Chapter 33: Moment

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Past 6pm ng makarating ako sa bahay, ayaw pa nga nila sana akong ihatid ei kung hindi ko lang sinabing kailangan ko talagang umuwi dahil di pa ko nakakapagluto which is medyo lie kase nakapagluto na ko bago umalis.

Pagpasok ko sa bahay patay ang mga ilaw, nagtaka tuloy ako, san napunta ang tao dito? Umakyat ako sa taas para magbihis pagbaba ko sa sala nagulat ako ng makitang papasok ng bahay si Carlos. Mukhang malalim ang iniisip nya.

"San galing?" Tanong ko.

Nag-angat sya ng tingin at nang makita ako agad nagliwanag ang mukha nya----may bumbilya ba sa mukha nya?-----saka sya agad na lumapit sa akin.

"Kauuwi mo lang?" Tanong nya.

"Kani-kanina lang, san ka galing?"

"May importanteng kinausap lang sa labas."

Tumango ako.

"Kumain ka na?" Tanong ko.

Umiling sya kaya hinila ko sya sa kusina tapos kumuha ako ng mga pagkain sa ref at inilapag sa counter.

"San ba punta natin bukas?"

"Secret."

Sumimangot ako saka kumain. Andamot ei ayaw sabihin kung saan. Itinaas ko ang paa ko sa upuan, ang kati eiii kinakagat ako ng lamok kahit naka-pajama na ako.

Nang mapatingin ako sa kanya ganun na naman anlalim na naman ng iniisip nya. Kinatok ko sya ng kutsara sa ulo dahilan para salubong ang kilay nyang tiningnan ako.

"Ano bang problema? Kanina ka pa tahimik mula ng dumating ka. Anyare ba?"

Umiling sya saka bumuntong hininga.

"Wala toh."

"Tch. Wala daw kitang kita namang meron."

"Wala nga."

"Ay jusko ewan ko sayo."

Uminom ako ng tubig saka lumabas ng kusina at umakyat sa taas bahala sya dyan, ehem style yun para sya naman maghugas ng pinggan charrot.

Naglakad ako papunta sa veranda at naupo sa silya habang nakaharap sa railings.

Ansarap ng hangin nakakaantok-------

"Misis."

"Bakeet?!"

"Tara na sa kwarto."

"Mauna ka na."

"Malamig dito."

"And so? Pake ko?"

Narinig kong sumaltak sya at umalis, napalingon ako ng pagbalik nya ibinalot nya ako sa dala nya. As in yung hindi lang basta ipinatong sa balikat ko. Nakasimangot na inayos ko yun. Hinila nya yung isang silya at naupo sa may tabi ko saka hinawakan ang kamay ko at tahimik na pinaglaruan yun.

Pakiramdam ko talaga may problema toh ei ayaw lang sabihin sakin kung ano.

Ganun lang kame, tahimik lang parehas hindi na din ako namilit kung ayaw nyang sabihin sige okey lang basta ako nandito lang lagi namang ganun ei kaya madalas ako mismo ang tumutuklas kase hindi naman sakin sinasabi kung ano.

"Pasok na tayo sa loob?" Tanong ko.

Tiningnan nya ako saka tumango. Tumayo ako at hinila sya papasok sa loob diretso sa kwarto namin. Napapaisip tuloy ako sa dami ng kwarto dito sa bahay bakit isa lang ang ginagamit namin? Minsan nga gagalitin ko toh si carlos tapos dun ako matutulog sa isa sa mga kwarto, wala lang masubukan lang. HAHAHA charrot lang.

Pagpasok sa loob pinatay nya yung ilaw saka hinila ako sa kama. Inabot ko yung lampshade at binuhay para may liwanag pa din, andilim ei saka ako nahiga ng maayos tumabi naman sya sakin at nahiga paharap sa akin saka pumikit.

Wala man lang good-----bumuntong hininga sya saka hinalikan ako sa noo.

"Goodnight Misis." Sabi nya.

Nakatingin lang ako sa kanya lumapit ako at sumiksik sa kanya niyakap nya ako.

"Kung ano man yan andito lang ako." Sabi ko.

"I love you."

"I love you more."

Pumikit ako para matulog na.

Kinabukasan nagising ako dahil pakiramdam ko may nakadagan sa akin, iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakadantay sakin ang binti nya at nakayakap pa din sya. Bigat ng binti at braso ei.

Nag-unatan ako at pasimpleng itinulak sya palayo para maalis ang pagkakayakap nya. Nagmulat sya ng mata at ngumiti.

"Aga aga nakakasilaw yang ngiti mo."

Tumawa sya saka hinila ako at niyakap ng mahigpit.

"Carlos na pano ka ba hah?"

"Wala, nakapag-empake ka na ba?"

Umiling ako. "Akala ko naman kase hindi tayo matutuloy."

"At bakit naman tayo hindi matutuloy?"

"Ei kase ho kagabi hindi ka kumikibo anlalim ng iniisip mo."

"Akala ko may lakad ka na naman."

"I told you isang araw lang yun!"

"Malay mo nangako ka din kanila Maria."

Nanlaki ang mata ko. "Shocks!"

Napasimangot sya. "See?"

Tumawa ako saka kinurot ang pisngi nya.

"Joke lang, wala na kong lakad."

Sumaltak lang sya. Bumangon na kame at bumaba sa kusina para mag-almusal.

Matapos manood ng cartoons na inaabangan ko umakyat ulit kame para mag-empake ng mga dadalhin namin.

"Nga pala binilhan kita ng damit kahapon." Sabi ko saka inabot sa kanya yung paper bag.

Tiningnan naman nya yun tapos ngiting ngiti sya.

Naupo ako sa kama at isa isang tinupi yung mga damit namin na dadalhin saka inilagay sa bag samantalang sya ayan ngiting ngiti pa din.

"Carlos para------"

Napahinto ako sa sasabihin ko ng mabilis syang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi.

"Salamat." Nakangiting sabi nya pagkahiwalay sakin.

Natawa na lang ako saka hinampas sya. "Para kang tanga."

"Natutuwa lang na naalala mo ako."

"Asus! Kelan ba hindi?"

Natawa sya. "Oo nga pala patay na patay ka sakin."

"Ay kapal! Parang baliktad ata?"

"Ako ba yun?"

"Ay hindi ako!"

Tumawa lang sya saka umupo sa may tabi ko at sinukat yun.

Bumalik ako sa pag-aayos ng mga damit. Napapailing na lang ako sa ginagawa nya, pano nag-model pa sa harap ko.

"Carlos! Alis!"

Lumapit ba naman sakin saka inangat yung damit nya at hinubad. Muntanga ei.

"Parang tanga! Tumigil ka nga!"

Tuwang tuwa naman sya sa kagaguhang ginagawa nya.

Natigil lang sya nung tumunog yung alarm clock na mali naman ang oras.

Nasa huling damit na ako ng may maalala ako. Nilingon ko sya na nakahiga sa may likuran ko.

"Nagtatanong nga pala sila Mama san daw tayo magpapasko?"

Kumunot ang noo nya.

"Wala pa nga pala tayong plano."

"First Christmas together."

"And First New Year."

Tumango ako.

"Ano bang gusto mo?" Tanong nya.

"Di ko alam ei, parang trip ko mag-decorate kaso kung di naman tayo dito magpapasko sayang."

"Edi mag-decorate tayo."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?"

Ngumiti sya saka tumango.

"Tapos mag-handa tayo para sa noche buena then kinabukasan na tayo pumunta sa kanila sa mismong Christmas day."

"In fairness ang talino mo sa part na yan."

Natawa sya saka pinisil ang ilong ko.

"Ang importante kase nandito tayo sa bahay pag-salubong."

"Noted. Mukhang kailangan ko ng gumawa ng listahan."

"Ikaw ng bahala."

Tumango-tango ako.

Sheet! Bigla tuloy akong na-excite sa mangyayare.

Matapos nun nag-asikaso na kame para sa pag-alis. Bandang tanghali nagsimula na kameng bumiyahe. Inabot na nga ako ng antok hindi pa din kame nakakarating ei.

"San ba talaga tayo pupunta? Ba't ang layo?"

"Basta." Sabi nya saka hinawakan ang kamay ko.

Palubog na ang araw ng makarating kame sa pupuntahan namin. Sabay kameng bumaba sa kotse.

"Dito tayo for two weeks?" Tanong ko.

Di ako makapaniwala ei. Sobrang ganda ng place.

"Yes." Sagot nya habang nakatanaw sa langit.

Nang matapos ang paglubog ng araw kinuha na nya ang gamit namin saka iginiya ako papunta sa isang rest house.

"Bukas na lang tayo maglibot-libot magpahinga muna tayo." Sabi nya.

Tumango ako.

Sya na ang nag-akyat ng gamit namin kaya pumunta ako sa kusina para magtingin kung may lulutuin. Binuksan ko ang ref at napakunot pa ang noo ko ng makitang kompleto ang stocks, binuksan ko yung mga kabinet. Guess what? Kumpleto din kahit mga powder at kung ano ano pa pakiramdam ko tuloy bigla akong natuwa na kung ano ang nasa bahay namin meron din dito pwede tuloy akong mag-bake.

Nagluto lang ako ng madali dahil nakakapagod din kase. Layo din ng biniyahe namin ei.

"Misis?"

Nilingon ko sya lumapit sya sakin at kinuha yung plato na hawak ko.

"Ako na, magbihis ka na muna." Sabi nya.

Hinayaan ko na lang sya at umakyat na ako sa taas para magbihis katulad ng sabi nya. Pag-akyat ko tumambad sa akin ang isang hallway na may limang kwarto tapos sa dulo may terrace samantalang sa kabilang dulo may maliit na sala kung saan may tv set din.

"Carlos saang kwarto?!" Sigaw ko.

"Una malapit sa terrace." Sagot nya na ni hindi man lang sumigaw edi sya na malakas boses samantalang yung akin pag-normal na boses parang bumubulong tapos pagsumisigaw parang normal lang hayup na boses toh.

Naglakad ako papunta doon at pumasok sa kwarto. Tumambad sa akin ang isang kama at aparador sa gilid malapit sa isang pinto na cr ata tapos sa gilid ng kama may lampshade na nakapatong sa maliit na kabinet then may table na maliit na malapit sa pader, may nakapatong na vase na may lamang bulaklak ang table.

Lumapit ako sa aparador at binuksan yun, nakita kong maayos na nakasalansan ang mga damit namin doon. Napangiti na lang ako, makalat man sya sa gamit nya alam nya paring magagalit ako kaya inayos nya. Kahit sa kwarto niya sa bahay ni Mama maayos din yun dahil nagagalit si Mama pag-magulo.

Kumuha ako ng damit ko saka pumasok sa banyo para magpalit. Paglabas ko dumiretso na akong bumaba sa sala. Naabutan ko syang nakaupo sa sofa habang nakapatong ang braso nya sa sandalan at naka-dekwatro.
Lumapit ako at naupo sa tabi nya saka kinuha yung pagkain naki-salo naman sya sakin. Matapos kumain sya na ang naghugas ng pinagkainan. Humikab ako at umunan sa throw pillow saka nahiga.

Papikit na ako ng bumalik sya.

"Misis akyat na tayo sa taas."

"Tinatamad akong maglakad."

Umusog ako at hinila ko sya bumagsak sya sa tabi ko. sumiksik ako sa kanya nalaglag tuloy kame sa lapag.

"Aray." Daing nya.

"Sorry." Natatawang sabi ko.

Parehas kameng naupo.

"Masakit?" Tanong ko.

"Ambigat mo ei."

"Kapal!"

Tumawa sya saka tumayo at walang babalang binuhat ako.

"Hoy! Ibaba mo ko!"

"Nah, tinatamad kang maglakad di ba? Edi ako ang maglalakad para sayo."

"Aweee corny alert!"

Naglakad sya paakyat sa hagdan saka dumiretso sa kwarto at inilapag ako sa kama saka sya nahiga sa tabi ko. Sumiksik ulit ako sa tabi nya.

"Ang hilig sumiksik baka mahulog na naman tayo sa sahig." Sabi nya.

"Walang pakelamanan."

"Asus!"

"Bango mo kase ei." Mahinang sabi ko

Natawa sya, inalis nya ang shirt nya at niyakap ako sumubsob ako sa dibdib nya at inamoy sya. Ambango nya talaga pramise.

"Baka ma-adik ka nyan Misis."

"Edi masaya makukulong ako sa puso mo."

"Stop it Misis."

"Baket naman?"

Nag-iwas sya ng tingin. "Nahuhulog ako lalo."

"Asus! Ge mahulog ka lang ako bahala sayo sasaluhin kita kahit ambigat mo."

Nanggigigil na humigpit ang yakap nya sakin, natawa na lang ako.

"Matulog na nga tayo ang corny ko na din."

"Mabuti pa nga, inaantok ka na ei."

Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na----wait sinabi ko bang matutulog na ko? May kulang pa nga ei!

"Goodnight kiss ko?" Nakasimangot na sabi ko saka bumitaw sa yakap.

"Parang dati lang nagagalit ka pag-hinahalikan kita ngayon demanding na."

"Ayaw mo? Fine!"

"Joke lang sinong may sabing ayoko? Gustong gusto ko nga eiii!"

"Ayaw mo kaya."

"Ay jusko ang kulit kulit ng asawa ko."

Sinamaan ko sya ng tingin pero hinalikan nya lang ako at inilapit sa kanya.

"Gawa tayo ng baby dalii."

"Lol yoko nga!"

"Gugustuhin mo din someday Misis."

"Di din, malabo."

"Di ako papayag."

"Asa."

Ngumisi sya. "You can't resist my sexy-ness wife."

"Labo."

"Wanna try?"

"Ge nga! Pag-yan di tumalab sa labas ka ng kwarto matutulog."

"Joke lang saka na pag-kasal na tayo."

"Asus takot ka lang matulog sa sofa ei."

"Mas takot akong matulog ng wala ka sa tabi ko."

"Whatever."

Niyakap nya ako.

"And also I respect you, makakapaghintay naman ang mga ganung bagay."

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan kong ngumiti.

"Asus kinikilig ang Misis ko."

"Shattap."

"Ayan oh, halatang pinipigilang ngumiti." Tinusok nya ang pisngi ko. "Sige na kiligin ka na di ako mang-aasar."

"Naman eiii!" Kinagat ko ang balikat nya pero tumawa lang sya.

Di ko na napigilang ngumiti.

God bakit ang swerte ko sa lalakeng toh?

Kinabukasan, di ko alam kung pano ako nakatulog kagabi basta nagkukulitan lang kame then inantok na ako.

"Goodmorning." Rinig kong bati nya dahilan para mapamulat ako.

Napatingin agad ako sa ilalim ng kumot kase nakaunan na ko sa dibdib nya.

"Paranoid ka na naman Misis."

"Mabuti ng sigurado baka mamaya ginapang mo ko habang tulog ako."

"Di ko gagawin yun, gusto ko gising ka pagginawa ko yun."

"Siraulo."

"It should be memorable."

"Ewan ko sayo, aga-aga."

Bumangon ako at sinuot yung shirt nya dahil well naka-sleeveless lang ako.

Bumaba ako sa kama at pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko. Paglabas ko sya naman ang pumasok sa banyo, bumaba ako sa kusina para magluto ng almusalan. Nakaupo na ako sa sofa habang nanonood ng cartoons ng bumaba sya. Pustahan nakatulog toh pagpasok sa banyo. Ganyan yan minsan ei.

Tumabi sya sakin at kumain na kame.

"After breakfast libot na tayo." Sabi nya tumango lang ako, busy ako sa pag-amoy ng shirt nya ei.

"Misis andito naman ako." Sabi nya saka nag-open arms.

Lumapit ako at sumubsob sa leeg nya dahilan para mapasandal sya sa kamay ng sofa. Iniyakap nya lang sa bewang ko ang mga braso nya.

"Sheet pakiramdam ko kung mag-lilihi ako, ikaw ang paglilihian ko."

"Edi magiging gwapo sya katulad ko."

"Wag lang sanang maging mapang-asar at mayabang na katulad mo."

"Hindi naman ako ganun kayabang."

"Hindi daw pero kung makabuhat ng sariling bangko wagas."

Tumawa sya. "You really know me."

"Oo alam ko kung gano kasama ang ugali mo."

"But you still choose to love me."

"Kase mabait ako."

"Damn, why am I so lucky to have you?"

"Bola."

"I'm serious Misis."

"Kelan ba hindi?"

Nag-angat ako ng tingin saka hinalikan sya sa pisngi.

Nahikab ako. "Anong oras ba tayo natulog kagabi?" Tanong ko.

"Donno. Maybe past midnight?"

"Kaya naman pala inaantok pa ako."

By 10am nagpasya na kameng maglakad-lakad sa paligid.

"Omyghad is this for real? Ang gandaaa!"

Narinig kong tumawa sya kaya nilingon ko sya.

"May nakakatawa?"

Umiling sya. "Para kang bata Misis."

Namewangan ako sa harap nya.

"Ba't ba? Ang ganda ei!"

"I know kaya nga dito kita dinala kase alam kong matutuwa ka."

"Ayieee! Sabi na eii patay na patay ka sakin!"

"Well obviously."

Tumawa lang ako saka humarap ulit sa direksyon ng malawak na hardin.

Sobrang ganda nun to the point na ayoko ng umuwi at masarap na lang na dito tumira. Nasa gitna ng malawak na hardin ang rest house. Iba't-ibang bulaklak ang nasa paligid at ang bango dahil sa halimuyak ng mga yun.

"Shocks pwedeng dito na lang tayo tumira?"

"Sadly, hindi pwede."

"Hindi sainyo toh noh?"

Umiling sya. "Sa kaibigan ni Mommy."

Tumango ako saka muling pinagmasdan ang makulay at malawak na hardin. Siguro katulad ko din ang kaibigan ni Mama mahilig din sya sa mga bulaklak.

Bandang tanghali ng pumasok kame sa loob para kumain tapos tumambay na lang kame sa labas ng bahay habang pinanonood ang mga bulaklak na sumasabay sa hangin.

Gusto ko yung ganito lang, yung simple lang. Yung malayo sa polluted na lugar, yung tahimik, yung walang kahit anong gulo. Kung pwede lang ng ganun malamang iniwanan ko na lahat ng meron ako sa siyudad pero hindi pwede dahil marami akong obligasyon at responsibilidad.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Sa kusina."

Tumayo sya at sumama sa akin.

"Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw mataba ka na." Sabi nya pagpasok namin sa kusina napahinto tuloy ako sa paglalakad.

"And so? Mag-file ka na lang ng divorce pag-ayaw mo na. Madali naman akong kausap."

"Misis hindi ka madaling kausap, pikon ka."

"Bumalik ka na nga dun sa labas!"

Inisang hakbang nya ang pagitan namin saka lumapit sa akin.

"Ang pikunin mo talaga, sinasabi ko lang ei."

"Pake ko sa opinyon mo?"

Ipinulupot nya sa bewang ko ang mga braso nya saka inilapit ako sa kanya.

"Misis sinasabi ko lang na tataba ka kapag palagi kang nandito sa kusina hindi ko sinabing iiwanan o makikipaghiwalay ako sayo pag-tumaba ka."

"Parehas lang yun, pag-tumaba ako iiwanan mo na ako kase ayaw mo sa mataba."

"Silly, who says I don't love pigs?"

"Ansama talaga ng ugali mo! Mataba lang hindi baboy!"

Tumawa sya saka mabilis na hinalikan ako.

"Lumobo ka man, tumaba o maging baboy pa wala akong pake. Ikaw at ikaw parin ang mahal ko."

"Pero wala tayo sa fairytale okey? In reality kapag tumaba ang babae iniiwanan sila ng mga asawa nila."

"Then I'll be the first man in reality who will still love his wife even if it become fat. Wala akong pakealam sa physical kahit pa maging balyena ka wala akong pakealam."

Pinisil nya ang pisngi ko.

"Always remember na hindi physical mo ang minahal ko kundi ang pagkatao mo."

"Naman ei."

"I love you, I will and I still."

Nag-tip toe ako saka niyakap sya, sumubsob ako sa balikat nya.

"I love you more kahit anlakas mo mang-pikon."

Tumawa sya saka niyakap din ako. Nang humiwalay ako hinampas ko na sya dahil ayaw na nyang bumitaw.

"Magbi-bake ako."

"Cupcakes ko ah?"

"Yoko nga ba't sino ka ba? Hah?"

"I'm your husband!" Simangot na sabi nya.

"Ah." Tumango-tango ako. "Sino ka nga ulit?"

Nalukot ang mukha nya kaya natawa ako.

"Charrot lang mister! Tulungan mo na nga lang ako."

Ibinigay ko sa kanya yung ibang gamit.

"Wag mong simangutan yan papangit ang lasa nyan."

Nagsimula na kameng magbake.

"Ang alam ko kase gwapo yung husband ko ei, ba't ampanget mo?" Tanong ko saka humarap sa kanya. "Hoy!" Hinampas ko sya ng malakas.

Pahiran ba naman ako ng harina sa mukha.

Tumawa lang sya saka tinuloy yung ginagawa nya. Napairap na lang ako at tinuloy ang ginagawa ko.

Matapos yun inilagay na namin sa oven.

"Misis."

Nilingon ko sya. Pinunasan nya yung harinang pinahid nya sa mukha ko saka ako hinapit palapit sa kanya at niyakap.

"You're my peace of mind
In this crazy world."

"Carlos?"

"You're everything I've tried to find
Your love is a pearl."

"Anong-----"

Humigpit ang yakap nya kasabay ng musika.

San nanggaling yun? Mga pakulo talaga nito ei.

"You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies."

"Is that beautiful in my eyes?"

Humarap ako sa kanya, tumango sya saka idinikit ang noo nya sa noo ko.

"And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes."

Kinagat ko ang labi ko saka ko sya niyakap, sumubsob ako sa balikat nya.

The world will turn
And the seasons will change
And all the lesson we will learn
Will be beautiful and strange.

"Mister?"

"Po?"

Humiwalay ako sa kanya.

We'll have our fill of tears
Our share of sighs.
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

Tiningnan ko sya sa mga mata.

"You will always be beautiful in my eyes." Sabi nya.

And the passing years will show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.

"I love you."

Ngumiti sya. "I love you more." Sabi nya saka pinisil ang pisngi ko.

When there are lines upon my face
From a lifetime of smiles
When the time comes to embrace
For one long last while
We can laugh about how time really flies.

"Can you promise me?"

"Promise what?"

"Fight for me."

Natigilan sya pero agad ding ngumiti.

We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.

"I will." Sabi nya.

Ngumiti ako saka nag-tip toe at hinalikan sya.

"If ever I get tired please hold on, If ever I tried to let you go please stay. I know mahirap yung hinihiling ko but please I don't want you to go."

The passing years will show that you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.

"Kahit hindi mo hilingin Misis gagawin ko dahil ayokong mawala ka sakin."

Pinunasan ko ang mga mata ko.

"Oh? Bakit umiiyak ka? Hindi naman kita kinurot ah?"

"Tears of joy yun!"

Tumawa sya. "Ang iyakin talaga ng misis ko."

"So? Mahal kase kita kaya ganun."

Kinagat nya ang labi nya. "Mas mahal kita."

"Ayaw patalo ei."

"Ganun talaga."

Sumubsob ulit sya sa balikat ko. Tumahimik na kame after nun at hinintay na lang na matapos yung binake namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro