Chapter 48.1: Vanished

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lyniene (Lily/Lyn) Point of view

Sa lumipas na mga buwan napakaraming nangyare noong una hindi ko lubos maisip na totoo pala ang mga nagaganap. Sinong mag-aakalang mawawala na lang sila ng ganun ganun na lang? Si Melissa pinatay ng asawa nya samantalang si Kristel naman namatay sa panganganak kung ano man ang mangyayare sa mga susunod na sandali isa lang ang hinihiling ko huwag naman na sanang maging malala huwag sanang maapektuhan na naman ang kapatid ko dahil sa totoo lang napakarami na nyang hirap na pinagdaanan at hindi ko na alam kung ano ang kahihinatnan nya kapag may nangyare na naman na syang makakasakit sa kanya.

"Sweetheart?"

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ang boses mula sa labas ng pinto.

"Saglit lang patapos na!" Sigaw ko mula dito sa loob ng kwarto.

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago kinuha ang bag at tuluyan ng lumabas. Hindi ko alam pero ganito na talaga ako simula ng maging kame ni Carlios sa tuwing aalis kameng dalawa ay hindi ako nakukontento na hindi ko inaayos ang sarili ko pakiramdam ko kase kailangan iyon dahil ayokong mapahiya sya sa publiko lalo na kapag kasama nya ako.

I don't know siguro ganito lang talaga ang pakiramdam kapag yung partner mo kilala ng lahat ng tao gusto mong maging presentable palagi para kapag kasama mo sya hindi ka maiiba.

"Ayos ka lang?" Rinig kong tanong nya habang pababa kame ng hagdan.

"Yeah."

"You sure?"

Tumango na lang ako. Pagdating sa kotse tahimik lang akong sumakay. Hanggang sa makarating kame sa condo kung saan nakatira ngayon ang bunso kong kapatid hindi ako umiimik.

Ilang sandali ang lumipas matapos nyang pindutin ang doorbell ng unit ng bumukas iyon at bumungad sa amin si Carlos.

"Tuloy kayo." Sabi nya saka binuksan ng malaki ang pinto.

Pumasok kame sa loob at naabutan kong busy pa sa pag-aasikaso si Janella sa dalawang bata.

"Hi Ate." Nakangiting bati nya.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?"

"Hindi ko pa maiwanan itong dalwa ei."

Napailing na lang ako. Si Carlos nakabihis na samantalang sya hindi pa.

Lumapit ako sa kanya kinarga ko ang sanggol at ako na ang nag-asikaso.

"Sige na mag-asikaso ka na ng sarili mo."

"Salamat." Sabi nya.

"Sweetheart si Aldrine asikasuhin mo." Utos ko kay Carlios.

Halos isang oras ang lumipas bago ko nakitang nakaayos na si Janella.

"Suklayin mo ang buhok mo." Paalala ko.

"Opo."

Matapos mag-ayos ay inaya na syang umalis ni Carlos.

Lumapit naman sya sa akin.

"Ate salamat." Nakangiting sabi nya.

"Wala yun, mag-iingat kayo."

Tumango sya saka yumakap sa akin.

"Nakadikit sa ref yung mga do's and don'ts at ilang reminder tungkol sa dalawang bata."

"Sige kame ng bahala."

Nagpaalam lang sya sa dalawang bata saka umalis na.

Bumalik ako sa pagiging tahimik.

Kinagabihan tulog na si baby at si Aldrine ng makaupo ako sa sofa para magpahinga.

"Sumakit ang likod ko." Rinig kong daing ni Carlios pagkaupo sa tabi ko.

Sumandal ako sa sandalan saka pumikit.

"Sweetheart may problema ba? Kanina ka pa tahimik."

Umiling ako.

"Hindi yan wala lang, sabihin mo sakin anong problema?"

Napabuntong hininga ako.

"Si Carlos ba.....handa na ba talaga syang bumuo ng pamilya?"

"Bakit mo natanong?"

"Sa nakikita ko kase parang hindi ei. Hindi ko alam kung ayaw nya sa mga bata o talagang hindi lang sya handa."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Bulag ka ba? Kitang kita naman kanina."

"Sweetheart-------"

Iminulat ko ang mata ko saka ako umayos ng upo at humarap sa kanya.

"Naiirita lang kase ako sa dinatnan natin kanina. Alam mo yun nagkakanda-ugaga na yung kapatid ko sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa dalawang bata samantalang sya sarili lang ang iniintindi. Hindi lang naman ito yung unang beses na nakita ko yung ganung sitwasyon, nung nakaraan din nung bumisita ako ganun din yung naabutan ko."

"Hayaan mo kakausapin ko."

"Naiintindihan mo naman point ko di ba?"

"Opo nakukuha ko naman."

"Good. Pakisabihan ah bago ako mismo ang tumiris sa kanya. Kahit naman kase sabihing hindi nila anak yun biologically the fact is fiancè nya ang kapatid ko at pinili ng kapatid ko naakuin yung dalawang bata ano ba naman yung tulungan nya di ba?"

"Yeah I know your point sweetheart." Sabi nya saka niyakap ako.

"Mali ba ko? Ang gara lang kase naisip ko lang, kung ngayon pa nga lang parang wala na sa kanya ano pa kaya pag-ikinasal na sila di ba? Ano na lang mangyayare dun sa dalawang bata."

"Yes sweetheart pagsasabihan ko."

Isinampa ko na sa sofa ang mga paa ko tapos sumiksik ako sa kanya at pumikit.

"Pero maiba tayo sweetheart bakit kanina ka pa tahimik? Anong bumabagabag sayo?"

Hindi ako umimik.

"Okay I will revise my question. Bakit palagi kang nag-aayos sa tuwing magkasama tayo? Anong naiisip mo? I mean there's nothing wrong with it pero napapansin ko lang talaga."

"Carlios!"

"Oh hindi ka pwedeng mag-ingay baka magising yung mga alaga natin di pa naman magaling ang likod ko masakit pa din."

"Huwag ka na nga kaseng magtanong! Wag mo ng alamin!"

"I have to know it sweetheart. Kailangan mong sabihin sakin."

Umiling ako saka mas sumiksik sa kanya.

"Lily you're going to spill it or I'll going to ignore you?"

"Linya ko yan ei wag mo gamitin sakin!"

"Choose now sweetheart."

Bumuntong hininga ako saka naupo ng maayos at niyakap ang binti ko.

"I don't know, basta pakiramdam ko kapag kasama kita kailangan maayos ako, kailangan presentable, kailangan wala silang mapipintas--------"

"Sweetheart tumingin ka sakin."

Umiling ako.

"Look at me sweetie."

Wala akong nagawa kundi sundin sya, pagharap na pagharap ko sa kanya nagulat ako ng sobrang lapit na ng mukha namin.

"Tell me dahil ba sa estado ko?"

Hindi ako nakaimik.

"Sweetie hindi mo kailangang maging katulad ng ibang babae para lang tanggapin ka ng mundong ginagalawan ko. Hindi mo kailangang itago kung ano ang totoong ikaw para lang tanggapin ka ng iba bilang fiancè ko."

"B-But I-I have to! Or else it might affect you."

"Come on, I don't care about them. Fuck them for making you feel like this. Buong buhay ko sila ang iniintindi ko siguro naman ngayon panahon na para ikaw naman ang intindihin ko. Aanhin ko sila kung wala ka naman sakin. Kaya kong mabuhay ng wala sila pero hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

"C-Carlios...."

"I love you and I don't fucking care about them just be yourself sweetie. Minahal kita dahil ikaw yan hindi dahil sa kung anong standard na meron ang nasa paligid ko."

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Natatakot lang naman ako na baka dumating yung araw na dahil sa pagiging pabaya ko iwanan mo ko napakarami kayang babae sa mundo mo na pwedeng pumalit sakin, yung mas better, yung mas maganda, yung kayang makipag-sabayan sa lahat."

"Sweetheart walang ibang babae sa mundo ko kundi ikaw lang at impossible na magkaroon ng iba dahil ikaw ang mundo ko. Hindi ko kailangan ng kahit sino dahil simula pa lang ikaw na ang pinangarap ko."

Hindi ako umimik at yumakap na lang sa kanya.

Sa totoo lang naiiyak ako, ni sa hinagap hindi ko naisip o naimagine na ganito sya na sobrang maintindihin nya na kahit na sobrang liit na bagay naiintindihan nya at sya pa mismo ang nagpapaintindi sa akin ng mga bagay bagay na minsan hindi ko maintindihan.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I love you, sorry kung ganito." Nakayukong sabi ko.

Hinawakan nya ako sa baba saka pinatingin sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa tip ng ilong ko.

"I love you more sweetheart." Nakangiting sabi nya.

Ngumiti na lang din ako.

Maya-maya natawa na lang kame kase parehas kameng parang tanga na nakangiti sa isa't-isa.

"Mabuti pa kukuha muna ako ng mga gagamitin natin ng makapagpahinga na tayo." Sabi nya.

"Sigiii, sa kusina lang ako magluluto."

Tumango sya kaya pumunta na ako sa kusina para kumilos.

Matapos kong magluto kumain na kame tapos nagligpit lang kame ng mga kalat at bumalik na kame sa sofa bed kung saan kame matutulog.

Kinabukasan maaga kameng gumising para asikasuhin ang dalwang bata.

"You okay?" Rinig kong tanong nya matapos asikasuhin si Aldrine.

Tumango ako. "Yeah."

Inilagay nya sa laundry basket yung mga damit.

"Mabuti pa ako na muna dyan mag-asikaso ka na muna ng sarili mo." Sabi nya saka lumapit sa akin at dahan dahang kinuha mula sa pagkakakarga ko ang sanggol.

"Salamat." Sabi ko saka kumilos na para mag-asikaso.

Nagluto ako pagkatapos ay naligo na din ako, nang makabalik ako sa kung nasaan sya nakita kong mahina nyang hinihele ang sanggol. Lumapit ako at inilapag yung tray sa mesa.

"Look at her sweetie, ang cute nya." Sabi nya habang aliw na aliw na nakatingin sa sanggol.

Ngumiti ako at naupo ako sa sofa.

"Auntie nood tayo ng tv!"

"Sure."

Binuhay ko ang tv at naupo sya sa tabi ko, sya ang may hawak ng remote at panay ang lipat ng channel hanggang sa huminto sya.

"Bakit yan ang pinanonood mo? Aren't you supposed to watch cartoons instead?" Puna ko.

"Nah, I rather watch on knowledge channel than to watch disney and others."

"But you are too young for that."

"Auntie there are no age limit when it comes to knowledge."

Napailing iling na lang ako.

Ibang klase na sya mag-isip hindi na katulad noon.

Pagdating ng tanghali biglang nagkaroon ng emergency si Carlios.

"Sige na umalis ka na kaya ko na toh."

"Pero sweetie-----"

"It's an emergency sweetie, you have to be there they need you and you can't disappoint them this time."

"But you need me more."

"No, I'm okay atsaka babalik ka din naman agad."

Napabuntong hininga sya saka niyakap ako.

"Fine, saglit lang ako babalik din ako agad."

Ngumiti ako. "Ingat."

"I will."

Humiwalay na sya saka nagmamadaling umalis.

Pagdating ng hapon bandang alas sais magluluto na sana ako ng mapansin kong wala ng stock. Napasaltak ako saka hinanap si Aldrine.

"Makinig kang mabuti." Sabi ko sa kanya.

"Yes auntie."

"Aalis muna ako saglit pero ibibilin ko kayo sa guard sa baba, bibili lang ako ng hapunan natin dahil naubos na pala ang stock natin. Paglabas ko i-lock mo ng maayos ang pinto at huwag na huwag kang magpapapasok ng hindi mo kakilala. Maliwanag?"

"Yes Auntie."

"Good pag-nagkaproblema ito ang cellphone ko tawagan mo agad ang uncle carlios mo."

Ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko.

"Aalis na ako, huwag kayong lalabas."

"Yes auntie." Sagot nya ulit.

Lumabas na ako at isinara ang pinto. Mabilis ang mga hakbang na naglakad ako paalis pagdating sa lobby ibinilin ko sila sa front desk at guard saka ako nagtungo sa malapit na department store.

Mabilis ang kilos ko para makabalik ako agad. Nang mabili ko na ang mga kailangan ko ay agad akong bumalik sa condo. Pagpasok ko sa loob ng unit agad kong tinawag si Aldrine.

"Aldrine!" Tawag ko pero walang sumagot.

Inilapag ko ang bitbit ko saka chineck sila sa kwarto pero wala akong nakita hanggang sa na-check ko na ang buong hnit pero wala talaga.

Nagsimula na akong makaramdam ng kaba lalo na ng makita ko ang cellphone ko sa sahig. Pinulot ko yun at tinawagan si Carlios saka nagmamadaling bumaba sa lobby para magreport.

Ilang minuto ang inabot bago dumating si Carlios.

"Anong balita?" Tanong nya agad ng makalapit.

Naiiyak na tiningnan ko sya saka ako umiling.

"Wala hinalughog na namin ang buong condominium pero hindi sila makita, nagreport na din kame sa pulis para mas mabilis."

"Yung cctv na-check na?"

"Tapos na, sira ang cctv sa floor kung nasaan ang unit at hindi din nila makita sa cctv sa ibang parte ng condominium."

Narinig kong napamura sya.

"Natawagan ko na din sila Janella at pauwi na sila."

Tiningnan nya akong mabuti saka sya naupo sa tabi ko at niyakap ako.

"Mahahanap din natin sila." Sabi nya.

Tumango lang ako. Bumitaw sya at tumayo saka kinausap yung mga pulis na kinakausap naman yung nasa front desk at ang iba pa.

Naiiyak ako kasalanan ko toh ei kung di ko sila iniwanan sana hindi sila nawala.

Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa pagiging pabaya ko, sa akin ibinilin ei tapos hindi ko nabantayan ng maigi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro