CHAPTER 14: Remember you

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KAREN'S POV

THIS IS THE last day of Icah here in our school and I'm gonna miss this girl. Sa ngayon nagpapaalam na kaming lahat ng mga students sa kanilang tatlo. Ay mali pala kasi halos lahat naman ng students dito kay Danica lang nagpapaalam. " Campus sweet hear babalik ka pa ba dito?" tanong mga students sa paligid.

Hindi ko nga alam kung saan galing yung tanong na yun dahil mapalalaki at mapa babae ay ngayon nagtatanong na sakaniya. Nag smile lang sakanila si Danica at kumaway " KYAAAAAAHHHHH NAKAKATOMBOY SIYA MAG SMILE "sabi nung babae

" AKIN KA NA LANG "sigawan ng mga lalaki. Ngumisi si Danica at kinindatan pa sila dahilan para mag sigawan ulit ang mga tao.

At halos ako ay mabingi sa lakas ng tilian nila. Ano ba naman yan? kung alam ko lang na magiging ganito ang mangyayari sa last day ni Danica edi sana nagdalawa ako ng ear peice to protect my eardrum.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong si Daniel ay seryosong seryoso na nakatingin sa mga lalaking nagkakandarapang makamayan si Danica. Kung may laser lang yung mata ni Daniel kanina pa patay yung mga lalaking yun. Pupusta ako ng isang milyon na kanina pa pinapatay ni Daniel ang mga lalaking yan sa utak niya.

Nawala lang ang pagkasimangot niya ng biglang lumapit sakaniya si Danica. At ngumiti.. Isang ngiti na alam kong ibinibigay lang ni Danica sa mga taong importante sa buhay niya. Isang ngiti na alam kong gustong-gustong makita ni Daniel mula sa babaeng mahal niya.

DAN'S POV

NAWALA ang masamang iniisip ko sa mga lalaking nasa harap ni Danica kanina ng bigla siyang lumapit saakin at ngumiti. Ang ngiting matagal ko ng hindi nakikita mula sakaniya. Hindi ko pinansin ang mga sigawan ng mga tao sa paligid namin at nakatingin lang ako sakaniya.

" Magkalusawan kayo nyan, magsalita naman kayo diba " sabi ni Ian kay Darwin at nag apir pa silang dalawa.

Sinamaan ko silang dalawa at sabay pa silang ngumisi saakin. Tsk ! mga epal talaga tong mga kaibigan ko kahit kelan. " May kailangan ka ba ?" tanong ko.

At bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko ng bigla niya akong niyakap. Hindi ko tuloy alam kung ano bang nangyayari? Nasaan ba ako ngayon ?

" KYAAAAAAAAH, NAG-HUG SILA OH MY GHAD MAMAMATAY NA AKO SA SOBRANG KILIG " sigawan ng mga tao sa paligid namin.

Halos maging yelo ako ng biglang inilapit ni Danica ang mukha niya sa tapat ng tenga ko at may binulong. Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao, kay nung humiwalay siya saakin at tumalikod ay agad ko siyang hinawakan sa braso niya at pinaharap sakin na

Ikinasigaw ng mga tao sa paligid namin. Grrrr..

" Ano nga ulit yung sinabi mo kanina?" tanong ko, sa gitna ng ingay at sigawan ng mga tao.

" Haaa?" sabi niya at alam kong hindi niya narinig ang sinabi ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim " PWEDE MANAHIMIK KAYONG LAHAT, HINDI KO KASI MAINTINDIHAN ANG SINASABI NG BABAENG NASA HARAP KO EE " naiinis na sigaw ko.

Lahat naman sila nanahimik. Good !! at talagang magbe-beast mode ako dito kapag hindi sila nanahimik. Kanina pa sila sigaw ng sigaw. " Ewan ko sayo Hell boy, kasalanan ko bang hindi mo marinig yung sinabi ko kanina"

" That's why? I'm asking you kung ano ba yung sinabi mo kanina"

Bigla siyang namula at nag iwas ng tingin saakin. " Hindi ko sasabihin "

" Tell me or I 'll kiss you here"

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako na para bang sinasabi niyang hindi ko kayang gawin yun. Aba ! Aba wag niya akong subukan dahil gagawin ko talaga yun sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinawakan sa collar ko at hinatak palapit sakanila.


She kiss me on my lips not so fast but not so long. As our lips parted " Kesshite anata no koto wo wasuremasen "


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko at bago ako makapag react ay tumakbo na palayo sakin si Danica at dali daling sumakay sa Van na sinasakyan nila saamin. Muli siyang kumaway samin at muli din nagsigawan ang mga tao sa paligid namin.


Napangiti na lang ako sakaniya at nakita ko siyang nagflying kiss pa saakin. Ako din Danica...


I will always remember you.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro