CHAPTER 45: Need

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV

NAGPASAMA ako sa Daddy Dave ko sa burol ng mga kaibigan ko. Napag-alamanan ko kasi na ito na ang huling araw nila dito bago sila ilibing, nakawheel chair kao ngayon at halatang halata sa katawan ko ang mga bugbog na nakuha ko dahil sa pagbubugbog ng tauhan ni Steffany.


Habang palapit ng palapit kami ni Daddy na siyang nagtutulak ng wheel chair ko hindi ko mapigilan hindi umiyak.. nahihirapan akong huminga... Bakit pakiramdaman ko ang bagal bagal ng ikot ng mundo.. Bakit pakiramdaman ko... sa bawat paggulong ng gulong ng wheel chair ko... mas lalo lang akong kakain ng guilt.


" I finally meet you, Danica." sabi ng isang babaeng nakasuot ng itim, habang nakatingin sa akin. May maliliit siyang ngiti sa akin at halatang halata sa kaniyang mga mata na ilang araw din siyang hindi nakapagpahinga. "I'm Kenji's mom."


Hindi ko maiwasan hindi ma-guilty. Hindi ko maiwasan hindi maiyak sa harap niya. Dahan dahan akong tumayo at aakmang pipigilan ako ni Daddy pero hindi ako nagpatinag. Lumuhod ako sa harap ng Mommy niya...


"K-Kung galit po kayo sa akin, dahil ako yung dahilan kung bakit sila nawala. Pl-Please naman po... wag niyo n-naman po akong paalisin. Gusto ko lang pong makita sa huling pagkakataon ang kaibigan ko. Please po." humahagulgol kong sabi.


Marahan niyang pinunasan ang luha ko sa pisngi ko at tsaka siya malungkot na ngumiti sa akin at tsaka naman niya ako pinaupo pabalik sa wheel chair ko. " Hindi ako galit sayo. My son is alive because of you. " nagtatakang tiningnan ko siya at mula niyang hinawakan ang kaliwang mata ko na meron benda dahil inoperahan iyun... " This is the eyes of my son. So habang buhay ka... Kenji will be alive. My son really loves you that much, to the extend that he give his life for you. I don't blame you but if you waste your life... then I might hate you. My son loves you... and because of you, I saw my son happy everytime he told me about you. I can see on his eyes that he loves you unconditonaly, every time he told me about your whereabouts. "


Mas lalo akong umiyak. Hindi ko alam na mahal ako ng best friend ko. Ang alam ko lang mahal niya ako dahil best friend niya ako. I do love him... pero hindi katulad ng pagmamahal niya sa akin.


" Pinabibigay nga pala niya to sayo." sabi niya at tsaka siya may iniabot sa akin na sobre. Ngumiti sa akin ang mommy niya at tsaka ako hinalikan sa noo ko. " Go and see him... " he said. Napatango ako at dahan dahan akong tinulak ni Daddy papunta sa kabaong kung saan nakalagay ang mga labi nila Erick at Kenji..



Hindi ko maiwasan hindi humikbi nang makarating ako kay Erick. Tiningnan ko siya at nakita kong napaka-peaceful nang mukha niya. It's like he was sleeping because he was tired. Marahan kong hinaplos ang salamin... " Why you need to die? Nangako ka diba? Ang sabi mo sa akin hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo sa akin, hindi ka mamamatay tulad niya. Ee ano to?" napasigaw ako dahil nagagalit ako sa naging resulta. Nagagalit ako kasi malaki ang nawala sa buong pagkatao ko.


Galit ako sa sarili ko kasi dahil sa akin nawalan na naman ako ng importanteng tao sa buhay ko.


" You promise to me that you won't leave me so why you need to die that night. Tinupad ko naman yung promise ko diba... I won't be a crybaby... just don't leave me, just don't die because of me.. pero ano to? Ano to Erick... iniwan mo kami ni Erich... paano na ako Huh? I treat you as my own brother... akala ko ba hindi mo ako iiwan. Akala ko ba hindi ka gagaya kay Mommy. So why the hell are you lying there?" hindi ako makahinga sa pag-iyak ko.


Naramdaman ko ang mahinang paghagod sa likod ko ng Mommy ni Erick at naiiling na tumingin ako sa kaniya. Kasalanan ko... kasalanan ko na naman... " Sorry, tita." umiyak ako sakaniya at niyakap ko siya.


DAN'S POV

NAKATINGIN LANG AKO SAKANIYA habang yakap yakap siya ng Mommy ni Erick. Hindi ko maintindihan yung mga sinabi niya kanina.. Damang dama ko kung gaano siya kagalit sa sarili niya. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari pero kahit sino naman ang tumingin sa sitwasyon na ito..wala siyang kasalanan kasi biktima lang siya.


"Alam mo ba kung ano yung masakit?" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Erich na nakatingin lang kay Danica. Ngumiti siya ng mapait... " Yung makita iyun yung taong mahalaga sa buhay mo na wala na ngayon. I do love Erick... pero alam kong mas nahihirapan si Danica ngayon. Alam kong naalala na niya ang lahat kaya siya nagkakaganyan. Alam kong naalala na niya ang lahat lahat kaya mas masakit sakaniya ang pagkawala ni Erick at ni Kenji."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at tsaka mapait na ngumiti. " Before umalis si Erick at tsaka si Kenji.... Sinabi sa akin ni Erick na si Danica at si Rhea ay iisa. " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. " Kaya alam kong mas masakit para sa kaniya ngayon ang pagkawala nung dalawa... dahil may pinanghahawakan pangako si Erick kay Rhea and sad to say... hindi niya natupad iyun." sabi niya at tsaka tumayo at lumapit kay Danica para yakapin ito.


NICA'S POV

NAPAKALMA NA AKO NILA DADDY... nakatingin lang ako sa harapan ko at hindi ko pa din magawang lapitan si Kenji kahit sa huling pagkakataon. Feeling ko kapag lumapit ako sakaniya kusang akong magbe-break down. Nagsimula ang misa, hawak hawak ni Daddy ang kamay ko na para bang sinasabi niya na kailangan kong magpakatatag.


Ito naman ang ginagawa ko ee... Nagpapakatatag ako, kahit na hindi ko na talaga kaya. Kahit na mas gusto ko na lang patayin ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.


Tumayo si Risa at nagbigay siya ng mensahe para sa pinsan niyang si Kenji at kay Erick. Pinakatitigan ko siya at alam kong nahihirapan din siya. sabagay, sino bang hindi... Matapos magbigay ng mensahe sila, Shun, Shena, Sheen, Ian, Coco, Erich, Kean, Luchia at ngayon ay ang nakatayo ay si Patrick. Ngumiti siya ng mapait, hindi siya umiiyak pero alam kong malungkot siya dahil kitang kita ko iyun sa mga mata niya ngayon.


" Kakakilala ko pa lang sa kanilang dalawa and I can say that kahit na may pagkasira ulo silang dalawa. Na malakas ang trip sa buhay... I could say that I'm glad because I'll become a part of their life. I just want you to thank for giving back of Danica to us, pero hindi ibig sabihin nun... hindi ako galit sa inyo. Ang usapan natin babalik kayo kasama siya but what did you do.. iniwan niya siya dito na umiiyak at nalulungkot. Galit ako... Galit ako kasi hindi ko man lang kayo nakasama ng mas matagal. Galit ako kasi wala akong nagawa para sa inyong dalawa. " Huminto siya at tsaka huminga ng malalim at tsaka ngumiti. " Rest in peace... because I'll promise that I won't let this happen again. I promise to take of them. " sabi niya at hindi mapigilan hindi mapaiyak nang tumingin sa akin si Patrick at ngumiti.


Tumayo si Daniel at tulad ni Patrick ay hindi din siya umiiyak pero may kung anong lungkot sa mga mata niya. " Naguguluhan ako sa mga nangyayari.May nakapagsabi kasi sa akin na yung babaeng pinag-awayan namin ni Erick ay bumalik. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon, hindi ko alam kasi... tulad nung dati, wala akong nagawa para sa kaniya. And to Kenji, his a very asshole, and very bullshit pero sa kabila nun... his a very good friends na kahit naiirita na siya sayo hindi ka niya iiwan. Hindi ka niya iiwan hangga't alam niyang kailangan mo siya. Ilang beses niya akong dinamayan pero hindi ko man lang siya nagawang tulungan. Dinamayan niya ako... kahit na alam kong parehas kami nang problema sa buhay. Marami akong gustong sabihin sakaniya tulad ng SALAMAT sa lahat... at SORRY for being like this..."


Nag-message pa ang ibang ka-pamilya nila Erick at Kenji bago ako tumayo para magbigay nang mensahe sa dalawa. Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga kaibigan ko pero ngumiti ako sakanila.


DAN'S POV

NAKATAYO SA HARAP may malulungkot na ngiting nakalagay sa mga labi niya habang nakatingin sa dalawang kabaong. Bumuntong hininga siya at tsaka siya malungkot na ngumiti. " When I was a child... my mom died, because of me. She protect me because a man tried to kill me. During that time... Erick was there, saying to me that how annoying I was when I'm crying my eyes out. Erick promised me that he won't die... and because of that, I was become independent to him, and treat him as my ow brother, my first best friend and my protector. " huminto siya at nakita ko kung gaano niya pinipigilan ang sarili niya na wag humagulgol sa harap namin. Lumunok siya at kitang kita ko kung paano siya nahihirapan. " He promised that he won't die... pero ito na nga... dumating na yung kinakatakutan ko, because he died protecting me from that monster. Alam ko walang sumisisi sa akin pero... galit ako sa sarili ko for being like this. For being a woman who can't do anything from myself. Because I'm weak... yung dalawang importanteng tao sa buhay ko... nawala."


"She's not weak, right?" bulong sa akin ni Shun habang nakatingin kay Danica ngayon. Tumango lang ako sakaniya. "She doesn't deserve this." sabi niya.


" I know..." mahina kong bulong sakaniya.


" Si Kenji... his a great man, and I love him. I love him because I don't know... hindi ko man siya mahal tulad ng pagmamahal niya sa akin... pero mahal ko siya. Na habang buhay kong dadalhin yung ginawa niya sa akin. Na hindi ko makakalimutan yung mga pinagdaanan namin. Yung mga midnights movie marathon, mga friendly dates, yung mga walang sawang pantitrip sa iba. Yung pagtabi sa akin sa pagtulog kapag hindi ako makatulog. Lahat yun hindi ko makakalimutan kasi... kasi... isa yun sa bumuo ng pagkatao ko. Isa si Kenji sa mga taong may malaking impact sa buhay ko. " kinagat niya ang ibabang labi niya at tsaka ngumiti ng mapait. " May sulat siyang binigay sa akin... hindi ko pa ito binabasa pero gusto kong sabay natin tong basahin."


Pinunasan niya ang kaniyang luha at tsaka ngumiti, isang ngiting alam kong gustong gustong makita ni Kenji sa mukha ni Danica. " Dear, my Lovely and beautiful best friend Icah, if you read this letter probably I'm on hospital still unconscious or maybe I'm on heaven.. I just want you to know that .. you're father already know about your existent actually he wants to hug you when he knows that you are still alive, but of course pinigilan ko siya for your own safety,you know what natutuwa ako sa love life mo biruin mong nakita mo muli yung first love mo then bigla kang naging nakakatakot sa harap niya I'm just very happy that you too meet again ..


I just want you to know that I'm really happy because I have a bestfriend like you .. like duh! sino bang hindi matutuwa diba ang tulad mo ay naging best friend ako.. pero actually natutuwa ako kung ano ka ngayon kasi kaya mo nang sabihin ang gusto mo di tulad ng dati.. I love you best friend .. ako na ang bahala sa love life mo dito sa heaven so be good girl okay.. mag pa control ka kay Patrick kundi naku !! bababa talaga ako ng heaven para lang batukan kita .. love Kenji Shouma .. p.s gusto ko ng girl na katulad mo. Oo nga pala kung umiiyak ka nagyon pwede punasan mona hindi ko kasi magagawa yan kasi nga diba.. hindi ko na magagawa yung pag aakbay sayo tsaka panlilibre sayo kaya wag ka ng maging malungkot. This is the final advice that I will give to you it's okay to cry but you must move on." napahagulgol si Danica sa binasa niya at halos lahat ay umiiyak na.


...

...

NAILIBING NA SILA ERICK AT KENJI... nakatulala lang si Danica habang hawak hawak ang sulat na feeling ko ilang ulit na niyang binasa.


Dahan dahan akong lumapit sakaniya at naupo. Napansin kong tumango lang sa akin ang daddy niya at isa-isa nang umalis ang mga tao sa paligid. Nakatingin lang si Danica sa puntod ni Kenji na para bang may malalim siyang iniisip. " Napakadaling sabihin na mag move-on no." sabi nito.


Hindi ako tumingin sakaniya kasi alam kong mahihirapan akong sabihin sakaniya ang gusto kong sabihin. " Alam mo ba... akala ko dati, kapag naalala ko na ang lahat maibabalik ko na yung dati kong buhay na nawala sa akin. Pero nagkamali ako... " narinig ko ang mahina niyang paghugot nang malalim na hininga pagkatapos ay tumawa nang mahina pero basag ang kaniyang boses. " ... hindi na pala maibabalik yung matagal ng nawala."


"Rhea.." bulong ko.


Natawa siya kaya napatingin ako sakaniya. " Rhea? alam mo bang galit ako sakaniya, kasi feeling ko lahat ng tao umiikot yung mundo sa kaniya. Pero ngayon galit ako kay Rhea... kasi ako siya. "


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano ba yang pinagsasabi mo?"


Tumingin siya sa akin and smile on me sadly. " Rhea will never be back because she died long time ago... and Danica is broken right now... I'm broken and I don't know how to fixed it."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Tumulo ang kaniyang luha... Hindi siya nagsalita, kaya ako na mismo ang kusang nagtanggal nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumiti siya ng mapait na para bang inaasahan niya ang gagawin ko. "I'm letting you go."


Ngumiti siya ng mapait sa akin at tsaka marahan hinawakan ang pisngi ko. "Thank you." she said before she pulled her wheel chair at tsaka siya walang sabi-sabing umalis sa tabi ko.


I want to stop her but I can't... because I'm letting her go. This time... I'm letting her go, for good. Kahit na masakit para sa akin ang gawin ko. Kahit na gusto kong nasa tabi ko lang siya. Kahit na gusto kong magpaka-selfish... pilit kong pinigilan ang sarili kong wag siyang habulin... kasi alam kong sa mga oras na ito... hindi ako ang kailangan niya.



She need herself and not me.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro