CHAPTER 17: Erick Santos

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 NICA'S POV

TINAWAGAN ako ni Risa kanina at sa ngayon nagbibihis na ako dahil kailangan kong pumunta sa naturang Christmas party ng club namin sa dati kong school. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit hindi pa din nila ako tinatanggal. Like duh ! lumipat na kaya ako ng school. They should find another member.


Kung tatanungin niyo kung anong nangyari saakin after nung pag uusap namin ni Steffany Perez slash baliw ay medyo nakaramdam ako ng takot. Takot na naramdaman ko sa tuwing nananaginip ako ng masama.


Muli akong sumulyap sa salamin at napangiti ako na mukha naman akong tao ngayon. Sa ngayon nakasuot ako ng medyo mahabang blouse na color pink at naka three-port fitted jeans din ako paired by close high heels. Medyo kinulot ko din ang buhok ko at naglagay ako ng Don hat, at dahil alam kong papagalitan ako ni Risa kapag hindi ako naglagay ng make up, ay naglagay na din ako pero yung light lang para hindi ako magmukhang clown.


...

...

...

PAGKARATING KO SA school, alam ko naman na busy ang ibang students dito dahil may kaniya-kaniya silang Christmas party pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit halos lahat ng madaanan ko ay sa akin nakatingin.


' Sino kaya siya? Ang ganda niya simple lang yung suot niya pero ang ganda '

' Ang ganda niya no ??'

' Dito kaya siya nag aaral ?? bat ngayon ko lang siya nakita ??'

' She's must be a goddess '

' Ano kaya yung name niya?'


Namula ako sa mga narinig kong mga bulungan nila. Hindi ba nila alam na naririnig ko sila. At hindi ba talaga nila ako nakilala sa ayos ko.


Napaangat ako ng mukha ng bigla akong bumunggo sa isang tao. I was about to say my apologize when he put his index finger on my lips. " Don't be sorry"


Tinaasan ko siya ng kilay at aakmang mag salita ako ng bigla na lang akong hinatak at nasubsob sa dibdib ng isang lalaki familiar ang amoy. Nag angat ako ng tingin at napangiwi ako ng makita ko na madilim ang kaniyang anyo. " D-Daniel"


" Touch her and I'll kill you" sabi niya.


" H-Hindi ko n-naman a-alam na, shit siya ba si Ms. Danica... " sabi nung lalaki kaya napatingin ako saknaiya at ngumiti ako ng matamis sakaniya at kumaway. Namula naman siya at the next thing I knew..


Daniel put me on his shoulder at iniwan niya ang lalaki doon. " Daniel, I can walk"


" No"


" Tssh.. sana diba, inaayos mo yung pagbubuhat sakin, hindi yung ganito mukha akong baboy" reklamo ko. May mga iilang students na napapatingin samin at mukhang alam na nila kung sino ako.


Tumigil si Daniel at ibinaba niya ako, aakmang maglalakad ako ng bigla niya akong hinatak at binuhat in a bridal way. WHAT THE FUCKING SHIT!


" Daniel kaya kong maglakad" sabi ko sakaniya.

" Alam ko. "


Kumunot yung nuo ko habang nakatingin sakaniya at muli kong naalala yung sinabi ni Demeter saakin. Pinakatitigan ko siya at malungkot na sumubsob ako sa leeg niya. Hindi ko man lang napapansin na sobrang nasaktan din si Daniel ng dahil saakin. " Ayos ka lang ba Danica?" tanong niya.


Umiling ako. " Wala akong problema"


" Sigurado ka? Kung masama ang pakiramdaman mo, okay lang naman na hindi ka pumunta sa Christmas party. Kung gusto mo ihahatid na lang kita sa bahay mo ng makapagpahinga ka"


Muli akong umiling " I just want to stay here"


"Are you sure?" muli niyang tanong saakin.


" Sasabihin ko ba yun kung hindi ako sigurado? " Sarcastic kong sagot.


Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya nag-angat ako ng tingin at sinimangutan siya. Aakmang magsasalita ako, nang bigla na lang niyang inilapit yung lips niya sa lips ko. Hindi man ito sobrang nakadikit pero nararamdaman ko pa din ang pagtama nito saakin. Agad akong lumayo sakaniya at napahawak ako sa labi ko. Ngumiti siya saakin, yung ngiting hindi ko madalas makita " You look beautiful, Danica "


Namula ako sa sinabi niya, ito ata ang unang beses na sinabihan niya ako ng maganda ako sa ayos ko. Pero bigla din nawala yun ng maalala ko ang pinag-usapan namin ni Demeter, malungkot na hinawakan ko ang kaniyang pisngi at tumingin ako deretsyo sakaniyang mga mata " Daniel "


" Hmmm ?"


" Bakit hindi mo saakin sinabi yung totoo? " tanong ko.


Naguguluhang tiningnan niya ako " What do you mean?"


Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya yung nalaman ko. Kapag ba sinabi ko sakaniya yun, mababalik yung dating kami? Niyakap ko siya at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya " May hindi ka ba sinasabi saakin Danica?" tanong niya.


" Wala... j-just let me hug you " bulong ko.


DAN'S POV

NAKARATING KAMI SA CLUB ROOM, at lahat sila nagtataka ng makita nilang buhat buhat ko si Danica ngayon. Dahan dahan ko siyang binaba at ngumiti ako sakaniya, ang ganda talaga niya ngayon. Malungkot na ngumiti siya saakin, na ikinakunot ng noo ko. Ano bang problema niya? Kanina pa siya nagkakaganito at wala talaga akong idea kung ano ba ang nangyayari sakaniya.


" Icah.. " tawag ng isang babaeng pamilyar saamin dalawa, kasabay ng paglingon ni Danica ay ang pagyakap sakaniya ni Karen.


" Hey Ren! how are you ?" mahinang tanong ni Karen.


" I'm fine, Danica ang ganda ganda mo ngayon.. " sabi niya. Ngumiti lang sakaniya si Danica at hindi na nagbigay ng kahit na anong komento.


Nagsimula na ang Christmas party namin at buong party namin ay hindi ko inaalis ang tingin ko kay Danica, hindi kasi siya tulad ng dati. At alam kong may problema siya pero hindi niya lang saamin sinasabi.


Ito minsan ang ayaw ko sakaniya, hindi niya saamin sinasabi kung ano yung problema niya at madalas niya itong sarilihin. Hindi naman siya mamamatay kapag sinabi niya yung problema niya saakin o saamin diba?


.......

.......

INIHATID NAMING MGA BOYS si Shena sa Airport.. Sa California kasi siya magpapasko kung nasaan ang Parents at mga kapatid niya. Yung mga girls naman ay sinigurado namin nasa Town.. mahirap na baka maulit ulit yung nangyaring pagkawala ni Danica before. " Niel, ano bang napapansin mo kay Danica ngayon ?"


Napatingin ako kay Ian ng bigla siyang magtanong saakin " Mukhang may problema siya at hindi niya lang saatin sinasabi " sabi ko.


" What new about that? She's always like that... malalaman natin na may problema siya kapag na-solve niya na or worst kapag malala na ang problema " sabi ni Darwin.

NICA'S POV

PAGKAALIS NG MGA BOYS para maihatid si Shena sa airport ay iniwan na nila kami dito. Kaya ang naisip namin ni Risa ay mag one on one inuman kami. Hindi kasi pwedeng uminom ng alak si Karen dahil nga sa buntis siya. Sa ngayon nagpunta ako sa pinakamalapit na 24 hours grocery store, pare bumili ng maiinom at makakain namin tatlo.


Kasalukuyan akong naglalakad ng bigla akong may makitang lalaki na nakatayo sa ilalim ng poste at mukha siyang may hinahanap. Nag angat siya ng tingin ng mapansin niya ang presensiya ko. At dun ko napansin na ang gwapo pala ng lalaking to.


" R-Rhea... " sabi niya at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat ng makita niya ang pagmumukha ko.


Kumunot naman ang aking mukha. Si Rhea na naman? Bakit ba madaming tao ang hindi maka-move on sa pagkamatay ng babaeng yun ?


Dahan dahan siyang lumapit saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, at sa pagkaraan ng pagkakahawak niya saakin madadama mo kung paano ka niya alagaan at madadama mong hindi ka niya sasaktan. Sino ba tong lalaking to?


" Hindi mo ba ako natatandaan ? This is me Erick Santos " sabi niya.


" Sorry, but it doesn't ring a bell on me" sabi ko.

" Don't say na hindi mo ako kilala, Rhea.. I miss you so damn much" sabi niya and I can see how sincere he is when he say those words.


Hindi ko tuloy maiwasan na hindi magselos. Buti pa si Rhea, kahit wala na siya sa mundong to, madami pa din naghahanap sakaniya.




Samantalang ako? Wala man lang.

" Sorry, but I'm not Rhea. I'm Danica Harada" sabi ko. Napansin kong napataas ang kaniyang kilay, kaya sinamaan ko siya ng tingin " Alam mo kung ayaw mong maniwala hindi naman kita pinipili--- " natigilan ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko.


" Okay.. okay your not Rhea, but can we just be friends ?"


Pinaningkitan ko siya ng mga mata " Siguro kaya gusto mong makipag friends saakin, its because kamukha ko si Rhea no?" masungit kong tanong sakaniya.


Ngumiti siya saakin " Well, sort of..." sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi niya " But I know naman na magkaiba kayo ni Rhea.. "


Napabuntong hininga na lang ako. At marahang tumango. Inilahad niya ang kaniyang kamay at tsaka ko ngumiti saakin " I'm Erick Santos, nice to meet you Danica " sabi niya.


Nakangiting kinuha ko ang kaniyang kamay " Me too, it's nice to meet you too Erick " sabi ko.


Sinamahan niya akong bumili ng mga kailangan ko at tinulungan ko din siyang hanapin ang nawawala niyang gamit. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong magtanong sakaniya kung paano niya nasabi na magkaiba kami ni Rhea. Tumikhim ako " Erick.. p-pwede bang magtanong ?"


" Hmm?"

" A-Anong klaseng tao si Rhea ? At tsaka paano mo nasabi na magkaiba kami ee ngayon mo lang naman ako nakilala ?"


Tumingin siya saakin at saglit na tumingila sa langit kung saan makikita mo ang milyon milyong bituin. " Rhea is such a cry baby, she's always depending herself on others. She doesn't have a confident to say what's on her mind. She's kind and very gentle. Hmm ano pa ba ? " natigil siya ng kaunti para mag isip at tsaka nakangiting nagbaling saakin " At higit sa lahat ayaw niyang kino-compare siya sa iba. Nalaman ko agad na magkaiba kayo kasi.. Your not like her. You can depend on yourself.. and you can say what's on your mind. "


" Pero hindi naman lahat ng bagay nasasabi ko" sabi ko.

Marahang ginulo niya ang buhok ko at saglit kaming tumigil sa gate ng Town " Of course, hindi mo masasabi ang lahat ng nasa isip mo.. Minsan kasi hindi naman lahat ng tao may paki sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo masasabi ang lahat ng nasa isip mo kasi ayaw mong masaktan at ayaw mong makasakit"


Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napatingin lang ako sa mga mata niya, ngumiti siya saakin and he kiss me on my forehead. " Always remember, Danica.. maaring magkamukha nga kayo ni Rhea.. but you and I are different from each other. And if ever na kailangan mo ng makakausap.. Just call me and I'll be there " sabi niya.


Marahang tumango ako sakaniya at pinapasok na niya ako sa Town. " Good night and thank you " sabi ko.


Ngumiti siya saakin " You welcome and wag kang masyadong magpakalasing.. Una na ako Danica " sabi niya. Tumango lang ako at tiningnan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.


Pumasok ako sa bahay ni Karen kung nasaan silang dalawa ni Risa. At doon na namin ginawa ang drinking session namin. Pero hindi ko pa din mawala sa isip ko si




Erick Santos.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro