Chapter 38: Christmas Day

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Alas-otso ng magising kame dahil sa alarm. Bumangon kame at nag-asikaso para mag-almusal.

Kumain kame sa kusina tapos bumalik sa kwarto para mag-asikaso sa pag-alis.

"Sino bang una?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.

Nagbibihis naman sya sa banyo.

"Parents mo muna dun pupunta sila Winston."

"Then parents mo?"

"Yeah."

Tumayo ako sa pagkakaupo saktong lumabas sya sa banyo. Itatali ko na sana yung ribbon ng dress ko ng lumapit sya at sya na mismo ang nag-ribbon.

"Ba't di mo hinigpitan?"

"Bakit gusto mo ng fitted?" Masungit na tanong nya.

"Sabi ko nga hindi."

Tiningnan ko sa salamin ang itsura ko. Ayos naman kahit hindi mahigpit yung pagkaka-ribbon pero kase dapat mahigpit yun ei. Ay ewan hayaan na nga.

Nang humarap ako sa kanya tapos na syang mag-ayos.
Chineck ko ang bag ko kung may kulang tapos bumaba na kame sa baba at lumabas ng bahay. Sya ang naglock ng main door at gate tapos umalis na kame sakay ng kotse nya.

Pagdating sa bahay ni Mommy nagpark lang kame sa labas dahil andaming sasakyan malamang nasa loob na ang maiingay. Napailing na lang ako ng tumama ang sinabi ko. Pagpasok namin bumungad ang nagkakaingay na mga kaibigan ko.

"Aga-aga ang ingay nyo." Bungad ko dahilan para mapalingon sila sa amin.

"Yown!" Sigaw nila.

"Sa wakas nandito na ang mag-asawa!" Bungad ni Mommy.

"Anong ganap?" Tanong ko ng makalapit.

"Same as old nakikikain na naman sila ng handa." Sabi ni Mommy.

Lumapit kame ni Carlos sa kanya at nagmano.

"Merry Christmas Mom!" Sabi ko saka yumakap.

"Si Tita talaga parang di na nasanay!" Sabi ni Jerome

"Ansarap kaya ng luto mo tita." Sabi ni Kris

"Inaabangan nga namin toh kada may occasions ei." Sabi ni Kennedy.

"Uy Kuya asan si Maria?" Tanong ko kay Kuya Jam na prenteng nakaupo sa silya.

"Nasa kwarto tulog pa."

"Pinagod mo noh?" Tanong ni Kristel

"Napagod yun kagabi katutulong sa akin magluto." Sagot ni Mommy.

Inasar na naman nila si Kuya.

Naupo kame ni Carlos sa silya saka sumabay sa pagkain nila.

"Hi guys!"

Sabay-sabay kameng lumingon, nang makita namin si Barbie kasama si Winston agad kameng sumalubong nila Nicky at dinumog si Barbie. Dumiretso naman si Winston kay Mommy tapos kanila Kuya.

Lumapit din sya saglit kay Mommy para bumati tapos nagchikahan na kameng mga girls.

Pag-saming mga girls ayos lang kay Winston na sumama samin si Barbie wag lang kapag kasama sila Kuya. Ayaw nyang pasamahin si Barbie pagkasama sila Kuya.

"Anong chika?" Tanong ni Maria na agad lumapit sa amin at nakiupo sa sofa.

"Ikaw ah! Bakit tinatanghali ka ng gising?" Pang-aasar ni Kristel

"Tinulungan ko si Tita kagabi."

"Bakit Tita pa din tawag mo kay Mommy? Dapat Mama or Mommy na din!"

"Nakakahiya Janella."

"Asus! Parte ka na ng pamilya ano ka ba! Sooner or later ikakasal din kayo ni Kuya, same as you Nicky." Sabi ko.

"Medyo tagilid pa tayo sa parte na yan Janella." Sabi ni Nicky

"Bakit naman?"

"Ei hindi pa nga nagpo-propose si Rio ei!"

"Asus sooner or later magpo-propose din yan wait ka lang."

"Pero ang pinaka-hot news ay si Kristel." Singit ni Shiella

"Oo nga! Kwento mo naman samin kung anong nangyare!" Sabi ni Princess.

"Di ba pwedeng samin muna?" Tanong ni Kristel.

"Ayt gusto ng privacy." Sabi ni Barbie

"Basta kame na, yun na lang muna."

Tumango kameng lahat.

"Okey kung yun ang gusto nyo."

Nagkwentuhan pa kame hanggang sa biglang lumapit yung mga boys natahimik tuloy kame.

Nagtatanong sila pero umiiling lang kame.

Syempre ayaw naming sabihin na nag-re-reminisce kame at pinagtatawanan namin sila.

Ewan ganun kame ei, yung bigla biglang magpa-flash back tapos tatawanan na lang namin yung mga nangyare.

Maya-maya inaya sila ni Kuya na bumalik dun sa dining. Nakasimangot na sumunod sa kanila si Carlos.

"Asus! Nagbibilin na naman si Barbie!" Puna ni Nicky

"Pasko ngayon babs! Hayaan mo muna yang si Winston!" Sabi ni Maria

Dedma lang silang dalwa, pagkaalis ni Winston inasar nila si Barbie.

"I'm just concern about his health!" Depensa nya.

Bumalik kame sa pagkukwentuhan.

Habang nag-uusap sila nilingon ko sila Kuya. Well knowing them nag-tatagay na naman sila except kay Winston at Carlos na juice ang iniinom. Nang lumingon ako kay Barbie nakatingin din pala sya sa kanila. Ngumiti lang sya ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Tara sa pool!" Aya ni Nicky

"Mabuti pa mag-swimming tayo!" Segunda ni Shiella

"Wala kameng pamalit!" Kontra ni Princess.

"Pamalit lang pala ei! Marami ako!" Prisinta ko.

"Gusto nyo ba ng two piece? Marami ako!" Prisinta ni Kristel

Sabay kameng napailing ni Barbie.

"Ayos na kame sa tshirt at short." Sabay pa na sabi namin.

"Asus itong dalwang toh!" Sabi ni Maria

"Umiiwas kame sa gera." Sabi ko.

"Ayoko ng away." Sabi ni Barbie.

"Asus! Oh sige basta maliit na short." Sabi ni Kristel

"Game."

Umakyat kame sa taas sa kwarto ni Kristel para magbihis.

"Wala bang medyo mas mahaba dito ng konti?" Tanong ni Barbie.

"Wala." Sabi ni Kristel saka tinulak papasok ng banyo si Barbie. "Bihis na." Sabi pa nya.

Pasimple kong kinuha yung dalwang short na medyo hindi maliit saka kinatok si Barbie. Binuksan nya ang pinto at pumasok ako.

"Ito oh." Sabi ko saka ibinigay sa kanya.

"Salamat." Sabi nya saka ngumiti. "Patay na naman ako nito kay Win."

"Same, aawayin na naman ako ni Carlos." Natatawang sabi ko.

Nagbihis na kame tapos inintay na lang na matapos silang magbihis. Hinila ko sya sa kwarto ko tapos kumuha kame ng pants pang-cover.

"Para di magka-world war III." Sabi ko.

Natatawa syang tumango at kumuha ng isa tapos bumalik na kame sa kwarto ni Kristel.

"Oh! Ano yan?" Puna nila.

"Basta!"

"Ang unfair!" Reklamo nila.

Napasimangot kame at inalis yung pants.

"Praying for peace." Bulong ni Barbie.

"Same." Bulong ko din.

Napabuntong hininga kame saka sumunod sa kanila at lumabas na ng kwarto.

"Naks! Anong meron?" Sigaw na tanong ni Kris ng mapadaan kame.

Napalingon sila sa amin.

"Shut the fuck up kris!" Inis na sabi ko.

Hindi talaga ako kumportable!

Nagsusuot naman ako ng short pero pag-wala sila. Wala lang di ko feel ipakita ang legs ko. Pakiramdam ko pagpinakita ko yun parang lumabas na din sa katawan ko ang kaluluwa ko. Feel nyo ko?

Narinig naming may nag-mura bigla tapos napahinto ako ng sumulpot si Carlos at hinila ako pabalik sa taas.

Here comes my protective and possessive husband.

Ipinasok nya ako sa kwarto.

"Go change your clothes." Seryosong sabi nya.

Agad akong kumuha ng pamalit tapos pumasok sa banyo at nagpalit. Paglabas ko naabutan kong nakaupo sya sa kama habang seryosong nakatingin sa may pinto.

Dumiretso ako sa pinto at binuksan yun.

"San ka pupunta?" Masungit na tanong nya.

"Kay Barbie, I need to help her."

"No need. Kinuha sya ni Winston."

"Buti naman."

Isinara ko ang pinto at nahiga ako sa tabi nya.

"Misis."

"Po?"

"Hindi ka ba nasasakal?"

"Hindi. Ayos lang di ko naman gusto ei."

Nahiga sya sa tabi ko.

"Iniisip mo ba na magtatampo ako?"

Tumango sya. "Dahil pinipigilan ko yung mga bagay na pwede mong gawin."

"Naiintindihan ko naman."

Umusog ako at umunan sa may balikat nya.

"Alam mo ba kanina...."

Tapos kwinento ko sa kanya yung ginawa namin ni Barbie.

"Seriously?"

"Yeah. Mukhang nagbabakod na din si Winston."

"Not that."

"Then what?"

"Iniisip mong magagalit ako."

"Of course!"

Natahimik kame after.

"Hindi ka ba sasama sa kanila mag-swimming?" Basag nya sa katahimikan.

"Nah, naligo naman ako kanina."

"Sigurado ka?"

Tumango ako saka mas sumiksik sa kanya.

"Atsaka ayos na ako dito. Mas gusto ko yung ganito."

Hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

May mga times talaga na mas gusto kong nasa tabi nya kesa sumama sa kahit anong gala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro