Chapter 46: Letter & Party

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Salvador Point of View

Mag-iisang linggo na din simula ng mangyare yun pero heto at nandito parin ako sa bahay ayaw pa akong payagan nila Kuya na bumalik sa bahay namin ni Carlos. Mag-iisang linggo na ding hindi ko sya nakikita, ewan ko ba pero ni hindi ko nga sya nakakausap. Walang tawag o kahit man lang text wala akong natatanggap mula sa kanya. Kung ano ang nangyayare? Hindi ko alam.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina para magtingin ng pwedeng kainin sa refrigerator. Alas-dose na ng tanghali pero hindi ko naman mahagilap ang mga tao dito sa bahay, malamang ay busy na naman ang mga iyon sa kanya kanya nilang buhay.

Nagluto lang ako ng pancake saka dinala iyon sa sala, binuksan ko ang tv at naupo sa sofa saka kumain. Sobrang boring ng buhay ko. Isang linggo na ding ganito ang routine ko.

Kalagitnaan ng pagkain ko ng biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas para tingnan kung ano iyon. Pagbukas ko ng pinto ng gate bumungad sa akin ang isang postman. Really? May postman pa pala sa panahon ngayon? Akala ko di na uso yun eiii.

"Good afternoon ma'am dito po ba nakatira si Mr. Salvador?"

"Yes po. Bakit?"

"May letter po para sa kanya. Andyan po ba sya?"

"Wala eiii."

"Kung ganun po paki-receive na lang ito. Kaano-ano ka ba nya?"

"Anak po."

Tumango ito saka pinapirma ako tapos ibinigay sa akin ang isang card at umalis din agad. Kunot noo kong isinara ang pinto saka pumasok sa loob at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

Hindi ba't dapat sobre ito? Bakit card?

Out of curiosity binuklat ko ang card at natigagal ako sa unang sentence na bumungad sa akin.

Hey Darling!

Pakiramdam ko mali na binuklat ko ito at nabasa ko pero hindi ko na maialis ang mga mata ko sa sulat, may kung anong nagtutulak sa akin na magpatuloy, na ituloy ko lang ang pagbabasa.

I just want to remind you about our date next week. I'm so excited! Can't wait to be with you. Even though magkikita naman tayo sa party hindi naman kita makakasama.

I love you.

Yung kunot ng noo ko parang nagbuhol bigla dahil sa nabasa ko. Napadako ang tingin ko sa huling sulat.

Ps: I can't contact you that's why I wrote a letter for you. I know for sure may ginawa na naman ang bruhilda mong asawa.

Pinigilan ko ang sarili kong lukutin yung card. Pakiramdam ko ano mang oras sasabog ako dahil sa nabasa ko. Kung biro man itong nababasa ko baka kiligin pa ko pero tang-ina totoo ito at nasa mga kamay ko ang sulat na para sa daddy ko. Ano toh lokohan?

Beeep! Beep!

Napapitlag ako ng marinig ang malakas na busina mula sa labas, mabilis ang kilos na inayos ko yung card at ipinatong sa ibabaw ng tv saka ako lumabas ng bahay para pagbuksan iyon. Bumungad sa akin ang kotse ni Daddy. Hanggang sa makapasok ito sa garahe at lumabas sya ng kotse nya ay hindi nya ako pinansin. Agad akong sumunod at pumasok sa loob saka naupo sa sala at nagpatay malisya. Sumubo muna ako ng pancake saka bumaling sa tv.

"Dad may letter na dumating para daw sayo."

Mabilis syang lumingon sa akin.

"Asaan?"

"Ayun sa ibabaw ng tv." Sabi ko.

Mabilis syang lumapit sa tv at kinuha yung card. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor ng makitang mabilis syang naglakad palayo. Tumayo ako at maingat ang galaw na sumunod sa kanya ng lumabas sya umikot ako sa kabila para makita ko kung ano ang expression nya pero para akong natulos sa kinatatayuan ako at hindi ako nakagalaw ng makitang gumuhit ang ngiti sa labi nya at nagliwanag ang mukha nya pero agad din yung nawala at napalitan ng pagdilim mukhang nabasa na nya yung last na nakasulat. Kinuha nya sa bulsa nya ang cellphone nya saka may tinawagan at muli kong nakita na bumalik ang ngiti sa mga labi nya pati na ang kislap ng mga mata nya.

Nanghihinang bumalik ako sa sala at naupo ulit sa sofa. Natutulala ako habang napakaraming tanong ang unti-unting nabubuo sa isipan ko.

Totoo ba lahat ng nakita ko?

Sinampal ko ang pisngi ko para magising ako sa katotohanan pero walang nagbago.

Mukhang ito na nga ang katotohanan.

------💔------

Kinahapunan nasa kwarto ako ng pumasok si Mommy na may dalang damit.

"Mom?" Tawag ko saka ako bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ayos ka lang ba?"

Pinilit kong ngumiti at tumango ako.

"May kailangan ka po ba?" Tanong ko para ma-divert ang usapan.

Naupo sya sa kama saka ibinigay sa akin ang dala nyang damit.

"May party tayong pupuntahan mamayang gabi."

"Party?"

Tumango sya.

"May Business Party na pupuntahan ang daddy mo mamaya sabi nya kailangan daw nating sumama."

"Can I say pass? Ayoko mom."

Natatakot ako sa pwede kong makita pagpumunta ako doon.

"Kailangan nating pumunta nak, gusto mo bang magalit na naman ang daddy mo kapag hindi natin sya sinunod?"

"Pero kase-------"

"Kasama naman si Kuya Jam at Ate Lyn mo."

Bagsak ang balikat na sumimangot ako.

"Sige na nga po."

Ngumiti sya. "Good, fix yourself before 8 aalis na tayo."

Tumango ako. Palabas na sya ng may maalala ako.

"Mom." Tawag ko.

Huminto sya.

"Pwede na ba kong umuwi kay Carlos?" Tanong ko pero hindi sya sumagot at tumuloy na palabas ng kwarto ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tinitigan ang kisame. Ano ba talagang problema? Bakit ayaw nila akong payagang bumalik kay Carlos?

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makatulog ako. Nang magising ako mabilis akong kumilos at nag-asikaso ng sarili ng saktong bumukas ang pinto ng kwarto ko tapos na akong mag-asikaso.

"Ayos ka na?" Tanong ni Kuya.

Tumango ako saka lumapit. Inalalayan nya ako pababa ng hagdan.

"Kelangan ba talaga nating sumama?"

"Yeah. We need to be plastic and act like a damn happy family in front of those fucking people."

Narinig kong may tumawa mula sa likuran namin nilingon ko yun at nakita ko si Ate Lyn looking so beautiful in her own dress.

"Napakasama talaga ng mga salitang lumalabas sa bibig mo Jam." Natatawang sabi ni Ate saka ipinulupot ang braso sa braso ni Kuya.

Hindi umimik si Kuya at inalalayan lang kame hanggang sa makapasok ng kotse. Tahimik lang ako buong byahe ganoon din sila. Wala ni isang nagsasalita, kahit pa ng makarating kame sa venue.

Nang bumaba kame sa kotse saka ko lang nakitang inalalayan ni Daddy si Mommy, parang gusto kong paikutin ang mga mata ko.

Nauunang maglakad sa harap namin sila Mommy habang nakasunod lang kame ng mga kapatid ko at tahimik na nagmamasid sa paligid. Nang makapasok sa loob ay pumuwesto kame sa isang round table. Ipinaghila kame ni Kuya ng upuan.

Napakunot ang noo ko ng habang tumatagal ay paulit-ulit kong nakikita ang mga kaibigan namin na ni hindi man lang nagawang lumapit sa amin pero paulit-ulit na nadadaanan ang table namin. Samantalang si Kuya naman ay sobrang seryoso ni hindi sya kumikibo kahit pa nga makatatlong ulit na dumaan si Maria ay hindi nya ito pinansin kahit pa nakatingin ito sa kanya.

Gusto ko na syang tanungin sa kung ano ang nangyayare pero ayokong gumawa ng eksena dito dahil alam kong kapag nalaman ko kung ano yun ay hindi ako makakapagpigil paniguradong may magagawa ako na hindi magiging maganda ang kinalabasan.

Nang maubos ang pagtitimpi ko ay nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin muna ako. Papunta na ako sa balcony ng madaanan ko ang comfort room, papasok sana ako ng mapahinto ako dahil nakita ko sa siwang ng pinto ang hindi ko inaasahang tanawin.

Kitang kita ng mga mata ko kung paano nya niyakap ang babae at hinaplos ang buhok nito saka hinalikan ang noo nito.

"Matatapos din lahat ng ito." Rinig kong sabi nya.

Kinikilabutan ako, tumataas ang mga balahibo ko at naiiyak ako.

Nahihirapan ang isip at puso ko na tanggapin kung ano ang nakita ko. Ni minsan simula ng magkaisip ako hinding hindi ko nakita na ginawa nya iyon, hinding hindi ko nakita na kahit isang beses man lang naging ganoon sya ka-kalmado.

Pinilit ko ang sarili ko na kumalma, bumalik ako sa kung nasaan ang mga kapatid ko at tahimik na naupo habang unti unti na namang napupuno ng napakaraming tanong ang isip ko.

Hindi ko lubos maisip na pwede palang mangyare iyon. Pwede palang maging ganito lahat.

Hindi ako makapaniwala, parang ibang tao ang nakita ko kanina. Parang hindi sya ang nakita ko.

"Asan ang Mommy nyo?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses nya pero agad akong nag-iwas.

"May kinausap lang doon banda." Sagot ni Ate Lyn saka itinuro ang direksyon kung nasaan si Mommy.

Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mata ko si Carlos. Nakatayo sya di kalayuan habang nakatingin sa akin gustuhin ko man syang lapitan hindi pwede dahil baka iuwi agad ako ni Kuya pag-ginawa ko iyon. Humilig na lang ako sa balikat ni Kuya at hindi umimik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro