako.

"So totoo nga, may asawa ka na. How?"

"Mahabang storya."

"Makikinig ako."

Umiling ako. "I can't trust you."

"Aray wala ka ring filter ei noh?"

Sumimangot lang ako.

"Come on ella para namang hindi tayo naging magkaibigan noon, you can trust me, you know?"

Nalukot ang mukha ko. "Fine."

Ngumiti sya saka iginiya ako pabalik sa table at naupo kame sa silya. Nagkwento ako habang kumakain kame. Kwinento ko sa kanya. Lahat lahat ng nangyare kwinento ko. Nakikinig naman sya at paminsan-minsan nagtatanong o nagkokomento.

"Baka naman may problema sya? Subukan mo kayang kausapin ang mga magulang nya?"

"I don't have ay rights."

"Ganun na set up wala parin? Iz thiz what you called katangahan?"

Hinampas ko sya. "Dapat pala di ko na kwinento sayo."

"Wala ka ng magagawa na kwento mo na."

"Tch."

Matapos nun isa-isa ng umuwi ang mga bisita while kame kasabay naming umuwi sila Ate Hanna. Hindi pa kase sila pupunta sa ibang bansa for honeymoon, may five days pa silang mag-ii-stay donno why.

Pagdating sa tinutuluyan naming rest house dumiretso ako sa kwarto namin ni Ate at nag-asikaso ng sarili, nakaupo na ako sa kama ng mapansing umilaw ang cellphone ko kukunin ko na sana ng biglang may kumatok. Tumayo ako at binuksan yun bumungad sa akin ang pagmumukha ni Handrex.

"Kakain na daw."

Tumango ako saka sumunod sa kanya pagdating sa hapag nakita namin sila Ate na nakaupo na. Tumabi ako kay Ate tapos nagsimula na kameng kumain. Madaling araw na ng makaakyat ako sa kwarto. Napahaba ang kwentuhan namin nila Ate Hanna dahil sinusulit nila ni Ate Lyn ang mga ganitong panahon baka daw kase pagbalik ni Ate Hanna maging busy na ito sa buhay may asawa.

Napakunot noo tuloy ako.

Ba't naman ako? Hindi busy?

Agad kong natampal ang pisngi ko ng ma-realize kung ano ang naisip ko. Minsan talaga para akong tanga mag-isip. Tinanong tuloy nila ako kung bakit bigla kong tinampal ang pisngi ko sabi ko may lamok, naniwala naman sila samantalang si Handrex naman tinawanan ako. Weird tuloy syang tiningnan nila Ate.

Humiga na ako sa kama at natulog na.

Kinabukasan iminulat ko ang mga mata ko at tamad na inabot ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Tanghali na pala. Tinanghali ako ng gising dahil nagpuyat kame kagabi.

Tumalsik ang katamaran ko ng makita ang notif ng cellphone ko. May 1missed call si Carlos.

Napabuntong hininga ako saka ibinalik sa patungan ang cellphone at pumasok sa banyo para mag-asikaso. Pagkatapos lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa baba para tingnan kung ano ng nangyayare.

"Sila Ate?" Tanong ko kay Handrex.

"Labas." Tipid na sagot nya saka bumaling sa babae nya.

Umirap ako saka dumiretso sa labas para puntahan sila Ate. Naabutan kong nag-iihaw si Ate Lyn samantalang magkatabi yung mag-asawa habang nag-uusap.

Lumapit ako para tumulong kay Ate Lyn.

Nang mag-gabi nag-aya silang uminom sa may dalampasigan. Tumanggi ako pero ang pesteng Handrex hinila ako at isinama wala tuloy akong nagawa.

Kame-kame lang ang nag-inom. Si Ate Lyn, Si Ate Hanna at ang asawa nya, Si Hanrad (kapatid din nila na naging ka-partner ni Ate Lyn sa entourage.), Ako at si Handrex.

Naka-pabilog kame at nasa gitna namin ang isang case ng alak. Magpapakalasing daw kame.

"Alam mo na pwede kang umiyak." Bulong ni Handrex.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Kung bakit ba naman kase nasa tabi ko toh ei.

Umikot ng umikot ang tagay at halos lasing na kameng lahat.

"Tomolad kayo sha khapatid ko, lashing yan pero mhatihno pha din." Sabi ni Ate Lyn na tinuro pa ako.

Ininom ko lang ang tagay sakin saka ipinasa.

Hindi ako katulad nila na pag-marami ng nainom ei hindi na tuwid ang wavelength ng utak. Kahit marami na akong nainom maayos pa din ako para ngang hindi ako lasing ei.

Madaling araw na ng matapos kame. Bumalik kame sa rest house at bagsak sa kanya-kanyang kama. Halos magsuka silang lahat lalo na si Ate Lyn sa dami ng nainom.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na. Ambigat na ng talukap ng mga mata ko parang kulang na lang sumara na sya habang buhay, charrot lang.

Kinabukasan hapon na kameng lahat nag-si-bangon. Parang wala pa nga silang balak kung hindi lang nakaramdam ng gutom. Pare-parehas kameng may hang-over pero mas malala yung sa kanila lalo na yung kay Handrex

"You should thank me! Kung hindi ko ininom yung ibang tagay sayo for sure ganito din kasakit ang ulo mo!" Sumbat nya ng sungitan ko sya.

"Tantanan mo ko! Hindi mo kaya ininom yun! Imbento ka!" Angil ko saka iniwan sya.

Kinagabihan nagkwentuhan nalang kame at tumambay sa labas ng bahay habang kumakain ng chips. Ayaw daw muna nilang uminom dahil may hang-over pa sila.

Nang sumunod na araw sinamahan ko si Ate Lyn na sunduin si Kuya Carlios. Kasama pala dapat ito sa entourage at sya dapat ang partner ni Ate pero hindi ito agad nakasunod dahil may inasikaso pa. Para tuloy sinilihan si Ate kahit pa nagtatampo.

Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil ang cute nila maglambingan. Inaasar nga din sila ni Ate Hanna na magpakasal na pero ang sagot ni Kuya Carlios 'soon' daw kase hindi pa nga sya sinasagot ni Ate. Ewan ko ba kay Ate at ayaw pang sagutin itong si Kuya Carlios samantalang mahal na mahal naman nya at mahal na mahal din naman sya.

Makalipas ang dalwang araw pababa ako ng hagdan ng sumulpot si Handrex at kinuha yung cellphone ko.

"Hoy! Akin na yan!"

Hinabol ko sya, tumakbo naman sya palabas.

"Janella, gusto mong kausapin si Carlos?"

Napahinto ako sa paghabol ng marinig ang tanong ni Kuya Carlios. Lumingon ako sa kanya at akmang magsasalita na ng sumigaw si Handrex.

"Naglangoy na sa tubig yung cellphone mo! Pumunta ka na kase dito!"

"Tang-ina mo talaga Handrex! Lintik ka pagnaabutan kita!" Bumaling ako kay Kuya Carlios saka umiling. "Wag na Kuya pasabi magpaka-busy na lang kamo sya tutal yun naman ang gusto nya." Sabi ko saka tumalikod at lumabas.

Pagdating sa labas nakangising mukha ni Handrex ang sumalubong sa akin. Sinuntok ko sya saka kinuha ang cellphone ko at naglakad palayo.

"Ella masakit yun ah!"

"Ei tang-ina may mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko?!" Pabalik na sigaw ko sa kanya.

Hindi sya nakaimik.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo, huminto lang ako ng makarating ako sa isang kubo.

Naupo ako sa harapan nun kung saan may mahabang bangko at tinanaw ang dagat.

Napabuntong hininga na naman ako. Bukas three weeks na kameng hindi nagkikita at nag-uusap. Iz thiz weeksarry? Hayup!

Kinabukasan bumiyahe na kame pauwi dahil may pasok na naman sa susunod na araw. Nagpaalam na kame kanila Ate Hanna na pupunta na din sa ibang bansa samantalang si Hanrad pupunta daw sya ng mindanao at si Handrex kinukulit ako na puntahan ko sya sa bahay nila sa Manila. Inisnob ko lang sya dahil wala akong balak. Hindi kame close! Charrot. Bahala sya sa buhay nya.

Bago kase kame umalis nalaman nyang BSArchi din ako which is same course kame kaya tuwang tuwa sya gusto daw nyang magpaturo sakin dahil may mga units daw na nahihirapan sya. Sabi ko hanapin nya kung nasaang lupalop ako ng pilipinas pag-nahanap nya tuturuan ko sya pero kilala ko sya, tamad sya sa mga ganun. Never naghanap yan ng babae dahil babae ang nalapit sa kanya. Napapaisip nga ako kung kelan ba darating yung babaeng mamahalin nya para tumino na sya at huminto na sa pambabae.

Inihatid ako nila Ate sa bahay tapos nagpaalam na sila na aalis na kahit gusto pa sana akong samahan ni Ate dahil As usual mag-isa na naman ako.

Iniligpit ko lang ang mga gamit ko saka nagpalit at inabala na lang ang sarili sa gawaing bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro