Chapter 36: Her Fears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Isang buwan ang mabilis na lumipas di ko nga namalayan na kailangan ko na palang maglista dahil dalwang araw na lang Christmas Day na at bukas ng gabi Christmas Eve na.

Aligaga tuloy ako sa kung anong gagawin ko. Hanggang sa ito na nga naisipan kong magluto na lang ng simple.

Spaghetti

Cupcakes

Biko

Yan lang ang nasa listahan ko. Sa bagong taon na lang siguro ako maghahanda ng madami atsaka kame lang namang dalwa ni Carlos kaya hindi kailangang maghanda ng madami.

"Wala ka bang balak dagdagan yan?" Rinig kong tanong nya.

Nang lingunin ko sya anlapit ng mukha nya sakin.

"Wala."

"Sigurado ka?"

Hinila nya yung silya sa tabi ko saka naupo.

"Yeah atsaka sayang kung magluluto ako ng madami ei tayong dalwa lang naman."

"Nagtitipid na naman ang asawa ko." Sabi nya.

"Bakit mauubos mo ba pag-naghanda ako ng marami?"

"Ba't ako? Mas matakaw ka kaya sakin."

"Ay ewan ko sayo. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit pumayag ako ei."

Tatayo na sana ako ng kabigin nya ako, napaupo tuloy ako sa kanya.

"Nagsisisi ka?"

"Carlos ba't napaka-seryoso mo?"

"I'm asking you."

"Of course I'm not!"

Inilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Minsan talaga napapaisip ako kung bakit nag-propose ako sayo."

Sumimangot ako. "Bumabawi."

"Just kidding." Pinisil nya ang pisngi ko. "Never kong pagsisisihan na ikaw ang pakakasalan ko."

Hinampas ko sya. "Pwede namang sabihin ng hindi nampipisil ng pisngi ah!"

"Ang cute mo ei."

"Sus! Inggit ka lang sa pisngi ko ei!"

"Nah."

"But seriously never kong pinagsisihan na ikaw ang pinili ko." Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nya. "I love you."

"I love you more wife."

Bumitaw na ako at tumayo, sumimangot naman sya.

"Wala man lang kiss ei?" Reklamo nya.

"Wala."

Nalukot ang mukha nya saka umungko sa lamesa.

"Pag-sya meron tapos pag-ako wala."

"Drama mo Mister, sino na naman yang 'sya' na yan?"

"Ikaw! Pag-ikaw naman kinikiss ko tapos pag-ako wala."

"Ay jusko! Akala mo naman katapusan na ng earth kung maka-drama."

"Oo katapusan na ng mundo ko!"

"Ewan ko sayo."

Kinuha ko yung papel tapos pumunta ako sa kusina para mag-check ng mga wala sa listahan ko.

"Wala ka namang pasok ngayon di ba?" Tanong ko.

"Wala."

"Ay palaka!"

Nilingon ko sya kaya pala parang anlapit lang nung sumagot nasa likuran ko lang.

"Sasamahan mo naman akong mag-grocery di ba?"

"Hindi ei."

"May gagawin ka?"

"Meron."

Tumango-tango ako. "Ah sige, kokontakin ko na lang sila Erick baka pwede nila akong samahan." Sabi ko saka nilagpasan sya at lumabas ng kusina.

"Misis cancelled na!"

"Cancelled?" Kunot noong tanong ko.

"Cancelled na ang gagawin ko."

"Wag na, sayang naman yung gagawin mo. Mas importante yun di ba?"

"Pero-----"

"Wag na."

Iniwan ko na sya dun at umakyat na ako sa taas deretso sa kwarto namin para mag-asikaso.

Nang bumaba ako hinarang nya agad ako.

"Sasamahan kita."

"Wag na nga, kaya ko naman."

Tinabig ko sya at akmang lalampas na ako ng hilahin nya ako.

"Ano ba?!"

Binitbit nya ako papunta sa kusina at ipinatong sa may sink. Taena sigurista ei ipinatong ako kung saan hindi ako makakaalis kase hindi ko abot yung lapag, bwiset.

"Carlos hindi ako natutuwa!"

"Hindi din naman ako natutuwa ah?" Nakasimangot na sabi nya.

"And so?"

"Misis kung sa bawat tampuhan at pag-aaway natin sa kanya ka palagi tatakbo-----"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang sinasabi ko huwag kang hihingi ng tulong sa kanya."

"At bakit aber?! Kaibigan ko parin naman sya ah!"

"Kahit na!"

"Ewan ko sayo."

"Andami naman kaseng iba bakit sya pa!"

"Ei bakit ba?! Alis nga dyan!"

Humawak ako sa edge at akmang bababa na ng kumuldas ang kamay ko.

"Waaaahhh!"

"Got you----aray!"

Sinalo nya ako pero bumagsak kame sa lapag.

Agad akong bumangon at naupo sa tabi nya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Bumangon sya at naupo.

"Joke lang naman yun ei." Sabi nya.

"Huh?"

"Wala naman akong gagawin."

"Sabi mo meron!"

"Wala, joke lang yun atsaka di ba sabi ko sasamahan kita?"

"Sabi mo nga pero malay ko bang nagbago at mas mahalaga pala yun?"

"Tingin mo mas may mahalaga pa kesa sayo?"

"Meron! Marami."

Pinisil nya ang ilong ko.

"Wala Misis. Ikaw lang ang pinaka-mahalaga."

"Ito na naman kame sa mga banat nya."

Inirapan ko sya pero tumawa lang sya.

"I love you." sabi nya saka lumapit.

"Di ka ba nauumay?"

"Nah, kung pwede nga lang na paulit-ulit kong sabihin, gagawin ko."

"Bakit di ka pa ba paulit-ulit sa lagay na yan? Konting kibot 'I love you' agad."

"Nagsasawa ka na ba?"

"Sino may sabi?"

"Nagrereklamo ka ei."

"Honestly? Pag-kase palaging naririnig parang nagiging normal na lang."

"Gusto ko lang namang iparamdam sayo na mahal na mahal kita."

"Ramdam ko naman ah?"

"Sabi ko nga, kelan ba ko nanalo sayo?"

Tumawa ako saka pinakita sa kanya yung invisible muscle ko sa braso.

"Hindi mo kayang talunin toh."

"Nah."

Nag-lean sya at mabilis na hinalikan ako.

"Kaya ko." Nakangising sabi nya.

"Naman ei! Walang ganyanan marupok ako!"

Sinuntok ko sya sa balikat.

"Aray."

"Ayos ka lang?"

"Medyo masakit ang likod ko. Ang bigat mo ei."

"Hayup."

Tumayo ako at namewangan sa harap nya.

"Tumayo ka na dyan aalis na tayo."

Inabot nya sakin ang kamay nya. "Tayo mo ko."

Umiling ako. "Hindi na mabenta yan carlos, tumayo ka na dyan. Di mo ko mauuto."

Sumimangot sya saka kusang tumayo. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Hah! Di nya ko mauuto noh. Wala kame sa movies na kapag tinulungan ko syang tumayo hihilahin nya ako then obviously ma-fa-fall ako sa kanya ng literal samantalang na-fall naman na ako kaya no need.

Pagkatapos nun umalis na kame. Tahimik lang akong nakaupo sa shot gun seat habang tinitingnan yung listahan ko. Baka kase may nakalimutan ako ei alam nyo na medyo makakalimutin ako baka mamaya kung kelan tapos na kameng mamili saka naman may nakaligtaan.

Pagdating sa mall deretso department store kame for groceries. Sya ang nagtutulak ng cart samantalang ako ang kumukuha at nagtitingin. Tahimik lang syang sumusunod sa akin.

Napahinto ako ng akmang aabutin ko na sana yung box ng spaghetti. Napatingin ako sa kamay ko.

Soon hindi na ako basta babae na lang, magiging isa na rin akong magulang katulad ni Mommy at ni Mama. Soon ikakasal na ako at marami ng mababago sa buhay ko.

Hindi na ako basta basta pwedeng mag-desisyon maraming bagay na ang dapat kong isaalang-alang. Yung mga importante sakin ngayon, soon mas may magiging prioritize na ako na dapat kong unahin.

Napabuntong hininga ako.

"Ayos ka lang?"

"H-huh?"

Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin sya sakin.

"Ayos ka lang?" Ulit nya.

Tumango ako. "Oo, may naalala lang." Sabi ko saka kinuha na yung box at inilagay sa cart.

Napatango din sya. "Akala ko kaya ka napahinto kase hindi mo abot yung inaabot mo."

Nanliit bigla ang mga mata ko.

"Anong gusto mong sabihin?! Na hindi ko abot yun dahil pandak ako?! Excuse me mas matangkad ka lang sakin ng ilang inch!"

"Wala akong sinabi, ikaw nagsabi nyan."

"Ewan ko sayo!"

Tinalikuran ko sya at iniwan. Narinig ko pang tumawa sya bago sumunod.

Habang naglalakad hinawakan ko ang singsing sa daliri ko.

Ready na kaya ako?

Handa na ba talaga ako sa ganitong bagay?

Ilang years na lang for sure after college, wedding na. Kaya ko kaya? Kakayanin ko kaya?

Ewan ko pero kaya ko namang maging magulang ang iniisip ko lang kaya ko kayang maging asawa? Wala lang natakot lang ako bigla na baka kapag nagpakasal kame sooner or later maghiwalay din kame, ganun kase ang nangyayare sa mga pinsan ko na mas ahead sa akin. Nagpakasal sila then ilang years lang hiwalay na din agad.
Ayoko pa naman ng panandaliang relasyon, gusto ko kapag nag-commit ako pang-matagalan na.

Napabuntong hininga ako saka ipinilig ang ulo ko at tiningnan ang nasa listahan.

Nagiging negative na naman ako. Andami ko na namang naiisip na kung ano-ano.

Pero kase-----ay ewan ko!

Tinapos ko na ang nasa listahan ko at inaya na sya sa counter para magbayad.

"Misis."

"Huh?" Kunot noong tanong ko saka nilingon sya.

"Sabi ko gusto mo bang kumain? Kain tayo."

"Ah sige go lang."

Pumunta kame saglit sa parking lot para ilagay sa kotse yung mga groceries tapos bumalik kame sa loob.

"San mo gustong kumain?"

"Kahit saan."

Napahinto ako sa paglalakad ng hawakan nya ang kamay ko. Hindi na lang ako umimik.

Nawala talaga ako sa mood letcheng negativity ito oh! Panira masyado.

Pagdating sa isang fast food. Unlike the usual sya ngayon ang pumunta sa counter habang ako naman ang naghanap ng pwesto. Nang makahanap ako umupo na ako at hinintay na lang sya.

Tumingin ako sa labas habang nakapangalumbaba.

"Misis."

Napatingin ako sa kanya. Inilapag nya sa harap ko yung pagkain saka naupo sa silya. Tinampal ko ang pisngi ko para naman matauhan ako saka inasikaso na ang pagkain sa harap ko. Tahimik lang akong kumain ganun din sya.

Kay tagal kong
Hinintay
Dumating ka
Sa buhay
At ngayon
Di makapaniwalang
Akin ka na

Napahinto ako sa pagkain at tiningnan sya.

Di makapaniwalang
Akin ka na

Tahimik lang syang kumakain samantalang yung iba sa paligid namin sinasabayan na yung kanta na biglang pinatugtog nung isang staff.

Kung may ibang dumating
Sino ang iibigin
Ikaw parin

Hay naku self ba't ka naman nagiging negative? Tingnan mo naman yang nasa harap mo. Hindi mo kailangang matakot okey?

Pagkat alam kong tanging ikaw
Walang iba
Sa aking tanglaw
At ngayon

Napangiti na lang ako saka kumain ulit.

Di makapaniwalang
Akin ka na

Self hindi mo kailangang matakot, nandyan naman sya ei. Hindi ka naman mag-isa nandyan sya. Magkasama nyo yung haharapin.

Pwede na kong ipasok sa mental sa ginagawa ko sa sarili ko.

Matapos kumain naglakad-lakad kame papunta sa department para bumili ng pang-decorations.

Tinutulungan nya lang akong pumili ng mga kailangan.
Napahinto lang ako sa ginagawa ko ng mapansin kong kinakausap nya yung staff.

"Ano yun?" Tanong ko pagkalapit nya.

"Wala may tinanong lang ako."

Tumango na lang ako.

Pagkalabas ng department tiningnan nya ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"May gusto ka pa bang puntahan?"

Umiling ako. "Wala na uwi na tayo."

Tumango lang sya tapos pinauna akong maglakad. Pagdating sa parking lot inilagay nya yung mga binili namin  tapos umalis na kame. Pagdating sa bahay magkatuwang naming inayos yung mga binili namin.

Nasa sala na kame ng biglang may mag-door-bell. Sya na ang tumayo at pumunta doon. Maya-maya kumunot ang noo ko ng makita ang dala nya.

"Anong?"

"Nakalimutan mo." Natatawang sabi nya.

Natampal ko na lang ang noo ko.

Minsan talaga ang gaga ko ei noh? Pano ako mag-de-decorate kung walang christmas tree? Tanga tanga ei. Sabi na may nakalimutan ako ei.

Inassemble nya yun tapos inayos ko na yung mga decorations. Magkatuwang naming inayos ang buong bahay.

Nang matapos sabay kameng napasalampak sa sahig sa may likod ng sofa sa harap ng Christmas Tree.

"Ayos ka na?" Tanong nya.

"Medyo."

"Ano ba kaseng iniisip mo? Kanina ka pa parang malalim ang iniisip."

Niyakap ko ang mga tuhod ko saka tiningnan ang Christmas Tree.

"Naisip ko lang kakayanin ko kaya?"

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Iniisip mo bang hindi mo kayang maging asawa ko?"

"Honestly? Medyo. Iniisip ko kung kaya ko bang gampanan yun. Kung kaya ko ba talagang maging mabuting asawa mo kase hindi ako perpekto ei natatakot ako na baka kapag ikinasal tayo hindi magtagal maghiwalay din tayo."

"Hindi ko naman kailangan ng mabuting asawa, hindi mo kailangang maging perpekto. Gusto kita bilang ikaw."

"Yun na nga ei. What if magsawa tayo? Pano kung mawala yung love, yung sparks or Pano kung napakarami ng rason para bumitaw tayo?"

"Then kung sakali mang mangyare yun, hayaan mo kong ibalik lahat. Babalik tayo sa simula, kung kailangang ligawan kita gagawin ko maibalik lang ang nararamdaman mo."

"C-Carlos..."

"Let me fix us, let me fix your heart until it remember all my love."

"Sheeet ka naman ei!" Pinunasan ko ang mga mata ko. "Pinaiiyak mo ko."

"Always remember, even if there are so many reason to let go I will still find one reason to stay."

"Sorry....sorry kung andami kong insecurities..sorry kung andami kong mali, sorry kung palagi na lang akong nag-iisip ng kung ano ano, sorry kung sobrang negative ko mag-isip tungkol satin."

"It's okey wife. Naiintindihan ko, naiintindihan kong minsan hindi mo maiwasang mag-over think, naiintindihan kong minsan ang negative mo." Ngumiti sya. "Kaya nga nandito ako ei hindi mo kailangang solohin lahat. Pwede mo saking sabihin lahat ng iniisip mo, lahat ng nararamdaman mo hindi mo kailangang harapin lahat ng mag-isa."

"Salamat."

"Yang insecurities mo? Asus! Wala yang palag dito oh!" Ginaya nya ako, pinakita nya din sakin yung braso nya na---well may totoong muscle.

"Hayaan mo kong alisin lahat ng insecurities mo, hayaan mo kong yakapin lahat ng flaws mo. Trust me, this relationship? It will last a lifetime. Just hold me and fight with me."

Napangiti ako. "I will."

Umusog ako sa tabi nya saka ko isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

Natatakot lang naman ako sa mga pwedeng mangyare.
Natatakot ako na baka hindi sya magtagal. Natatakot ako na baka itong nararamdaman kong saya panandalian lang pala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro