CHAPTER 2: Danica and Karen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV

NANG MAGISING ako, una kong nakita ang kesame ng kwartong kinalalagyan ko. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sakin. Ano bang nangyari sakin. Gumalaw ako at napasinghap ako ng may maramdaman akong kirot sa kanang braso ko.

" Shit .. " I curse under my breathe.

Napapitlag ako ng may biglang gumalaw sa gilid ng kama ko at handa na sana akong sumigaw ng 'tulong' nang mapansin ko kung sino ba ang lalaking yun. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Anong nangyari kay Dan at may bandage siya sa ulo niya ? Hahawakan ko sana siya ng bigla siyang gumalaw kaya dali dali akong pumikit. Aba !! mahirap na at baka sabihin niya ee, pinagmamasdan ko siya. -_-

Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko at marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. " Icah mahal mo pa ba ako ?? kasi kung itinatanong mo yung feelings ko para sayo Icah ..... Icah walang nagbago mahal pa din kita" I blush.

Ano ba yung pinagsasabi ng lalaking to ? Hindi ko alam kung bakit nagba-blush ako sa sinabi niya ee.. Alam ko naman sa sarili ko na si Rhea ang mahal niya... pero kasi ee..

Itong puso ko gustong gusto atang makipag away sa utak ko, dahil magkaiba sila ng sinasabi sakin. Urgh !!

Napatili ako ng kinurot niya ang pisngi ko. " Aray ko naman " reklamo ko sakaniya. Hinampas ko siya sa kabilang braso niya " Masakit yun aa.. Inaano ba kita jan at nangungurot ka ?" sabi ko habang hawak hawak ko ang pisngi ko.

" Kanina ka pa ba gising ?" tanong niya.

" H-Hindi " I lied.

Bumuntong hininga na lang siya at hindi na nagbigay ng komento sakin. Pinaka titigan ko siya at kumunot ang noo ko sa itsura niya ngayon.

" Nakipag away ka ba ?" tanong ko.

Sunod sunod ang pag-iling na ginawa niya sakin. Mas lalong kumunot yung noo ko. Kung hindi siya nakipag away ee bakit may bandage siya sa ulo niya tapos yung kamay niya naka-semento. Urgh !! Kung alam ko lang kung sino ang gumawa nito sakaniya ako mismo ang pipilay sa dalawang kamay niya. At ang puputol sa ulo niya.

How dare him to do that

Bumuntong hininga siya at maharang inalis ang buhok na tumabik sa kabilang pisngi ng mukha ko at ngumiti " Wala to, wag ka ng mag aalala sakin "

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " Sino naman ang nagsabi sayo na nag aalala ako sayo " sabi ko.

Ngumiti siya sakin " Well, base kasi sa pagkakatingin mo sakin.. halatang nag iisip ka kung pano ko nakuha to and for sure your thinking kung pano mo sasaktan ang taong nananakit sakin. "

Hindi ko maiwasang hindi mamula sa sinabi niya. Kasi ang totoo niyang ganun naman talaga ang iniisip ko. Ngumiti siya sakin " Wag mo na lang isipin kung ano ba ang nangyari sayo.. Ang mahalaga ligtas kana "

" Ano bang nangyari sakin ? Ang huli ko kasing natatandaan ay tinali ako ng mga mukhang ewan mong kaaway sa puno ee.. tapos after nun wala na " sabi ko.

Ang weird lang.. kasi feeling ko ang daming nangyari kagabi pero hindi ko maalala ang lahat. Tsaka ang pinagtataka kung pano ako nakapunta sa ospital na to.

DAN'S POV

PINAGMAMASDAN ko ang kaniyang maamong mukha. Alam kong iniisip niya ang nangyari kagabi.. At ayokong sabihin sakaniya na siya mismo ang may gawa ng mga injury ko sa katawan ko. Alam kong walang alam si Icah dun kaya hindi na niya kailangan pang malaman pa yun.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yun at inilabas si Karen na nakasuot ng Hospital gown, naka wheel chair siya. Napabuntong hininga ako at lumapit sakaniya. Nagpasalamat ako sa nurse na naghatid sakaniya dito.

Inilapit ko siya kay Danica na kasalukuyang nakatulala pa din at hindi napansin ang pagpasok ni Karen.

" HOY BRUHA KA ?" sigaw ni Karen.

Napatakip kami ni Danica ng tenga at sabay kaming ngumuwi.. Ang aga aga naman napaka high pitch ng babaeng to -_-

Tiningnan siya ni Danica tapos " OH MY GHAAD .. KAREN .. okay ka lang ba ? Anong sabi nung Doctor about dun sa ano mo .. sa ... basta dun ... "

" Sa baby ko ?" sabi ni Karen.

" Yeah .. anong sabi ? sorry hindi kita naipagtanggol sa mga sira ulong kaaway ni Daniel huh !! ayos lang ba siya ? " nag aalalang tanong ni Danica.

Ngumiti sakaniya si Karen " Medyo masilan kasi ang pagbubuntis ko ngayon, kaya madaming niresetang vitamins sakin yung doctor. Tinulungan din naman ako ni Niel, na itago muna ang condition ko sa mga kaibigan namin. "

Hindi nga pala alam ng mga kaibigan namin ang about sa pagdadalang tao ni Karen. Sinabi ko din kasi sa Doctor na sakin lang sasabihin lahat ng gagawin sa kanilang dalawang test ee. Mukha kasing wala pang balak ipaalam ni Karen ang kalagayan niya kay Darwin.

Tiningnan ako ni Danica at ngumiti siya sakin. She holds Karen's hands and squeeze it. " Hayaan mo Karen.. kapag may kailangan ka.. tawagan mo ako.. at pupunta ako dun para tulungan ka .. pero basta wag sa pera huh !! Alam mo naman na hindi ako yayamanin na tao ee "

Tumawa si Karen at mahinang kinurot si Danica sa pisngi.. " Letche ka.. Oo na puro ka kalokohan "

Nagtawanan ang dalawa.. Kahit wala naman talagang nakakatawa sa pinag uusapan nila. Minsan talaga ang gulo ng mga babae. Ano kayang nakakatawa sa pinag usapan nila.

-_________-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro