Chapter 37: Christmas Eve

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

A day before Christmas day....

Nakaupo lang kame sa sofa habang nanonood ng movie at kumakain ng chips.

Hapon palang naman kaya masyado pang maaga para mag-asikaso para sa Christmas Eve mamaya.
Kumpleto na rin naman kase ang mga sangkap at ihahanda ko dahil nag-grocery na nga kame kahapon.

Isinampa ko sa sofa ang mga paa ko saka nahiga at umunan sa kanya.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"5pm."

"Gisingin mo ko pag-7pm na magluluto na ako."

Tumango lang sya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko kasabay ng paghikab ko.
Nakakaantok, ansarap matulog.

Naalimpungatan lang ako ng makaamoy ako ng pagkain agad akong bumangon at tiningnan ang oras sa wall clock sa dingding.

Halos manlaki ang mata ko ng makitang 9pm na. Agad-agad akong bumangon at tumakbo sa kusina. Jusko kung bakit ba naman napahaba ang tulog ko. Three hour's na lang Christmas Eve na tapos wala pa akong naluluto ni isa.

Napahinto ako sa may pintuan ng kusina ng makita ang happenings sa loob. Halos matulala ako sa naabutan kong view. Sheeet super ganda, feeling ko kinilig ako bigla.

Tumakbo ako pabalik sa sofa saka kinuha yung phone ko at dali-daling bumalik sa pwesto kanina ng hindi gumagawa ng ingay saka pinicturan sya.

Nang ma-sure kong maganda yung picture inilagay ko na yun sa bulsa ko. Shocks parang ayoko syang guluhin. Ang gwapo nya tingnan sa view na yan para syang chef!

Sumandal ako sa may gilid ng kusina saka tiningnan na lang sya. Ano kaya kung sa new year eve matulog ulit ako? Charrot abuso na ko HAHAHA!

Share ko pa ba sa inyo yung ganda ng view? Wag na! Baka kiligin din kayo mawalan pa ko ng asawa, charrot HAHAHA.

So ayun na nga. Mula dito sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang seryosong mukha nya habang nagluluto. Naka-apron pa sya---although may design na flowers yung apron kase sakin yun----but still ang gwapo pa din. Kitang kita ang kakisigan (sheet anlandi pakinggan HAHAHA) pero totoo naman ei. Kitang kita talaga kung bakit ba naman kase wala na naman syang shirt. Topless sya mga beshiewap! Apron lang ang suot nyang pang-itaas.

Kung iba siguro makakakita sa kanya paniguradong naglaway na pero ako di ei, di ako naglaway mas na-i-inlove ako! Hayuff. Kung bakit ba naman kase full package sya ei. Matalino na, masipag, marunong magluto, mapagmahal at kung ano ano pa. Lahat na ata ng M nasa kanya ei.

Gusto ko sanang mainis kase di nya ako ginising kahit pa nagbilin ako pero seeing him like this wala na natunaw na yung inis ko.

Ay ewan! Stop na this para akong tanga ei.

Nakasimangot na pumasok ako sa kusina at lumapit.

"Bakit di mo ko ginising?!" Maktol ko.

Kahit yung totoo gusto ko ng ngumiti kase natutuwa ako sa nakikita ko. Ewan ko basta natutuwa ako.

Tiningnan nya ako tapos ngumiti sya.

"Ansarap kase ng tulog mo." Sagot nya saka lumapit dun sa nakasalang sa kalan.

"Kahit na dapat ginising mo pa din ako."

"Tell me pano ba istorbohin ang dyosa sa pagtulog?"

"Bola." Sabi ko saka umirap.

Lumapit ako sa ref at binuksan yun. Kukuha na sana ako ng tubig ng makitang may mga cupcakes na nakalagay.

"Nag-bake ka din?!" Gulat na sabi ko.

"Yan sana lang sana ang gagawin ko kaso naisip kong gawin na din ang mga toh."

Imbis tubig ang kunin ko, kumuha ako ng isang cupcake saka isinara yung ref. Kumugat ako para tikman yun at halos manlaki ulit ang mata ko ng malasahan. Sheet daig nya ang baking skills ko!

Agad akong lumapit sa kanya.

"Mister tikman mo dali!"

Huminto sya sa ginagawa nya at humarap sakin, inilapit ko sa kanya yung cupcake, kumagat naman sya.

"Ansarap di ba? Gosh! Mas masarap kang mag-bake kesa sakin."

Umiling sya saka mabilis na hinalikan ako.

"Mas masarap pa din yung binake mo." Sabi nya saka bumalik sa ginagawa.

Dinedma ko sya tapos naupo ako sa stool at kumain. Pasimple ko ding pinaki-kealaman yung ingredients nya at hinihiwa yung mga hindi pa nya nahihiwa. Sinasaway nya ako pero di ko sya pinapansin. Bawat tatalikod sya pumupuslit ako para tulungan sya. Nasa paghihiwa na ako ng carrots ng madamay ang daliri ko.

"Aray." Mahinang daing ko pero narinig parin nya.

Dali-dali nyang binitawan yung hinahalo nya saka lumapit sa akin at inilapit ako sa lababo. Sinipsip nya yung dugong lumabas sa daliri ko saka itinapat sa tubig. Napapatingin lang ako sa kanya.

"Sinabi ko naman kase sayong hayaan mo na lang ako, ayaw mong makinig ayan tuloy nasugatan ka pa."

Nilagyan nya ng ointment yun saka band-aid.

Napasimangot ako, kasalanan ko ba na napapatingin ako sa kanya habang naghahalo sya nung nakasalang sa kalan? Letche kaseng biceps yan ei kitang kita ko ayan tuloy nahiwa ko pati daliri ko.

Pinaupo nya ako sa stool saka inilayo yung mga ginagawa nya.

"Maupo ka lang dyan at huwag kang gagawa ng kahit ano." Sabi nya saka bumalik sa pagluluto.

Nangalumbaba na lang ako at pinanood sya. Wala ei sinungitan ako kaya wala akong palag.

"Misis wag mong kainin yan." Saway nya.

"Ay sorry."

Huminto ako sa pagkain nung sahog. Napapailing na kinuha nya yun. Kasalanan nya yan, alam na wala akong magawa ei, alam na bored ako tapos kalimutan ba namang inilapag nya sa may harap ko yung sahog malamang kakainin ko talaga.

Tiningnan ko na lang sya habang busy sya sa ginagawa nya.

"Mister." Tawag ko.

"Po?"

"Ang gwapo mo." Sabi ko saka nagkunwaring lasing at sumubsob sa counter.

"Tsk."

Nag-angat ako saglit ng ulo at sinilip sya, nakita kong naiiling na nakangiti sya.

11pm ng matapos sya. Tumayo na ako sa pagkakaupo at tinulungan na sya sa pag-aayos nun. Binitbit namin yung mga niluto nya at inilagay sa mesa sa sala ng mailagay lahat nagpaalam sya na aakyat muna sa kwarto para maligo, anlagkit na daw kase nya. Natawa pa nga ako ng alisin nya yung apron na suot nya kase may dumi pa sya sa dibdib, nang tingnan ko yung shirt nya puro mantsa. Kaya naman pala hinubad kase puno na yun ng dumi. Napakamot na lang ako sa noo ko ng makita yun, puti pa naman yung shirt for sure mahirap alisin yun.

Inayos ko ang pagkakalagay ng mga pagkain sa mesa saka ako tumayo at lumapit sa drawer at kinuha yung box saka inilagay sa bulsa ko.

Nang bumalik sya naupo sya sa tabi ko saka inabot sakin yung librong binabasa ko na nasa kwarto namin. Binuklat ko yun at sumandal ako sa kamay ng sofa ganun din ang ginawa nya pero idinantay nya ang binti nya sa binti ko.

Tahimik lang kame hanggang sa may maalala ako. Tiningnan ko ang wall clock at nanlaki ang mata ko.

"Carlos!"

Huminto sya sa pagbabasa at tiningnan ako.

"Po?"

Inginuso ko yung wall clock. Lumapit sya sakin.

"Ginagawa mo?" Takang tanong ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Ngumunguso ka di ba? Kailangan mo ng kiss ko?"

Tinabig ko sya.

"Siraulo. Inginunguso ko yung wall clock! Anlandi mo."

Tumawa sya saka nilingon yun saka bumalik sakin at hinalikan ako sa labi.

"Merry Christmas Misis." Nakangiting sabi nya.

"Merry Christmas."

Umayos ako ng upo saka kinuha yung box sa bulsa ko at binigay sa kanya.

"For me?"

"Hindi, para sakin yan pinabubuksan ko lang sayo para mainggit ka."

Natawa sya saka binuksan yun.

Kinuha nya mula sa box yung bracelet at tiningnan.

"Ito yung dahilan kung bakit tumakas ka nung nasa mall tayo di ba?"

Nanlaki ang mata ko. "H-How did you know?"

Ngumiti sya. "Nakalimutan mo atang hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin." Pinisil nya ang ilong ko. "Misis kahit na gaano ka kagaling magtago malalaman at malalaman ko. I know you well magsisinungaling ka palang alam ko na."

Napasimangot ako. "Ei bakit sinakyan mo yung dahilan ko!?"

"To make you happy."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sinasabi mo?"

Inakbayan nya ako.

"Misis kung nakita mo lang kung gano kasaya ang mga mata mo nung araw na yun kahit pa pilit mong pinakikitang hindi, I still see it and I don't want to ruin those excitement and happiness."

"Letche." Sabi ko saka umirap

Inilagay nya sa braso ko yung isa tapos yung isa sa braso nya pero inalis ko at pinagpalit.

"Bakit----"

"Sayo ang susi dahil habang nasa sayo yan alam kong hinding hindi ko maaalis toh at habang nasa akin ang lock alam kong hinding hindi ako mapupunta sa iba." Tiningnan ko yung lock. "The lock represent my heart, the key represent the key of it. Ibinigay ko sayo dahil starting the day na dumikit ka sakin ikaw na ang nagmamay-ari nito so don't you dare unlock this or else mawawala ako."

Namumula na ang tenga nya habang nakatingin lang sakin. Akmang magsasalita na sya pero itinikom nya ulit ang bibig nya saka niyakap ako.

"Damn, wala akong masabi."

"You should say thank you first then I love you."

"Honestly? Hindi sapat ang mga salitang yun."

Natawa na lang ako saka yumakap din sa kanya.

"Tinalo mo lahat ng corny lines ko." Sabi nya.

"Kinilig ka naman."

"Syempre."

"Asus!"

Bumitaw na kame saka kumain.

Habang kumakain bigla kong naalala sila Kuya.

"Carlos."

"Po?"

"Pakuha naman nung laptop sa kwarto please?"

Hindi sya kumibo at tumayo saka umalis, pagbalik nya bitbit na nya yung laptop ko.

"Here." Sabi nya saka ibinigay sa akin at naupo sa tabi ko, pinagpatuloy nya ulit yung pagkain nya.

"Thank you." Sabi ko saka humalik sa pisngi nya.

Ngumiti lang sya.

Binuksan ko ang laptop ko at nag-online. Tapos nag-video call ako sa gc namin.

Kumakain na ako ng biglang may nag-join.

"Hi Insan!" Bati ni Anna

Napahinto ako at nilingon sya.

"Hi Insan!"

"Wait text ko sila." Sabi nya saka kinuha yung cellphone nya.

Tapos maya-maya nagsunod-sunod na silang nag-join.

"Mula dito sa Cavandra Subdivision, Merry Christmas!" Bati ni Anna na may pa 360° degrees pa na pag-ikot habang pinakikita ang background nya.

"Naks! Di kame papatalo." Sabi ni Kris na tumayo sa kinauupuan. "Mula dito sa Bahay----"

"Address kris." Singit ni Anna

"Okey ulit! Mula dito sa Basantrilla Village, Merry Christmas!" Bati ni Kris na ginaya si Anna at umikot din.

"Mula dito sa korea, Merry Christmas!" Bati ni Andrei na umikot din at pinakita ang kwarto nya.

Nasa korea kase sya at sa 27 pa ang balik.

"Mula dito sa Monaco Subdivision, Merry Christmas!" Bati ni Jerome

"Mula dito sa Saves Village, Merry Christmas!" Bati ni Princess

Halos lahat sila ginawa iyon hanggang sa ang natira na lang ay si Ate Lily, Kuya Carlios, Winston, Kuya Jam, Maria, Kuya Rio, Nicky at kame ni Carlos.

"Mula dito sa Balledossa Subdivision, Merry Christmas!" Bati ni Kuya Jam tapos biglang sumulpot si Maria at kumaway sa screen. "Merry Christmas guys!" Bati nya.

"Ayieeeeeee!" Panunukso namin.

"Mula dito sa Bulacan, Merry Christmas guys!" Sabay na bati ni Nicky at Kuya Rio na magkaakbay pa.

Nag-Ayieee lang ulit kame.

"Mula dito sa Bahay ni Tita----" Sabi ni Ate Lily pero sumingit si Kuya Carlios.

"Love it's Cadreva Subdivision." Pagtatama ni Kuya Carlios.

"Edi ulit! Mula dito sa Cadreva Subdivision, Merry Christmas guys!" Bati ni Ate Lily.

"Merry Christmas!" Bati ni Kuya Carlios.

Pag-ikot nila nahagip ng kamera sila Mama. Kumaway ang mga ito at binati kame, specially ako at nagbilin pa na huwag naming kalimutan ni Carlos na puntahan sila bukas.

"Speaking of Carlos, asan si pareng blangko?" Tanong ni Kennedy.

Inayos ko yung laptop para makita sya nila.

"Ayan oh!" Sabi ko saka bumaling kay Carlos. "Mister." Tawag ko.

Napahinto sya sa pagkain nung cupcake at lumingon saka tumango lang.

"Mula dito sa Caste Subdivision, Merry Christmas sainyo guys!" Bati ko.

"Merry Christmas." Bati din ni Carlos saka kinuha yung laptop at hinila ako patayo. Ipinulupot nya sa bewang ko ang braso nya tapos sabay kameng umikot.

"I love you." Bulong nya.

Nang bumalik kame sa pagkakaupo hiyawan sila.

"Sheet iba din! May kasamang I love you ang Merry Christmas!" Sabi ni Jerome

"Kung ako yan hindi lang Merry kundi Happy na talaga ang Christmas ko!" Sabi ni Princess.

"Teka may nakalimutan tayo, si boy seryoso." Singit ni Erick

Di na talaga nila tinantanan yang pang-aasar nila sa bawat isa.

"Hoy winston! Ikaw na lang kulang!" Sita ni Kuya Rio

"Makaramdam ka pre!" Sabi ni Kuya Jam

"Yuhooooo!" Sabi ni Nicky na akala mo may multong tinatawag.

"Baka naman!" Sabi ni Kristel na kumakain ng tinapay.

Dedma lang si Winston at parang may tinatanaw sa kung saan. Mukhang alam ko na kung ano.

"Oh c'mon! Baby faster!" Sigaw nya.

Ang ingay kase ng background nya.

"Hoy mamaya ka na umi-score! Batiin mo muna kame!" Sabi ni Kennedy.

"Shocks faster daw oh! Pre? Magiging Ninong na ba ako?" Tanong ni George.

"Shut the fuck up man! Andumi ng utak nyo!" Inis na sabi ni Winston.

"Baby ano bang ginagawa mo?" Kunot noong tanong nya.

Nakatutok lang kame sa kanya at inaabangan.

"Sorry si Tita Mommy kase may pinakuha sa loob." Biglang sumulpot si Barbie. "Hi guys!" Bati nya sa amin.

Napahiyaw kameng lahat saka nag-wave.

"Hi Mrs Oregon!" Sabay-sabay na bati namin.

"Damn." Mura ni Winston.

Tawanan tuloy kame.

Inilapit nya si Barbie sa kanya.

"Mula dito sa amin sa Vassella Subdivision, Merry Christmas guys!" Bati ni Barbie.

Tapos umikot din sila.

"Merry Christmas!" Sigaw ng parents nila na kumaway pa.

Nang huminto sila hinalikan ni Winston sa noo si Barbie.

"Merry Christmas baby." Bati nito kay Barbie.

"Ayieeeeeeeeeeeeeeee! Ang sweet nyooooo nilalanggam ako!" Sabi ni Andrei.

As if on cue sabay-sabay kameng nagkunwaring nangisay. Tapos tawanan kame after.

"Mga bwiset kayo! Hindi purket nasa London pa yung lovelife ko kung makalingkis kayo dyan wagas! Wag kayong mang-inggit uy!" Huramentado ni George na nakasimangot na.

"Asus! Sundan na kase yan!" Sabi ni Kristel

"Alin yung faster ni pareng winston?" Tanong ni Kennedy.

Tawanan ulit kame. Sumubsob nalang si Winston sa balikat ni Barbie habang nakatayo sya sa likod ng babae.

"But seriously ba't andaya? Si Jam kasama si Maria, Si Rio kasama si Nicky, Si Ate Lily kasama si Kuya Carlios, Si Janella kasama si Carlos tapos itong si Winston na mukhang tinubuan na ng romantic bone----finally---kasama si Barbie, Then itong si Kennedy na halata namang kasama si Kristel. Ba't ganun? Tapos kame mag-isa lang." Drama ni Erick.

"Hoy Erick hindi kame magkasama noh!" Depensa ni Kristel.

"Asus! Wag kame!" Sabi ni Ana

"Ayos lang yan bestie okey lang samin." Sabi ko.

"Oo nga dai." Segunda nila Maria.

Napahiyaw kame ng biglang sumulpot at tumabi kay Kristel si Kennedy. Sabi na ei magkasama sila. Parehas background ei.

"Guys...."

"Ayos lang sa amin." Sabi ni George.

Tapos umagree kameng lahat.

"Kayo na noh?" Tanong ko.

Tumango sila. "Now lang."

Tuwang-tuwa kameng lahat sa inamin nila.

"As in seryosohan na?" Tanong ni Ate Lily.

Tumango ang dalawa.

Nag-chikahan pa kameng lahat hanggang sa isa-isa na silang magpaalam at mag-end na ang call.

Sumandal ako kay Carlos tapos napatingin ako sa wall clock.

It's already 2am, Christmas Eve

Our very first Christmas together. Looking forward for more Occasions, days, years, months and holidays together.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro