Chapter 31: Carlos Side

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Carlos Pov

Tumagal ng dalwang araw bago sya nakalabas ng hospital. Gusto ko kaseng makasiguradong ayos na sya bago kame umuwi.

"Naalala ko pala kinain mo ba yung mga cupcakes sa ref?" Tanong nya.

Umiling ako. "Wala ba dyan? Baka kinain ng daga."

"Ewan ko sayo, pano makakapasok ang daga sa ref?"

"Malay mo."

"Tch."

Inirapan nya ako saka inayos ang kusina. Hindi sya dapat kumikilos pero ayan at kung ano anong pinaggagagawa ayaw nyang magpaawat at ako pa ang inaaway.

Napapailing na lang akong bumaling sa laptop ko.

Kauuwi lang namin kahapon at ayaw nyang magpahinga. Sobrang tigas na naman ng ulo nya ayaw na namang makinig sa akin.

Yung totoo kinain ko lahat ng cupcakes na binake nya. Nakita ko yun a week ago pagkauwi ko. Pati yung lugaw sa basurahan nakita ko rin. Na-guilty ako ng sobra dahil dun, maybe ginawa nya yun para sakin nung lasing ako pero itinapon na lang nya kase nakaalis naman na ako kinabukasan.

Nagsisisi ako na ilang gabing hinayaan ko syang matulog ng masama ang loob. Pinagsisisihan kong pinalipas ko ang mga gabing hindi ko man lang sya na yakap para pagaanin ang nararamdaman nya, mga umagang pinalagpas ko lang at hindi ko nasabi kung gano ko sya kamahal.

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nag-duda ako sa nararamdaman nya. Kung bakit pinaniwalaan ko ang mga naiisip ko samantalang ayan sya pilit sinasabi saking hindi totoo ang mga iniisip ko, pilit na nag-stay kahit pa wala naman kameng maayos na label.

Kaya nung ma-realize ko ang katangahan ko parang gusto kong patayin ang sarili ko. Ayan na ei, sya na mismo ang nagsasabi. Nasa tabi ko na ang babaeng mahal na mahal ko pero naisip ko parin ang mga bagay na yun. Nagawa ko parin syang bitawan kahit na dapat pinaglalaban ko sya.

Mahirap kalaban ang isip lalo na kung ang gusto mong gamitin ay ang puso mo.

Yun ang nangyare sa akin, pilit kong ginagamit ang puso ko, humahawak sa mga salitang naririnig ko mula sa kanya pero iba ang sinasabi ng isip ko. Napakarami nyang tanong na hindi mabigyan ng sagot.

Nagsimula akong mag-doubt nung pinaaamin sya kay Erick. Andun na naman yung mga tanong na 'bakit ganun kahirap sa kanyang aminin?' kase kung talagang ako na ang mahal nya madali na lang yun para sa kanya pero ngayon ko lang naisip na baka kaya nahihirapan syang aminin dahil bumabalik lahat ng sakit na matagal ng naipon sa puso nya. Na hindi yun ganun kadali, hindi kadaling aminin.

Binalewala ko yun thinking na nasa akin naman sya, na nasa tabi ko sya kaya ayos lang hanggang sa isang gabi makalipas ang isang taon nanaginip ako.

Sa panaginip ko kasama ko sya pero ng bumalik si Erick sa kanya hindi parin sya umalis sa tabi ko hanggang sa nagpasya akong bitawan sya doon nakita ko kung paanong napunta sya kay Erick, kung paanong sumaya sya dahil nakalaya na sya sakin.

Napaisip na naman ako nung araw na yun. 'Paano kung ganun pala ang nangyayare?' 'Pano kung hinahadlangan ko pala ang bagay na magpapasaya sa kanya?'

Hanggang sa lumapit sakin si Erick tapos nagkaroon ng deal, naging tabla ang laban. Lumaban ako dahil naisip ko na baka iba, iba yung nangyare sa panaginip ko pero nung kinausap nya ulit ako asking for a favor. Hindi ko na alam naisip ko na lang na baka nga, baka dapat bitawan ko na sya not thinking na mahihirapan at masasaktan sya.

That day dapat susunduin ko sya tapos lalabas kame pero nung makita kong lumapit na sa kanya si Erick kahit ayoko naman talagang bitawan sya hinayaan ko na lang. Tinext ko sya na may emergency meeting ako at hindi ko sya masusundo pero yung totoo andun ako nakatayo sa malayo nakatingin sa kanya hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Naisip ko buti yun para maayos na nila kung anong meron sa pagitan nila, I should be selfless this time dahil matagal na syang nasa akin pero hindi ko naisip na hindi selfless yung ginawa ko naging unfair ako. Binitawan ko sya ng hindi iniisip kung anong mararamdaman nya. Bumitaw ako thinking na yun yung mas makabubuti pero nakalimutan kong yun yung ayaw nya, na hiniling nya palang lumaban ako pero binitawan ko.

Nag-inom ako that night kahit na may bahagi sa akin na nagsasabing hindi dapat kase magagalit sya, wala ei kahit ako yung nagdesisyong bumitaw nasasaktan pa din ako. Nagpakalunod ako, umuwi ako sa bahay ng halos hindi na makalakad ng maayos. Hindi ko alam kung bakit imbis dun sa kwarto namin ako matulog, natulog ako sa dulong kwarto. Kinabukasan maaga akong umalis, iniisip ko na lang na mabuti toh para magkaroon sila ng oras sa isa't-isa.

Nagsubsob ako sa trabaho at sa pag-aaral. Hinayaan kong lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan ko na lang na umalis pala sya nung pumasok ako sa kwarto namin, wala sa closet ang ilan sa mga damit nya, wala ang ibang gamit pati ang bag nya. Naisip ko baka sumama na sya kay Erick or baka bumalik na sa bahay nila but then that day kinausap ako ulit ni Erick asking me na bumalik ako, balikan ko sya.

Naguguluhan na ako noon, dati hiningi nyang bitawan ko si Janella tapos ngayon pinababalik nya ako.

"Balikan mo na sya kalimutan mo na ang pabor na hiniling ko sayo."

"Ano bang gusto mong mangyare?"

Tiningnan nya akong mabuti. "Hindi na nya ako mahal."

Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw na ang mahal nya Carlos that's why I'm asking you to win her back."

"Niloloko mo ba ako?! Hindi ako nakikipaglaro sayo, binitawan ko sya dahil yun ang hiningi mo kahit ayoko tapos ngayon inuutusan mo kong balikan sya?!"

"I'm asking you dahil nakita ko na ang sagot sa tanong ko. She's not inlove with me anymore. Nakita ko yun nung nag-usap kame."

Kumunot lalo ang noo ko.

"Wala sya sa sarili nya buong araw napansin ko yun nung nasa coffee shop kame. Madalas syang bumuntong hininga, malayo ang tingin. Malalim ang iniisip at natutulala. Palaging nakatingin o naka-abang sa cellphone nya na para bang may iniintay. Kumukumot ang noo at sumisimangot kapag iba ang nakita nya sa cellphone nya. Wala sya sa focus na para bang may pino-problema. When I mention your name mabilis syang natigilan at nasaktan pero agad ding itinago."

That's when I realize how stupid I am. Nagkamali ako sa desisyon ko hindi ko man lang naisip na baka nga totoo yung mga sinabi nya, na baka nga ako na talaga.

"Mister?"

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses nya, kumurap ako.

"Bakit?"

"Ayos ka lang? Bakit parang tulala ka ata?"

Tumango ako. "Natulala lang, ganda mo kase."

Sumimangot sya saka tumalikod. "Siraulo." Sabi nya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya saka yumakap.

"Ito na naman ang unggoy nakapulupot na naman."

"Sorry."

"Asus! Nag-eemote ka na naman."

Humarap sya sakin saka kinurot ang pisngi ko.

"Sorry sa mga kasalanan ko."

"May kasalanan ka ba? Wala naman ah?"

"Meron."

"Wala na nakalimutan ko na." Sabi nya saka tumawa.

Tiningnan ko lang sya.

She's too beautiful while laughing.

God? Bakit hindi ko naisip na kaya ko pala syang pasayahin?

"Labas tayo?"

"San punta?"

"Kahit saan."

Umiling sya. "Nakalimutan mo atang may pasok ka pa bukas."

Pinisil ko ang ilong nya. "Nag-file ako ng two weeks leave."

Kumunot ang noo nya. "Two weeks? Ba't ang haba? Antagal nun!"

"And so?"

"Sayang ang araw at sahod uy!"

"Come on wife kahit ngayon lang tantanan mo muna yang pagtitipid na yan."

"Pero kailangan nating magtipid! Kababayad ko lang ng bills kahapon, gusto mo bang wala tayong kainin sa susunod na araw?"

"And so? Edi mag-uulam tayo ng asin."

"Jusko naman Carlos."

Natawa na lang ako.

Nakalimutan ko bang sabihin na hindi namin ginagamit yung Atm's namin? Hindi kame kumukuha ng kahit singko sa allowance na binibigay ng mga magulang namin simula ng magsama kame. Gusto naming maging independent at huwag ng umasa sa kanila. Nagta-trabaho ako while her nag-tu-tutor sya ng mga bata. Nagsimula na rin ang business na itinayo ko while her pagnakapagtapos na sya at nakapagtrabaho magtatayo daw sya ng sarili nyang firm. Also we're starting to save for future kaya ganyan sya magtipid. Hindi naman totally kase hindi naman sya nagtitipid sa pagkain yun nga lang kapag inaaya ko syang lumabas madalas ayaw nya kase gastos lang daw.

"Misis hahayaan ko ba namang mag-ulam ka ng asin? Takot ko lang kanila Mama."

"Pero kase-----"

"Opps! Bawal umangal."

Sumimangot sya, niyakap ko na lang sya.

"Hindi naman pwedeng palagi tayong nagtitipid Misis, minsan kailangan din nating gumastos. Wag kang mag-alala hindi magugutom ang mga anak natin."

"Siraulo."

Tumawa lang ako.

Isa sa dahilan kung bakit nagsi-save kame for future para daw sa mga anak namin pareho kase naming ayaw ng umasa sa mga magulang namin.

Pagkatapos nun bumitaw na ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina dahil may gagawin pa daw sya. Paikot-ikot lang sya habang nakaupo ako sa silya at may ginagawa sa laptop ko. Tumatayo lang ako at humihinto sa ginagawa kapag may bubuhatin sya at tinutulungan ko sya o kapag lilipat sya ng lugar susunod din ako bitbit ang laptop at doon gagawa.

"Carlos nahihilo na ko-----"

"Buntis ka Misis?!" Tanong ko, napatayo pa ako sa pagkakaupo.

"Gago! Nahihilo ako sa kasusunod mo!"

"Ah, akala ko buntis ka na, sayang."

Napakamot ako sa ulo ko saka umupo.

Bandang hapon ng maupo sya sa tabi ko at inilapag yung tray na may lamang pagkain. Huminto ako sa ginagawa ko at bumaling sa kanya.

Naghikab sya saka sumandal sa akin at kumain, kumuha ako nung cupcake at kumain din. Inintay ko lang na matapos syang kumain tapos binuhat ko sya paakyat sa taas.

"Carlos ibaba mo ko!"

Umiling ako saka pumasok sa kwarto namin, isinara ko ang pinto saka inilapag sya sa kama. Umayos naman sya ng higa, inayos ko yung comforter at tumabi sa kanya.

Katulad ng nakasanayan nya umunan sya sakin at yumakap saka sumanday at natulog.

Gabi na ng magising sya ni hindi nga sya gumalaw sa pwesto nangalay tuloy ang balikat ko at binti. Bumangon sya saka nagkusot ng mga mata.

"Anong oras na?" Tanong nya

"9pm."

Nilingon nya ako, napahinto tuloy ako sa paghilot ng balikat ko.

"Shit di pa ko nakakapagluto ng hapunan!" Sabi nya saka hinila ang braso ko. "Aray!" Daing ko.

Napabitaw sya at tiningnan ako. "Sorry sorry! Ayos ka lang?"

Tumango ako. "Nangangalay lang."

Lumapit sya sakin tapos sya na ang nag-hilot nun. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras habang nakatingin sa kanya. Nat-tempt ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim saka niyakap sya gamit ang isang braso ko. Whenever I feel like this niyayakap ko na lang sya. Katulad ng sabi nya Lalake ako at may needs ako pero kinokontrol ko ang sarili ko ayokong isipin nya na dinala ko sya dito para doon. I want her to feel that I love her and not that shit. Kaya nagiging clingy ako minsan.

To be honest mahirap mag-kontrol lalo na't nasa iisang bubong kame at kame lang dalawa pero kaya ko, kakayanin dahil mahal ko sya at hindi yun ang mahalaga.

"Ayos na?"

Pinakiramdaman ko ang braso ko saka ako tumango.

"Salamat."

Ngumiti sya saka humiwalay at bumaba sa kama.

"Magluluto lang ako." Sabi nya saka lumabas ng kwarto.

Sumubsob ako sa unan at pumikit.

"Mister! Gising!"

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan sya.

"Bakit?"

"Nakaluto na ko, kain na tayo para makatulog na."

Kumurap kurap ako saka bumangon. Bumaba kame sa kusina at kumuha ng pagkain saka tumambay sa sala at nanood ng tv.

Tahimik lang syang kumakain habang nanonood. Sa kanya lang ako tumitingin habang busy sya sa panonood.

Sana ganito na lang kame parati.

Sana wag ng magkaroon ng problema.

Yung simple lang basta magkasama kame ang importante nasa tabi ko sya. Kahit hindi marangya katulad ng kinalakihan ko basta nasa tabi ko sya kuntento na ko.

Sya lang naman ang mahalaga wala ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro