CHAPTER 11: Outing

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KAREN'S POV

NANDITO ako sa kwarto ni Daniel, binabantayan ko si Danica na sobrang hingbing ng tulog ngayon. Noong inuwi kasi ni Daniel si Danica dito kagabi ee, mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.

Napabuntong hininga na lang ako, pano kaya gagaling si Danica? Alam ko kasi na nahihirapan si Daniel na makitang nagkakaganito ang babaeng mahal niya tapos wala man lang siyang magawa kundi ang tingnan ito.

Minsan talaga ang hirap ma-inlove. Ang dami mo kasing kailangan patunayan sa taong mahal mo, na mahal mo talaga siya.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si Daniel na ngayon ay nakasuot ng simpleng puting t-shirt at maong. " Hindi pa din ba siya nagigising?" tanong niya.

Malungkot na ngumiti ako sakaniya " Hindi pa ee." sabi ko.

Bumuntong hininga siya at saglit na may tinawag sa labas. Tapos nung pumasok na yung lalaking kasama niya na si Patrick Niwa ay napatayo ako sa pagkakaupo ko. Naguguluhang tiningnan ako ni Daniel. " Oh, what's wrong?" tanong ni Daniel.

" A-Ano ... haa?"

Ngumiti sakin si Patrick na kinapula ng mukha ko. What the heck? ano bang nangyayari sakin. Marahang lumapit siya kay Danica at marahan din niyang hinaplos ang mukha nito. " Icah, you have you wake up" sabi niya.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inggit kay Danica. Gosh ! ang swerte mo Icah. Ako din matutulog ng tulad mo tapos gigisingin ako ni Patrick ng ganyan.

Erase...

Erase...

Erase...

Ano ba yan? Bakit ganito ang iniisip ko ngayon. I heard Icah make a little moan before she open her eyes. Her eyes landed to Patrick.. " Good morning" nakangiting sabi ni Patrick.

"O-Onii-san, what are you doing here ?" sabi ni Danica.

Nagsmile sakaniya si Patrick. " Sinusundo kita. Masyado na atang mahaba ang tulog mo, at tsaka may pupuntahan tayo ngayon" sabi ni Patrick.

Naguguluhang tiningnan siya ni Danica si Patrick at nung makita niya kami ni Daniel ay marahan siyang ngumiti samin pero hindi na siya nagsalita pa. " C'mon get up and do your morning rituals.. We're going to Baguio."

Napangiti ako sa nakikita ko ngayon kasi ang sweet sweet nilang magkapatid. Halatang ang sarap maging Kuya ni Patrick. Hmmm.. kamusta na kaya yung Sadista kong kuya?

" Sasama ba satin sila Karen at Daniel?" tanong ni Danica at halatang inaantok pa siya kasi medyo nakapikit pa ang isa niyang mata habang hinahatak siya ni Patrick patayo.

Ang cute ni Danica ngayon, para siyang bata. Tiningnan kami ni Patrick at nakangiting lumingon sa gawi ni Danica at tumango. Napakagat naman ako sa labi ko. Tawagan ko kaya ang kuya ko.

BTW' my brother name is Prince Karl Fushibayashi.. my one and only sadist brother. Lumapit samin si Patrick at sinabi niya na maghanda na kami sa outing namin ngayon. Tumango lang ako at nagpunta na sa sarili kong bahay para makapag ayos.

...

...

...

...

NANG MATAPOS akong mag asikaso, ay nagpunta na ako sa Van, doon nakita ko si Danica na katabi si Runo at nag-uusap ng kung anu-ano. Tumabi ako sakaniya at kumunot yung noo ko sa pinaguusapan nila.

Seriously? Sino si Ichigo?

Tango lang ako ng tango sa pinag uusapan nilang dalawa buong byahe namin. Dahil wala naman akong kilalang Ichigo. Sino ba yun? Bago bang artista yun sa Japan?

...

...

...

NANG MAGMULAT ako ng mata ay nasa isang kwarto na ako at napapaligiran ng puting kurtina at puting dingding. Nasaan ako?

Bigla akong natigilan sa pag iisip.. at napakagat ako ng labi ko. Pano kung na-rape kami tapos si Danica at Runo ay kasalukuyan kinatakatay na parang baboy? Tapos si Daniel at Patrick naman ay inihagis sa tulay.

OH MY GOD!! what am I gonna do? Baka ihagis nila ako kung saan saan after nila akong chop-chopin.. Ghaad I want to die na maganda at hindi mukhang aswang >.<

Napatigil ako sa pag-iisip ko at napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Patrick at may suot siyang apron. " Good thing your already a wake,, c'mon I make some cookies for you"

" Nasaan tayo ?" tanong ko.

" Nasa Baguio. "

Weeeh ? ilang oras ba akong natulog kanina ? at hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Tumango na laang ako sakaniya at sumunod. Medyo nagugutom na din ako ngayon. Nang makarating kami sa kusina nakita ko sila Daniel at Danica na paalis kasama si Runo.

" Saan kayo pupuntang tatlo?" tanong ko.

" Sa park? Gustong lumabas nung dalawa ee" sabi ni Daniel.

Tumango lang si Patrick at nag smirk naman si Daniel sakaniya bago lumabas. Kumaway naman sakin si Danica at Runo. Gusto ko sanang sumama kaso nagugutom na talaga ako ee. >.<

PATRICK'S POV

PINAGMASDAN kong kumain si Karen ng niluto kong cookies. At hindi ako makapaniwalang nagagawa pala nito na manahimik. As in ngayon, ito siguro ang masasabing HIMALA. Napapitlag ako ng biglang magBEEP ang cellphone ko.

From: Daniel Cruz

Oo nga pala, hindi magandang nalilipasan ng gutom yang babaeng kasama mo ngayon..

-- End.

Kumunot naman yung noo ko sa text niya. Nakakapanibago nga na tahimik tong babaeng to ee, tapos hindi magandang nalilipasan ng gutom? Ano naman ang kaya nitong gawin?

To: Daniel Cruz

I don't get it, tahimik nga lang siyang kumakain ngayon ee.

-- Sent.

From: Daniel Cruz

Pakainin mo ng kanin o kaya nang kahit na anong puti,like Carbonara.

-- End.

Mas lalong kumunot yung noo ko, bakit ganito na lang siyang mag alala kay Karen? May something kaya sakanilang dalawa ?


pero


imposible kasi yun ee, dahil head over heels ang isang to kay Danica ee.. Tiningnan ko si Karen, na malungkot na nakatingin sa cookies at napabuntong hininga na lang na kumagat. Mukhang ayaw nga niya yung kinakain niya ngayon.

" Errmm.. Karen, gusto mo ba ng Carbonara?" tanong ko.

Nag angat siya ng tingin at nakangiting tumango sakin. " At gusto ko din pala ng Coco juice or kung walang ganun, milk na lang" sabi niya

Gumawa muna ako ng Milk habang inaayos ko ang mga ingretient sa Carbonara. " Wow... ang sarap naman nito. Mas masarap ka pang mag timpla ng milk kesa kay Daniel" sabi niya na parang bata.

Ito ang alam kong Karen, hyper at isip bata. Naiiling na nagsimula akong magluto at aware akong tinitingnan ako ni Karen. Medyo na iilang ako pero hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya na wag niya akong tingnan diba.

DAN'S POV

PINAGMAMASDAN ko mula sa malayo sila Danica at Runo habang naglalaro sa play ground. At napamura ako ng biglang may lumapit sakanilang dalawa. Nakikita ko kung pano mairita sakanila si Danica at kung pano niya ito iwasan. Urgh!!

Lumapit ako sakanila at inihigit ko palapit sakin si Danica kaya medyo nasubsob siya sa dibdib ko, nag angat siya ng tingin at ngumiti ako sakaniya.

" Anong kailangan niyo sa asawa't anak ko?" tanong ko.

Nakita ko kung pano lumaki ang mga mata ni Danica habang nakatingin sakin.. Si Runo naman ay ngumiti sakin... Wow ang talinong bata nito aa.

Nanginginig ang kanilang katawan na tumakbo palayo samin tatlo. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras kasi ang lalaki nilang duwag. Napa-aray ako ng bigla akong siniko ni Danica sa tagiliran ko.

Seriously? Lumalabas na naman ang pagiging sadista ng babaeng yun.

" Baby naman, bakit ka naman naniniko" reklamo ko.

" Bakit mo sinabi yun sakanila? " sabi niya at namumula pa ang kaniyang mga pisngi.

Hindi ko tuloy malaman kung kinikilig ba siya sa sinabi ko kanina o nagagalit siya dahil sa sinabi ko kanina ?

" What's wrong on that? "

Napasentido siya " And you really asking me, what's wrong on that? " sabi niya tapos binatukan niya ako. " MADAMING MALI DUN, unang una sa lahat hindi kita asawa, second oh there's no second reason"

Ngumiti ako sakaniya at napansin kong napapigil siya ng kaniyang hininga. Kinurot niya ako at ako naman ay tumawa lang " Don't show me your smile. " Hindi ako sumagot at ngumiti lang ako sakaniya. " I said don't smile"

Lumapit ako sakaniya at inakbayan ko siya pero inalis niya din yun kaya binalik ko din. Paulit ulit naming ginawa yun pero hindi ko siya tinigilan kaya ang ending hinayan niya akong akbayan siya. Ngumiti ako sakaniya na mas lalong ikinasimangot niya.


" Stop smiling" she say.

" Danica, my loves... Never underestimate the power of my smile, for in it, hundreds get jealous ang millions get inspired "

She bite her lower lips at nag-iwas siya ng tingin saakin. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha...



Soon Danica... you'll be fine... After this outing... You will be back on your normal self.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro