Chapter 35: Celebration

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Hindi parin ako makapaniwala, parang nung nakaraang linggo lang muntikan kameng magkahiwalay pero ngayon ito na. Soon to be Mrs. Montes na ako as in yung official.

Parang panaginip, pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap kahit naman kase magkasama na kame sa iisang bubong iba pa din sa pakiramdam na alam mong may legal na kayong label.

Yung label na alam mong hindi mo kailangang mangamba kase surely soon magiging mag-asawa na kayo.

"Ayos ka lang?"

Tiningnan ko sya saka ako tumango.

"Tampalin mo nga ako."

"Ayoko."

"Dali na."

"Bakit ba?"

"Eiii." Kinagat ko ang daliri ko. "Para kaseng nananaginip ako."

Natawa sya. Nag-lean sya at mabilis na kinagat ang labi ko. Salubong ang kilay na tinampal ko sya sa noo.

"Aray ah! Masakit yun!" Angil ko saka hinawakan ang labi ko.

Tumawa sya saka umusog ng husto sa akin.

"Sabi mo ei."

"Mas masakit pa sa tampal yung ginawa mo ei!"

"Sorry."

Sumimangot lang ako saka pinakiramdaman kung nagkasugat yung labi ko. Siraulong toh. Masakit ei!

"Oh wala ba kayong balak kumain man lang?" Bungad ni Mommy saka naupo sa sofa sa harap namin.

"Busog pa mom." Sagot ko.

"Busog sa harutan? Asus! Mga batang toh hindi nakakain yun ah!"

Sumaltak si Carlos saka sumubsob sa balikat ko.

"Bala-e tara dito!" Sigaw ni Mama dahilan para tumayo si Mommy at pumunta doon.

"Mukhang magkasundo sila." Rinig kong sabi nya.

"Mister magkaibigan sila."

Napaangat sya at tiningnan ako.

"Di mo alam?"

Umiling sya saka bumalik sa pagkakasubsob sa balikat ko.

"Wala mahina ka, tagal na kaya nilang magkaibigan siguro bago pa tayo maging tao."

"Kaya naman pala gustong gusto ni Mommy sayo."

"Siguro."

Princess Pov

Hanggang ngayon kinikilig pa din ako! Sino ba namang hindi aber?! Ei nakakakilig kaya silang dalwa, yung tipong dati hindi namin naisip na magiging sila kase well mukha silang hindi magkakilala tapos ngayon ayan at engaged na.

Pag-ibig nga naman.

"Jam tataba ako sa ginagawa mo!"

"Edi tumaba ka! Wala akong pake!"

Napasimangot ako dahil sa dalwang lovebirds na nasa harap ko. Kanina pa yan ganyan, nagbabangayan ng dahil sa pagkain at sa pagtaba.

"Bala-e tara dito!" Sigaw ni Tita which is yung Mommy ni Carlos. Agad namang lumapit si Tita Jamie, mommy ni Ms.

Napalingon kame sa pinanggalingan nya at halos mapatili kame nila Ana sa nakita namin. Si Carlos at Ms, sweet sweet-tan na naman habang nakaupo sa sofa.

Mula dito sa dining kitang kita namin silang dalwa. Tahimik lang silang nakaupo doon habang nag-uusap.

"Iba talaga itong si Bayaw ei." Komento ni Jam

"Sinabi mo pa." Segunda ni Ate Lily na nagpipigil din.

Nakahawak ang kamay ni pareng carlos sa bewang ni Ms, mula sa likuran nito at nakasandal naman sa kanya si Ms.

"Myghad! Nagtataka na talaga ako ei!" Rinig kong sabi ni Kristel

"Medyo mabagal nga si pareng carlos." Sabi ni Kris.

"Seriously kung ako yan, baka first day pa lang naka-score na ako." Sabi ni Kennedy.

Hiyawan sila Rio.

"Well I'm just being honest." Sabi pa nya.

"Months na silang nagsasama hindi ba?" Tanong ko.

"Yeah pero ni minsan wala pang nangyare." Sabi ni Nicky.

Napabalik ang tingin namin kanila Ms.

Natawa kame ng makitang para ng nilukot na hindi matae ang ekspresyon ni pareng carlos habang hinahalikan ni Ms, ang jawline nya.

"Kristel." Tawag ko.

"Po?"

"Turuan mo nga si Ms, para alam nya kung aling mga bagay ang hindi nya dapat ginagawa. Kawawa naman kase si pareng carlos oh." Sabi ko.

"Noted." Natatawang sabi niya.

Nang tumingin ako ulit nabilaukan ako ng makitang parang sinasaway ni Carlos si Ms, but knowing her medyo makulit sya kaya medyo di din sumunod agad.

Uminom agad ako ng tubig.

Nang huminto si Ms, sa pangungulit isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ni Carlos. Para namang nakahinga ng maluwag ang lalake.

Nilingon ko sila Jam at nakita kong naka-salute sila.

"Problema nyo?" Tanong ko.

"Sumasaludo lang kame kay pareng carlos nakaya nyang lampasan ang temptation." Sagot ni Jerome.

Napapailing na sumaludo din ako.

Ibang klase, isa ngang malaking temptation si Ms. Janella sa mga lalake specially kung gagawin nya yung ginawa nya kanina kay Carlos naku sinasabi ko sainyo maaga syang magiging nanay ng dahil sa kainosentehan nya.

Sa katawan palang ni Ms, naku wala kameng panama! Manang lang yan manamit at lalake kung kumilos minsan pero pag-yan binihisan mo at inayos sinasabi ko sa inyo baka tuluyang ma-tomboy si Nicky at mawalan ng bebe itong si Rio. Maganda kase ang katawan ni Ms, kumbaga coca-cola ganun natatago lang dahil sa mga sinusuot nya kaya hindi na din kame nagtataka kung seloso at possessive itong si pareng carlos malamang nakita na nya ang curve ng aming leader slash nanay ng tropa.

Mabuti na nga lang kay pareng carlos sya napunta kung hindi baka hindi na pumayag sila Jam na mag-jowa pa sya. Over protective din kase itong mga ito. Mabuti na lang si Carlos ang nakasama nya sa iisang bubong dahil well kung respeto lang ang pag-uusapan, magba-bow ako kay Carlos. Kahit na kase---okey sige----kahit na nahahalikan na nya si Ms, hanggang dun lang. He knows his limit. Sa lahat ng lalake sa tropa si Carlos talaga ang masasabi mong grabe ang respeto pagdating sa mga babae lalo na sa babaeng mahal nya.

Kaya I salute! Iba din ei!

Tumayo kame mula sa pagkakaupo at lumapit kanila Carlos.

"Tagay boy blangko!" Aya na may kasamang pang-aasar na sabi ni Kris.

Itinaas nya ng bahagya ang kamay nya. "Pass ako."

"Asus ngayon lang naman ei!" Pilit nila.

"Ayoko ng gera." Sabi nya saka tiningnan si Ms. Janella na mukhang nakatulog na.

Sumimangot sila.

"Uma-andres de saya ka na, samantalang dati ikaw itong walang patawad kung uminom." Sabi ni Andrei.

"Iba talaga tama nyan sa kapatid ko ei." Sabi ni Jam.

"Hindi mo masasabing andres de saya yun Andrei." Rinig naming sabi ni Winston. Nilingon namin sya.

Seryoso syang nakatingin sa hawak nyang baso ng juice. Isa din toh ei simula ng mas mapalapit kay Barbie ayan at good boy na din.

"Once kase na mahanap mo na yung babaeng masasabi mong pang-altar at pang-habambuhay kahit na marami syang ipinagbabawal, kahit pa matagal mo ng ginagawa basta ayaw nya susundin mo dahil ayaw mo syang mawala. Pag-nag-mahal ka kase mas mahalaga na yung babaeng minahal mo kesa sa nakasanayan mo." Ngumiti sya bigla. "Maiintindihan nyo din once na mahanap nyo ang babaeng katulad ni Janella sa buhay nyo." Sabi pa nya saka ininom yung nasa baso nya.

"Tama." Segunda ni Carlos. "Andun kase yung takot na baka isang pagkakamali mo lang mawala sya sayo kase---well aminin na natin kahit na tayo yung pinili mas may better pa din satin. Hindi mo na din kase maiisip manghinayang na i-give-up yung nakasanayan mo kapag sya na yung usapan, kapag sya na yung kasama sa pagpipilian basta ka na lang magiging willing na iwanan yung nakasanayan mo basta nasa tabi mo sya." Sabi nya pa saka inayos si Ms. Janella.

"Tang-ina alak lang usapan kung saan saan na tayo napadpad!" React ni Rio

"Guys ako na mismo nagsasabi sa inyo ang hirap magsisi. Yung sana naging mas better na lang ako para sa kanya, yung sana pinakinggan ko sya, yung sana ginawa ko na lang lahat para mag-stay sya kase guys once na mawala yan sainyo? Huwag na kayong umasa pa na babalik siya kase baka..." Bahagya nyang sinulyapan si Winston. "...baka masaya na sya sa iba...baka yung hindi nyo nagawa ginagawa na ng iba para sa kanya."

"Anlalim ng hugot ah?" React ni Ms, na biglang umayos ng upo.

"Ang tsismosa mo talaga." Sabi ni Carlos.

Umirap naman si Ms, "Like duh! Nagda-drama yung isa sa mga bestfriend ko tapos mananatili akong tulog? Napaka-walang kwenta ko naman."

Napasaltak na lang si pareng carlos.

"Seriously ako kase nagsisisi ako. Tanga ko ei." Ininom nya yung kanina pa nakatagay na alak sa baso. "Di ba matagal na kayong nagtataka kung anong nangyare samin ni Maxiene? Sinayang ko sya, sinaktan, binalewala. Di ba Erick? Ramdam mo ko?"

Tumango si Erick saka nagtagay at uminom.

"Katulad ni Erick at Janella." Bumaling sya kay Carlos. "Peace tayo bro." Sabi nya.

Tumango lang si Carlos at dedma.

"Katulad nila. Na-fall sya sakin pero natakot ako, natakot ako na baka masaktan ko lang sya kung sakaling aaminin kong gusto ko din sya. Siraulo ako, Gago, inaamin ko yun. Napakarami kong kalokohan kaya natakot ako, binalewala ko sya thinking na mas may better pa kesa sakin. Yung better na hindi sya sasaktan, yung better na mas deserve nya pero trust me nung nakita kong masaya sya sa iba. Tang-ina ansarap magbigti gamit sinulid! Parang gusto kong saktan ang sarili ko kase ayun na ei sinayang ko. Sinayang ko yung babaeng nasa akin na pero pinakawalan ko pa."

Nalungkot ako bigla para kay George.

Kaya pala iba kapag nababanggit si Maxiene.
Kaya pala pagkinukulit sya ni Kris nagagalit sya kase kinakain sya ng guilt, kinakain sya ng lahat ng what if's nya.

"May boyfriend na ba sya?" Tanong ni Ms.

"Hindi ko-------"

"After ko, wala na."

Nagulat kame ng si Winston ang nagsalita.

"Win anong....." Di makapaniwalang sabi ni Ms.

"Naging kame. Sorry bro."

"Damn this revelation." Mura ni Jerome.

Tinampal sya ni Ana kaya bigla syang nagtakip ng bibig at nagsorry sa bebe nya.

Tumango si George. "Wala kang kasalanan bro. Kasalanan ko."

"Asan na si Maxiene?" Tanong ni Maria.

"London, next year pa babalik."

"Win her back bro." Sabi ni Winston.

Ngumiti ng bahagya si George at tumango. "I will bro."

Nagtagay si George ng alak sa baso nya samantalang si Winston nagsalin ng juice sa baso nya.

"Hoy! Bakit juice?!" Sita ni Andrei.

"Tsk, ayoko uminom ng alak." Depensa ni Winston.

"Mali, ayaw nya lang magalit si Barbs." Singit ni Ms, dahilan para mamula si Winston.

HAHAHA! Huli ka boy!

"Ewan ko sa inyo tagay na dalii!" Sigaw ni Ms,

Nagsalin sya sa baso at akmang iinom na ng tawagin sya ni Carlos.

"Wife." Seryosong tawag ni Pareng carlos.

"Charrot lang para talaga toh kay Nicky ei, ako lang nagsalin." Palusot nya saka ibinigay kay nicky yung basa, tinungga naman ni nicky kahit pa nakasimangot na si Rio.

"Tsk."

"Di na nga ei. Takot ko lang."

"Uma-under din si Kumander!" Sabi nila Jam.

"You know sa isang relasyon hindi pwedeng isa lang ang nasusunod kailangan vice versa. May bawal sya, susundin ko. May bawal ako, susundin nya. Para fair. Pag-hindi kase fair hindi kayo magkakaintindihan at ang resulta? Hiwalayan." Sabi ni Ms.

"Woooooohhhh! Narinig nyo yun?! I-apply nyo!" Sigaw ni Kris.

Kala mo talaga. --__--

"Inuman na! Tuloy ang celebration ng bagong enggaged!" Sigaw nila Rio.

Ito ang nakakatuwa sa samahan namin ei. Lahat nahawa na sa pagiging malawak mag-isip at malawak na pag-intindi ni Ms, kaya kapag may mga ganitong revelation wala ambilis naming maka-recover. Kaya nga kahit nabunyag lahat ng secrets namin heto at sama sama pa din. Tanggap kase namin kung ano yung mga nangyare. Tanggap namin na minsan sa buhay namin nakagawa kame ng mali sa kapwa namin. Ang mahalaga nagsisisi na kame at napatawad na namin ang bawat isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro