Chapter 32: Bond

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong mahimbing pa ang tulog nya. Siguro kulang na naman toh sa tulog ng mga nakalipas na araw. Hindi na naman siguro sya nakakatulog ng maayos kahit pagod sa trabaho at sa school.

Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang baba nya, pinadaan ko pa ang daliri ko sa ilalim ng ilong nya malapit sa labi nya.

May balbas na sya, siguro nga tumatanda na talaga kame.

Napahinto ako sa ginagawa ko ng hawakan nya ang kamay ko.

"Misis natutulog ako." Sabi nya saka sumubsob sa unan para di ko na mahawakan ang mukha nya.

Kahit anong kulit ko never syang tumalikod sa akin lagi lang syang nakaharap sa akin pagmagkatabi kame.

Gamit ang isang kamay ko buhok naman nya ang pinagdiskitahan ko.

Sumaltak sya saka hinila ako at niyakap para hindi ko sya makulit, nah mali sya HAHAHA! Ipinasok ko sa damit nya ang kamay ko.

"Misis!"

Di ko sya pinansin.

"Damn!" Mura nya saka bumalikwas ng bangon.

Natawa tuloy ako sa reaksyon nya.

Sumimangot sya saka bumaba ng kama at pumasok sa banyo. Nang lumabas sya lukot na lukot ang mukha nya.

"Goodmorning Mister." Nakangiting bati ko.

"Morning." Sabi nya saka nahiga sa kama at umunan sa binti ko.

"Anong oras ba tayo aalis?" Tanong ko.

"Mamaya na lang sigurong tanghali. Inaantok pa ko."

Tumango na lang ako at hinayaan syang matulog. Antok na antok ei akala mo naman hindi maagang natulog kagabi wala pa ngang alas-dose tulog na sya ei.

Nagcellphone na lang ako habang natutulog sya, di ako makaalis ei ginawang unan ang binti ko.

Nag-check ako ng kung ano ano sa cellphone ko, like Gmail, Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad nagkanda-lito-lito pa nga ako kase di ko na maalala kung alin ba yung password ei buti na lang gumawa ako ng listahan kung hindi di ko na mabubuksan.

Exactly 12pm nagising sya. Taka nga ako kung bakit sumakto ei. Yun pala ang babaw lang ng tulog nya. Bumangon sya at naupo, bumaba na ako ng kama at pumunta sa kusina para magluto.

Habang tumatagal itong kusina ang nagiging tambayan ko. Pansin kong sa lahat ng parte nitong bahay dito ako madalas pano ako lagi ang nagluluto kaya lagi akong nandito.

"Upo na, patapos na ko." Sabi ko ng maramdaman kong pumasok sya dito sa kusina.

Madalas sa sala or dito sa counter kame kumakaing dalawa nakakatamad kase sa dining masyadong malaki, ei dalwa lang kame.

Naupo na sya sa stool, inilapag ko na ang mga pagkain at naupo na din saka nagsimula na kameng kumain. Tahimik lang kame panay pa ang pagpikit ng mata nya eiii inaantok pa din ata.

"Wag na kaya tayong tumuloy? Inaantok ka pa oh!"

Iminulat nya ang mata nya at tiningnan ako saka pinalaki yun.

"Sinong may sabing inaantok ako? Mulat na mulat nga ang mata ko oh!"

Natawa na lang ako sa itsura nya.

"Ewan ko sayo, wag mo ng pilitin baka ikamatay pa natin yan."

Sumimangot sya. "Fine, bukas na lang?"

Tumango ako. "Matulog ka na lang buong araw."

"Ba't ako lang?"

"May lakad kame ni Ate Lyn."

Sinamaan nya ako ng tingin. "Kaya pala ayaw mong tumuloy." Bintang nya.

"Well, naka-promise na ako ei. Atsaka mamayang hapon pupunta kame sa salon nila Mama."

Tumayo sya saka lumapit sa telepono.

"Gagawin mo?"

"Tatawagan sila, sasabihin kong hindi ka pwedeng umalis!"

"Baliw, edi inaway ka nila."

"Aawayin ko din sila! Di ba nila alam na kaaayos lang natin tapos umeepal sila? Kailangan natin ng oras sa isa't-isa noh!"

Kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa sa sinasabi nya.

Tumayo ako saka nagligpit at lumapit sa kanya.

"Ngayon lang naman ei."

"Kung bakit ba naman kase pumayag ka."

"Hindi ako makatanggi ei. Atsaka gusto ko din namang pagbigyan sila pambawi na din dahil sila yung nandyan nung wala ka."

"Sinumbatan pa ko."

"Atsaka nakakahiya kung tatanggihan ko si Mama ei halos asikasuhin nya ko ng husto nung wala ka."

"Nakakasakit ka na talaga, isa pang ulit."

"Si Ate din naistorbo ko nung wala ka."

"Inulit talaga."

Hindi ko na napigilang matawa habang lukot na lukot ang mukha nya. Lumapit ako at yumakap na lang sa kanya.

"Yaan mo na two weeks naman yung leave mo di ba? Isang araw lang naman makukuha nila sa two weeks mo."

"Mahalaga ang bawat segundong lumilipas Misis."

"Asus, ba't ngayon mo lang naisip yan? Nagsayang ka kaya ng three weeks."

"Oh come on!" Ginulo nya ang buhok nya. "Bakit ang hilig mong ipaalala yun?" Sabi nya.

"Para maalala mong hindi mo na dapat ulitin."

Di na sya umimik at yumakap na lang din.

Matapos nun nag-asikaso na ako dahil baka dumating na si Ate para sunduin ako.

"Basta kapag nagutom ka may niluto akong pagkain nasa ref, may cupcakes din dun kumain ka na lang. Pag-aalis ka wag mong kalimutang i-lock ang main door pati ang gate. Ayusin mo wag kang magkakalat kalilinis ko lang. Pag-naligo ka ilagay mo sa laundry basket yung hinubad mo." Huminto ako at humarap sa kanya. "Huwag kang larang ahas na naghihinulo at iniiwan ang balat sa kung saan, itabi mo ang mga hinubad mo."

Sinimangutan nya ako. "Misis ilang oras ka lang mawawala, hindi ka mawawala buong taon. Ilang oras lang kaya tantanan mo yang kabibilin mo na para bang antagal bago ka bumalik."

"Pinapaalala ko lang sayo mister, atsaka matulog ka ah para bukas matuloy na tayo."

Tumango sya. Huminto ako sa may main door, nakatingin naman samin si Ate na sinusundo na ako.

"Nga pala pag-ginabi ako wag mo na akong intayin-----"

Nagsalubong ang kilay nya. "Sinong may sabing pwede kang gabihin?!" Bumaling sya kay Ate. "Ate pasabi kanila Mommy na bago mag-alas sais ibalik nyo na itong babaeng ito kundi di na kayo makakaulit." Sabi nya.

"Ay jusko naman!" Napapakamot sa ulong react ni Ate.

Lumapit na ako kay Ate, pinagbuksan ako ni Carlos ng pinto.

"Ingat." Sabi nya.

Tumango ako saka humalik sa pisngi nya pero hinalikan nya ako sa labi.

"Umuwi bago mag-gabi."

"Oo na po."

Pagpasok ko sa loob lumayo sya ng konti at isinara na ang pinto. Nagmaneho na si Ate palabas ng garahe, kumaway lang ako habang nakatingin sa side mirror. Hanggang sa makalabas kame ng bahay nakatayo lang sya doon habang nakatingin sa amin. Napabuntong hininga ako.

"Ang strikto masyado ei." Rinig kong sabi ni Ate.

Hindi ako kumibo.

"Pinaghihigpitan ka ba nya?" Tanong nya pa.

Umiling ako. "Hindi naman, may mga bawal pero hindi naman."

"Sabihin mo agad sakin pag-oo ilalayo kita."

Tumawa ako. "Ate naman, ganun naman talaga." Tiningnan ko sya. "Bakit si Kuya Carlios ba hindi ganun sayo?"

"Ay jusko! Mas malala ang lalakeng yun! Laging nakabantay sa akin samantalang hindi naman kame!"

"Kita mo, ganun lang talaga sila hayaan mo na, masasanay ka din ako nga nasanay na lang ei."

"Ang tyaga mo sa totoo lang."

"Huh?"

"Isipin mo napag-tyagaan mo ang ugali nya."

"Bakit ano bang meron sa ugali nya?"

"Ayon sa kwento ni Carlios nung mga bata pa sila masama daw ang ugali ni Carlos."

"Gano kasama? Mas masama sa ugali ko dati?"

"I donno, yung sayo kase spoiled brat ka ei palibhasa na-i-spoiled ni Mommy."

"Lahat ng tao nagbabago, nagbago naman ako ah."

"Sinasabi ko lang para aware ka."

"Alam ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko kung ano ang ugaling sinasabi mo Ate."

Kumunot ang noo nya.

"Alam mong kilala ko silang lahat maski sya na bago lang sa amin."

Ngumiti sya. "Nakalimutan kong kabisado mo nga pala sila maski sya."

"Ate...." Tumingin ako sa labas. "Nag-aalala ba kayong masaktan ako?"

Napabuntong hininga sya. "Ganun na nga."

"Dahil sa nangyare noh?"

"To be honest? Oo, kase kung ganun ka nya ka-bilis binitawan at hindi kinausap o pinansin baka isang araw iwanan ka na lang nya and we don't want you to feel the same pain you've been through."

"Handa akong sumugal ulit at kung masasaktan ulit ako tatanggapin ko hanggang sa mapagod ako."

"Mahal mo na talaga noh?"

Hindi ako umimik.

"Sigurado ka na?"

Tumango ako.

"Hayst, ano pa nga bang magagawa namin."

"Wag ka ng mag-alala Ate malaki na ako, kaya ko na toh."

"Sana nga, dahil ayokong nakikitang umiiyak ka ng dahil sa mga lalakeng yan."

"Maka-mga parang andami ah?"

"Bakit di ka umiyak noon dahil kay Erick?"

"Guilty."

Tumawa lang sya. Pagkarating namin sa mall sinalubong agad kame nila Mama.

"Antagal nyo naman." Reklamo nilang dalwa.

Nagmano ako saka itinuro si Ate.

"Bagal mag-drive ei."

Sumimangot lang si Ate.

Pumasok kame sa loob ng mall at naglibot-libot. Yung totoo nagpapasama sakin si Ate maghanap ng ireregalo nya sa birthday ni Kuya Carlios tapos si Mommy naman nagpapasama bumili ng mga decorations for Christmas isang buwan na lang ei. Samantalang si Mama nagpapasamang mag-spa at salon kaya ayan sama-sama na lang kame para bonding din. Game na game naman sila although medyo hindi agree si Ate kase hindi daw sya kumportable kay Mama dahil well soon to be mother in law nya rin ito pagnagkataon yet hindi pa sila masyadong nakakapag-usap. Kuya Carlios kase ei bagal bagal, paalala nyo ngang tuturuan ko si Kuya Carlios na isama na sa kanila itong si Ate ng hindi na makawala sa kanila.

Una naming hinanap yung kay Ate, lumibot kame sa mga boutique para doon. Tumanggi pa nga kame ni Mommy ei sabi namin si Mama ang may alam dahil anak nya yun ang ending sila ang magkasamang namimili at nagtingin-tingin lang kame.

"Pasabay." Sabi ko kay Ate saka ibinigay yung damit at yung pera.

Kumunot naman noo nya.

"Atm mo asan?" Tanong nya ng cash ang binigay ko.

"Nasa bahay di ko dinala."

Tiningnan nya lang ako na para bang hindi sya kumbinsido.

"Asus hija parehas yang mag-asawa na yan. Si Carlos ganyan din laging iniiwan sa bahay nila ang Atm." Singit ni Mama.

Ngumiti lang ako. Tinaasan lang ako ni Ate ng kilay nya na para bang tinatakot ako na kapag di ko sinabi patay ako sa kanya.

Hindi na lang ako umimik. Sya ang pumila sa counter at nagbayad ng mga yun. Tahimik lang ako sa isang gilid. Napapaisip ako kung magkano na lang ba ang pera sa wallet ko. HAHAHA! Kailangan kong magtipid. Like duh kelangan kong tipirin yung pera ko at yung binigay ni Carlos kung hindi mamumulubi kame parehas. In fairness mukhang masarap naman mag-ulam ng asin ei charrot HAHAHA!

Nang makabalik sa pwesto namin si Ate, inabot nya sakin yung damit at yung sukli ko. Nagpasalamat lang ako.

Lumabas na kame at pumunta naman sa department kung saan nandoon yung mga decorations. Ito daw next namin para daw bago kame umuwi yung spa at salon.

Tulong-tulong kameng nagtingin at pumili ng decorations. Naisip tuloy ako mag-d-decorations ba ko sa bahay?

"San nga pala kayo magpa-pasko ni Carlos?" Tanong ni Mommy.

"Donno wala pa pong plano ei."

"Pag-usapan nyo na mahirap ma-rush." Sabi ni Mama saka bumaling kay Ate. "Nak, kayo ni Carlios saan kayo?"

Nawindang naman si Ate. Tumawa lang ako tapos inasar ko sya.

"Di naman po kame ei." Simangot na sagot nya.

"Aba ei kahit na, dapat may plano din kayo."

Mas lalo akong natawa.

"Tawa ka dyan, mag-usap na din kayo ni Carlos para alam namin kung sinong mauuna samin. Sa side ba nya o sa side mo." Singit ni Mommy na ako ang na naman ang nakita.

"Kaya ayokong mag-asawa noon ei. Andaming problema samantalang noon isang side lang ngayon dalwa na." Emote ko.

Tumawa naman silang tatlo.

"Believe me nak, nahirapan din ako dati sa ganyan." Sabi ni Mommy

"Yung di mo alam kung kanino kayo sasama kase pag-may nauna magtatampo yung huli." Sabi ni Mama

"Dapat ko na bang problemahin din yan?" Natatawang sagot ni Ate.

"Aywan ko. Bahala na si Batman."

"Basta kung anong desisyon nyong mag-asawa ayos lang samin." Sabi nila Mommy.

Napangiti tuloy ako. Bakit ambait nila?

Matapos bumili ng decorations dumiretso na kame sa spa at salon. Natatawa nga ako kase hindi kame gumastos ni Ate dahil libre daw nila Mama. Go lang kame ansaya kaya ng libre.

Tahimik lang kameng apat na nagbabasa ng magazine habang nasa salon ng matapos sa salon, spa naman.

"Halaa Mom! Malapit na mag-six kelangan ng umuwi ni Janella!" Sabi ni Ate.

"Ba't naman?" Kunot noong tanong ni Mama

"Anong meron sa six?" Tanong din ni Mommy

Sumimangot ako.

"Kase sabi ni Carlos di daw pwedeng gabihin itong asawa nya kung hindi, hindi na tayo makakaulit." Sagot ni Ate.

"Nag-damot na naman si Carlos." Komento ni Mama

"Pigilan nyo ko baka masakal ko sya pag-nag-kita kame." Sabi naman ni Mommy.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro