Chapter 49.1: Blame

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lyniene (Lily/Lyn) Point of view


A year after that day.

Wala na kameng naging balita kay Carlos bukod sa lumipad na ito paalis ng bansa ay wala na kameng narinig na iba tungkol sa kanya, maski si Carlios ay walang kaalam alam kung nasaan na ang kapatid.

"You okay baby?" Rinig kong tanong ni Janella kay Aldrine.

Nagbaba ako ng tingin para tingnan ang dalawa na nakaupo sa sofa.

Hindi umimik ang bata na nanonood ng tahimik sa nakabukas na tv.

Isang taon ang lumipas at ito na silang tatlo, simula ng mangyare ang pag-alis ni Carlos ay naging abala na lang si Janella sa pag-aalaga sa dalawang bata ngunit kahit ganoon ay alam kong hindi pa sya nakaka-move on sa nangyare, alam kong nasasaktan sya ngunit mas pinipili nya na lang na manahimik. Paminsan minsan nakikita ko syang tahimik habang malayo ang tingin o di kaya ay parang anlalim ng iniisip. Minsan ko na din syang nakitang umiyak pero hindi na nasundan pa iyon.

"Bakit hindi ka bumaba?"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jam na nakatayo sa tabi ko habang nakatingin kay Janella.

"Nasaan na ang mga kaibigan nya?"

Nagkibit-balikat sya.

"Who knows where they are. Baka naglaho na kagaya ng magaling na lalakeng yun."

Napabuntong hininga na lang ako saka ibinalik ang tingin kay Janella.

Simula ng mamatay si Kristel ay unti-unti na ding nawala ang iba nilang kaibigan. Wala akong alam kung ano ng nangyare sa kanila at bigla silang nangawala kung kelan kailangan sila ni Janella. Para bang sabay sabay silang lahat na nang-iwan na lang bigla.

Kaya mas lalo akong natatakot para kay Janella. Isa pang-beses na masaktan sya paniguradong mag-b-break down na sya. Hindi man mukhang iniinda nya ang mga nangyayare ngayon pero alam kong naiipon lang yun sa loob nya at kapag yun sumabog hindi maganda ang kalalabasan.

"Bantayan mo sya ah?" Saglit ko syang tiningnan. "Huwag mong hayaang masaktan sya ng husto."

Hindi sya umimik pero ginulo nya ang buhok ko saka naglakad palayo.

Kinagabihan tahimik ang buong bahay ng maisipan kong bumangon para bumaba sa kusina. Halos mabingi ako sa katahimikan. Ni wala akong marinig na kahit ano di tulad noon. Para bang biglang nawalan ng buhay ang bahay na ito simula ng mangyare ang mga bagay na iyon.

Ni hindi ko na din makitang tumambay sa sala si Mommy hindi tulad noong ayos pa ang lahat. Si Jam naman ay parating umaalis at babalik lang sa umaga para mag-asikaso tapos aalis din ulit.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng maiinom. Matapos kong uminom ng tubig ay naglakad na ako pabalik sa taas ngunit napahinto ako ng mapansing nakahiga si Janella sa sofa at tulog. Umakyat ako sa taas para kumuha ng kumot at nang bumalik ako ay kinumutan ko sya.

Bumaling ako sa mga nakakalat sa mesa ng mapahinto ako ng makita ko kung ano ang nakalagay sa screen ng laptop nya. Picture nilang dalwa ni Carlos. Naupo ako sa lapag saka isinara ang laptop at isa-isang niligpit ang mga papel na nagkalat, napahinto lang ako ng makita ko ang nakasulat sa isang papel.

I used to smile when they mentioned your name but I can't do it again.

I used to laugh everytime they tell me about your funny secrets but right now I can't even open my mouth.

I used to think that we'll last forever but I guess it's over now.

I wanna know what's wrong with me because you left me but I guess I wasn't wrong all along.

It wasn't myself who was wrong but you.

You choose to gave up eventhough we both know that we can fight together for this.

You choose to be selfish and runaway just to make things easier but you are wrong.

You made your own choice without even thinking that if you leave me things will be worst.

We both love each other.

We both value each other.

But look at us now.

We both broke our hearts.

We both end up hurting.

We both felt the pain.

And it's because of you.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nabasa ko. May part sakin na naaawa ako sa kapatid ko dahil nasasaktan sya. Sinisisi nya si Carlos dahil iniwan sya nito sa mga panahong kailangan nya ng masasandalan, hindi ko alam kung normal lang ba iyon o ano pero base sa nakikita ko sinisisi nya si Carlos sa sakit na nararamdaman nya at hindi ko alam kung tama ba iyon dahil hindi ko naman alam ang side ni Carlos pero alam kong ginawa nya lang iyon dahil may rason sya after all mahal nya naman ang kapatid ko pero kahit ano pa man iyon sa ngayon sarado pa ang isip ni Janella dahil nasasaktan sya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro