Second Swipe

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Second Swipe

"Let me tell you something: I'm new to Tinder and you are my first match. I swiped right on your profile because I saw that you have Paramore on your Spotify playlist, I stalked you in your other social media account and I found out that you're a dog owner (you own a very cute dog, btw!), and...I got intrigued by your bio description."

Ayan ang message na bumungad sa akin pagka-open na pagka-open ko ng Tinder app ko.

Nakita ko na nag-match kami ni Rocco Cartativo, yung guy na may cute na corgi dog at cute na awkward smile. Ayan ang pangbungad na mensahe niya sa akin.

Napangiti ako at hindi ko alam kung bakit parang kinilig ako nang mag-match kami.

At...binasa niya ang bio ko!

Pinalitan ko yung nilagay doon ni Jane na "Wanted: Cupid's Ball date." Instead, ito ang inilagay ko: "I sleep with one eye open."

Yung una kong naka-match, si Yohan, mukhang hindi binasa ang bio ko. Hindi niya nabanggit, eh. Or baka wala lang talaga siyang paki.

Naisipan kong reply-an itong si Rocco with the same manner kung paano siya nag-message sa akin.

Liana: "Let me tell you something: I'm also new to Tinder. You are not my first match. I swiped right on your profile because I saw my favorite book in one of your photos and I also got intrigued by your bio.."

Hindi ko na ipinaalam sa kanya ang cute awkward smile niya at baka kung ano pa isipin niya. Mamaya akalain niya type ko siya.

Pero hindi nga ba? Kaya nga nag swipe right ka.

Mayamaya lang ay nag reply siya sa akin.

Rocco: "What keeps you up at night and makes you sleep with one eye open?"

Liana: "What do you think?"

Rocco: "Well, whatever it is, what I think is that you're a great person, Liana. :)"

Napa-ngiti ako habang i-iling-iling. Magaling mambola 'to. Feeling ko hindi niya talaga first time na mag-Tinder. Parang batikang-batikan na siya sa pambobola, eh.

Wait, ganitong ganito si Yohan, eh. Magaling mambola. Ang smooth mag sweet talk. Ang galing mag start ng conversation. Baka mamaya niyan bebentahan na naman ako ng vitamins nito o pasasalihin sa networking?

Liana: "Let me tell you something: Hindi ako open minded sa business at wala akong planong bumili ng vitamins o napkin o energy drink or kung ano mang ibebenta mo if ever na nag swipe right ka sa'kin dahil mukha akong madaling utuin."

After that, hindi na siya nag reply sa akin. Mukhang tama nga ako. Baka nga nag swipe right siya kasi madali akong utuin at plano niya akong yayain sa networking.

Or maybe I was wrong at tinarayan ko siya kaya naman ayaw na niya akong kausap at hindi na siya nag-reply sa akin.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit na akong ma-late kaya dali-dali akong tumayo sa kama at nag-ayos. Ni-hindi ko na rin nakuhang kumain ng breakfast.

Naduling ako ng tingin kanina sa orasan. Akala ko maaga pa. Late na pala 'ko!

Pagdating ko sa work, ang haggard-haggard ko dahil sa pagmamadali at ni hindi ko man lang nagawang mag suklay.

"Ano te? Nahanap mo na ba si perfect match mo?" salubong na tanong sa akin ni Jane nang makita ko siyang nag-aayos sa locker room. "Mukhang na-busy ka sa pakikipag-usap sa kanya at ang late mo pumasok ngayon."

"Gaga," sagot ko sa kanya habang kinukuha ko ang uniform namin. "Pwede bang nagkamali lang ng tingin sa orasan?"

"Asus! Eh kumusta naman ang Tinder life mo? Nakahanap ka na ba ng bago after ng epic fail relationship mo with Yohan?"

Nagsimula na ako sa pagpapalit ng uniform habang si Jane naman ay nasa tapat ng salamin at naglalagay ng make-up.

"There is never an us," sagot ko kay Jane na ginagaya ko pa ang acting ni Sarah Geronimo sa pelikula niya.

"Wow ha. Sabihin mo rin yan kay Richard."

Aba't--!! Lokang 'to---!

"Sige bakla, pagdiinan mo pa!" sabi ko sa kanya. "Salt to the wound, bes!"

Nilingon niya ako habang ngingisi-ngisi.

"Walang kayo, ate girl. Kaya kung ako sa'yo, focus ka diyan sa Tinder. Ramdam kong nandyan ang ka-forever mo."

Napailing na lang ako. Minsan talaga 'tong babaeng 'to ang lakas ng tama.

"Jane?"

"Hmm..?"

Humarap ako sa kanya at seryoso ko siyang tinignan.

"Mukha ba akong uto-uto?" tanong ko.

Nilingon niya ako, "hmm, mej," kibit balikat niyang sagot.

At talaga nga naman!

"Salamat sa suporta, ha!"

"Naman! Friendship tayo, eh. Pero ano ba, grabe mo ba talagang dinadamdam ang pagbebenta ng vitamins sa 'yo ni Yohan?"

"Eh kasi, kanina may naka-match ulit ako---"

"OMG!" excited na sabi ni Jane. "Patingin, girl! Pogi ba, ha? Pogi ba?"

"Cute siya at ang interesting niya, pero nga kasi, dahil nadala na ako doon kay Yohan, sinabihan ko na agad siya na hindi ako open minded sa business, at ayun, hindi na nag-reply sa'kin."

"Hmm, patingin nga ng profile."

"Mamaya na sa lunch, baka ma-late na tayo."

"May 10 minutes pa! Patingin daliii!"

At dahil alam kong hindi ako tatantanan ni Jane, inilabas ko ang phone ko para ipakita sa kanya ang profile ni Rocco. Pero agad akong natigilan nang makita kong tadtad ako ng messages niya.

Rocco: "Halaaaaaa, yayayain pa naman sana kita sa networking ko. Mabilis ang kita dito, promise! Hindi ka malulugi. Sa loob ng isang taon, makakabili ka na ng kotse."

Rocco: "Joke lang!!"

Rocco: "Let me tell you something: para sa isang babaeng may bio na "I sleep with one eye open," walang magtatangkang mag-isip na uto-uto siya."

Rocco: "Ayaw mo na ba akong kausap? :("

Rocco: "You mentioned books. Meaning, you also love to read? I want to talk to someone who loves to read."

Rocco: "Plus you own a dog! I want to talk to someone who owns a dog. What's the name of your dog?"

Rocco: :(

Napangiti ako sa mga messages niya. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko na nag-reply ulit siya at gusto niya akong makausap.

"Uy, Liana, ano na? Ba't ka ngingiti-ngiti diyan?"

Umiling ako. "Wala. Nag-reply na siya."

"Talaga? Anong sabi?!" nilapitan ako ni Jane at sinilip ang phone ko.

Napangiti si Jane nang mabasa niya ang mga message ni Rocco sa akin.

"Infairness ate girl! Very eager siya na makausap ka, ah? Reply-an mo dali!!"

"Wait ito na, re-reply-an ko na."

Nag type ako ng reply kay Rocco.

Liana:

1 – Pororo is the name of my dog.

2 – I'm glad na hindi mo ako aalukin sa networking.

3 – I also want to talk to someone who loves to read :)

Bago pa ako mahiya sa mga sasabihin ko sa kanya, I immediately hit the send button.

"Ay bet ko 'yan! Ikaw girl, natututo ka na, ah?"

Nginitian ko si Jane, "Hindi naman niya ako kilala personally kaya walang mawawala."

"So hanggang ganyan ka lang? Pa-message-message lang? Wala kang planong makipag-meet?"

Umiling ako. "Wala."

Pinanliitan ako ng mata ni Jane. "Ikaw umamin ka nga, umaasa ka pa rin ba kay Richard?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Instead, isinukbit ko ang braso ko sa braso niya.

"Halika na, mag-in na tayo. Iniintay na tayo ng mga guests."

Napailing na lang si Jane sa akin.

~*~

Rocco: "Pororo. Pororo. Pororo. Ang cute naman ng pangalan. Pororo. Napansin ko agad si Pororo because he really looks like a healthy and happy dog. At napaisip ako, siguro ang owner niya ay maalaga. That's why I know you're a great person. So, ilang taon na si Pororo?"

Liana:

1 - Nambola ka pa.

2 - She's two years old.

3 - I think you're a great person too kasi kita ko sa mga photos ng corgi mo kung gaano siya ka-happy at well loved.

4 - Puro si Pororo ang pinaguusapan natin, try naman natin pag-usapan ang aso mo. Anong pangalan niya?

Rocco:

1 - Hindi ako nambobola.

2 – Thank you for telling me I'm a great person. I really appreciate that. Tingin kasi ng babaeng mahal ko, hindi ako ganun

3 – My dog's name is Meatloaf :)

Liana:

1 – Bakit Meatloaf ang name ng aso mo?

2 – Mahilig ba sa dog ang babaeng mahal mo?

3 – Tingin ko nambobola ka talaga.

Rocco:

1 – Meat loaf is the last thing I ate before Meatloaf came into my life.

2 – Sad to say, the girl I love is afraid of dogs.

3 – I still think you're a great person.

Liana: "That's why she can't appreciate you. Hindi niya nakikita na nag re-reflect ang personality mo sa kung paano mo alagaan si Meatloaf :)"

Rocco: "Then I'm glad you're a dog lover. At least I know you can appreciate me :)"

"Patay tayo diyan. Kinalimutan na ako ng bespren ko," dinig kong sabi ni Jane.

Lunch break namin at ngayon lang ako nagkaroon ng chance na reply-an si Rocco. May pagka-weirdo ang isang 'to pero nakakaaliw siyang kausap. Hindi ako nahihirapan mag-isip ng ire-reply sa kanya. Para bang napaka natural ng mga sagot ko. Hindi pilit.

Nung kay Yohan kasi, lagi kong pinagiisipan kung ano ang isasagot ko. Siguro ganoon talaga kapag first match mo. Gusto mo siyang i-impress. Gusto mo mga positive na bagay lang ang isasagot mo.

But with Rocco, para kasing ang dali niyang biruin at maka-biruan.

"So pinagpalit mo na talaga ako kay Tinder guy?" tanong ni Jane.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi aaah!" ngiting-ngiti kong sagot.

"Ay sus! Na-e-enjoy mo 'no?"

Tumango ako habang naka-ngiti. Napa-buntong hininga naman si Jane.

"Na-i-inggit tuloy ako sa'yo. I think it's about time para mag-active na ulit ako sa Tinder. Gusto ko ulit maranasan ang excitement kapag may nakaka-match ako."

Napatawa ako, "Go. Feeling ko ikaw ang magiging reyna ng Tinder."

"Loka! But I'm really glad you're enjoying yourself at nagagawa mo na rin makipag-usap sa ibang tao."

Napangiti ako sa sinabi ni Jane.

I'm also glad.

~*~

It's been a week ever since nakakausap ko si Rocco. Parang naging daily routine ko na na mag-message sa kanya ng mga random thoughts and stories. And even him, madalas mag send sa akin ng mga random na kwento. At nakakatuwa kasi lagi akong interesado sa kung ano man ang sasabihin niya.

Nung una, akala ko isa lang siyang lalaki na sobrang obsessed sa mga aso. But habang patagal nang patagal ko siyang nakakausap, parang napaka-deep niyang tao. Marami rin kaming similarities sa isa't-isa. Feeling ko kung sakali mang makakausap ko siya in person, hindi ako ma-i-ilang sa kanya. Feeling ko tugma kami.

Rocco: "Let me tell you something: Kanina, nasa coffee shop ako. Doon sa katapat kong table, may couple. Nakaakbay yung lalaki sa girl. Nakayakap naman yung babae sa bewang ni guy. Kung titignan mo, parang ang sweet nila. Kung bitter ka, sasabihin mong masyadong PDA sila. Pero nagulat ako nang tumayo si girl, she kissed the guy's forehead then nung naglakad siya palayo, she's crying. Yung mukha nung lalaki, parang pinagsakluban ng langit at lupa. I wonder what happened. Siguro nag break na sila?"

Rocco: "I was able to take a picture of that scene."

Liana: "Baka nga nag break sila. Pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa kwento mo, maybe they still both love each other pero hindi na nga lang nila kayang i-work out pa ang relationship nila. Parang magandang kwento 'yan ah? Bakit hindi mo gawan ng kwento? Aaannddd...talagang nakuhanan mo ng picture? Pwedeng patingin."

Rocco: "Siguro pag magkikita tayo someday, ipapakita ko sa'yo."

Liana: "Sige, iintayin ko 'yan :)"

~*~

Liana: "Iron Man or Captain America?"

Rocco: "Spiderman!"

Liana: "Same! :) Books or movies?"

Rocco: "Are you kidding? Books are always better than the movies! Pasta or burger?"

Liana: "Burger all the way!!"

Rocco: "Yes! Team burger! Coffee or tea?"

Liana: "Coffee. I don't drink tea. You?"

Rocco: "Coffee. I drink tea but I still love coffee better. :)"

Liana: "Someday, kung magkikita man tayo, ililibre kita ng kape."

Rocco: "I'll wait for that day. :)"

~*~

Liana: "Let me tell you something: Pinanuod ko ulit yung movie na 500 Days of Summer. Pangatlong ulit ko na 'to sa pelikulang yan but still, damang-dama ko pa rin. Ang sakit sa puso. Ang sakit isipin na ginawa mo naman ang lahat pero para sa kanya, kulang ka pa rin. Na ginawa mo ang best mo para sa kanya, but still, nakahanap pa rin siya ng someone better. </3"

Rocco: "Anong meron at humuhugot ka ngayon?"

Liana: "Wala. May naalala lang akong tao."

Rocco: "Ex-boyfriend?"

Liana: "Ex-almost. Ka-M.U. But in the end, ako lang pala ang M.U. Mag-isang Umiibig."

Rocco: "Naranasan ko na 'yan. Sinabihan niya pa ako ng I love you. Pero nakalimutan niyang duktungan ng "as a friend" sa dulo ng sentence niya kaya ayun, umasa ako. Nalaman ko na lang may boyfriend na siya."

Liana: "Ouch."

Rocco: "Aray."

Liana: "Buti pa si Meatloaf hindi ka iniwan :)"

Rocco: "At least may Pororo ka sa tabi mo. :)"

~*~

Rocco: "Let me tell you something: Liana, I think you are one of the greatest persons I've ever met—or talked to, rather, since I still haven't met you. Pero ang saya lang na ikaw ang naka-match ko kasi ka-match talaga kita. You know, tahimik akong tao sa personal at hindi ako ganitong kadaldal. Pero salamat at nandyan ka dahil may nakukwentuhan ako ng mga bagay na alam kong hindi ko makukwento in person sa ibang tao. I think, you're my kindred spirit :)"

Liana: "Let me tell you something: Rocco, I'm also glad na ikaw ang naka-match ko and I also think that you're my kindred spirit :)"

~*~

"Alam mo bakla, ang saya sana ng work natin. Araw-araw tayong maganda, nandito tayo sa hotel, ang ganda ng uniform natin dahil receptionists tayo, nakakakita tayo ng mga poging foreigner, kaya lang, yung mga ganitong panahon, sinusumpa ko ang trabaho natin," sabi sa akin ni Jane habang naka-duty kami. "Alam mo yun? Bisperas na bisperas ng pasko, nandito tayo sa hotel at naka-duty! Hindi ko kinakaya bakla!"

Napailing na lang ako habang tatawa-tawa. "Eh it's either Christmas or New Year lang tayo pwede mag leave. Yaan mo na dahil naka-leave naman tayo sa New Year. Tiis-tiis lang muna."

"But still! Birthday na birthday ni Papa Jesus nagtatrabaho ako!" patuloy na hinaing ng kaibigan ko. "Anyway, sige na, ikaw na muna maunang mag dinner break. Alam mo naman na hindi tayo pwedeng mag sabay."

"Sure ka ha?" tanong ko kay Jane.

"Yes!"

December 24, naka-duty kami at sa graveyard shift pa kami napunta ni Jane. Tatlo lang kaming naka-duty ngayon kaya naman pa-isa isa lang ang break.

Ayun lang talaga ang mahirap sa hospitality industry, walang holiday holiday. Habang yung iba ay naka-bakasyon, kami ay nagtatrabaho.

Habang nasa lobby ako ng hotel at nagiintay ng elevator paakyat sa locker room namin, naisipan kong i-message si Rocco.

Liana: "Let me tell you something: It's December 24 at naka-duty ako. Dahil diyan, kakain ako ng burger! Advanced Merry Christmas!"

Hindi ko pa man nai-isend ang message ko, bigla namang may pumasok na message sa phone ko from Rocco.

Rocco: "Let me tell you something: Right now...I'm behind you."

To be continued...

Random question: Naranasan niyo na rin bang may makausap or maka-chat sa social media na sobrang comfortable kayo sa kanya kahit na hindi pa kayo nagkikita personally? :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro