CHAPTER 16: Rhea and Danica

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


NICA'S POV

NANDITO ako sa isang park nagpipilit na mag painting, kahit ang totoo niyan hindi naman ako marunong mag paint. Sa ngayon hindi na ako busy dahil tapos na ang Christmas party sa school namin. At ngayon nararanasan ko na ang bakasyon na hindi maranasan ng iilan, dahil sa busy sa work. Kung tatanungin niyo kung ano ang nangyari kay Shun kasalukuyan siyang dumadaan sa Psychological counciling.. ang sabi saakin ni Daniel, may iniinom daw na gamot si Shun kaya siya nagkaganun. Kaya ang ibig sabihin nun...

Wala talagang balak na mang-rape, nadala lang siya ng gamot na iniinom niya. Sa totoo lang gusto kong dalawin si Shun kaso sa tuwing sasabihin ko yun kay Daniel, lagi HINDI ang sagot niya. At feeling ko tuloy nagseselos siya, pero mahirap naman mag-assume diba.

" Is that an abstract painting?"

Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Siya yung babaeng niyakap ni Daniel nung birthday niya. Napalunok ako kaya agad akong iniligpit ang gamit ko." Hey Don't hide it " sabi niya tsaka ngumuso saakin.

" S-Sorry but I-I have to go " aakmang aalis ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagtatakang tiningnan ko siya. Don't tell me sasaktan niya ako

" Your Kuya Daniel's girlfriend, right? Bakit hindi muna tayo mag-usap "

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya " Haaa?"

" Oh by the way, I'm Demeter Sweetie Cruz, My cousin called me Sweetie " sabi niya at tsaka ngumiti saakin ng matamis.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mag pinsan sila ni Daniel. So ang ibig sabihin nagbreak kami ni Daniel dahil lang sa nang hinala ako sakaniya. Naupo kami dun ni Demeter at wala siyang ibang kinuwento sakin kung pano daw magsabi sakaniya si Daniel ng about saakin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, kung matutuwa ba ako o magagalit.. o sabay...

Napakagat ako sa labi ko ng bigla kong maalala ang mukha ni Daniel nung araw na sinabi kong pakawalan niya na lang ako.. Nasaktan ko siya, tapos ang lagi ko lang iniisip ay kung gaano ako nasasaktan ng dahil sakaniya. Ni hindi ko man lang naisip kung nasasaktan din ba si Daniel ng dahil saakin.

" Oo nga pala, Ate Danica" Napatingin ako sakaniya ng bigla niya akong tinawag na ate. Ngumiti siya saakin " Kamusta na po kayo ni Kuya Niel, pagpasensiyahan niyo na yung kutong pinsan ka huh! medyo kasi moody yun ay hindi pala medyo kasi moody talaga siya."

Natawa ako sa sinabi niya. At napabuntong hininga " Wala na kami Sweetie" Hindi ako nakarinig ng kahit na anong salita mula sakaniya kaya napatingin ako sa gawi niya at nakita kong mangiyak ngiyak siyang nakatingin saakin " H-Hala, w-w-wag kang umiyak please " sabi ko.

" A-Ako po ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay"

Umiling ako at marahang hinaplos ang pisngi niya, ngumiti ako ng mapait sakaniya " Hindi ikaw yung reason, tsaka wag kang umiyak hindi bagay sa isang babaeng magandang katulad mo ang umiiyak"

...

...

...

KANINA PA NAKAALIS si Demeter dito sa park, at ako naiwan dahil hanggang ngayon kinakain pa din ako ng konsensiya ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Daniel at wala akong ginawa para sakaniya para mapawi yun. " Your Danica Harada"

Tiningnan ko siya at napataas ang kilay ko sa nakita ko. Ano naman ginagawa ng babaeng to dito? " Why?"

" Can you answer my damn question"

I rolled my eyes " Yes its me.. I answer your damn question so answer my question too. "

" Did you see Niel ?"

Kumunot naman ang noo ko, hindi niya sinagot ang tanong ko, hindi ba niya naiintindihan ang tanong ko sakaniya. Napabuntong hininga na lang ako, wala pa naman ako sa mood makipag inisan ngayon. " No, I don't see him, why did you call him ??"

" He didn't answer " paki ko?

" And?" naiinip kong tanong. Alam kong hindi lang yun ang gusto niyang sabihin sakin, dahil kung yun lang hindi naman siya siguro mag eeffort na pupunta dito sa lugar na to diba.

" You like Daniel, right ? "

" So? " sabi ko at tumayo na din ako at pinagpag ko ang palda ko bago ako magbaling sakaniya.

" I want you to promise me that you won't ever see him again "

Tumaas naman ang kilay ko " And why would I do that? Are you his mother?"

Bigla niya akong hinawakan sa braso ko ng sobrang higpit at tiningnan ng masama "I'm warming you, I always get what I want, and when I don't you better watch out " pilit akong pumapalag

" EXCUSE ME CAN YOU PLEASE TAKE YOUR HANDS OFF "

Napansin kong nagulat siya sa pagsigaw ko kaya napabitiw siya saakin. Naiinis na ako sa babaeng to, masasakpak ko na to.. Urgh!

STEFFANY'S POV

NAGULAT ako sa facial expression niya. She's like Rhea but that's imposible cause she's dead. Hindi kaya buhay pa siya pero kung buhay pa siya bakit hindi man lang siya bumalik sa mansion. Hindi ko namalayaan na nasampal ko na siya. " Layuan mo na siya " yun lang ang nasabi ko sakaniya.

Ngumisi siya saakin, pero ang mga mata niya ay nanlilisik at feeling ko ngayon kaharap ko ang isang mabangis na hayop. Nagulat ako ng bigla niya akong binigyan ng kambal na sampal. " Bakit mo ako sinampal"


" Did you actually heard what you've said? I slap you because you slap me too. Alam mo wala ng libre sa mundo and since na binigyan mo ako ng sampal dapat may kapalit din na sampal diba.. "


" Ikaw " I bite lower lips on my frustration.. This girl getting on my nerve.


Binigyan niya ako ng malamig na tingin " Alam mo feeling ko nagkita na tayo before.... pero hindi ko lang alam kung saan at kung kelan. " sabi niya.


After that binangga niya ako at umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ako naka-imik sa sinabi niya. Hindi kaya hindi talaga si Rhea ang inilibing namin ng araw na yun.


Damn you Rhea.. ikaw pa din talaga ang nagpapasakit ng ulo ko. Tapos ngayon may kamukha ka pa..


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro