Chapter 47: Truth Behind The Lies

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Salvador Point of View

Hindi ako mapakali simula ng gabing yun pakiramdam ko may kailangan akong malaman, pakiramdam ko may mas malalim pang sikreto maliban sa kaalamang may iba ang daddy ko. May part sakin na nag-uudyok na alamin ko pero may part din saking natatakot ako sa pwede kong malaman.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto nagulat na lang ako ng mamalayan kong nasa harap na pala ako ng office ni dad dito sa bahay. Nag-panic ang buong sistema ko ng makita kong gumalaw ang doorknob indikasyon na may papalabas mula sa loob, dali-dali akong naghanap ng tataguan.

"Yes darlin' I'll be there in a minute or two, don't worry matutuloy tayo." Rinig kong sabi nya sa kausap sa cellphone.

Nang mawala sya sa paningin ko napabuntong hininga ako saka bumalik sa harap ng pinto.

Nandito na ko, might as well subukan ko na din.

Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock yun kaya inalis ko ang hairpin sa buhok ko saka sinubukang buksan ang knob gamit ang hairpin.

Klik!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng tumunog ang knob indikasyon na na-unlock ko ito. Ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng office. Napakaraming libro doon at halos puro shelves ang bawat sulok tapos may mesa at chair sa pinakagitna kung saan nandoon ang laptop at ibang gamit ni daddy.

Lumapit ako doon saka nagtingin-tingin kung may makikita ba ako pero wala puro incline sa business ang nandoon. Lumapit ako sa mga shielves at tiningnan ang mga libro hanggang sa may isang libro ang nakakuha ng pansin ko. Akmang kukunin ko yun ng gumalaw ang shelf at nagulat ako ng may lagusang bumukas sa harap ko.

Nagdadalawang isip man humakbang ako papasok napapitlag ako ng sumara iyon ng makapasok ako saka bumukas ng kusa ang mga ilaw. Napanganga ako sa bumungad sa paningin ko. May mesa at chair din sa gitna ngunit hindi kagaya ng office ay napakaraming nakalagay doon katulad na lamang ng naglalakihang portrait na nakasabit sa mga dingding at may isang pinto sa dulo.

Naglakad ako palapit sa mesa saka lakas loob na tiningnan ang mga nakapatong doon. Pakiramdam ko tinatakasan ako ng lakas ng makita ko ang dalawang frames na nakapatong. Ang isa ay litrato ni Daddy kasama ang isang babae samantalang ang isa naman ay-----napakunot noo ako ng matitigang mabuti ang litrato kitang kita ng mga mata ko si Chelsea habang kasama ang daddy ko pati ang isang babae na nasa isang frame kanina.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang unang drawer at nakagat ko na lang ang labi ko ng makitang puno iyon ng mga sobre at card kagaya ng natanggap ko mula sa postman nung nakaraang araw. Nang buksan ko ang pangalawang drawer puro papeles iyon. Napa-iyak na lang ako ng tuluyan ng mabasa ang mga nakasulat sa papel.

Pinunasan ko ang mga mata ko saka tiningnan ang mga frames na nakasabit. Puro iyon litrato nilang tatlo at sa kahuli-hulihang portrait sa mismong likod kung saan nakapwesto ang mesa at chair nandoon nakasabit ang portrait kung saan kumpleto silang apat.

Pigil ang paghikbing lumabas ako ng silid na iyon saka dumiretso palabas ng bahay, sumakay ako sa kotse ni Kuya saka minaneho iyon paalis ng subdivision hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahinto sa tapat ng isang restaurant at mula dito sa kinauupuan ko kitang kita ko sya habang masayang kumakain kasama sila.

Ipinatong ko sa manibela ang noo ko saka hinayaang kong tumulo ang mga luha ko. Kung gaano ito kasakit? Hindi ko alam, hindi ko masukat.

Gabi na ng maisipan kong umuwi sa bahay. Pagpasok ko agad akong tinawag nila Ate.

"San ka ba galing? Halika na kakain na tayo!" Sabi nila.

Umiling ako. "Wala akong gana." Sabi ko saka umakyat sa taas papasok na ako sa kwarto ko ng mapahinto ako, nilingon ko ang gawi nila at naiyak na lang ako ng makitang nagkakagulo sila dahil nagagalit na naman sya kay mommy. Pilit na pinahihinto sya ni Kuya samantalang si Ate naman ay inilalayo si Mommy ngunit ng makita kong sasaktan nya si Mommy hindi na ako nakatiis at mabilis akong bumaba saka humarang para protektahan ang Mommy ko.

"Kung ayaw mo na samin pwede kang umalis! Maluwag ang pinto! Umalis ka na dun ka na sa kabit mo!"

"Anong sinasabi mo bunso?!" Tanong ni Ate Lyn

Di na ko nagtaka ng bigla nya akong sampalin, napapikit ako saglit at nang muling magmulat ay matapang ko syang tiningnan.

"Tapos ka na? Umalis ka na, hindi ka namin kailangan! Wala kang kwentang tao!"

"Hindi kita pinalaking ganyan!"

"Pinalaki?" Tumawa ako saka piniksi ang pagkakahawak ni mommy dahil pilit nya akong pinipigilan.

"Ikaw nga ba ang nagpalaki sakin? Buong buhay ko hindi ko naramdamang minahal mo ko katulad ng pagmamahal mo kay Chelsea! Buong buhay ko ni hindi ka naging ama----------"

"Dahil hindi kita anak!"

Natigagal ako. Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko.

"Hindi kita anak! Anak ka ng malandi mong ina sa ibang lalake!"

Kinuyom ko ang mga kamay ko.

"Anong sabi mo?! Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi malandi ang mommy ko!"

Bago ko pa mang sya masaktan naunahan na ako ni Kuya. Sinuntok sya ni Kuya dahilan para malugmok sya sa sahig.

"The next time you called my mom like that hindi lang yan ang gagawin ko sayo." Galit na sabi ni Kuya saka nag-walk-out.

"Pagsabihan mo yang mga anak mo!" Galit na sabi nya saka bumangon at dumiretso palabas ng bahay.

Napaiyak na lang ulit ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Mommy.

"Anak......."

"Mom ano bang nangyayare?" Naguguluhang tanong ni Ate.

Umiling si Mommy. "Iwan mo muna kame." Sabi nya saka iginiya ako paupo sa sofa.

Walang nagawa si Ate kundi ang sumunod.

"M-Mom." Tinangnan ko sya pero nag-iwas sya ng tingin. "Totoo ba?" Hindi sya sumagot dahilan para mairita ako.

"Mom ano ba?! Sumagot ka naman! Totoo ba?! Totoo bang niloloko ka ni Daddy?! Totoo bang may kabit sya?!"

"Wala syang kabit! Hindi nya tayo niloloko!"

Naitikom ko ang bibig ko ng makitang umiiyak na sya.

"Kasalanan ko lahat toh! Hindi nya tayo niloko! Dahil simula pa lang hindi sya dapat satin! Inagaw ko sya sa dapat na pamilya nya!"

"A-ano?"

"Hindi dapat magiging kame pero dahil mahal na mahal ko sya noon gumawa ako ng paraan para mabuntis nya ako! Sobrang desperada ko noon dahil nalaman kong magpapakasal na sila ng kaibigan ko kaya nagawa ko yun!"

"I-Ibig sabihin......m-mom."

"Nang malaman nyang nabuntis nya ako at magkakaanak kame iniwan nya ang kaibigan ko at mas piniling panagutan ako at maging ama kay Lyn! Akala ko okey na lahat pero nalaman kong may koneksyon parin sila, naging desperada ulit ako natakot akong baka iwan nya ako lalo na ng malaman kong may nangyare sa kanila at nagbunga ng kambal iyon, si Chelsea at Jam----"

"S-Si Ate ang totoong anak nyo? H-Hindi sya ampon at h-hindi ako ang kakambal ni Kuya?"

Tumango sya saka pinunasan ang mga mata.

"Si Lyn ang biological child namin at Si Chelsea ang kakambal ni Jam. Katulad ng sabi nya anak kita sa iba."

"M-Mom...."

"H-Hindi sya ang ama ko? K-kaya ba ni minsan h-hindi nya ako itinuring na a-anak?"

Tumango sya.

"S-sino? S-sino ang daddy ko?"

Hindi sya sumagot kaya mas lalo akong napaiyak.

"M-mom sagutin mo ko. Alam mo kung gaano ako nahirapan noon. K-kailangan kong malaman."

Umiling sya. "Hindi pa ngayon Janella, hindi pa ngayon."

"A-anong--------"

Niyakap nya ako at nang bumitaw sya pinunasan nya ang luha nya.

"Sorry kung ikaw ang pinaka-nahihirapan sa katangahang ginawa ko, kung alam ko lang ng mas maaga na ganito pala ang kahihinatnan ng mga desisyon ko noon sana pala hindi ko na lang ginawa at pinilit."

"M-mommy."

"Hayaan mo kong ayusin lahat ng ito. Trust me, aayusin ko na ang pagkakamali ko." Sabi nya saka iniwanan na ako doon.

Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak habang nakaupo. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko lahat ng napapansin ko noon na sinawalang bahala ko lang dahil akala ko wala namang halaga pero ngayon sobrang tumatarak sya sa puso ko.

------💔------

"Janella tigilan nyo na nga yan!" Rinig kong sigaw ni Kuya.

Agad kong binitawan ang buhok ni Chelsea saka ako humarap kay Kuya.

"Kuya inaaway nya ako! Look sinugatan nya ako oh!"

Imbis na lapitan ako dumiretso sya kay Chelsea at inalalayan iyon.

"Ayos ka lang?" Tanong nya sa kaaway ko.

Agad naman itong tumango.

"Ano ba yan Jam! May gusto ka ba dyan?" Natatawang sabi nila George pero sumaltak lang sya saka umalis habang inaalalayan si Chelsea palayo.

-------💔-------

"Asan si Kuya?" Tanong ko kanila Maria.

"Nasa clinic ata nagmamadaling umalis kanina ng makatanggap sya ng tawag."

Tumango ako saka tumalikod at naglakad papunta sa clinic. Nasa hallway na ako ng makita kong lumabas ng clinic si kuya habang inaalalayan ang isang babae. Sasalubungin ko na sana sila ng makita ko kung sino ang babaeng iyon.

Si Chelsea na naman.

"Okay ka lang? Kaya mo ba?" Rinig kong tanong ni kuya.

"Isa pang tanong sisipain kita! Paulit-ulit ei."

"Nag-aalala lang naman ako!"

"Well you don't have to worry cause I'm okay."

"No you're not."

"Gago nagtatanong ka alam mo naman pala ang sagot."

Napabuntong hininga ako saka tumalikod at bumalik sa parking lot.

Ilang minuto ang lumipas bago dumating si kuya.

"Kuya san ka galing?" Tanong ko.

"Sa faculty." Sabi nya.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang makapasok sya sa loob ng kotse.

----💔----

Ngayon hindi ko na alam, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin o kung ano bang dapat kong paniwalaan. Sobrang gulo ni hindi ko alam kung ano pa ba ang tama sa lahat ng ito. Ni hindi ko alam kung ano pa bang saysay ko sa lugar na ito kung ganoong hindi naman pala ako parte ng pamilyang akala ko sa akin.

Gayong ang katotohanan lamang pala sa pamilyang ito ay si ate Lyn lamang ang anak ni mommy at daddy na wala naman palang katotohanan na inampon sya ni mommy sa maid namin noon samantalang ako ay anak ni mommy sa ibang lalake at si kuya ay kakambal ni chelsea at anak ni daddy sa ibang babae.

Ni minsan sa buhay ko hindi ko naisip na magiging ganito kagulo ang buhay ko, oo at nahirapan ako noon pero pakiramdam ko mas masakit yung ngayon dahil ni hindi ko alam kung saan ba dapat ako lumugar.

Hilam ang luhang umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko, nahiga ako sa kama at hinayaang tumulo ang luha ko hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan maaga akong nagising siguro dahil na rin sa hindi ako makatulog ng maayos kaya mababaw lang ang tulog ko. Bumaba ako at pumunta sa kusina para magtingin ng kakainin kahit wala akong gana ng maabutan ko si Kristel na nagsusuka sa lababo. Agad ko syang nilapitan.

"May hindi ka ba magandang kinain at nagsusuka ka?" Tanong ko.

Nagmumog sya at nagpunas.

"Sinangag lang na may bawang, kadiri." Sabi nya

"Mabuti pa magpahinga ka baka masama lang pakiramdam mo."

"Baka nga." Sabi nya saka nagpaalam na pupunta sa kwarto nya.

Pumunta naman ako sa likod bahay at naupo sa silya at tahimik na pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid.

"Janella."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kristel na umupo sa katabi kong silya.

"Bakit?"

Tiningnan nya muna ako na para bang nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya o hindi.

"May aaminin ako." Sabi nya.

"Ano yun?"

Yumuko sya.

"B-buntis ako."

Hindi ako nakaimik agad.

"B-Beshie."

"Kay Kennedy?"

Tumango sya.

Napabuntong hininga ako.

"Kelan pa yan?"

"Magta-tatlong buwan na."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Natakot ako na baka magalit ka sakin, natakot ako na makadagdag pa sa lahat ng alalahanin mo."

"Alam nila?"

Umiling sya. "Wala akong pinagsabihang kahit na sino, ikaw pa lang."

"Si Kennedy alam nya?"

Umiling ulit sya ng tingnan nya ko nangingilid ang luha sa mga mata nya.

"H-Hiwalay na kame. Nang malaman ng mga magulang nya na may relasyon kame agad syang inutusang makipaghiwalay sa akin dahil kung hindi ay itatakwil sya ng magulang nya." Kwento nya habang nagsisimula ng tumulo ang luha nya.

"At pinili nya ang magulang nya kesa sayo?"

"H-Hindi, willing sya na iwanan lahat ng meron sya para sakin pero ako ang pumilit sa kanya na maghiwalay na kame yun kase ang sa tingin kong tama. Ayokong makita syang nahihirapan dahil lang sa ako ang pinili nya. Naisip ko bata pa naman kame at hindi pa namin kayang tumayo sa sarili naming mga paa kung sakaling itatakwil sya ng mga magulang nya."

"Kaya mas pinili mong harapin ng mag-isa yang problema mo."

"Nung nagdesisyon ako hindi ko pa alam na buntis na ako."

"Asan na sya?"

"Nasa europe na, sa kagustuhan ng mama nya na ilayo sya sakin ng malaman nilang hiwalay na kame agad syang kinuha para doon na manirahan."

"Ano ng gagawin mo?"

"Kaya ko naman sigurong buhayin ang batang ito ng mag-isa."

"Hindi mo talaga ipapaalam sa kanya?"

Umiling sya. "Sa ngayon wala pa sa balak ko ang bagay na iyon kahit pa obligasyon nya itong batang ito natatakot ako sa kahihinatnan kapag nalaman ng mga magulang nya, ayokong dumating sa punto na magdesisyon silang ipalaglag ko na lang ang bata dahil hindi ko kaya iyon."

"Ang hirap ng sitwasyon mo."

"Alam ko kaya nga sinabi ko sayo kase kailangan ko ng tulong mo. Tulungan mo kong maitago sa kanilang lahat ito hanggang sa makapanganak ako."

"Pagkatapos?"

"Bahala na, sa ngayon yun muna ang plano ko."

Tiningnan ko syang mabuti saka ako napabuntong hininga.

"Payag ako. Tutulungan kita."

"Talaga?! Salamat! Salamat!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro