CHAPTER 12: I like her

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KAREN'S POV

WHEN I wake up this morning, wala na ang babaeng katabi ko matulog kagabi na si Danica. Tinatamad na umupo ako sa kama at nag unat. Tsaka ako nagbaling ng tingin sa orasan. Hihiga na sana ako pero bigla akong nagising sa kinahihigaan ko at muling napatingin sa orasan. " WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH ... " panong naging 11 in the morning na?

Yung totoo? ganun ba talaga kahaba ang oras ng tulog ko ngayon?

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yun at inilabas ang isang lalaking nakasuot ng puting sando at color yellow na pajama.. Ang gulo gulo din ng kaniyang buhok pero kahit ganun hindi ko pa din maiwasan na hindi matulala sa itsura niya. " Anong nangyari? may sunog ba? ayos ka lang ba Karen?" tanong ni Patrick.

Tinitigan ko siya ng mga ilang minuto.. bago ako natawa sa sinabi niya, kumunot yung noo niya habang nakatingin saakin, kaya nginitian ko siya. " Walang sunog.. O.A much huh.. and I'm sorry kung na-istorbo kita, nagulat lang kasi ako na tanghali na pala"

" Tanghali?"

" Oo... ayun oh " tinuro ko yung orasan tsaka ngumuso " nasobrahan ata ako sa tulog."

Halos matulala ako sakaniya ng bigla siyang ngumiti.. as in yung totoo ? tao ba tong si Patrick? Bakit ang gwapo niya ngumiti " Bakit ka ngumingiti jan? " nagtataka kong tanong sakaniya.

" It's not 11, baby.. 7 in the morning pa lang"

Napanga nga ako sa sinabi niya. Hindi lang dahil sa sinabi niya yung oras pero yung tinawag niya saakin. Did he just called me baby?

NICA'S POV

NANDITO kami ni Daniel sa malaking burol kung saan makikita mo kung saan ang bukang liwayway. Maganda sa lugar dito. Napapikit ako ng dumampi ang hangin sa balat ko. " Icah?"

" hmmm?"

Napamulat ako at napatingin sakaniya ng hindi siya magsalita. Kaso halos malulunod ako sa kaso ng pagkakatingin niya saakin. " Wag mo akong titigan"

Ngumisi siya saakin " I like this view"

Ngumuso lang ako.. ang landi nitong lalaking to. Napatingin ako sakaniya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko, nagtatakang tiningnan ko siya. " Anong drama yan?" tanong ko.

" I just want to hold your hand" sabi niya habang nakatingin sa mga kamay namin na magkahawak.

Hindi ko alam kung bakit, feeling ko ito ang lugar kung saan ako belong. Pero alam kong mali yung naiisip ko kasi...

Hindi naman ako magagawang mahalin ng lalaking nasa harap ko. Na kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan lang ako. " I hate myself... " sabi ko sakaniya.

Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko. Binawi ko ang kamay ko at muli akong tumingin sa harap

" Bakit?" tanong niya.

Hinawi ko ang buhok na tumabing sa mukha ko at tsaka ngumiti sakaniya ng mapait " sec-ret"

Pilit na pinaharap niya ako sakaniya at niyakap.. saglit akong nanigas sa katayuan ko. " Dan?"

" Don't say it.. don't hate yourself"

Muli akong ngumiti ng mapait. Hindi ko gustong sabihin sakaniya ang rason ko.. Na siya ang nag-iisang rason kung bakit galit ako sa sarili ko. Bakit kasi na-inlove ako sakaniya. Hindi ba pwedeng sa iba na lang akong ma-inlove?

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo ko kaya napaangat ako ng tingin sakaniya, ngumiti siya saakin at marahang hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil sa ginagawa niya. " If you hate yourself then I'm the one who will love you. "

" Haaa?"

" Danica I will prove to you that I'm the one and only hell boy on your life. "

Aakmang magsasalita ako ng biglang may nagpalakpakan sa paligid namin at mas lalo akong namula ng makita kong halos lahat ng tao dito ay nakatingin samin. As in saamin lang.. I bite my lower lips.. Ghad I wish bumuka na ang lupa at kainin ako. Napaangat ako ng tingin ng biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ko, nginitian niya ako at mas lalo iyun nagpasigaw sa mga taong nandito sa lugar namin.

....

....

....

BUMALIK NA kami ni Daniel sa rest house ni Patrick at sakto nakahanda na ang almusal. Nagtatanggal pa lang ako ng sapatosko ng biglang parang ipo-ipong lumapit samin si Karen. " Saan kayo galing?"

Nagtatakang tiningnan ko siya " Bakit may nangyari ba sayo ?" nag-aalala kong tanong sakaniya.

" Huminahon ka nga Karen, baka mapano ka ee" saway sakaniya ni Daniel.

" Ewan ko sayo.. lagi niyo na lang akong iniiwan dito aa. kayo lang gala ng gala.. sana sinasama niyo din ako diba" naghihimutok na sinabi ni Karen.

Napabuntong hininga na lang si Daniel " Tulog ka pa kasi kaya hindi ka na namin ginising tsaka ng jogging kami ni Danica kanina" sabi ni Daniel sakaniya.

" tssh ang sabihin mo nanliligaw ka, kaya hindi mo ako gustong isama.. ganyan ka naman Niel ee" nagdadabog na sinabi ni Karen.

Biglang nang init ang mukha ko sa sinabi niya. Bigla ko kasing naalala yung nangyari samin ni Daniel dun sa burol ee.

Aakmang magsalita ako ng biglang dumating si Patrick at niyaya kaming kumain na ng almusal.

DAN'S POV

KASALUKUYAN kaming nasa labas at nakikita namin na nagpi-picnic sila Runo, Danica at Karen sa labas ng rest house, mukha naman silang nag e-enjoy.

Napatingin ako kay Patrick ng bigla siyang mag abot saakin ng beer in can. Tinaggap ko iyun at nagpasalamat. Umupo siya sa tabi ko at alam kong tulad ko nakatingin din siya sa tatlo.

" Oo nga pala, Patrick.. salamat sa pagdadala mo dito kay Danica huh " sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya " Wala naman akong ginawa ee.. ang tanging ginawa ko lang naman ay ang dalhin kayo dito sa rest house namin.. Pero ikaw lang naman ang tanging nag aalaga at pilit na pinapaalala kay Danica na ikaw lang ang mahal niya"

Uminom ako ng beer " Mahirap kasing makitang nasasaktan ang babaeng mahal mo tapos wala kang magawa kundi ang pagmasdan siyang umiyak "

" So until now, your hoping that one day.. magkakabalikan kayo " Tumango ako, at naramdaman kong marahan niyang tinapik ang balikat ko " If you really love her don't stop protecting her "

" I know that" yun naman ang gagawin ko ee, hindi ko hahayan na masaktan pa ulit si Danica ng dahil saakin. She didn't deserve to be hurt like that.

" Pregnant si Karen hindi ba" sabi niya.

Napatingin ako kay Patrick na ngayon ay nakatingin kay Karen... At may isang emosyon akong napansin sa mga mata niya. The way he look on my friend is the way I look to Danica.

" I like her " marahang sabi niya at sincere.

" You what?"

" I said I like her, at kung iniisip mo na huhusgahan ko si Karen dahil lang sa kalagayan niya ngayon.. wag kang mag alala hindi ko gagawin yun"

" Pero Patrick baka nabibigla at lasing ka lang kaya mo nasasabi yan"

Tumawa siya at saglit na uminom ng beer " Hindi ako lasing o nabibigla.. Karen is different from the other girls.. and I like her for being like that. Wag kang mag alala... kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko, tsaka ako gagawa ng move. At kung tututol ka.. then I'll prove to you na hindi ka hadlang saakin " sabi niya.

Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman na hindi ako magiging hadlang sakanila ee.. Ayoko lang na masaktan ang kaibigan ko.


But I know, Karen deserve Patrick to be with her.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro