CHAPTER 28: Mrs. Cruz

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

STEFFANY'S POV

ONE WEEK HAD PASSED since the last time I spoke with my indenial fiancee. And since that day, I've been thinking on how I erase that woman in our life.


Sa ngayon wala pa akong naiisip na plano about her. Ayoko kasing matulad ang pagkawala niya tulad kay Rhea noon. I want something new. Gusto ko yung sobrang mahihirapan siya at pati ang nasa paligid niya sa pagkawala niya.


Napatigil ako sa iniisip ko nang mapadaan kami sa iskwelahan nang step father ko. At doon nakita ko ang babaeng kanina lang ay iniisip ko. May kasama siyang lalaki na, well... masasabi ko naman gwapo. May hawak din silang mga kahon. Kinalabit ko ang personal driver ko. " Paki hinto saglit." sabi ko and he obey.


Bumaba ako sa kotse na sinasakyan ko at naglakad ako sa likudan nila. Mukhang hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa pag-uusap ng kung anong bagay. " Anica, please... sumama kana saamin ngayon sa Town" sabi nung lalaking hindi ko naman kilala.


Bumuntong hininga siya at tsaka umiling. " Alam mo Kean, If I don't have paper works this day then I still can't since my body needs rest. Hindi pa ako nakakapagpahinga nang maayos since nagsimula ang taon."


" Saan ka ba kasi magpapahinga? Sa pagmamahal mo sakaniya o sa paghihintay mo sakaniya?"


Ano daw? Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa.


Hindi agad siya nakasagot at maya maya ay bumuntong hininga siya " Pareho. I just need to take a break of loving him. Masyado na kasing masakit. "


" That's the ironic of love, Anica. Hindi mo ba alam na may kasabihan na kung sino pa ang mahal mo siya pa ang may kakahayahan manakit sayo but in the same time they can also make you happy na hindi naman kayang gawin nang ibang tao sa paligid mo."


Naiinis na ako sa pinag-uusapan nila kaya, agad ko siyang hinaklit sa braso niya dahilan para malaglag ang mga hawak hawak niya sakaniyang braso at magkalat ito sa lupa. Ngumisi ako sakaniya at tsaka ko siya sinampal sakaniyang pisngi, na halata naman na ikinagulat niya at ang mga istudyanteng napapadaan sa lugar namin. " Why did you hurt her ?" sabi nung lalaki at tsaka ibinaba ang mga dala niya sa kamay para hawakan at tingnan ang pisngi nang babaeng kinaiinisan ko sa lahat.


Namumula ang kaniyang pisngi dahil sa lakas nang pagkakasampal ko sakaniya at mas lalo akong napangiti sa nakita ko.


" Do I need to answer your question?" I asked him back.


Inirapan niya ako at tsaka marahang hinaplos ang namumulang pisngi nitong Danica Harada na to. " We need to go in the clinic to check your cheeks, Anica. Baka masaktan ako nang best friend mo." sabi nito sakaniya at pilit na inignora ang presensiya ko sa harap nila.


Ngumiti lang sakaniya si Danica " I'm fine, Kean. Para lang naman kagat nang lamok ang nangyari sa pisngi ko ee, don't mind me. " sabi niya at tsaka siya yumuko para kunin ang mga gamit na nalaglag niya kanina.


Muli ko siyang hinaklit sakaniyang braso at aakmang sasampalin ko siya ngunit napatigil ako nang bigla niya akong sinamaan nang tingin na para bang sinasabi niya saakin na, once na itinuloy ko ang pinaplano ko, may masamang mangyayari saakin. Binitawan ko siya " Don't you dare na makalapit lapit sa fiancee ko, bitch. You're not qualified to stayed as his friend since your nothing but a digger bitch. "


Binigyan niya ako nang malamig na tingin " I don't know what are you talking about, Miss na nakawala sa mental. "


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Aba't how dare her saying this to me. Tumikhim ako at tsaka pinaseryoso ang mukha ko. " Alam mo, para sa isang basura, you have a guts to say that to me. Hindi mo ba alam na pag-aari nang magulang ko ang paaralan kung saan ka nag-aaral ngayon. Kayang-kaya kitang paaalisin sa paaralan na to, hindi mo ba alam yun. "


Ngumisi lang siya saakin. " How can you have that authority to do that? As far as I remember, hindi sayo ang paaralan na to. You can't just kick your students without a valid reasons. "


Napatigil ako sa sinabi niya, bakit ba sa lahat ng sasabihin ko meron din siyang sagot saakin agad. Naiinis na sinugod ko siya at aakmang sasampalin ko siya nang biglang may humawak nang kamay ko. At nakita ko ang isang lalaki na kasing tangkad ni Daniel at mas hot sakaniya. Nakatingin siya saakin na para bang ano mang oras ay kaya niya akong ipatapon sa bermuda triangle.


Napatingin naman sakaniya si Danica at pagkaraan ay sumilay ang isang ngiti sakaniyang labi. " Kenji." she said.


" Don't you dare to hurt her, or else magkakademandahan tayo dito." sabi niya agad.


Ngumisi ako sakaniya " Edi magdemanda ka. Hindi mo naman kaya ang pamilya ko ee." I said in the matter in fact tone.


Ngumiti din siya saakin. " Yeah right, I can't handle your family wealth, but as far as I remember. Mr. Perez is very kind person na kapag alam niyang hindi tama ang pagkakagastusan niya ng pera niya, hindi siya mag lalabas nang kahit na singko. And right now, I can tell na hindi ka niya tutulungan since nananampal ka nang wala naman ginagawa sayo yung tao. " sabi nito saakin.


Napatigil ako sa sinabi niya. Totoo ang sinabi niya about sa step father ko. I bite my lower lips at naiinis na tumalikod ako at tsaka umalis sa kinatatayuan nila. Hindi ako pwedeng gumawa nang move na alam ko naman na magiging talo ako sa huli.


But I'll promise na hindi pa ito ang huli namin pagkikita nang babaeng yun. I'll promise that I'll make her life a living hell. At hindi ako papayag na hindi siya mawawala sa mundong kinagagalawan namin.

NICA'S POV

DINALA ako ni Kenji sa clinic, pinaalis niya ang nurse dahil ang sabi niya ay siya na lang daw ang mag gagamot sa pisngi ko. Sa totoo lang hindi naman talaga masakit yung pagkakasampal niya saakin ee. Ang masakit ay yung sinabihan niya akong goldigger kahit hindi naman totoo.


" Stop thinking on what happen, Danica." he said.


" I can't... " I said quietly. Pinakatitigan niya lang ako at tsaka siya bumuntong hininga at niyakap ako, marahan niyang hinahaplos ang aking buhok na para bang pinapakalma niya ako. " Am I goldigger bitch? Kenji?" tanong ko sakaniya.


Umiling siya saakin. " No you're not. You're just my innocent Danica, my beloved best friend. " he said.


" Pero bakit sabi niya ganun daw ako? Ganun ba ako sa tingin nang ibang tao?" tanong ko.


Kumalas siya sa pagkakayakap saakin at tsaka niya ako binigyan nang masuyong ngiti. Isang ngiting nakakapagpakalma saakin. Ewan ko ba kung anong meron dito kay Kenji pero napakagaan nang loob ko sakaniya. " Minsan hindi mo naman kailangan pansinin ang sinasabi ng iba tungkol sayo. Kasi kahit ano naman ang gawin mo sa buhay mo, may masasabi't- masasabi sila sayo."


Marahang tumango ako sakaniya. Tama naman ang sinabi niya. Kahit anong gawin ko sa buhay ko may masasabi pa din saakin ang ibang tao. "Oo nga pala, Danica." sabi niya kaya pinakatitigan ko siya. " Can you be my date sa party sa engagement party na pupuntahan ko?" tanong niya.


Ngumiti ako sakaniya " Sure, minsan ka lang naman humingi saakin ng favor ee." sabi ko.


"Talaga? Sasamahan mo talaga ako? Wala ng bawian at atrasan to aa." sabi niya na may ngiti sa kaniyang labi.


Nakangiting tumango ako sakaniya. " Oo, I have my words."


Siguro kailangan ko na lang gawin ay ang magliwaliw kasama nang bestfriend ko. Kapag kasama ko kasi siya, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang tungkol sa lalaking mahal ko.



...

...

GABI NA NANG makarating kami sa Town. At hindi talaga ako makapaniwala na dito kami pupunta. Dito kasi gaganapin ang Engagement party nila Ericka at ni Shun na sa totoo lang ay hindi ko alam. Ang huli ko lang balita sakanila ay yung sinabi na daw ni Karen sa buong kaibigan namin ang kaniyang pagbubuntis and since that day 'daw' ay naging mabait at maalalagain daw si Darwin.


" You look stunning, Danica " bulong saakin ni Kenji, na ikinapula ko.


Nakasuot kasi ako ngayon ng red and black cocktail dress, medyo pa-heart jube pa iyun at hapit na hapit ang korti nang aking katawan. Ang buhok ko naman ay nakatali nang bun tail at nilagyan din ako nang light make up. While si Kenji ay nakasuot din siya nang red polo-shirt and black tuxedo. Sa totoo lang ang gwapo gwapo niya na para bang siya yung may party ngayon.


" Wag mo akong bulahin, Kenji baka maniwala ako." biro ko.


Natawa siya saakin at tsaka niya ako inakbayan. Sanay naman ako sa pag aakbay niya and like Daniel's arms I felt safe. Nakarinig kami nang mahinang pagtikhim sa likudan namin kaya sabay kaming lumingon ni Kenji at nakita namin dun si Karen na nakangiti nang sobrang lawak. " Hi, Karen. " sabi ko at tsaka ko siya niyakap ng sobrang higpit.


" Namiss kita Danica, pero sana hindi mo ako pinapatay sa paraan nang pagkakayakap mo saakin." biro niya kaya natatawang binitawan ko siya at lumapit kay Kenji na nakangiti din sakaniya.


Nanunuksong tiningnan kami ni Karen " Alam niyo, kayong dalawa nagdududa na ako sainyo aa. Kayo ba may relasiyon na at hindi lang kayo umaamin saamin?"


Natawa kami ni Kenji sa sinabi niya at inakbayan ako ni Kenji at tsaka niya ipinatong ang baba niya saakin noo. Matangkad kasi ang binata kung para saakin kaya madali niya lamang magagawa iyun. " Alam ko naman Karen na bagay na bagay kami nitong best friend ko but No, hindi siya tinatablan ng charms ko kaya nasa friend zone kami. " sabi nito.


Pinaningkitan kami ni Karen nang mata, pagkaraan ay bumuntong hininga at tsaka muling ngumiti saamin. " Sayang kayo. But I'm happy na nag-eenjoy kayo sa company nang isa't-isa." ngiti lang ang sinagot ko sa sinabi niya. Sa totoo lang masaya naman kasama tong si Kenji.


He treat me well. Na para bang ako lang yung babae sa buong mundo na pwede niyang asikasuhin ng ganun. And I wonder kung sino ang makakatuluyan niya dahil sa paraan nang pag aasikaso saakin ni Kenji, I can tell na napaka-swerte nang babaeng mamahalin niya.

DAN'S POV

NAIKUYOM ko ang palad ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa mula sa malayo. Simula nung dumating sila dito sa party ay sila na lang ang binantayan ko. Bawat kilos nila ay sinusundan ko. At kanina pa ako napipikon dahil sa paraan nang pagkakahawak ni Kenji sakaniya. The way they talk, smile and laugh to each other. Parang saaming lahat na bisita dito, silang dalawa ang pinaka nag enjoy.


Napatingin ako sa gawi ko nang biglang may pumulupot sa braso ko. Naiinis na tinanggal ko ang kaniyang pagkakahawak saakin. " Stop touching me." I said coldly.


" Ano bang mali saakin huh? I'm sexy and hot. Bakit kasi hindi mo na lang ako subukang mahalin?" tanong nito saakin.


" Kasi ayokong mag effort na mahalin ka. Kasi alam kong hinding-hindi naman kita kayang mahalin. So stop irritating me at baka hindi ako makapagpigil at masaktan kita. Leave me alone."


" Ano ba kasing meron ang babaeng yan, na wala ako Daniel? sabihin mo nga saakin huh? Maganda naman akong di hamak sakaniya. May pera at may kapangyarihan naman ang pamilya ko, ee yung babae mo? May maipagmamalaki ba siya sa buhay niya ? Daniel. Wala siyang maipagmamalaki. "


Marahas ko siyang hinawakan sa braso niya at tsaka ko siya isinandal sa dingding. Medyo madilim sa kinalalagyan namin kaya hindi kami pansinin nang ibang bisita dito. " Siya lang ang nag-iisang babaeng kaya akong patinuin at gawing tanga, using her stares and smile. And no one can do that a side for your step sister Rhea and her. So stop comparing yourself on what of them, because honestly. Wala ka naman binatbat sakanilang dalawa." pagkasabi ko nun ay iniwanan ko na siya dun at muling naghanap nang pwesto kung saan makikita ko pa silang dalawa.



Pero wala na.

Hindi ko na nakita sila Kenji at Danica sa buong party and I wonder kung saan sila nagpunta.


" Ganun ba talaga kahalaga sayo yung babaeng yun para lang ganunin mo ang fiancee mo, Niel?" tanong niya saakin.


Hindi ko na kailangan lingunin pa ang nagsalitang yun para lang malaman kung sino siya. " I can be anything for her. Mom. Ganun ko siya kamahal."


" Wala naman mararating yang pagmamahal mo sakaniya. " sabi niya.


" Yes, it might be true. Kahit naman saang angulong tingnan. Hindi naman namin makakain tong pagmamahal namin sa isa't-isa but we can use this us a strength. And this kind of love will make us happy in every morning that we make up."


Hindi na siya nagsalita pa at tsaka naiiling na umalis sa kinalalagyan ko. Bakit ba kasi hindi na lang niya na lang akong hayaan na maging masaya kasama ng babaeng mahal ko. Mahirap ba talagang ibigay yun saakin?


NICA'S POV

NANDITO ako sa sarili kong bahay sa Town. Ang buong desenyon nito at para bang isa lamang itong close garden. Ang bahay ko ay napapaligiran nang puti at pulang oras. Ang nasa gitna nang buong lugar na ito ay matatagpuan ang sala nang bahay ko at hagdaan papunta sa kwarto ko. Ang kwarto ko naman dito ay maari mong makita ang bituin sa gabi at buwan dahil sa may mahabang salamin din ito.


Nag ipon talaga ako nang malaking pera mapagawa lang ang ganitong klase nang bahay. Ewan ko ba kung bakit ganitong design ang pinagawa ko. Madalas kasi itong pumapasok sa isipan ko noon, kaya ginawa ko ang lahat mapagawa lang ang bahay na ito.


I rested my head sa sandalan ng couch ko. Medyo nahihilo kasi ako kaya dito ako dinala ni Kenji para makapagpahinga ako, while siya naman ay kumuha nang makakain namin dalawa. Okay lang naman saakin ang mag isa dito sa bahay ko, kahit kasi hindi nakabukas ang buong ilaw dito ay maliwanag pa din dahil sa liwanang na nanggagaling sa buwan at mga bituin.


" You're Danica Yuuki Harada, right?" biglang sabi nang isang babae na ikinatili ko. " Sorry." sabi niya at tsaka siya naupo sa harapan ko.


May katandaan na din ito at malamang ay mag kasing-edad din sila ni Tito Dave Perez. Muli siyang ngumiti saakin " You're Danica, right?"


" Yes, Ma'am, paano niyo po ako nakilala?" tanong ko.


Bumuntong hininga siya at nawala ang ngiti na nakalagay sakaniyang mga labi " I'm Danillo and Daniel's mother. And I'm here to talk with you." sabi niya.


Napauwang ang aking labi sa sinabi niya. Muli siyang bumuntong hininga at tsaka siya nagsimulang magsalita na ikanasikip nang dibdib ko. Tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita na para bang hindi niya iniintindi kung ano ang mararamdaman ko sa bawat salitang binibitawan niya.


Wala naman siyang ibang sinabi ng mali saakin ee, She just said all the truth. Pero kahit gaano pa ito katotoo. Masakit pa din sa damdamin ko, kasi isang malaking sampal yun sa buong pagkatao ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro