First Swipe

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Important note. Please read!

Hi guys! I wrote this story in partnership with Tinder. Four chapters lang po ito na iuupdate ko every Tuesday for 4 weeks. I hope masuportahan niyo ito. Light and feel good story 'to. Pang balance sa mga masasakit kong kwento. Hahaha enjoy reading!

And I'll really appreciate it if you'll leave a comment and hit the vote button :)

~*~

Let Me Tell You Something

(A Tinder Story)

written by Aly Almario (Alyloony)

First Swipe

"Bakit?!"

Ayan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko habang nagmumukmok sa loob ng kwarto at itinuloy ang pag i-stalk sa social media nang bagong girl na nililigawan ni Richard---si Sunshine.

Average looking lang din naman siya. Hindi rin naman katangkaran. Siguro dahil maputi at kabog na kabog niya ang short hair look?

But still---bakit?!

Anong lamang niya sa akin?

Anong lamang ng mga babaeng 'to sa akin at lagi na lang akong ipinagpapalit?

Hindi ko talaga maiwasang tanungin ang sarili ko kung may mali ba sa akin.

"Ano ba? Hindi ba ako ka-mahal mahal? Hindi ba pleasing ang personality ko? Mabait naman ako, ah? O baka kasi masyado akong mabait kaya ganito?"

Dahil ba mas bet ng mga guys ang mga bad girls?

Nakita ko yung picture ni Sunshine na nasa beach at naka-bikini. Ang sexy niya, bwiset siya.

Pero alam ko namang walang ginawang taong perfect si Lord. For sure maitim ang kili-kili nitong babaeng 'to.

Nag-browse pa ako sa mga pictures niya at nakita ko ang jump shot photo niya sa beach. Naka-bikini pa rin siya and both her hands are thrown up in the air at naka-peace sign pa. At ayun nga, kitang-kita ang flawless niyang armpit na parang pina-threading pa niya.

Itinigil ko na ang pag-i-stalk kay Sunshine kasi lalo lang akong nabubwisit, nasasaktan at napatanong ng maraming bakit sa sarili ko.

"Oo na! She's way better than me! Siya na! Magsama sila ni Richard! Pagbuhulin ko pa mga bituka nila!"

Napahiga ako sa kama ko and I covered my eyes with my arm. Huminga ako nang malalim dahil nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Ilang araw ko nang iniiyakan si Richard. Hindi ko alam kung bakit grabe akong nasasaktan ngayon samantalang hindi naman naging kaming dalawa?

O baka kaya masakit kasi hindi naging kami samantalang asang-asa na 'ko.

Akala ko "M.U." kami ni Richard.

Sweet siya sa akin. As in sobrang sweet na kulang na lang maging diabetic ako.

Lagi kaming magka-text, may ilang beses na rin kaming namasyal na kaming dalawa lang. May times na sinundo pa niya ako sa work ko.

Tapos ito pa, sinabihan niya akong special ako.

Sinong hindi aasa sa ganun? Sinong hindi mag-iisip na "M.U." na kami?

Eh "M.U." nga talaga ako, as in muntanga kakaasa.

Iba nga pala ang special sa mahal.

At kung talagang gusto niya ako, dapat umamin na siya sa akin kasi hindi naman siya torpeng lalaki, eh. Ibang klase ang self-confidence nun.

Hanap lang pala niya sa akin eh panandaliang kalandian samantalang kay Sunshine, um-effort pa siya sa pagtatapat.

Ibig sabihin ba nun si Sunshine ay kaseryo-seryoso at ako hindi?

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko kaso wala ring saysay kasi di na naman ako makatigil sa pag iyak.

Ang sakit-sakit naman kasi talaga. Asang-asa ako. Akala ko gusto niya rin ako.

Ang saya-saya ko pa naman. Akala ko nitong darating na pasko at bagong taon, hindi na ako single.

Tapos plano ko pa siyang yayain sa Cupid's Ball sa darating na Valentine's Day.

Kaso wala.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Another Christmas, New Year, and Valentine's na single ako.

~*~

"Bakla, hindi kaya magsialisan ang mga guests natin pag nakita ka nila?" tanong ng best friend kong si Jane habang walang kagana-gana akong nag-aayos dito sa locker room.

Magka-workmate kami ni Jane. Pareho kaming receptionist sa isang hotel.

College pa lang eh magkasama na kami nitong si Jane. Halos magkapatid na ang turingan namin kaya naman kahit broken hearted ako, grabe pa rin makalait ang isang 'to sa akin.

"Ang chaka mo, friend!" sabi niya.

'Di ba?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kahit anong kapal ng concealer ang ilagay ko sa ilalim ng mata ko, hindi pa rin ma-conceal ang fact na nagiiyak na naman ako kagabi kaya nagsusumigaw na naman ang mata ko sa pamamaga nito.

"Daanin ko kaya sa eyeliner?" tanong ko sa kanya.

"Gaga. Hindi madadaan sa eyeliner ang pagiging broken hearted mo!"

Sinimangutan ko si Jane.

"Ang hirap mag move on," halos pabulong kong sabi at pakiramdam ko nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko.

"Oh, wag kang iiyak," sabi niya at inakbayan ako. "Ano ka ba, friend. Yung isang lalaking walang ka-kwenta-kwenta eh iniiyakan mo? Hindi tama 'yan. Kung iiyak ka, make sure worth it ang taong iniiyakan mo. Eh kumag na paasa yung isang yun. Kung makapagpa-fall kala mo kung sinong pogi eh ang panget naman niya. Laki ng butas ng ilong

Medyo natawa ako sa sinabi ni Jane.

"Ang laki talaga ng galit mo kay Richard, ah?"

Napairap siya, "Eh, kagalit-galit naman talaga siya. 'Di bale, friend, hahanap tayo ng jowa mo para 'di ka lonely sa pasko."

"Friend, two weeks na lang, pasko na. Mission impossible yang gusto nating mangyari."

"Eh kung hindi man aabot ng pasko, at least abot ng New Year. At kung wala talaga, may Valentine's Day pa na pwedeng i-celebrate. Yung pinaka-hihintay mong Cupid's Ball! Ano, bet?"

Napangiti na lang ako kay Jane. Alam kong wala naman talagang mangyayari at hindi ko na feel humanap ng panibagong lalaki sa buhay ko for the sake lang na may maka-date ako. Pero mukhang determinado masyado si Jane kaya naisipan ko na lang sakyan ang trip niya.

"Sige na nga."

"Yun oh! Uumpisahan ko nang maghanap ng pogi!" excited niyang sabi.

~*~

"Eh si Anjo? Sweet yun!" sabi sa akin ni Jane.

Lunch break na namin, at mula kanina nung naka-duty kami hanggang ngayon eh kung sino-sinong lalaki na ang nirereto niya sa akin. Karamihan mga katrabaho namin, minsan naman mga pinsan niya.

"Sino namang Anjo yan?"

"Si chef Anjo? Yung pastry chef dito! Magagawan ka nun ng maraming desserts!"

"Hindi ko siya kilala. 'Tsaka sure ka ba na yang mga nirereto mo sa akin eh mga single yan?"

"Oo nga! Sigurado ako! Ako pa ba eh Miss Congeniality ako? Pero eto na nga kasi. Kung ayaw mo si Chef Anjo, edi yung pinsan ko na lang! 'Di ba na-meet mo na si Jed one time nung birthday ko? Single yun tapos mabait, promise! Ipapakilala na kita sa kanya!"

"Eeeh nahihiya ako. Kilala na 'ko niyan, eh."

Pinanliitan ako ng mata ni Jane.

"Eh ano ba talaga? Ayaw mo kay Anjo kasi hindi mo siya kilala. Ayaw mo kay Jed kasi kilala ka na niya. 'Te, anong gusto mong mangyari?"

Napasimangot ako at 'di ako umimik.

Siguro kung may isang bagay kaming pinagkaiba ni Jane ay siya, madaling makahatak ng ka-close kasi madaldal siya, masaya kasama, at pala-kwento. Samantalang ako, socially awkward akong tao. Ni hindi ako marunong mag-start ng conversation. Isipin ko pa lang na ako ang gagawa ng first move para kumausap sa isang lalaki eh 'di ko na kaya.

"Kasi Jane, ang awkward kaya. Kung si Anjo, ano magiging magka-text kami tapos sa iisang lugar lang kami nagtatrabaho? Eh paano kung di pa ako ready na makausap siya in person? Kung nahihiya ako sa kanya? Tapos bigla kaming magkasalubong dito. Mamaya takbuhan ko na lang siya."

"Edi si Jed!" pamimilit ni Jane.

"Kung si Jed, edi hindi na ako makakapunta sa inyo kasi sa iisang compound lang kayo nakatira. Dahil ayun nga rin ang takot ko. Paano kung 'di pa 'ko ready na ma-meet siya? Tapos pag bisita ko sa inyo makasalubong ko siya? Kilala mo naman ako, Jane, 'di ba?"

Napabuntong hininga na lang si Jane. Nararamdaman ko na ang frustration niya kasi palagi na lang akong ganito. Parang takot na takot makipag-meet sa ibang tao.

"Alam mo, wag na lang," sabi ko sa kanya. "Okay lang naman kung wala akong ka-date diyan sa lecheng Cupid's Ball na yan. 'Di ko kailangan yan sa buhay ko," medyo bitter kong sabi.

Well, ilang beses ko nang sinabi yan sa sarili ko.

Kahit na 'di ko maiwasang malungkot kasi ang tagal kong inintay yun.

At akala ko kasama ko si Richard na pupunta doon.

Bwiset.

"Alam ko na!"

Napabalik ang tingin ko kay Jane at kita kong ngiting-ngiti siya. Yung klase ng ngiti niya kapag nakakaisip siya ng kalokohan. Medyo kinabahan ako.

"Pahiram ng phone mo."

"Huh?! Ayoko! Ano gagawin mo?"

"Basta!"

"Eh! Mamaya may i-text ka diyan o tawagan! Ayoko."

"Wala! Promise wala akong kahit na sinong kakausapin sa phone mo. Promise."

"Eh ano nga muna gagawin mo?"

"Basta nga. Para sa ikabubuti mo 'to."

Napa-atras ako ng bahagya, "Bakit kinakabahan ako?"

"Wala kang dapat ika-kaba, my friend. I got you. Amin na phone mo."

Medyo alangan kong iniabot kay Jane yung phone. Ngiting-ngiti naman siyang nagpipipindot doon. Dinedma ko na lang siya at itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain ko. Kaso maya't maya napapatingin ako sa kanya dahil hindi ako mapakali. Inilapag niya ang phone ko sa gilid niya at ipinagpatuloy niya ang pagkain.

"Tapos ka na?" tanong ko.

"Hindi pa. Wait ka lang diyan, friend."

Maya maya, inangat niya ulit ang phone ko at parang na-excite siya na ewan. Tapos nagpipindot na naman siya doon.

Ano ba?

Ibinebenta na ba ng best friend ko ang kaluluwa ko at wala akong kamalay-malay?

"Ayan okay na!" masigla niyang sabi at lumipat siya sa tabi ko at ipinakita niya sa akin kung ano ang ginawa niya.

"Liana, my friend, welcome to Tinder!" masigla niyang sabi.

"Shit!" bulalas ko. "Ginawan mo 'ko ng Tinder account?!"

Hinablot ko ang phone ko kay Jane at ayun na nga, naka-sign in na ako. Naka-connect na sa Facebook ko. At ang bruha, namili pa talaga ng mga pictures ko na ilalagay sa profile ko.

Yung dalawa selfie, may isang kasama ko yung Japanese spitz kong aso na si Pororo, tapos meron din na kaming dalawa ni Jane.

At---wow, ang nasa "About me" section ko.

'Wanted: Cupid's Ball date at the Crystal Palace Hotel.'

"Jane!"

Binura ko yung nilagay niya sa "About Me" section ko.

"Bakit ba?" sabi niya sa akin. "Direct to the point!"

"Gaga ka talaga. Pero paano ba 'to? Paano ba gagawin dito?"

"Ganito lang yan friend.."

From profile ko, nag swipe left si Jane at nakita ko ang direct photo ko sa gitna.

"Ayan, searching na," sabi ni Jane.

Mayamaya napalitan ito ng profile ng isang guy.

Yohan Gonzales, 23, Accountant.

"May mga lalabas na profile dito. Usually na makikita mo ay yung nasa Tinder din na within lang sa vicinity natin. Like for example itong si Yohan, according kay Tinder, 7 kilometers away siya rito. Pwede mo i-check ang profile nila if you want. Swipe left if wit mo bet si guy. Swipe right if bet mo siya."

"So pag nag swipe right ako, anong mangyayari?"

"Hintayin mong mag swipe right din siya sa'yo. Kasi hindi mo siya mame-message kung hindi siya mag-swipe right sa'yo."

"Pero makikita niya na nag-swipe right ako sa kanya?"

"Nope. Kaya nga makakasiguro kang like niyo ang isa't-isa kapag pareho kayong nag-swipe right with each other. It's a matter of chances you know! 'Tsaka 'di ba ang saya? Kapag pareho kayong nag-swipe right sa isa't-isa, ibig sabihin fate yun, ning! FATE!"

Napailing na lang ako kay Jane at sa kung anu-anong mga pinapagawa niya sa akin.

"Try mo lang," sabi niya nang mapansin niyang medyo hesitant pa rin ako. "At least dito sa Tinder makakapili ka. Pwede mong makausap. 'Di ka matatakot na makabanggaan mo. Kikilalanin mo muna. At saka ayan na ang profile nila, nakahain na sa harapan mo. Wala namang mawawala, eh."

Napatitig ako sa phone ko.

Wala namang mawawala.

"Sige na nga, ito na."

"Yay! O sige i-swipe right mo si Yohan, cutie eh!"

Napatawa na lang ako, "Gaga!"

~*~

Hindi ko akalain na nakaka-adik pala 'to. Nakaka-adik mag tingin-tingin sa mga profiles ng mga tao.

Nandito ako sa room ko ngayon at nag-ba-browse.

Na-bad trip sa akin si Jane kasi sobrang choosy ko raw. At iniisa-isa ko pa talaga ang pagbabasa ng profile nila kung okay ba o hindi. Ang dami kong ni-left swipe pero may apat naman akong na-right swipe.

At sa apat na yun, may isang nag-right swipe din sa akin.

Si Yohan.

Napatalon ako sa saya nang makita kong nag-match kami. Ganito pala yung feeling? Yung nagustuhan ka rin ng gusto mo.

Okay, masyadong deep yun since ang pinagbasehan lang ay ang mga profile namin na nandoon. But still, nakakatuwa na may mutual attraction kayo sa isa't-isa.

Nakaka-boost ng confidence kahit papaano. Feeling ko ang ganda ko. Char!

O magaling lang talaga mamili ng pang profile pic itong si Jane?

Masayang kausap si Yohan. Ang jolly, jolly niya. Maraming kwento tapos ang benta rin ng mga jokes niya sa akin.

Yun lang, katulad ng ibang relasyon, natatapos din ang lahat.

Ganito kasi ang nangyari sa aking very first Tinder match:

Yohan: Lumalamig na ang panahon 'no? Mag Papasko na talaga.

Liana: Oo nga eh. Two weeks na lang :)

Nasa isip ko nito—shet, nagpaparamdam na ba si koya?

Yohan: Pabago-bago nga ang panahon. Minsan mainit, minsan malamig. Kaya madalas tayo nagkakasakit, eh. Ikaw, sabi mo sa hotel ka nagtatrabaho? Hindi ba nakakapagod ang work mo doon?

So concerned siya? Ang sweet naman.

Liana: Sakto lang. Nakatayo for 8 hours pero okay naman ako. Ikaw? Saan ka nga ulit nag-wo-work?

Yohan: Pero kahit na. Dapat umiinom ka ng vitamins kasi iba na talaga panahon ngayon, bawal magkasakit. Hehe.

Liana: Malakas naman ako kumain kaya bawi rin ang pagod :)

Yohan: Pero iba pa rin kung umiinom ka ng vitamins dito. Alam mo may binebenta akong vitamins, baka gusto mong i-try. Promise effective 'to. Ito yung ginagamit ko kaya di ako nagkakasakit. Pag bumili ka ng isang box, may isang libre na. Mura lang :)

Di na 'ko nag reply sa kanya. Bwiset. Cute ka sana pero bebentahan mo lang pala ako.

So ngayon, tatlong araw na akong walang nakaka-match. Balik baba ng self-confidence. Parang nung umpisa pa lang feel ko ang ganda-ganda ko pero ngayon, wala naman na akong maka-match match.

Sabi ni Jane, napaka taas kasi ng standard ko. Yung tipong artistahin ang dating nung itsura ng mga sina-swipe right ko.

Kaya medyo binabababaan ko na rin ang standard ko. Lagi na lang akong nakatingin sa "About Me" section nila. Madalas ko ngayon sina-swipe right ay yung may mga witty na "About Me" section.

May nakita akong another profile ng isang guy. Si Dave Lizandro, 20 years old, musician.

Naks! Musician!

Ang pogi niya, sobra. Lalo na yung picture niya na may hawak siyang gitara. Ang simple ng bio niya – "Makatang musikero."

Dalawang salita pero ang lakas maka-deep.

May photo siya na parang enjoy na enjoy niya ang pag tugtog ng gitara. Meron din isa na nasa coffee shop siya, ang simple lang ng porma niya pero ang lakas talaga ng dating niya.

And... oh my god. Yung isa niyang photo, may hawak siyang libro. Hindi ko alam kung tunay ba na binabasa niya ang librong yan—but sobrang plus points sa akin ang mga lalaking nagbabasa ng books.

Pero yun nga lang, masyado siyang gwapo. Masyadong hot. Way out of my league.

Pero dahil sanay na akong ma-reject at tulad nga ng sabi ni Jane, wala namang mawawala—nag-swipe right ako sa kanya.

Yung next profile, muntikan na akong mahulog sa kama nang makita ko kung sino.

Yung teacher ko nung high school ako.

Aba, Tumi-Tinder din pala ang isang 'to!

At wow ang bio: "Single and available"

Napailing na lang ako.

Si sir talaga!

Nag swipe left ako. Mahirap na.

Pero jusko, sana naman wag niyang makita ang profile ko.

Next profile---nakita ko ang picture ng lalaki na nakasalamin, sa likod niya ay may malaking bookshelf. He had an awkward smile na para bang nahihiya siyang magpa-picture pero infairness, cute siya.

Rocco Cartativo, 24, Photographer

Tinignan ko yung next photo. Tatlo silang guys na nasa picture. Again, parang nahatak na naman siya magpa-picture dito and he had that awkward smile again. But what caught my attention doon sa picture ay yung librong hawak niya. At cover pa lang, alam ko na kung ano ang libro na yun.

Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom.

I've read that book and it's one of my favorites!

I read his bio at napangiti ako sa profile niya.

"Don't mind me."

I browsed further on his profile at nakita kong naka-connect sa isa sa mga social media account niya. Nakita ko ang ilan sa mga photos niya and I spotted a picture of a corgi dog.

Wow. So this guy is a dog owner like me at kung titignan, his dog is well pampered.

Ang gaganda rin ng mga shots niya sa mga photos niya. Iba't-ibang lugar. Mukhang mahilig mag travel ang isang 'to.

And feed goals pati ng profile niya.

At...wait! May picture siya ng isang set ng Lord of the Rings series! Yung anniversary edition na set!

Don't mind me your face!

How can I not mind a guy who loves dogs and traveling, a bookworm, plus can really take good photographs!

And don't forget that cute awkward smile.

I swiped right.

After nun, itinigil ko na ang pag-browse ng mga profiles nila dahil inabot na ako ng hating gabi rito kaka-Tinder. Maaga pa ako gigising bukas dahil naka-duty ako.

Nag-set ako ng alarm clock at inilapag ko ang phone ko sa side drawer ko.

Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Puno ito ng mga glow in the dark na stars. Gift ni Richard sa akin nung birthday ko. Nabanggit ko kasi sa kanya noon na mahilig ako sa glow in the dark kaya binilhan niya ako.

I remember that time, kilig na kilig ako. Ang thoughtful kasi nang dating sa akin. At syempre dahil isa akong assumera, akala ko may something na yun. Akala ko lang pala yun.

Pero nakakainis kasi ang mga lalaking grabeng magpakita ng concern sa mga babae. Ang daling ma misunderstood ng mga ganung bagay. Kaya ayan, maraming umaasa at nasasawi. Bakit kas hindi na lang sila magpakatotoo sa nararamdaman nila?

Kung hindi nila gusto ang isang tao, wag na nilang landiin.

Napapikit ako at napabuntong hininga.

Ayoko na talaga siyang isipin.

Sana makalimutan ko na siya.

To be continued...

Aly's Note:

Next update will be on March 14

Anyway, question, curious lang, sino dito ang naka-experience na mag Tinder? Ano ang best experience niyo while using this app?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro