Chapter 50: They All Left Her

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

5 months after....

:I need you all.

Nanginginig ang kamay na isinend ni Janella ang apat na salitang iyon sa group chat nilang magkakaibigan nagbabaka-sakali syang magpakita na ang mga ito sa kanya lalo na ngayong kailangan nya ang mga ito. Lumipas ang mahigit isang oras ngunit wala syang natanggap na mensahe mula sa mga ito ng muli nyang buksan ang group chat na iyon ay pakiramdam nya huminto ang pagtibok ng puso nya dahil sa mga nabasa.

Nicky: Let's end this fucking connection we have, all of you are bullshits!

Princess: Hoy babae maghinay hinay ka sa sinasabi mo! bakit gusto ba namin toh?! Hindi namin ginusto toh!

Maria: Shut the fuck up guys!

Princess: Isa ka pa ei!

Shiella: Ang iinit nyo na naman! akala mo mga walang ginawang mali! Pare-pareho lang naman kayo!

Anna: Excuse me?! Pare-pareho kame? Look who's talking, HAHAHA! Nakakatawa ka, galing magmalinis girl?

Shiella: Hindi ako nagmamalinis dahil in the first place hindi naman talaga ako kapareho nyo!

Hindi alam ni Janella kung papano pipigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak dahil sa mga nababasa, lumipas pa ang ilang minuto at mas lalong tumitindi ang sagutan ng mga babaeng kaibigan nya. Tiningnan nya kung ano ang pinagmulan ng away ngunit wala syang ibang nakita kundi ang isa-isang pag-leave ng boys sa gc ng muling lumipas ang ilan pang minuto at hindi pa tumigil ang mga ito ay nagtipa na sya ng mensahe.

:Tumigil na kayo.

Umaasa ang puso nya na makinig ang mga ito ngunit nadismaya sya ng parang hanging nilagpasan at hindi pinansin ang mensahe nya, nagtuloy tuloy parin ang mga ito sa pag-aaway hanggang sa nauwi sa isa isang pag-alis ng mga ito sa gc.

Eksaktong paglipas ng mahigit dalawang oras ay tahimik na ang gc dahil wala ng ibang natira kundi sya na lamang mag-isa doon.

Pinunasan nya ang luhang bumagsak sa kanyang pisngi saka kuyom ang kamay na bumuntong hininga. Pinatay nya ang data ng cellphone nya saka sumandal sa likod ng kinauupuan nya at ipinikit ang mga mata.

"Ms. Janella." Rinig nyang tawag sa kanya kaya agad din syang napamulat at pinunasan ang mga mata.

Nakatingin sa kanya ang doctor.

"Pwede ka bang makausap?" Nag-aalangang tanong ng doctor.

Tumango sya saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Doon tayo sa opisina ko." Sabi nito saka naglakad  agad naman syang sumunod.

Pagdating sa opisina ng doctor ay pinaupo sya nito sa isang bakanteng upuan.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, may taning na ang buhay ni Lyniene."

"Ho?" Naguguluhang tanong ni Janella. "Akala ko ho ba gagaling pa sya matapos nyang maoperahan? Anong nangyare?!"

"Ija, oo nga't naoperahan sya ngunit hindi iyon ganoon na lamang kailangan nyang dumaan sa chemotherapy at radiation treatment ngunit  hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita ang magandang epekto ng mga iyon."

"Ibig sabihin wala ng ibang paraan?"

Napailing ang doktor at malungkot na tiningnan sya.

"Sorry."

Tahimik na nagpaalam si Janella sa doctor at parang wala sa sariling naglakad palabas ng opisina ng doctor. Nang makarating sya sa private room ni Lyn ay saglit syang tumayo sa harap ng pinto bago pinihit ang knob at pumasok.

Bumungad sa kanya ang puting mga dingding at ang malungkot na ambiance ng kwarto dahil sa katahimikan nito. Maingat syang lumapit sa sofa naupo doon habang pinagmamasdan si Lyn na mahimbing na natutulog.

Malaki na ang ipinagbago nito, kung dati ay malusog ito ngayon ay bumaba ang timbang nito at pumayat. Naging maputla na rin ito at tuluyan ng nawala ang napakagandang buhok nito na ngayon ay nababalutan na lamang ng tela ang kanyang ulo. Kapansin pansin din ang pagod at sakit na nararamdaman sa itsura ng kanyang kapatid.

Muling nag-unahan ang luha na lumandas sa kanyang mga pisngi. Mariin syang napapikit at pinunasan ang kanyang pisngi.

Hindi nya lubos maisip kung bakit ganito ang nangyayare sa buhay nya. Hindi nya alam kung malas ba sya o sadyang hindi lang pabor ang tadhana sa kanya kaya nangyayare ang mga ganito ngayon.

Noong una ay ang pagkamatay ng pinsan nyang si Melissa, pangalawa ang pagkabunyag ng katotohanan tungkol sa pamilya nya, pangatlo ang pang-iiwan ni Carlos, pang-apat ay ang pagkawala ng mga kaibigan nya ngayong kailangan nya ang mga ito at ang huli ay ang pagkakasakit ng kanyang kapatid.

Kung tutuusin ay kotang kota na sya sa nararanasan nyang hirap at sakit ngunit patuloy syang pilit na nagpapakatatag para lumaban kasama ng ate nya.

5 months ago

Pababa na sya ng hagdan ng mapansin ang ingay  ng tubig na ng gagaling sa gripo sa lababo, rinig na rinig iyon dahil sa katahimikan ng buong bahay at dahil na rin sa malalim na ang gabi.

Nang makarating sya sa kusina ay nakita nyang bukas ang gripo sa may lababo, lumapit sya doon at pinatay iyon ngunit ng palabas na sya at matapat sa may pinto ng cr ay nagtaka sya dahil sa ingay na ng gagaling sa loob.

"May tao ba dyan?" Tanong nya kasabay ng pagkatok pero ang tanging narinig nya lang ay ang ingay na para bang may dumuduwal.

Sinubukan nyang pihitin ang doorknob at nang bumukas iyon ay napakunot ang noo nya ng makitang sumusuka ang ate nya.

"Ate anong nangyare?" Tanong nya saka lumapit at hinagod ang likod nito.

Nang huminto ito sa pag-suka ay naupo ito sa lapag. Agad naman nyang pinunasan ang pawis ng kapatid.

"Anong nangyare bakit nagsusuka ka? Buntis ka na naman ba?"

Umiling ito. "Hindi ko alam basta ansama ng pakiramdam ko." Sabi nito.

Inalalayan nya ito na tumayo saka sinamahan hanggang sa sala. Kumuha sya ng tubig at pinainom ito.

"Hindi kaya nabinat ka?" Tanong ni Janella.

"Hindi ko alam."

"Mabuti pa magpahinga ka na."

Inalalayan nya ulit ito papunta sa kwarto nito.

----------------

Kadarating lang nya galing eskwela ng marinig ang iritableng boses ng kapatid.

"Ano ba! Tumigil ka nga sa pag-iyak!" Rinig nyang sigaw nito.

Agad nyang tinungo kung nasaan ito at naabutan nya itong nasa harapan ng kuna ng anak nito.

"Ate?" Tawag nya.

"Mabuti at dumating kana, asikasuhin mo nga muna ang pamangkin mong yan."

"Bakit ano bang nangyare?"

"Naiirita ako! kanina pa yan walang tigil sa pag-iyak! Ayaw nyang huminto! Nakakarindi!"

Kunot ang noong tiningnan nya ang kapatid.

"Asan ba si Kuya Carlios?"

"Isa pa yang lalakeng yan! Hindi pa umuuwi! Argggh! Nakakairita na talaga!" Sabi nito saka nag-walk-out.

Para syang tinubuan ng question mark sa ulo habang nakatingin sa papalayong kapatid. It is really unusual, kilala nya ang kapatid hindi ito ganoon. Hindi basta basta naiirita lalo na sa ganoong mga bagay. Simula ng mag-asawa ito ay hindi naman ito nairita sa asawa at mas lalong hindi ito nairita sa iyak ng anak, ngayon lang.

Kinahapunan nasa likod bahay sya ng marinig nya ang pag-sigaw ng kapatid.

"Janella! Janella! Pumasok ka nga dito!"

Agad syang sumunod at pinuntahan ito.

"Bakit ate?"

"Bakit iniwanan mong nakakalat------" Napahinto ito sa pag-sasalita. Napahawak ito sa ulo nito saka naupo sa sofa.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Janella saka lumapit ng bigla itong naduwal.

"A-Alis!" Sabi nito saka bahagyang tinabig sya at tumakbo papuntang banyo.

Nang sundan nya ito ay nakita na naman nyang sumusuka ito.

-------------

Dala-dala nya ang laptop nya mula sa taas at pumuwesto sya sa lapag saka itinuloy ang ginagawa. Nakaupo naman sa sofa ang kapatid nya at nanonood ng tv.

"Janella ayusin mo nga ang tv, bakit parang naging malabo?"

Kunot noong tiningnan nya ang tv saka bumaling sa kapatid.

"Huh? anong malabo?"

"Yung tv ang blurred nya."

"Huh? Ate malinaw naman ah."

"Blurred talaga ei." Sabi nito.

Di na lang sya umimik at itinuloy ang ginagawa. Makalipas ang ilang minuto may naalala sya.

"Ate sa friday aalis ako ah."

"San ka pupunta?"

"Huh? Di ba sinabi ko na sayo."

"Sinabi mo sakin?"

"Oo."

Hindi umimik si Lyn at nag-cellphone na lang.

"Janella kilala mo toh?" Tanong ni Lyn.

Nag-angat sya ng tingin at kumunot ulit ang noo nya.

"Ate malamang!"

"Kilala mo?" Tanong nito.

"Ang weird mo. Si Ate Hanna yan yung bestfriend mo."

"Bestfriend ko?"

Tumango si Janella. "Oo."

Tiningnan ni Lyn ang litrato na nasa cellphone nya.

"Di ko maalalang may bestfriend akong Hanna ang pangalan." Sabi ni Lyn. "Anyways punta lang ako sa kusina, nagugutom ako."

Tumayo ito at naglakad pero natumba ito bigla. Agad namang umalalay si Janella.

"Ayos ka lang?"

"Oo. Nahirapan lang i-balance galing sa pagkakaupo ei."

"Ei?"

-------------

Simula ng mga araw na iyon ay hindi na napalagay si Janella dahil iba ang pakiramdam nya sa nangyayare sa kapatid kaya't kinausap na nya ang asawa nito.

"Kuya pwede kang makausap?" Tanong ni Janella ng maabutan sa sala si Carlios.

Huminto ito sa ginagawa.

"Sure, tungkol saan?"

"Tungkol kay ate."

"Kay Lily?"

Tumango si Janella saka naupo.

"Nagtataka kase ako ang weird nya lately ei. Palagi syang iritable tapos nagrereklamo din sya na ang blurred ng tv samantalang maayos naman ito, nung isang araw naman bigla na lang syang natumba sabi nya nahirapan lang daw syang ibalanse ang sarili nya at ito pa hindi din nya maalala na bestfriend nya si ate Hanna."

"Strange."

"Tapos nag-aalala din ako kase lately parati syang naduduwal at nagsusuka tapos sumasakit din ang ulo nya. Naisip ko lang ipa-check up kaya natin sya?"

Matagal bago sumagot si Carlios na para bang nahulog ito bigla sa malalim na pag-iisip.

"Kuya?"

"Actually nagtataka din ako kase nakalimutan nya yung anniversary namin it's really unusual. Then minsan pagkausap ko sya parang nahihirapan syang magsalita, I donno kung nagdadalawang isip sya sa sasabihin or may problema."

"Ipa-check na natin sya."

"Okay, I'll free up my sched para sa susunod na araw."

"Why not tomorrow?"

"I can't, it just that I have a meeting with the big client."

"Okay."

Kinabukasan umalis si Janella para makipagkita sa isang kaklase para sa project na gagawin at nang makauwi ay dumiretso sya sa kwarto nya at doon namalagi para gawin ang project. Pagdating ng hapon ay saka lang nya naisipang lumabas ng kwarto ngunit hindi nya inaasahan ang nakita nya sa sala.

Nakita ng dalwang mata nya na nakahandusay sa lapag sa sala ang ate nya at wala itong malay.

"Ate!"

Agad nya itong nilapitan.

"Ate gumising ka!" Sabi nya saka hinawakan ito.

Mabilis syang kumilos at dinala ito sa ospital.

Nanatili sila sa ospital hanggang sa sumunod na araw. Nagising na din ito at lumabas na din ang resulta ng test na ginawa rito para malaman kung anong nangyare.

"Maayos naman ang ibang resulta ng test sa kanya ngunit may nakita kame sa MRI at CT Scan nya." Sabi ng doctor ng ipatawag sila sa opisina nito.

"Ano ho iyon?"

"May brain tumor ang pasyente."

"Ho?"

"May Glioblastoma ang pasyente."

"Glio---what?"

"Glioblastoma is a disease in which it is a the most aggressive cancer that begins within the brain."

"C-Cancer? Doc ibig sabihin may Cancer ang asawa ko?!" Sabi ni Kuya Carlios.

Tumango ang doctor.

"Glioblastoma is a grade (stage) 4 Brain Cancer."

Saglit na natahimik parehas si Carlios at Janella.

"Ibig sabihin yung mga naranasan nya ay ang mismong sintomas ng sakit na iyon?" Tanong ni Carlios.

Tumango ang doctor.

"The common signs and symptoms of Glioblastoma are Headache, Nausea or vomiting, Confusion or a decline in brain function, Memory loss, Personality changes or irritability, Difficulty with balance, Urinary incontinence, Vision problems such as blurred vision, double vision or loss of peripheral vision, Speech difficulties, Seizures especially in someone without a history of seizures."

"That explain why her sister found her lying on floor." Sabi ni Carlios

"Yes. She had her seizures."

"May paraan pa po hindi ba? Pwede pang mawala ang cancer, maaalis pa naman ang tumor hindi ba?" Tanong ni Janella.

Muling tumango ang doctor.

"Meron pang treatment na pwedeng gawin."

"Ano?"

"Surgery. Kailangan nyang mag-undergo ng surgery para maalis ang tumor also kailangan nya ding mag-undergo ng chemotherapy at radiation treatment para tuluyang mawala ang Cancer."

"Tapos gagaling na sya?"

"Kapag naging maganda ang kalalabasan ng treatment ay maaari syang gumaling ngunit kailangan nyo paring ihanda ang inyong mga sarili."

"Bakit ho?"

"Ang average survival time ng taong may Glioblastoma ay 12-18 months lamang. 25% of glioblastoma patients survive more than one year, and only 5% of patients survive more than five years." Sabi ng Doctor.

Ilang linggo ang lumipas at hindi na nakalabas ng ospital si Lyn matapos yun. Doon na sya namalagi hanggang sa operahan sya.

The day before the operation pinapirma ng waiver si Carlios para sa gagawing operasyon kay Lyn.

Halos abutin ng ilang oras ang operasyon bago ito natapos. Abot abot ang pagdarasal ni Janella na sana ay maging ligtas ang kanyang kapatid.

Matapos ang operasyon ay nauwi pa si Lyn at sa bahay na lamang nagpahinga. Naka-schedule na din ang kanyang chemotherapy at radiation treatment para mapabuti na ang kanyang kalagayan ngunit makalipas ang tatlong buwan ay muli na naman itong nanghina kaya't kinailangan itong i-confine sa ospital para mabantayan ng doctor at magtuloy tuloy ang treatment nito.

..............

Nasa Cafeteria ng Hospital si Janella para kumain ng makatanggap sya ng text mula sa mommy nya.

Mommy: Umakyat ka na dito nak bilis.

Agad nyang tinapos ang kinakain at umakyat na sa silid kung saan nakaconfine ang kanyang kapatid. Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng kausapin sya ng doctor at sabihin nitong hanggang ngayon ay walang magandang epekto ang treatment sa kalagayan ng kanyang kapatid.

Pagpasok nya sa silid ay natulos sya sa kanyang kinatatayuan ng makita ang nangyayare doon.

Umiiyak ang halos lahat ng nasa paligid habang kinakausap si Lyn.

"J-Janella." Nanghihinang tawag sa kanya ng kapatid ng mapansin sya.

Naglakad sya palapit habang naka-focus lang ang tingin nya sa kapatid. Inabot nya ang kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit saka naupo.

"I-Iwan n-nyo m-muna k-kame." Sabi ni Lyn.

Umiiyak man ay sinunod ito ng mga naroon. Nang silang dalwa na lang ang naiwan sa loob niyakap nya ito ng mahigpit.

"Hindi ka pa aalis di ba? Di mo pa ko iiwan."

Ngumiti ito sa kanya.

"B-Bunso....."

Inabot nito ang pisngi nya at pinunasan ang luhang nagsisimula na namang umagos mula sa mga mata nya.

"Ipangako mo saking magiging malakas ka kapag wala na ako."

"H-Hindi...H-Hindi ka mawawala."

"Janella makinig ka sakin." Sabi nito saka hinawakan din ang kamay nya.

"Kailangan mong maging matatag. Huwag kang susuko, ipangako mo saking magiging matatag ka. May mga umaasa na sayo ngayon, sayo nakasalalay ang buhay nila kaya kailangan mong maging malakas."

"P-Pero pwede naman akong maging malakas basta nasa tabi kita. H-Hindi mo kailangang mawala."

"H-Hindi ko na k-kaya. Nararamdaman kong hindi na ko magtatagal pa bunso."

"Huwag namang ganyan oh. Lalaban pa tayo di ba? Lalagpasan natin toh."

"Bunso-----"

Paulit-ulit syang umiling.

"Minsan sa buhay ng tao may darating at may umaalis, walang taong nananatili ng matagal. Darating tayo sa punto na kailangan nating lumisan pero kahit ganoon gusto kong malaman mong mahal na mahal kita."

Hindi na umimik si Janella at umiyak na lang ng umiyak.

"Hanapin mo ang sarili mo bunso. Piliin mong maging masaya ulit. Balang-araw magkikita din tayo at gusto ko kapag dumating ang araw na yun makita kitang nakangiti at masaya." Sabi ni Lyn.

Yumakap si Janella sa kapatid.

"I-I will, even if it hurts I promise I will be better, I'll be okay soon. I love you."

Nang bumitaw sya sa yakap ay nakita nyang ipinikit na ng kapatid ang mga mata nito at hindi din nagtagal ay nag-ingay na ang aparato na nakakabit kay Lyn. Nag-isang linya na ang color green na linya sa aparato, wala na syang ibang nagawa kundi ang umiyak.

Naalis lamang sya sa pwesto ng akayin sya ng kanyang mommy paalis doon dahil pumasok na ang maraming doktor at nurse.

"Time of death: 4:43pm." Rinig nyang sabi ng doctor at tinakpan na ng puting tela ang katawan ng kapatid nya.

Napuno ng lungkot at iyakan ang buong silid. Naririnig na nya ang pagpalahaw ng kanyang ina na paulit-ulit na tinatawag ang kapatid at umaasang magigising ito.

Makalipas ang ilang araw ay naging tahimik na naman sya. Naroon lang sya sa isang sulok tahimik na umiiyak o di kaya'y nagmamasid lang sa paligid.

Ang Mommy naman nya ang nasa hospital, nagpapagaling ito doon matapos himatayin noong unang araw ng burol ng ni Lyn.

"Kumain ka muna." Rinig nyang sabi ng Kuya Jam nya pero hindi sya umimik.

"Pang-huling burol na ito pero simula ng una hanggang ngayon ay hindi ka pa kumakain. Janella baka ikaw naman ang magkasakit nyan."

"Wala akong gana." Tanging nasabi lang nya.

Mugto at namamaga na ng husto ang mga mata nya. Umabot pa nga sa punto na kailangan na nyang magsuot ng salamin dahil namumula na ng husto ang mga mata nya kakaiyak.

Kinabukasan tulala lang sya habang inihahatid sa huling hantungan ang ate nya. Naririnig nya ang pag-iyak ng nasa paligid nya pero para bang namanhid na sya at wala na syang maramdaman sa paligid nya.

Isa-isa ng naglalagay ng bulaklak ang mga nasa paligid nya. Nang sya na ang lumapit para ilagay ang bulaklak doon lang sya nakaramdam muli ng makita nya sa huling pagkakataon ang mukha ng kapatid.

Bumagsak na naman ang luha nya at napahagulgol na naman sya, agad naman syang inalalayan ni Jam at buong araw ay hindi na sya iniwanan nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro