CHAPTER 15: Rhea Yuuki Perez

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV

IT'S DECEMBER 16 busy kaming lahat nang member ng student council para sa Christmas party. Oo nga pala kung tinatanong niyo ako about kay Daniel ayun

Bumalik na si rhea at oo guys kamukha ko siya , pero mas maganda ako. At si Dan ayun ni hindi na nga siya nag tetext sakin ee. Ni hindi tumatawag, wala na akong balita sakaniya, nakakabwesit nga ee >.<

Pero syempre joke lang yun.

Laging nagtetext at tumatawag sakin si Daniel at yung about naman kay Rhea ??

**FLASH BACK**

KASALUKUYAN nagda-drive si Daniel at ang tahimik niya na para bang may malalim siyang iniisip. Nag-alalang humawak ako sa kamay niya. " Ayos ka lang ba?" tanong ko.

" Oo ayos lang ako, may iniisip lang kasi ako ee" sabi niya.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Pero kasi habang pinagmamasdan ko siya feeling ko hindi naman niya ako gustong isama at feeling ko din may hindi siya saakin sinasabi. Napabuntong hininga na lang ako at nagbaling ako sa labas. Wala naman bago dun. Hindi siya si Daniel kung hindi siya naglilihim saakin. Sanay naman ako sakaniya na hindi sinasabi saakin lahat ng bagay bagay.

" Ipapakilala kita kay Rhea ngayon, Danica" sabi niya.

Nanlalaking mata na napatingin ako sakaniya. So nakabalik na pala ang babaeng yun. I want to cry, right now.. kasi alam kong mawawala na ako sa storya ng kwentong to. " Okay ka lang ba Danica?" nag-aalalang tanong niya saakin.

Ngumiti ako ng mapait sakaniya at tsaka muling nagbaling sa bintana " Oo okay lang ako.. magdrive ka na lang jan " sabi ko. pero ang totoo nararamdaman kong ito na ang huling pwede kaming magkita ni Daniel.

Di ko siya pinansin habang nag dadrive siya tahimik lang ako. Anong gagawin ko kapag nakaharap ko na si rhea ?? Anong sasabihin ko ?? Iiyak ba ako sa harap niya ?? Mangliliit ba ako sa harapan niya ???

Marahang nagmulat ako ng mga mata ko ng may maramdaman akong mahinang tumatapik sa pisngi ko. At ang unang nakita ng mga mata ko ay siya na nakangiti saakin. Ngiti na alam kong para sakaniya at hindi para saakin. " Nasaan tayo?" tanong ko.

" sa Cementery" sabi niya.

Nanglalaking mga mata na nakatingin ako sakaniya. May balak ba siyang patayin ako? Nak nang... kahit na durog durog na ang puso ko ng dahil sakaniya, hindi ko naman gustong mamatay habang yung babae niya masaya dahil wala na ako sa mundong to. Ngumiti siya saakin na nagpakirot ng puso ko. Inilalayan niya akong lumabas ng kotse at humugot ako ng malakas na hininga. Kinakabahan ako....

Ito ang unang beses na makikita at makikilala ko ang babaeng mahal ng taong mahal ko. Dati kapag nanunuod ako ng mga drama sa T.V hindi ko maiwasan mainis sa mga kontrabida na hindi matanggap na may mahal na yung taong mahal nila. Pero ngayon na nagmahal ako at nasa ganun sitwasyon ako..

Naisip ko lang na ang sakit pala talaga. Na kahit anong gawin mong laban para sa taong mahal mo... hindi ka mananalo dahil iba ang nasa puso niya. Masakit man isipin na minsan na nga lang ako magmahal, nasasaktan pa ako ng ganito.

Napatingin ako kay Daniel ng bigla kaming huminto. " Bakit tayo huminto?" tanong ko.

" nandito na tayo "

Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin sa paligid pero wala naman akong ibang makita kundi mga lapida.

Lumuhod si Daniel at nagsindi ng kandila at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan sa lapida.. 'Rhea Yuuki Perez' kung ganun, matagal ng patay ang babaeng sinasabi niyang mahal niya?

" Hello there Rhea! I'm sure kilala mo na ang babaeng nasa likod ko. Napansin mo ba kung pano niya ako tarayan? Napansin mo din ba na magkaibang magkaiba kayo. Siguro kung katulad ka niya noon.. Baka hindi kita natagalan makasama, siguro hindi ako na-inlove sayo"

May kirot sa puso ko ng marinig ko ang mga salitang sinabi niya. Alam ko naman na mas BEST saakin si Rhea na MAS mahal niya ito kesa saakin.. Ni hindi ko nga alam kung minahal ba talaga niya ako o sinabi niya lang yun dahil kamukha ko ang babaeng mahal niya na matagal na palang patay at namaalam sa mundo. Minsan iniisip ko.. bakit ba ang unfair ng buhay. Bakit kung sino pa yung may mga karapatang mabuhay sila pa yung namamatay. At kung sino pa yung nagmamahal sila pa yung MAS nasasaktan. Ganito ba talaga dapat ang buhay ng isang tao.

Napatingin ako kay Daniel ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko, ngumiti siya saakin pero hindi ako makaganti ng ngiti. Nakakapagod din pala na magpanggap na okay ka lang kahit ang totoo hindi naman talaga.

" I loved Rhea " sabi niya saakin.

" I know " sabi ko at pinilit kong hindi umiwas sa mga mata niya kahit ang totoo, ayoko siyang tingan dahil nasasaktan ako.

" I admired her " sabi niya ulit saakin at medyo pinisil niya ang kamay ko.

Humugot ako ng hangin at lumunok " I know... " sabi ko.

" I planned everything for our futu---- "

" I know.. Ano bang gusto mong sabihin saakin Dan. Na mas mahal mo siya, na hanggang ngayon siya lang ang nandiyan sa puso mo. Na siya nakikita mo ang future mo pero saakin wala? Dan alam ko naman na mas mahal mo siya. Alam ko naman, wag mo naman sanang ipamukha saakin kasi ang sakit na" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya saakin. Bakit ganito siya.. gustong gusto niya ba talaga akong nasasaktan ng ganito? Para saan pa yung mga sinabi niya saakin nung nasa Baguio kami? Sinabi niya lang ba yun kasi naalala niya si Rhea saakin.

" Danica totoo ang sinabi ko "

" Alam ko.. kaya nga sana diba!Please lang tama na kasi nasasaktan na ako hindi mo ba nakikita ? O gusto mong magpa-party ako kasi ito na naman ako, nasasaktan ng dahil sayo.. " sabi ko hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Masakit na talaga...

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha ko " I loved her and I admired her... I also planned everything for our future.. but that's before. Yes I do like her and I kinda miss her.. But right now, Danica I fell in love with you. Rhea is part of my wonderful past but you. You are my present and my future. "

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong maniwala o hindi. Napapagod na kasi akong umasa at sa huli ako lang naman ang masasaktan samin dalawa.

" Paano ako maniniwala sayo Dan, kung sa tuwing malapit mo na akong mapaniwala, tsaka ka naman gagawa ng ikakasakit ng damdamin ko. Paulit ulit mo yun ginagawa, at nagiging manhid na ako sa sakit na nararamdaman ko"

" Then I'll prove to you na totoo ang nararamdaman ko. Danica please !! hayaan mo akong patunayan sayo ang nararamdaman ko"

Hindi ako sumagot. Napapagod na akong umasa. As in pagod na pagod na.

**END OF FLASHBACK**

Sa ngayon pinapatunayan naman ni Daniel yung sarili niya. At walang araw na hindi niya ako tinext. Sa totoo lang, kung gugustuhin ni Daniel at kung tatanungin niya saakin kung pwede niya ba akong maging girlfriend ulit. Papayag ako.

Napatingin ako sa pinto ko ng biglang may pumasok dun at hindi ko inaasahan ang nakita ko. " Shun "

Ngumiti siya saakin " Danica.. "

Napayuko ako, magaling na ako dahil dumadaan ako sa psychological counciling at alam ko din na may false belief ako. Pero ang hindi ko matanggap ay nagawa akong lokohin ni Shun na siya ang taong mahal ko.

" Can we talk ?"

Marahang tumango ako "Sige maupo ka"

Naupo siya at tsaka hinawakan ang kamay ko. "I miss you "

Tinanggal ko ang kamay niya at ngumiti ako sakaniya " Wag mo akong lokohin Shun, hindi ikaw ang lalaking mahal ko. " sabi ko.

" What ?" nagtatakang tanong niya saakin.

" Wag mo na siyang gayahin Shun.. "sabi ko.

" So alam mo na pala .. " napayuko siya hindi ako nagsalita pero nang magbaling siya saakin ng tingin ay bigla siyang tumayo at hinawakan ako ng mahigpit sa magkabilang braso ko.

" S-Shun nasasaktan ako, ano ba " singhal ko.

" Bakit ba laging siya na lang Danica.. SINAKTAN AT GINAGO KA NIYA DIBA? BAKIT HINDI NA LANG AKO "

" KASI MAHAL KO SIYA.. NA KAHIT MAGMUKHA AKONG TANGA SA PAGMAMAHAL KO SAKANIYA OKAY LANG"

Nakita ko sa mga mata niya ang galit at selos kaya nang magbaba siya ng mukha at simulan akong bigyan ng malilit na halik sa leeg ko, nagsimula na akong maglaban..This is not Shun na kilala ko.. Hindi siya ang kaibigan ko.

" TAMA NA .. TULONG ... DANIEL.... TAMA NA " sigaw ko.

Paki-usap iligtas niyo ... Kasabay ng pagpikit at pagtulo ng luha ko.. Ay ang pagkarinig ko ng malakas na kalabog. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Daniel na yakap yakap ako. Napaiyak na lang ako at sumubsob sa kaniyang dibdib.. My safe heaven.

" Tigilan mo na to Shun, at baka kalimutan kong kakambal at kapatid kita " sabi ni Daniel. Kasabay ng pagkasabi niya ay ang pagpasok ng mga guards ng school.

Tinulungan nila si Shun na makaalis at iniwan kami ni Daniel. Nanginginig pa din ako pero alam kong wala naman akong dapat ikabahala... nandito na ang laging sumasagip saakin. " Shhh.. wag ka ng umiyak.. nandito na ako, hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit na sino Danica" sabi niya sabay halik sa noo ko.

Alam ko naman yun.. Alam ko na hindi mo hahayaan na may makasakit saakin, dahil alam kong takot ka na din mawalan pa. Hindi ba Daniel ayaw mo nang maulit ulit ang nangyari sainyo ni Rhea.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro