CHAPTER 46: It's okay with me

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV

NAPAPANGITI ako habang nakatingin ako sa mga picture namin sa tablet ko. Ganito ang madalas kong gawin kapag tapos na ang klase ko at ayaw ko pang umuwi sa bahay namin. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing namimiss ko sila Kenji at Erick.


Pinagmasdan ko ang picture namin dalawa ni Kenji at naramdaman kong may hangin na yumakap mula sa likod ko.Hindi ko tuloy maiwasan hindi mapangiti... alam ko kasing kahit hindi ko nakikita silang dalawa... binabantayan nila ako. At pilit na sinasabi sa akin na magiging okay lang ako.


Bumuntong hininga ako at napatingin ako sa dagat... kulay orange na ito dahil sa paglubog nang araw. Hindi ko tuloy maiwasan hindi isipin kung kamusta na kaya ang iba kong kaibigan na naiwan ko sa Town. Dalawang buwan na din ang nakakalipas simula nun, at simula nung mailibing sila Kenji at Erick hindi na ako nagpakita sa kanilang lahat.



Well, maliban kela Coco at Patrick dahil kasama ko sila sa bahay ngayon. Kaya...


Kahit papaano ay nakakaya ko yung lungkot kasi may kasama ako na pilit akong pinapasaya. Napatingin ako sa gawi ko nang marinig ko na may tumawag sa akin at nakita ko si Coco na humahangos na tumatakbo palapit sa akin. Nang makarating siya sa tabi ko. " Nandito ka lang palang bruha ka." hinihingal na sabi niya.


Ngumiti ako sakaniya " Alam mo naman na dito ang tambayan ko sa beach." sabi ko.


Pinakatitigan niya ang mga mata ko. Alam kong hindi siya sa sanay sa mga mata ko, dahil magkaiba naman nang kulay iyun. Ang kaliwang mga mata ko na galing kay Kenji ay greyish while yung kabila ay brown na orginal eyes ko. "Hindi ka pa din ba sanay?" natatawa kong tanong sa kaniya.


Inirapan niya ako. " Sanay na ako.. pero hindi ko lang malaman sayo kung bakit hindi mo na lang lagyan ng isang contact lense yung isa para magpantay." sabi nito.


Ngumiti ako sakaniya " This eyes of mine is the symbol that Kenji's still alive. And no, hindi ko tatakpan because I'm proud to have him in my life."


Pinaikot niya lang ang kaniyang mga mata at hindi ko mapigilan hindi mapatawa sa ginawa niya. Alam ko naman na kahit hindi sabihin sa akin ni Coco... alam kong namimiss na din niya yung dalawa. Ayaw nga lang niya sa akin sabihin dahil alam kong nag aalala siya sa magiging reaction ko.


DAN'S POV

NAPANGITI NA LANG ako habang nakikita ko sila Risa, Sheen, Ian at si Shena na nagpapalitan ng idea para sa mga dapat namin gawin ngayon para sa school festival. Alam ko naman na nahihirapan silang mag-isip dahil nga kulang kami ngayon. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang picture namin nung nakaraan school festival, complete pa kami dito at ang saya saya namin... pero ngayon parang hindi na ito tulad ng dati.


Napatingin ako kay Risa nang biglang tumunog ang phone niya. Ni-loud speaker niya iyun at tsaka naiinis na sinagot. " Ano ba yun, busy kami Coco?" inis niyang sabi.


Narinig ko ang mahinang tawa ni Coco ' If I know nanggugulo ka lang jan.. anyway kaya ako napatawag dahil... alam ko naman na namimiss niyo ang kagandahan ko.' pang-aasar ni Coco, may narinig kaming kaluskos maya maya pa ay isang namamanghang sigaw na narinig ko its a very familiar voice and it makes my heart beat fast. ' Coco... dali tingnan mo tong cake na gawi ni Onii-san mukhang masarap...... Gaga.. umaatake na naman yang pagka-PG mo. Umayos ka nga.' rinig kong saway ni Coco.

Napatingin sa akin si Ian at ngumiti lang ako sakaniya. Alam kong iniisip niya na kailangan ko nang magsalita, hindi yung lagi na lang akong tahimik sa tuwing maririnig ko ang boses niya. "Ano ba ang sasabihin mo, Coco? busy kami sa pag-iisip dito" sabi ni Risa.


'Hello, Risa... Anong iniisip niyo?Aba! Himala ata na tumulong ka sa pag iisip jan..' natatawang sabi ni Icah and I can't help but smile on his laugh.


" ang sarap mong sapakin, Icah. Kung nandito ka lang baka kanina pa kita sinapak." inis na sabi ni Risa.


'So about ba sa school festival ang iniisip niyo. Tssh ! napakadali lang naman nang problema niyo ee.' mayabang na sabi nito.


"Ang yabang mo Danica Yuuki Perez. Sige nga ikaw nga tong mag-isip para sa gagawin namin, tingnan ko lang kung hindi ka mabaliw." natatawang sabi ni Sheen.


I heard Danica saying 'duh' on the other line, and I could imagine her eyes rolling on Sheen right now. ' Why don't you try to bake this time, nang maiba naman... Hindi yung puro kayo show. Nakakasawa kaya ang pagmumukha niyo, lalo na tong si Coco na iniibusan ako ng pagkain. Hoy! Coco pina-bake ko yan Onii-san... Lol mo! Danica.. baka tusukin ko yang mata mo jan.' narinig ko ang mahinang tawa ni Danica ' Anyway... try that one too... mas maganda kung affordable lang yung price ng mga ibebenta niyo.. remember hindi niyo naman kailangan magiging dedicated since tinatamad naman talaga kayong mag participate jan. And oo nga pala si Risa yung paglutuin niyo nang matuto siya sa pagluluto.' sabi ni Danica, making Risa face frowned.


Naiiling na lang ako habang nakikinig sa sagutan nila. Huminga ako nang malalim at tsaka ako dahan dahan na lumabas sa club room namin at nagpunta sa labas. I just need air...


Hindi na ako tumingin sa gawi ko para malaman kung sino yun. " So anong masasabi mo ngayon?" tanong niya sa akin.


" Well.. mukhang nakatulong yung pagpapalaya ko sakaniya before, Ian." I said truthfully. Mukha kasing unti-unti nang nakakalimutan ni Danica yung sakit na naramdaman niya sa akin noon.


" Don't you think it's about time for you to go back on his life." he said on me, hindi niya tinatanong yun sa akin.

Umiling ako at tsaka nagpamulsa. " I'm not ready... and if I'll become ready.. I don't know if she still want to be with me.... I'd cause to much pain on her life and I don't deserve her... " biglang umihip ang malakas na hangin at alam kong si Kenji iyun na nagpaparamdaman sa akin.


Alam ko naman na binabantayan kami ni Kenji. Sadyang hindi ko lang alam kung ano bang gagawin ko. Pinakawalan ko na siya so bakit ko pa siya kukunin ulit kung alam ko naman na mas masaya ang buhay niya kapag wala ako sa tabi niya.


I'm contented with the thought of her being safe and alive. I'm okay with that... as long as I don't see her crying her eyes out just because of me. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro