CHAPTER 50: Birthday night

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV

NAGISING AKO nang maramdaman ko ang pagkagalaw ng kung sino sa kama ko. I groan.. "Heaven, later." I murmured.


"Aff... Aff."


Napabuntong hininga ako at tiningnan ko si Heaven na nakaupo sa kama ko at hinihintay na magising ako. Ngumiti ako sakaniya. At marahang hinaplos ang malambot at puti nitong balahibo. "Good morning" bati ko sakaniya.


Hindi muna ako bumangon at nagmuni-muni muna ako. Ganito ako tuwing umaga. Tulala kahit wala naman iniisip. Mas maganda kasi yung ganitong nakakapagmuni-muni ako para alam ko yung gagawin ko ngayon araw. Ayoko kasing nagagaral ako lalo na sa umaga.


Tumingin ako kay Heaven na siyang nakaupo pa din at tinitingnan ako, ngumiti ako sakaniya. "Heaven gusto mong mag-jogging tayo ngayon? Kailangan mo kasing magbawas nang kung ano man jan sa katawan mo para maging healthy dog ka."


"Aff"


Ngumiti ako sakaniya at bumangon at ginawa ko na ang daily routine ko. Naligo at nagbababad ako sa banyo nang dalawang oras pagkatapos ay nagsuot lang ako nang medyo maluwag na t-shirt na puti at tsaka leggingsna itim. Sinuot ko din yung rubber shoes ko then I tied my hair into ponytail.


Pagkatapos nun aakmang kukunin ko na si Heaven nang bigla itong tumahol sa akin. "Heaven kailangan mo akong samahan mag-jogging."


Tumahol lang ito at tsaka nang martsa papuntang higaan niya at prenteng nahiga doon at natulog. Nasapo ko na lang ang noo ko. Saan kaya nag-mana si Heaven ng katamaran niya?


Bumuntong hininga na lang ako; mukha ako lang naman ang mag-jogging mag-isa. Kinuha ko ang MP3 at earphone ko at tsaka ako umalis. Medyo may pagkadilim pa at alam kong tulog pa ang mga kasama ko sa bahay na ito. At halos mawalan ako ng ulirat nang biglang bumuluga sa harap ko ang kalat sa sala namin. Ano bang ginawa nila dito kagabi? Nag-party?



I mentally rolled my eyes then lumabas na ako at para makapag-jogging, mamamaya ko na lang pagbalik ako maglilinis ng kalat nila.


DAN'S POV

PAGKARATING KO SA baba nakita ko agad ang kalat na iniwan nang mga kaibigan namin kagabi. Napasabo na lang ako ng noo ko at napatingin ako sa paa ko nang makita ko ang alagang aso ni Danica. Hindi ko alam na nandito pala ito ngayon. Binuhat ko ito... "Nasaan ang amo mo?" tanong ko.


Hindi siya tumahol at pinakatitigan lang ako na para bang hindi niya ako naiintindihan. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko? Hindi naman talaga ako naiintindihan ng asong to ee, at hindi ko din alam kung bakit ko ba kinakausap ito ngayon. Siguro dahil bored na ako at wala akong magawa o mas tamang sabihin na hanggang ngayon wala pa din akong maisip na surprise para sakaniya.


Hindi ko kasi siya pwedeng basta-basta na lang batiin dahil nga alam kong nahihirapan siyang kalimutan yung nakaraan niya... pero gustong-gusto ko kasi itong i-celebrate with her since it's my first time na magkasama kami ngayon araw na ito. Ibinababa ko si Heaven at tinawagan ko si Erich para matulungan ako sa problema ko. I just wish that she gaves me a better idea now.


IAN'S POV


PAGKABABA KO galing sa taas sakto naman ang dating ni Danica galing sa kung saan. Pawisan siya at medyo hinihingal. Nang mapansin niya ako agad siyang ngumiti sa akin. Isang ngiting medyo umabot sa mga mata niya. "Good morning, Ian." masigla niyang bati sa akin.


"Good morning too." ngumiti ako sakaniya "Saan ka nga pala galing?" takang tanong ko sakaniya.


"Sa jogging... medyo gusto ko lang kasi matanggal ang kung ano man na gumugulo sa isipan ko ngayon ee." ngumiti siya sa akin bago siya naupo sa may sofa at tinanggal ang rubber shoes niya.


"Bakit hindi ka man lang nag-aya?" tanong ko sakaniya at naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig niya. "Ooh, baka madi-hydrate ka pa yan." sabi ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin at tsaka ininom lahat yun.


"Ako pa lang kasi at tsaka si Heaven ang gising kanina... and I really not that devil para gisingin kayo habang nasa mahimbing kayong pagtulog." nakangising sabi niya.


Pinakatitigan ko ang mga mata niya at hindi ko maiwasan hindi mamangha sa mga mata niya ngayon. Nakikita ko kasi sakaniyang kaliwang mata ang mga mata ni Kenji. And I really can't help but miss that stupid guy right now. Mapait na ngumiti si Danica "I miss him too." bigla niyang sabi.


Napakagat ako ng labi ko dahil hindi ko maiwasan hindi maguilty. Ako kasi ang rason kung bakit niya biglang naalala si Kenji. Alam kong nahihirapan pa siya kahit na sabihin ilang buwan na ang nakalipas simula nung mangyari yun.


"Danica..."


"Walang minuto na hindi ko sila inisip, Ian. Walang minutong hindi ko tiningnan yung mga picture namin... Walang araw na hindi ako bumalik sa mga lugar kung saan kami nagpunta. Walang araw na hindi ko hiniling na sana nabuhay na lang sila. Walang araw na hindi ko sinisisi yung sarili ko kasi wala na sila sa mundong to." napakagat siya ng labi niya.


Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakaniya. Wala akong magawa kundi ang titigan siya... titigan ang malungkot niyang mukha. Pilit na ngumiti siya sa akin "Sige.. Ian. Aakyat lang ako sa taas para maligo then after that ipagluluto ko kayo ng almusal." sabi niya.


"Sure.. namiss ko din yung luto mo ee." nakangiting sabi ko.


RISA'S POV


I GROAN when I felt someone poke my cheeks. I buried my face on my pillow; trying my best to ignore the annoying presence of my room. I have an idea kung sino ang gumugulo sa pagtulog ko pero ayokong bumangon dahil inaantok pa nga ako. At isa pa... baka manliit lang ako sa itsura ko ngayon.


"Hey, wake up. I know you're awake. Look at me babe." he said in very slow and gently voice. I didn't answer him instead I groan. I heard him chuckle and I felt his hands on my hair. "If you don't look on me then I'll kiss you here, sleeping beauty." he say.


Hindi ako nagmulat nang mga mata kasi alam ko naman na hindi niya gagawin yun. Napabalikwas ako ng bangon nang bigla ko na lang naramdaman ang malambot niyang labi sa akin. Namumulang napatingin ako sakaniya. Damn it! hindi pa kaya ako nang-to-tooth brush.


"Good you finally awake. Now, I want you to get dress I have a surprise to you, right now." he said.


Ngumuso ako sakaniya. "At sino ka para bigyan ako ng orders huh?" nakataas ang kilay kong tanong sakaniya.


Ngumisi siya sa akin. "I'm your-soon-to-be lover, Risa Love so stop asking me and do what I told." he said leaning over me and kiss me on my forehead before he exist on my room, leaving me there blushing like hell.


Gosh! Ano ba naman yan? Ang aga aga kinikilig at lumalandi ako kay Sheen. Naku Risa. Get a grip.


SHEEN'S POV


MATAPOS KONG kausapin si Risa agad akong pumunta sa baba and there I saw Danica and Ian in the kitchen. Nakaupo si Ian habang si Danica naman ay nagluluto nang agahan namin. Napatingin sa gawi ko si Danica at ngumiti "Ang aga mo naman atang nakabihis? Aalis ka ba ngayon?" tanong niya sa akin.


Napatitig ako sa mga mata niya at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga mata nito. May nakikita akong lungkot at pangungulila sa mga mata niya na pilit niyang tinatago sa aming mga kaibigan niya. Muling ngumiti si Danica sa akin at hinawakan ang kaliwang mata niya. "Hindi ka din ba sanay? Wag kang mag alala lahat naman kayo hindi sanay sa nakikita niyo ee." sabi niya.


"Hindi naman sa hindi kaming sanay..." I said quietly as I sat down on the chair. " ... but nevermind me. Pagpatuloy mo na yang ginagawa mo.. and I really miss that you cook for us, Danica." I said smiling on her.



BAGO MATAPOS ang paghahain ni Danica nagsidatingan na ang mga kaibigan namin. Ngumiti sakanila si Danica at naupo na din... sabay sabay kaming kumain at napakadaming kwento ni Coco sa amin lahat. Idagdag pa na ang ingay ingay nilang dalawa ni Risa ngayon dahil nagbabangayan sila. Si Danica naman ay naaliw na tinitingnan sila.


"Oo nga pala, Danica. Wag ka nang pumasok sa MMR ngayon" biglang sabi ni Patrick. Nagtatakang tiningnan siya nila Coco at ni Danica.


"Bakit siya lang ang hindi papasok ngayon, Patrick? Bakit ako papasok?" tanong ni Coco habang nakanguso.


"Kasi Coco---" panimula ni Patrick.


"Kasi ano? Kasi mas favorite mo si Danica kesa sa akin. Ganyan ka naman ee. Di na kita bati. " nagdadabog na sabi ni Coco at tahimik na pinagpatuloy na lang ang pagkain.


"Coco." pagtawag ni Patrick pero hindi pa din siya nilingon ni Coco and to be honest, ngayon ko lang nakita si Coco na maging ganito. She never act like this in front of us as in ngayon lang.


"Pero Nii-san, saan naman ako pupunta? I mean... kung hindi ako papasok edi magsasawa ako sa pagmumukha nila Ian at nang iba pa." kunot noo ni Icah na sinabi; tumikhim si Ian sa sinabi ni Icah at nginitian lang siya nito ng matamis.


"No. Sasama ka kay Niel ngayon pabalik, your father called me early this morning about this.. so stop asking any question kasi ang sabi niya alam mo naman yun. BTW' may pinadala siyang dress na susuotin mo mamaya; nasa kwarto mo na yun. Cheek mo na lang." nakangiting sabi ni Patrick. May kung anong emosiyon na dumaan sa mga mata ni Danica pagkaraan ay agad din iyun nawala at tumango.


Matapos kaming kumain lahat si Patrick na ang naghugas lahat ng pinagkainan namin. Sila Ian, Coco and Shena naman ay naglaro nang kung anong video game. And as for us ni Risa, umalis na kami dahil nga kailangan namin makarating sa venue kung nasaan ang surprise ko para sa kaniya.


I smirk... I'll finally make her mine, officially.


[A/n: Secret at wala po sa librong to ang surprise ni Sheen. Hindi ko po inilagay kasi po nahihirapan po akong pagsasabay-sabayin. I hope you understand]


NICA'S POV

BUMUNTONG HININGA ako at muling sinulayapan ang itsura ko sa salamin. Maganda at napaka-elegante ng dress na suot ko kahit napaka-simpleng white knee length dress lamang ito. Itinali ko ang buhok ko sa ponytail at kinulot ko lang ang dulo nun then I applied some light make up nang hindi ako magmukhang white lady sa sobrang putla ng mukha ko.


Nag-suot din ako nang two-inches stellitoes, and then walked to my bed to get my purse and exit on my room. Dahan dahan akong bumaba at ang una kong nakita sa pagbaba ko ay ang mukha niya. He was looking on me like I'm the most beautiful woman in this world. Na para bang sinasabi niya na; ako lang wala nang iba.


I bite my lower lips nang pasadahan ko ang suot niya. Hindi siya nakapormal pero kahit ganun ang ganda pa din nang ayos niya. Nakasuot siya nang v-neck white shirt then pinatungan niya iyun nang regalo kong leather jacket na itim; pinarisan niya ang suot niya nang isang simpleng black jeans and sneakers.


Ngumiti si Daniel sa akin at tsaka inilahad ang isa niyang kamay at simpleng ngumiti sa akin. "Let's go?" inosenteng tanong niya.


Tipid na ngumiti ako sakaniya at tsaka kinuha ang kamay niya.He lightly squeeze it; making me bite my lower lips. Ito ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko simula nung mag desisyon siya na pakawalan ako; simula nung magdecide siya na mabuhay nang wala ako sa tabi niya.


Nagpaalam lang kami sa mga kaibigan namin bago kami umalis at pumunta kung saan nakalagay ang helicopter na pinadala ni Daddy para sa amin dalawa. May ideya na ako kung saan kami pupunta pero hindi ko alam kung bakit kailangan kasama pa ang lalaking to sa byahe ko?


"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.


Tumango ako at tumingin na lang sa ibaba. Maganda palang tiningnan ang Island mula sa itaas. Ang liliit kasi nang mga bahay at kitang kita din dito ang magandang kagubatan.



NAGISING AKO NANG may mahinang tumatapik sa pisngi ko. At saglit akong natigilan nang magtama ang mga mata namin. Pilit kong pinigilan ang sarili kong higitin siya at yakapin ng mahigpit. Hindi siya sa akin para gawin ko iyun. Kailangan kong labanan ang kung ano man na nararadaman ko para sakaniya.


"Let's go, nandito na tayo." mahina at mahinahon niyang sabi. Hindi ako nagsalita at tumango na lang ako. Halos pigilan ko ang hininga ko nang bigla siyang yumuko sa harap ko para tulungan akong makaalis sa mga straps at seatbelts na nakakabit sa katawan ko. "There" sabi niya nang matapos siya.


"salamat." mahina kong sabi sakaniya. Tinulungan niya akong makababa sa sinasakyan namin at saglit akong napalunok nang makita ko ang pamilyar na lugar sa akin. Ilang taon ba akong hindi nakapunta sa lugar na to?


"Danica" he called me out, making me look on him. "Are you okay?" he asked me.


"O-Okay? y-yeah.. okay.. Okay lang ako." sabi ko at tsaka ako naunang maglakad.


Napasinghap ako nang makapasok ako sa loob ng libingan nang Mommy ko. Nagkalat kasi ang mga white roses petal sa paligid at may mga kandila din. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi naman kasi ganito ang ginagawa namin ni Daddy noon sa tuwing nagpupunta kami dito. Napakagat ako ng labi nang biglang naglakad si Daniel papasok at lumuhod sa puntod nang Mommy ko.


"Hello po, I am Daniel Ace-Cruz, anak po ako ng bestfriend niyo. Madami din po akong gustong sabihin sainyo.. tulad ng sorry. Sorry kasi dahil sa akin lagi pong umiiyak ang anak niyo. Hindi ko naman sinasadya yun ee. And I know alam niyo po yung totoo." saglit siyang tumigil at tumingin sa akin pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Gusto ko po kasing... iparamdaman sakaniya ngayong birthday niya na may nagpapasalamat sa araw na ito kasi pinanganak siya. And I'm the one who's very thankful to have her in this world."


"A-Ano ba yang pinagsasabi mo? N-Nasaan ba sila Daddy? B-Bakit t-tayo lang ang nandito?" tanong ko at pilit kong iniwas ang tingin ko sakaniya.


I gasp when he tilt my head and make me look on his eyes. "Tayo lang ang nandito. And I ask your father approval before I made this. I just want to celebrate your birthday."


"I'm not celebrating my birthday, Dan."


"I know.. alam kong dahil sa Mommy mo kaya hindi ka nagsi-celebrate but can't you see what I'm trying to say to you? I want you to see that there's someone in this world is grateful to have you. Yes it might be truth that your mom died in this date. But every year that this August 24 come... God wants you to understand that this day is your beginning, your new meaning of life."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at napaluha na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil totoo naman ang sinabi ni Daniel. Na hindi habang buhay kailangan kong sisisihin ang sarili ko sa pagkawala ng Mommy ko. Siguro kailangan ko na lang talagang tanggapin na may mga bagay sa mundo na umaalis pero may dumadating para bigyan tayo ng bagong pag asa.


DAN'S POV

MATAPOS kaming magpunta ni Danica sa puntod ng mommy niya; dinala ko naman siya sa Town because nandun ang isa ko pang surprise para sa kaniya. Hindi siya nagsasalita sa buong byahe namin. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at malayo ang iniisip.


"Do you miss him?" bigla kong tanong.


"Him? Who?" tanong niya sa akin.


"Kenji." hindi tanong yun kundi fact. Nasabi kasi sa akin ni Coco na minsan nakikita na lang niya si Danica na nakatulala at kapag tinatanong niya kung sino ang iniisip nito laging si Kenji ang sinasagot niya.


Alam ko naman na hindi ko magagawang higitan ang ginawa ni Kenji para sa kaniya pero nakakainis lang kasi feeling ko nawawalan na ako nang importansiya sakaniya.


NICA'S POV

MATAPOS KAMING kumain ni Daniel nag-aya akong makipag inuman sakaniya. Nandito kami sa pinakamalaking puno sa Town. Nilagyan kasi nila ito ng tree house para daw may pagpahingahan sila at minsan dito daw sila nang tatago para hindi sila makita ni Risa o kaya ni Ian. Nakakatuwang isipin na malaki ang pinagbago nang lugar na ito.


Ang nakakalungkot nga lang ay ang hindi ko nakita ang pagbabago nito nang sarili kong mga mata. Iniisip ko na lang na may mga bagay talaga na minsan hindi mo kailangan makita ang pagbabago para hindi ka masaktan sa malaking pagbabago nito. May mga tao kasi sa mundong to na hindi natatanggap ang pagbabago sa paligid nila.


"Anong iniisip mo ngayon, Danica?" napatingin ako sa gilid ko nang biglang may nagsalita.


Napangiti ako nang may dala siyang fried chicken at beer na inutos ko sakaniyang bilhin niya. Tumingin ako sa kaniyang mukha at mas lalo akong napangiti nang makita kong nakasimangot siya sa akin habang hinihintay niya ang sagot ko sa tanong niya.


"Hindi naman importante ang mga bagay bagay na iniisip ko ee." sabi ko at tsaka ako sumandal sa kinauupuan ko. Medyo nahihilo na kasi ako at kailangan ko lang magpahinga bago ako magstart uminom ulit.


Hindi siya nagsalita at tumabi lang siya sa akin nang upo. May hawak siyang beer sa kanang kamay niya at tahimik lang niyang pinagmasdang ang kalangitan. Mula kasi sa kinalalagyan namin kitang kita ang magaganda at maliliwanag na bituin.


Pasimple kong tiningnan si Daniel at hindi ko maiwasan hindi mapangiti nang malungkot nang makita ko siyang natutulog. Mukha siyang pagod na pagod at siguro ang dami niyang ginawa para lang sa akin ngayon araw na ito.



Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Marahan kong dinampi ang mga labi ko sa mga labi niya. And I wanted to cry because how I miss his lips brushing on mine. I was about to pull away when all of the sudden, he nibble my lower lips making me groan. Napadilat ako at nakita kong nakapikit siya; naramdaman kong dahan dahan yung kamay niyang umakyat sa batok ko and as soon as he hold me there. He kissed me fully on my lips.



Kissing me like he want to erase all the pain, frustration and sorrow that I felt right now. Kissing me like he wanted to tell me that everything will be fine. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro