Chapter 48: New Born

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Point of view

After one month.....

"Aaaaaaaaaaaahhhhhh!"

Nagpapanic na bumangon ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang sigaw ni Kristel.

"Janella manganganak na ata akooooo!" Sigaw nya

Nagmamadaling hinampas ko si Carlos na natutulog sa sofa saka ako tumakbo sa kwarto para lapitan si Kristel.

"Anong nangyayare?" Tanong ni Carlos.

"Buhatin mo na sya manganganak na!" Sigaw ko.

Para namang tumalsik ang antok nya at dali-daling kumilos. Binuhat nya si Kristel at dire-diretso syang lumabas ng condo, sumunod naman agad ako.

Inilapag nya ito sa backseat tumabi naman ako para maalalayan ko si Kristel habang nagmamaneho sya.

"Wala na bang ibibilis yan?! Bilisan mo naman!" Sabi ko.

Napatingin ako kay Kristel ng humigpit ang kapit nya sa kamay ko.

"B-Beshie..."

"Po? Kalma lang malapit na tayo."

"Tingnan mo ko." Rinig kong sabi nya.

Nang tingnan ko sya namumutla na sya at bakas sa mukha nya ang sakit na nararamdaman.

"Ipangako mo sakin na kahit anong mangyare hindi mo pababayaan ang baby ko." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Huh?"

"Ipangako mo pleasee! Mangako ka sakin na hindi mo sya pababayaan kahit na anong mangyare."

Naguguluhan man ay tumango ako.

"Pangako hindi ko sya pababayaan."

"Salamat." Nakangiting sabi nya.

"Kapit lang malapit na tayo."

Tumango lang sya.

Nang makarating kame sa ospital agad syang inasikaso ng mga nurse at ipinasok sa delivery room. Namamawis ang mga kamay ko at abot abot ang kaba ko habang nasa waiting area.

Ilang oras pa ang lumipas ng lumabas ang doctor mula sa loob. Agad ko itong nilapitan.

"Doc kamusta ang kaibigan ko?"

Tiningnan nya akong maigi.

Umiling sya at pakiramdam ko nangilid ang luha ko.

"I'm sorry we did our best but she didn't survive. Hindi nya kinaya ang panganganak."

"Y-yung b-baby nya po?"

"The baby is alive. It's a healthy baby girl."

Tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"Excuse me aasikasuhin ko lang ang sanggol." Sabi nya saka umalis.

Nanghihina na naupo ako sa upuan.

"Misis--------"

"Mommy!"

Pinunasan ko ang mga mata ko saka pinilit na kumalma ng huminto sa harap ko si Aldrine kasama si Handrex.

"Mommy how's auntie and her baby?" Nakangiting tanong ni Aldrine.

Nag-angat ako ng tingin kay Handrex saka ako umiling. Nang yumuko ako kinagat ko ang labi ko saka tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

"Mommy bakit umiiyak ka?" Rinig kong tanong ni Aldrine.

"Buddy let's go." Rinig kong aya ni Handrex kay Aldrine.

"Pero uncle umiiyak si mommy hindi ko sya pwedeng iwan!"

Naramdaman kong niyakap ako ni Aldrine.

"Tahan na mommy di ba strong ka? Wag ka na umiyak."

Nang kumalma ako tinext ko sila kuya para ipaalam ang nangyare. Agad naman silang pumunta pero hindi ko sila magawang kausapin para ipaliwanag lahat at sagutin lahat ng tanong nila kaya si Carlos at Handrex ang nagpaliwanag sa kanila.

"Jam ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Ate Lily dahilan para mapatingin ako.

Nakita kong susuntukin sana ni Kuya si Carlos pero agad syang inawat. Hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko dahil nanghihina ako.

Hinayaan ko na lang silang lahat ang mag-asikaso kay Kristel at sa baby nito habang tahimik lang ako sa isang tabi.

"Janella." Tawag ni Ate, Ilang linggo matapos makauwi kame sa bahay at mailibing si Kristel.

Lumapit sya sa akin habang may karga kargang sanggol.

"Simula noong ipanganak sya hanggang sa mailibing ang mama nya ni hindi mo pa sya nasisilayan man lang o nahahawakan." Sabi ni Ate.

Bumuntong hininga ako saka lakas loob na kinuha sa kanya ang sanggol.

Titingnan ko palang sya naiiyak na ulit ako dahil naaalala ko na naman si Kristel.

"Tingnan mo sa lahat ng kumarga sa kanya sayo lang sya tahimik. Halos lahat kame noong unang beses namin syang kinarga ay umiyak agad ngunit sayo tahimik lang sya." Sabi ni Ate.

"May pangalan na ba sya?"

Umiling si Ate. "Wala pa dahil hinihintay namin ang desisyon mo."

Napabuntong hininga ako. Magsasalita na sana ako ng tawagin ni mommy si ate kaya nagpaalam sya na iiwan muna ako.

Pinagmasdan ko ang sanggol habang mahinang hinihele ko ito sa bisig ko.

"Pasensya na ah? Hanggang ngayon wala ka paring pangalan ni hindi ko kase alam kung ano bang dapat kong ipangalan sayo. Ayoko namang manghula lang dahil hindi mo deserve yun."

Wala syang imik hanggang sa mapansin kong tulog na sya. Naglakad ako papunta sa nursery room para ilapag sya sa kuna nya.

"Ipangako mo sakin na kahit anong mangyare hindi mo pababayaan ang baby ko."

Napabuntong hininga ako saka napatingin sa terrace na nakabukas at kitang kita ang kalangitan.

Huwag kang mag-alala tutuparin ko ang pangako ko. Hindi ko sya pababayaan kristel.

Linggo ang lumipas at ako na mismo ang syang nag-aasikaso sa sanggol kasabay nun ang pag-aalaga ko kay Aldrine. Mas pinili ko ring sa condo tumira kesa sa bahay dahil pakiramdam ko mas tahimik ang buhay ko sa condo kesa sa bahay.

"Baby kakain na." Tawag ko kay Aldrine

Nang hindi sya sumagot ay tiningnan ko ang ginagawa nya. Naabutan ko syang seryosong nakaupo sa loob ng kuna kung saan natutulog ang sanggol.

"Baby bakit nandyan ka sa loob? Baka magising si baby."

"No mommy sinasamahan at binabantayan ko sya kase ayokong maramdaman nyang nag-iisa sya."

Tiningnan nya ako.

"Mommy satin na sya di ba? Tayo na mag-aalaga sa kanya? Tayo na family nya?"

"Yes baby."

Tumayo sya mula sa pagkakaupo.

"Ibig sabihin hindi na ko baby so stop calling me baby mommy." Itinuro nya ang sarili. "Kuya na ko hindi na baby okay?"

Napangiti na lang ako dahil sa mga sinabi nya. Even though he's still a kid he thinks like he wasn't. He thinks like he was mature enough to understand everything.

"Come, kakain na tayo."

"But still kahit kuya na ko di ko pa din abot toh." Sabi nya saka isinampa ang paa at pilit na lumabas sa kuna.

Napailing-iling na lang ako saka binuhat sya. Nang ilapag ko sya agad syang bumaling at lumapit kay baby. Hinawakan pa nya ang kamay nito.

"Magpapatangkad si Kuya baby para abot na nya kahit ano, promise yan." Sabi nya saka bumaling sakin. "Di ba possible yun mommy?" Tanong nya.

"Opo pero kung hindi ka kakain ng madami at matutulog ng tama hindi ka tatangkad."

Agad syang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni baby tapos tumakbo papunta sa kusina.

Napapailing na lang ako sa ginagawa nya.

Matapos kumain nag-asikaso na syang maglinis ng katawan habang inaasikaso ko si baby.

"Mommy pwede ba kong matulog sa tabi ni baby?" Tanong nya ng makapagbihis na sya ng pantulog.

"Hindi pwede, baka maipit mo si baby."

"Mommy hindi naman ei."

"No."

"Dali na mommy. Pleaseee?"

Inilapag ko sa kuna si baby.

"Mommy dali naaaaaaaa."

Napabuntong hininga ako saka inayos ang higaan namin at nilagyan ng space si baby.

"Mommy katabi natin si baby?" Tanong nya.

Kinarga ko si baby tapos inilapag ko ng maayos sa kama.

"Yes!" Tuwang tuwang sabi nya, nagtatatalon pa sya. "Thankyouuu mommy!" Sabi nya saka humalik sa pisngi ko at nahiga na agad.

"Hindi pwedeng sandayan si baby baka di sya makahinga." Paalala ko.

"Opo mommy! Behave ako promise."

Hinalikan nya sa noo si baby saka inayos ang kumot.

"Goodnight baby love ka ni kuya." Sabi nya saka pumikit na.

Hindi pa din nawala wala sa labi nya ang masayang ngiti nya dahil lang sa nakatabi nya sa pagtulog si baby.

Humiga na din ako at pinagmasdan silang dalawa.

After three weeks....

"Hi." Bati nya pagkapasok.

"Hey." Bati ko pabalik pero di ko sya malapitan dahil inaasikaso ko si baby.

Inalis nya ang coat na suot saka inilapag ang bag sa sofa.

"Nakapagluto ka na?" Tanong nya.

Umiling ako. "Hindi pa nga ei panay kase ang iyak ni baby di ko maiwanan."

"Okay, ako na lang magluluto."

"Salamat."

Since last week dito na sya umuuwi imbis na sa bahay nya. Alam kong bawal kameng magkita pero hindi naman siguro malalaman nila, sana nga lang hindi dahil kung oo paniguradong gulo na naman.

Napasalampak ako sa sofa matapos asikasuhin si baby.

"You okay?" Tanong nya saka naupo sa tabi ko.

"Yeah. Ikaw kamusta meetings?"

"Same old."

Niyakap nya ko.

"Misis-------"

"Mommy anong kulay maganda?" Singit ni Aldrine.

"Yellow?" Sagot ko.

"Bagay ba yun kay baby? Ampanget naman ei, purple na nga lang." Sabi nya saka bumalik sa ginagawa.

"Ano bang ginagawa mo?"

"O-order ako ng damit ni baby online." Sagot nya.

Napa-facepalm ako pero hinayaan ko na lang sya. Bumaling ako kay Carlos.

"Ano nga yung sasabihin mo?"

"May business venture akong pupuntahan sa susunod na araw and......."

"And what?"

"And.... naisip ko na baka pwedeng sumama ka sakin."

"Alam mo namang hindi di ba?"

"Yeah I know."

"Atsaka isa pa walang magbabantay sa mga bata."

"About that nakausap ko na sila Kuya at pumayag sila na pansamantala habang wala tayo sila muna ang magbabantay sa mga bata."

"Ilang araw?"

"A day or three i guess?"

"Pag-iisipan ko."

"I love you."

"Pag-iisipan ko nga."

"I know I just want to say I love you."

"Ay nako charrot charrot ka alam ko na yan."

Tumawa sya saka sumubsob sa balikat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro