CHAPTER 1: My Vow

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DAN'S POV

HINDI ko alam kung panong lumipas ang mga araw sa buhay ko ng hindi ko siya kasama. Napabuntong hininga na lang ako. Isang buwan na rin simula nung maghiwalay kami ni Danica. Sa mga araw na lumipas na hindi ko siya nakita, wala akong ibang inisip kung hindi na ba siya galit sakin.

Kung iniisip niya ba ako tulad ng pag isip ko sakaniya.

Bumangon na ako sa higaan ko at nag simula ng gawin ang nakasanayan ko ng gawin simula nung mawala sakin si Danica. I clean my whole house.. Hindi ko na hinahayaan na magkaroon ng kahit na konting alikabok dito sa bahay ko dahil minsan umaasa ako na babalikan niya ako.

Napapitlag ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko, kaya dali dali kong binuksan yun. Pero na-disappoint lang ako sa nakita ko.

"Ano naman bang ginagawa mo dito Ian ?" tanong ko.

Ngumiti siya sakin at walang sabi sabi na pumasok sa bahay ko. Napabuntong hininga na sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa kusina ko. " Wow !! aah sure ka ba na kaya mong magluto para sa birthay ni Shena ?" tanong niya.

Lumapit ako sa kalan at nagsimula na akong mag luto. Birthday kasi ngayon ni Shena at ayaw naman nilang mag order sa catering kaya ako na lang ang nag presintang magluto ngayon araw na to. Tutal ngayon lang naman at hindi na mauulit.

" Alam mo Niel, ang laki ng pinagbago mo " sabi ni Ian.

Nagtatakang tiningnan ko siya. " What do you mean ?" tanong ko.

" I mean, itong mga ginagawa mo ngayon... hindi ka naman ganito dati ee.. hindi ko tuloy maisip kung nasaktan ka ba sa paghiwalay niyo o nakabuti pa yun sayo " sabi niya.

Sinimangutan ko siya " Hindi nakabuti sakin yung paghihiwalay namin no.. " sabi ko.

" EE bakit ganito ka ? parang hindi ka man lang nalulungkot... ni hindi nga kita nakitang nagmukmuk nung maghiwalay kayo ee... tapos hindi ka pa nagpaka-ermetanyo... "

Binato ko siya ng kamatis na nasalo naman niya " Anong tingin mo sakin, taong gubat ? Ayokong magmukmok at gawin lahat ng iniisip mo kasi... pano kung bumalik siya at ganun ang dinatnan niya ? Edi na-turn off na siya sakin imbes na ma-inlove siya. "

Ngumisi sakin si Ian. " Oo nga pala, darating ngayon si Icah "

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sakaniya. " Ano ?"

" Ang sabi ko dadarating dito si Icah, sa ngayon kasalukuyan siyang sinusundo nila Karen at Shena... Kaya for sure hindi siya makakatanggi sa dalawang yun. "

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Hindi ako makapaniwala na after nang isang buwan na hindi pagkikita.. ee makikita at makakausap ko siya ulit.

KAREN'S POV

KARARATING lang namin ni Shena dito sa building kung saan nakatira si Danica. Sa totoo lang hindi ko alam kung pano namin siya mapapayag na sumama samin sa Town para sa birthday celebration ni Shena.

Alam ko kasing nasasaktan pa din si Icah sa nangyari about dun sa relation nila ni Daniel. Alam ko kung pano siya masaktan dahil nandun ako... Nandun ako nung mga panahon na

Halos mamamatay na siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

**Flashback**

NAGPUNTA ako sa bar kung saan sinabi ni Icah na naroon siya, actually hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nangyayari sakaniya. Tsaka hindi ko alam kung pano siya nakapunta sa ganitong lugar, nang hindi napapagalitan ni Daniel. Ipinaikot ko ang paningin ko sa buong lugar para makita kung nasaan siya...

Napahinto lang ang mata ko ng may makita akong isang babae na mag isang umiinom ng alak sa gilid ng bar na ito. Dali dali akong lumapit sakaniya at hindi ko alintana ang mga usok at amoy pawis sa paligid ko.

Aakmang iinum siya ulit ay agad kong kinuha ang baso niya. Nanlilisik ang mga matang nag baling siya sakin at nung mamukhan niya ako, her eyes soften then pain crossed on her eyes as she look on me. Naupo ako sa tabi niya at dali dali ko siyang niyakap.

Icah is not a showy type of person pero kapag may problema siya.. Kahit na anong galing niyang magtago ng nararamdaman niya. Kusa din yun nakikita kung pano siya umakto saming mga kaibigan niya. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan and I can hear her faint sobs " Shhh... Danica ... " sabi ko.

" It's damn hurts Karen... " she said between her sobs.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya, wala naman kasi akong alam sa nangyayari sakaniya ee. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya nagkakaganito.

" We broke up. "

Nanlaki ang mga mata na kumalas ako sa pagkakayakap ko sakaniya at sapilitan tinitigan siya. Her eyes is telling me na hindi siya nagbibiro.. I can see that she's broken inside. " Anong nangyari ? bat naghiwalay kayo ?" tanong ko.

Ngumiti siya ng mapait sakin " Bakit nga ba ??" tanong niya sa sarili niya tapos hinawakan niya yung baso at pinaglaruan yung yelo dun " Kasi nalaman ko na, kamukha ko si Rhea... kasi hindi ko na kaya ... kasi nasasaktan na niya ako ng sobra... He told me that he loves me... God knows kung gaano ko hinintay na sabihin niya sakin na mahal niya din ako... pero ... pero bakit ganun ... imbes na masaya ako ... MAS LALO lang akong nasaktan "

Hindi ko maiwasan hindi masaktan para sa kanilang dalawa. Hindi ko man nakita ang mukha ni Rhea, alam kong masakit para kay Danica na malaman na kamukha niya ang nag iisang babaeng karibal niya sa lalaking mahal niya. Pero alam kong wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman ngayon ni Daniel. Dahil ang nag iisang babaeng mahal niya...

hindi naniwala sa kaniya.

Kilala ko na si Daniel simula nung mga bata pa kami. And when he really say that he loves someone... he really did.. Kaya alam kong masakit para sakaniya ang nangyayari sakanila ngayon.

**End of Flashback**

Okay na kaya siya ngayon ? Isang buwan na din simula nung mangyari yun and I really hope na okay na siya and she's ready to meet him.

" Hali kana Shena, puntahan na natin si Icah " sabi ko.

Hindi siya sumagot at tumango na lang sakin. Alam kong pati si Shena naapektuhan sa paghihiwalay ni Icah at ni Niel... Lahat naman kami naging malungkot ng mangyari yun.

Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang tinitirhang apartment ni Icah.. laking gulat namin na may mga malalaking kahon ang nasa labas ng bahay niya.

NICA'S POV

KASALUKUYAN kong iniiligpit ang mga gamit ko dito sa apartment ko. Nang biglang bumukas ng pinto at iniluwa si Karen na humahangos. " Anong ibig sabihin nito ?" tanong niya sakin.

Napangiwi ako sa reaction niya. " H-Hello girls " sabi ko.

Lumapit sakin si Karen " Anong ibig sabihin nito Icah ?" tanong niya.

" Ermm.. nagliligpit " maikli kong sagot.

" Bakit po ?" tanong ni Shena.

Ngumiti ako ng mapait " Lilipat na kasi ako ng bahay ee.. "

" Ano ?? Aalis ka sa lugar na to ng hindi sinasabi samin kung saan ka lilipat ?" tanong ni Karen.

Napabuntong hininga na lang ako at napasentido " Hindi ko naman sinasabi na hindi ko sasabihin sainyo ee"

" Ee bakit ngayon lang namin nalaman na lilipat ka naman ?" tanong niya.

Ngumuso ako at sininara ang kahon na nasa harap ko. " Kasi baka ngayon lang tayo nagkita. "

" Baka hindi ka din samin nagpakita " she said in a very sarcastic tone.

I mentally rolled my eyes to her. Of course, nagmomove on pa ako.. kaya pano ako maglalakas ng loob na pumunta dun diba ? Tsaka balak ko naman sakanilang sabihin ang bagong address ko, ang kaso hindi ko alam kung paano ko gagawin -_-

Aakmang magsasalita palang sana sila ng biglang dumating ang kamukhang kamukha ng lalaking gusto ko ng kalimutan at ang kaibigan niyang trying hard na maging comedian.

" Oi .. madaming box pa ba ? Napapagod na ako " sabi nung trying hard na comedian.

" Madami pa kayong bubuhatin.. as you can see diba.. " sabi ko na ikina-nguso niya. Napansin kong pinakatitigan siya ni Shena at ni Karen kaya bumuntong hininga ako " Aah ! Kean this is Karen and Shena mga kaibigan namin ni Shun.. Girls that's Kean Doumodo.. the trying hard comedian " sabi ko.


Mahinang tumawa si Shun kaya binatukan naman siya ni Kean. Tumikhim si Shun at pilit na pinaseryoso ang kaniyang mukha " Oi !! Shena.. happy birthday " sabi ni Shun.

Nakangiting yumakap naman sakaniya si Shena " Salamat Kuya.. "

Nagtatakang tiningnan ko si Shena " Birthday mo ngayon ?" tanong ko. Marahang tumango siya sakin " Hala ka !! wala akong gift na nabili for you " sabi ko.

Bumuntong hininga naman si Karen " Hindi niya kailangan ng regalo mo.. ang kailangan niya ee ang pumunta ka sa celebration niya ngayon "

" Talaga ?" tanong ko.

" Opo Nica-nee-san, kaya nga po kami nagpunta dito kasi, kikinapin ka po namin ni Karen-nee kapag hindi po kayo sumama samin. "

Napa-face palm na lang ako sa sinabi niya. Mukhang wala akong choice kundi ang sumama sa kanila ngayon. Nakangiting tumango ako kay Shena at lumapit.. marahan kong ginulo ang buhok niya na ikinangiti niya. " Sige pupunta ako sa birthday celebration mo "

" Talaga po Nica-nee, kung ganun halika na po sa Town.. " sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. I bite my lower lips, gusto kong sabihin na hindi na lang ako pupunta kung dun lang din sa lugar na yun ang celebration niya, but seeing Shena smile on me like that.. alam kong masasaktan siya kung magbabago ang isip ko.

pero

Pano ko siya haharapin ulit ? Pano ko siya kakausapin ? Hindi pa ako handang makausap si Daniel Cruz.

...

...

...

MABIGAT ang pakiramdam ko ng makarating kami nila Shun, Kean, Shena at si Karen sa Town. Alam kong nararamdaman nila ang nararamdaman kong kaba. Dahil simula nung maghiwalay kami ni Daniel, hindi na ako bumalik sa lugar na ito.. ngayon lang ulit.

Nang makapasok kami sa loob ng Town, una kong nakita sila Darwin at Sheen na malapit sa fountain at nagluluto ng barbeque. " Psst !! " tawag ni Shun sakanilang dalawa.

Nag angat sila ng tingin at sabay na nanlaki ang mga mata nilang nakatingin sakin. At halos mapisa ako ng sabay nila akong yakapin ng mahigpit. >.<

Sheyt !! hindi ko na-imagine na ang sarili ko ay mamamatay sa yakap nitong dalawang to. " S-Sheen ... D-Darwin.. I-I c-c-can't breathe " sabi ko.

Nakatawang kumalas sila sakin at parehas nilang ginulo ang buhok ko. " Grabe Icah, namiss kita " sabi ni Sheen.

" Kaya nga alam mo bang wala ng maingay dito sa umaga, simula nung mawala ka " nakangising sabi ni Darwin.

Sumimangot ako sakanilang dalawa " Hindi lang naman ako ang maingay dito sa Town aa "

" Alam namin.. Triplet kasi kayo ee kaso iba ibang time kayong mag ingay.. Ikaw sa umaga. Si Karen sa tanghali at si Risa sa gabi " sabi ni Sheen.

Lumapit sakaniya si Karen at binatukan siya ng napaka lakas " ANONG SINABI MO ? HINDI NAMAN AKO MAINGAY AA " reklamo niya.

Pinaikot lang ni Sheen yung mata niya at inakbayan si Karen " Indenial ka pa.. "

Aakmang magsasalita pa sana si Sheen ng bigla siyang napantingin kay Kean na katabi ni Shun. Napansin kong nakatingin din si Darwin kay Kean.

Bumuntong hininga ako. " Oo nga pala. Siya si Kean Doumodo.. school mates and friends namin ni Shun.. Kean si Darwin Moon nga pala yung naka red shirt tapos yung naka-white naman ay si Sheen Medlock. "

Tumango si Kean " Kamusta mga pare" sabi niya.

Tumango lang yung dalawa.. Aakmang magsalita si Shun ng biglang may parang ipong-ipo na lumapit samin " OH MAAAAAAY GHAAAAAD DANICA YUUKI ... BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA SAMIN " - Risa.

Napatakip kaming lahat ng tenga at sabay sabay na ngumuwi. " Napaka high pitch mo talaga.. try mo kayang bawasan ang volumn ng boses mo " reklamo ni Sheen.

Sumimangot na nagbaling si Risa kay Sheen " Choosy kapa.. ikaw na nga lang ang nakikinig sa ginintuang boses ko ee, mag rereklamo ka pa"

Nagpoker face naman si Sheen " Kung ang halimbawa ng ginituang boses ay ang boses mo.. ay aba !! edi si Regine Velasques pala ang halimbawa ng pangit na boses " sarcastic na sinabi ni Sheen.

Halos paslangin na siya ni Risa sa pagkakatingin nito sakaniya, pero bigla din itong nawala ng biglang magbaling ng tingin si Risa kay Kean, na patay malisya lang naman sakaniya. " Sino siya ?" tanong niya.

" Si Kean, kaibigan ko.. Kean yan yung pinakamakapal na mukhang kaibigan ko si Risa " sabi ni Shun.

Binatukan siya ni Risa at pilit na ngumiti kay Kean " Hello.. Kean... Risa nga pala ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa. " sabi niya.

Sabay na kumunot ang noo namin ni Karen sa sinabi niya. " HOY HINDI IKAW ANG PINAKAMAGANDA " sabay namin sinabi ni Karen.

Sumimangot naman si Risa " Ako kaya.. "

" At sino ang nagsabi ?" tanong ni Karen.

" Ako .. ako kaya ang nagsabi .. tsaka obvious naman yun ee.. kapag pinagtabi tabi tayo .. angat talaga ang kagandahang taglay ko.. kaya mga girls ... hindi masamang tanggapin ang katotohan" sabi niya.

" Hoy !! isa ka talagang sinungaling na babae.. kung ikaw siguro si Pinoccho.. hanggang Makati na siguro ang haba ng ilong mo... tssh .. magpatingin kana nga sa doctor baka sakaling may gamot pa sa pagiging ILUSYUNADA MO " sabi ko.

" ABA! ABA ! IKAW NAWALA KA LANG NG ISANG BUWAN NAGING GANYAN KANA.. HINDI PORKET MY BUTTERFLY CLIP KA SA ULO MO, EE GAGANYANIN MO NA AKO NGAYON.. BASTA MAS MAGANDA AKO SAINYO NI KAREN TAPOS ANG USAPAN."

" HINDI AKO PAPAYAG.. MAS MAGANDA AKO SAINYONG DALAWA " singhal ko at ni Karen.

" ANO .. HINDI AKO, KAYA " - Risa

" HINDI ! AKO ANG MAGANDA " - me.

" MAS MAGANDA AKO SAINYO GIRLS " sabi ni Karen with matching irap pa samin ni Risa.

Aakmang magsasalita pa ako ng biglang may tumikhim... kasabay nun ay naamoy ko ang napaka familiar na amoy, na nagpapanghina sakin sa tuwing naamoy ko yun.

" Bakit ba kasi pinagsama sama ang tatlong yan " sabi nung familiar na boses.

Dahan dahan akong lumingon sa pinaggagalingan nun at halos manlambot ako ng makita kong nakatayo siya ngayon sa harap ko. Nakasuot siya ng black leather jacket na regalo ko sakaniya nung birthday niya, sa loob ng leather jacket niya ay makikita mo dun ang isang V-neck shirt na nagpapakita ng magandang hubog ng kaniyang katawan. Naka-suot din siya ng fitted black jeans paired by tribal shoes.

I want to run and hug him tight. I miss him so damn much. Pero ... Kahit ayun ang sinasabi ng puso kong gawin.. Iba naman ang sinasabi ng utak ko.

" Niel-nii, Saan po kayo galing ni Ian-nii ? " tanong ni Shena.

Itinaas ni Dan yung supot na hawak niya at bahagyang ngumiti kay Shena " Bumili kami ng fireworks para mamamaya " sabi niya.

" Talaga po ?" nakangiting tanong ni Shena.

" Oo... " napansin kong napatingin siya sa gawin kaya dali dali akong nag iwas at pumunta sa niluluto nila Sheen at Darwin na ngayon ay nasunog na -_-

DAN'S POV

SHE'S HERE... My Danica ... My satan girl... Nang marinig ko kanina ang boses niya nung pagkapasok namin dito ni Ian sa Town.. agad kong hinahanap ang nag iisang mukhang gustong gusto ko ng makita.

Napatigil ako nung makita ko siyang nakikipag talo kay Karen at Risa. She's beautiful in that simple white dress niya, na hanggang tuhod ang haba. Yung buhok naman niya ay simpleng nakalugay lang at parang napilitan lang na lagyan ng butterfly clip.

Hindi ko mapigilan na hindi siya titigan.. God !! I miss this girl... Nang magtama ang mga mata namin, agad siyang nag iwas ng tingin sakin, at binaling ang tingin sa ibang bagay.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, kaya napatingin ako kung sino yun.

" Gawin mo na yung kalokohang punishment na ginawa ni Risa kani-kanina lang " mahinang sabi ni Ian.

" Alam mong ayaw niyang lumapit sakin... ang gawin pa kaya yun .. " sabi ko at mapait akong ngumiti sakaniya.

Napailing na lang siya at napabuntong hininga. " Wala naman sigurong masama kung mag-uusap kayo diba ? Try mo siyang kausapin at magpaliwanag sa nangya---- " hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

" Para ano pa ? Alam kong kahit anong sabihin ko sakaniya, hindi na siya makikinig sakin... Alam kong masasaktan ko lang siya kasi ang iisipin niya .. ang nakikita ko lang sakaniya ay si Rhea "

" Pero hindi naman talaga si Rhea ang nakikita mo sakaniya diba "

Ngumiti ako " Hindi.. bakit ko naman iisipin yun ? Ee sa kilos pa lang magkaibang magkaiba na sila.. they might be shared in the same face.. but Danica and Rhea ay magkaiba ... sa madaming bagay "

KAREN'S POV

NANDITO ako sa labas ng Town, dun sa kaharap na play ground nun. Nakatingala ako sa mga bituin kasi ang ganda ganda nilang pagmasdan. Hanggang sa maramdaman kong tumabi sakin si Icah.

" Bat nandito ka sa labas ?" tanong niya sakin.

" Gusto ko lang mapag-isa " sabi ko.

Hindi siya sumagot at dahang-dahan siyang nag-swing... Napatingin ako sakaniya at nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Mga matang makikita niya din sakin. " Ang hirap palang hindi kayo magpansinan no " sabi niya sakin.

" Bat kasi hindi mo siya kausapin.. " tanong ko.

" Eeh ikaw ? bakit hindi kayo nag-uusap ni Darwin ?" tanong niya din sakin.

Napangiwi ako sa tanong niya. Bakit nahalata niya yun. Obvious ba masyado na hindi kami nagpapansinan ni Darwin ?

" Break na kasi kaming dalawa " mahina kong sagot sakaniya.

" Tssh .. kayo din .. wala talagang forever no " sabi niya.

Natawa ako bigla sa sinabi niya. Halata kasing ang bitter niya habang sinasabi niya yun. " Buntis ako Danica " sabi ko.

Wala akong nakuhang kahit na anong sagot mula sakaniya kaya napatingin ako sa gawi niya. At nakita kong nakatingin siya sakin with wide eyes open pa.. " I'm not kidding you " seryosong sabi ko.

Actually kaya ako lumabas dun kasi hindi ko talaga gusto ang amoy ng pabango ni Risa.. at nasusuka talaga ako nun. Napatawa ako na kung kanina wide eyes open lang si Icah, ngayon naman MOUTH OPEN OPEN na siya.

Sinimangutan niya ako " Hindi ka naman nagsasabi ng totoo ee" sabi niya.

" Seryoso nga ako "

" Ee bakit hindi ka namumublema jan " sabi niya.

" Pano ako mamumublema ee, nakikita ko yang priceless mong itsura.. " natatawa kong sagot sakaniya.

Mas lalo siyang sumimangot sakin na ikinatawa ko ngayon. Ang cute cute ni Icah parang ang sarap niyang kuritin at kagatin. ^^,

Tapos biglang nanlaki ang mga mata niya at tumingin sakin " S-S-Sinong ama niyan ?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako " Si Darwin " simpleng sagot ko.

Simula nung maghiwalay kami ni Darwin. Hindi ko na siya kinausap.. hindi niya din alam ang kalagayan ko ngayon. Hindi pa ako handa para magkaroon ng baby.. At hindi ko din alam kung pano ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang kalagayan ko ngayon.

" S-Sino na ang nakakaalam nito bukod sakin ??" tanong niya ulit.

Umiling ako tsaka pilit na ngumiti " Wala pa.. ikaw pa lang ang napapagsabihan ko ee"

Aakmang magsasalita siya ng biglang may lumapit samin, sabay kaming napaangat ng tingin kay Risa na nakatayo samin. At gusto ko siyang kalbuhin ng bigla kong maamoy ang pabango niya.

Nahihilo talaga ako sa amoy niya >.<

" Anong ginagawa niyo ditong dalawa ?" tanong ni Risa.

" Nag uusap lang kami sa mga bagay bagay " sabi ni Icah.

Kumunot noo naman si Risa " Pwede niyo naman pag usapan yun sa loob aa.. bat dito pa kayo tumambay sa labas ng Town " sabi niya.

" Trip lang namin " sabi ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may pumalibot saming tatlo na mga lalaki at sapilitang kinuha si Icah ... Risa and I tried so hard na lumaban.. and the next thing I knew

I feel numb and I can see bloods running down on my thights.

RISA'S POV

EVERYTHING happen so fast.. Kani-kanina lang na-uusap kaming tatlo dito sa tapat ng Town.. and the next moment may pumalibot samin na mga lalaki at sapilitan kinuha si Icah.. We tried hard to fight .. pero

Nung makita kong may dugo na lumabas kay Karen.. bigla akong nakaramdam ng takot.. takot for our safety...

Hindi ko na nakuha si Icah na wala ng malay dahil sinuntok sa sikmura ng isang lalaki. Sinalo ko kasi si Karen ng bigla siyang mawalan ng malay.

" HELP .. GUYS TULONG .. TULUNGAN NIYO KAMI " I shouted for the top of my lungs, hoping that they could heared me even if the musics are too loud.

Nakita kong lumabas na si Daniel at dali daling lumapit sa kinaroroonan namin. Nakita kong nagulat siya sa nakita niyang lagay ko at ni Karen.. " What happen ?" tanong niya.

Kasunod niya yung mga kaibigan namin.. " A-Ang bilis ng pangyayari.. m-may kumuha kay Danica ... t-t-tapos .. tapos may dugo na lumabas kay Karen.. h-h-hindi ko alam kung nasasaksak ba siya... " naiiyak na ako..

Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot. Dali daling binuhat ni Daniel si Karen at dinala sa kotse niya. Lumapit sakin si Sheen at inalalayan niya akong tumayo. " Wala bang masakit sayo ?" tanong niya.

Tiningnan ko siya " W-Walang masamang mangyayari sakanila diba ? Diba ?" tanong ko.

Ngumiti siya sakin " No... hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sainyo " sabi niya. Alam kong walang ibang ibig sabihin nun.. but Sheen words makes me relieve.

DAN'S POV

HALOS paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang ako sa pinakamalapit na ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag isip ng maayos .. " Shit " I curse.

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag naulit ulit ang nangyari dati...

Napatingin ako sa gilid ko ng marahang gumalaw si Karen. Nilingon ko siya saglit " Karen.. stay put ka lang jan .. malapit na tayo sa hospital "

" Y-Yung baby ko.. p-please don't let my baby die .. " nanghihinang sabi niya.

And that's what it hits me.. Karen is pregnant. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo. Nag aalala ako sa kalagayan ni Icah ngayon pero hindi ko naman pwedeng iwan si Karen sa kalagayan niya. At alam ko din na gumagawa na nang paraan ang mga kasama ko sa paghahanap kay Danica.

Nang makarating ako sa hospital, agad naman nilang inasikaso si Karen at sinabi ko din na may mga darating na kaibigan namin dito.. pero lahat ng mga result ng test na gagawin kay Karen ay sakin lang sasabihin at wala ng iba.

Nang dumating na sila Risa at si Sheen, nag paalam na ako sa kanila na hahanapin ko muna si Danica. Nag drive ako ng ng drive hanggang sa makarating ako kung saan ako iniligtas ni Danica sa mga bumugbog sakin nun.

Nag lakad ako dun at nakita ko ang isang familiar na clip sakin. Kinuha ko iyun at nakita ko ang maliit na sulat na nakalagay dun.

Meet Us... sa likod ng school niyo kung hindi, mapapahamak ang babae mo. - Enemy of yours

Nagmamadali akong tumakbo pabalik sa kotse ko at pinaharurot iyun. Humanda sila sakin kapag ginalaw nila si Danica.. buhok lang nila nag walang latay sakin.

NICA'S POV

DAHAN-DAHAN na nagmulat ako ng mga mata at napasinghap ako ng may maramdaman akong kirot sa kanang braso ko.. Dama ko din na medyo sumasakit ang sikmura ko. Ano bang nangyari ?

Pilit kong inalala ang mga nangyari .. Nag uusap usap kaming tatlo tapos biglang dumating yung tatlong bisugo na naka-away ko dati.

" Oh gising kana pala " sabi nung bisugo number 1.

I rolled my eyes to him " Anong tingin mo sakin, natutulog ng nakadilat ng mga mata " I said sarcastically.

Ngumisi sila sakin " Ang tapang mo pa ding babae ka ee no " sabi ni Bisugo number 2.

" Matapang ako kasi pinanganak akong matapang.. pakawalan niyo ako dito " utos ko, kasi nilalamok na ako sa kinatatayuan ko.

Tsaka nasaan ba kami bakit ang daming puno ata dito. Urgh !! Kapag nasira ang maganda kong kutis dahil sakanila. Gagawin ko talaga silang pinugpog na ipis kapag nakawala ako dito. >.<

Bigla akong nakaramdam ng takot ng biglang lumapit sakin ang isa sakanila... Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Gusto ko siyang sapakin at sipain.. para hindi siya makalapit sakin pero ....

Anong magagawa ko ?

Nakatali ako ngayon .. at walang mag liligtas sakin. " Gawin niyo na ang dapat gawin sakaniya. " sabi nung isa.

Umiling ako.. NO ...

Anong gagawin nila sakin..

DANIEL please Help me

DAN'S POV

NANG makarating ako sa likod ng school. Saglit na natigilan ako ng makita ko si Danica na nakatayo.. nakatulala lang siya sakin. At may hawak siyang patpat. Her cheeks are red, na halatang sinampal siya.

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamay ko. Mapapatay ko sila...

" Danica ... " dahan dahan akong lumapit sakaniya pero sa napasinghap ako ng bigla niya akong hinampas ng wooden stick sa ulo ko.

Naramdaman kong may tumutulo na galing sa ulo ko. Hinawakan ko iyun at nakita ko na dugo iyun. Aakmang tatayo ako biglang may lumabas sa isang gilid. Sinamaan ko sila ng tingin " Masakit no... ganyan din ang naramdaman namin nung binugbog kami ng babaeng to dati " sabi nung isa.

Naningkit ang mga mata ko " Anong ginawa niyo kay Danica ?"

" hmmm.. Let us see.... siguro may ginawa lang kami ng kon---" hindi ko na siya pinatapos at sinapak ko na siya.

Napasinghap siya pati yung dalawa niya pang kasama. Lumapit ako kay Danica at hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya. " Danica .. ano ba ? ako to si Daniel " sabi ko habang inaalog alog siya.

Napasinghap ako sa sakit ng bigla na lang akong paluin ni Danica sa braso ko. Feeling ko may nabaling buto dun. Kasabay nun ang pagdating ng kakambal kong si Shun at ang kasama niyang ... sandali sino ba to ?

KEAN'S POV

NAPASINGHAP kaming dalawa ni Shun ng makita namin yung kalagayan ni Daniel. Pero ang mas na kinagulat namin ay ang itsura ni Danica ngayon.

Walang emosyon na makikita sa mga mukha niya pati na din sa mga mata niya.

" Anong nangyari dito ?" tanong ni Shun.

" Do I look like I have an idea ?" naiinis na sagot ni Daniel sa kapatid niya.

And base on his expression, parang ready na siyang pumatay ngayon. Kahit yung tatlong lalaking kumuha kay Danica ay napaatras sa nakita nilang pagbabago sa itsura ni Daniel.

Napakadilim nito at parang kung sino man ang lalapit sakaniya ay wawasakin niya agad sa isang suntok lang.

Nakita namin na tumakbo na paalis yung mga lalaki kaya ayun na yung cue namin ni Shun para habulin at bugbugin ang mga yun. Hindi ako nag salita dahil nakakatkot din ang anyo ni Shun katulad ng kapatid niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Kambal nga silang dalawa.

DAN'S POV

LUMAPIT ako kay Danica at nung hahampasin na niya ako. Hinawakan ko ang wooden stick at sapilitan kinuha iyun. Pero hindi naging ganun kadali yun dahil sinipa ako ni Danica sa sikmura.

Binaliwala ko ang sakit at lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit. I burried my face on her neck. I don't want her to be like this.

" Danica... my Satan girl please... come back.. nahihirapan akong makita kang ganyan"

Masakit man ang mga natamo kong sugat at palo mula sakaniya.. Mas masakit padin yung makita mong nagkakaganito ang babaeng mahal mo at wala ka man lang magawa para maibalik siya sa dating siya.

" D-Dan... "

Mas lalo ko siyang niyakap ng marinig ko ang boses niya. " A-Anong nangyari ?" her voice is husky..

" Your safe... "

" I know you will save me... my saviour.. my hell boy " sabi niya at naramdaman ko ang mahinang paghinga niya.

Dahan dahan akong naupo at nakita ko siyang natutulog na... Napangiti ako sa nakita ko.. I caress her cheeks and brush my lips on her forehead.

" Anong nangyari ??" tanong ni Shun na kararating lang at hawak hawak yung mga lalaking kumuha kay Danica.

" She's fine now" sabi ko at binuhat ko si Danica. Hindi ko ininda ang sakit na naramdaman ko sa braso ko.

I will never let Icah's hurt again. I don't want to see it ... I don't want to see her suffer in pain.

I will protect her... and that's my vow.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro