CHAPTER 53: Never it back

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NICA'S POV


NAGPATAWAG AKO nang emergency meeting for the teachers of S.H.A at halos lahat sila ay maaliwalas na ang mukha nang makita ako. Sa tabi ko ay nakaupo si Kean na ginapos ko kanina pagkatapos kong bugbugin. May apple din na naka-paslak sa bibig niya. "I'm going to make an emergency orientation for all the students, tomorrow. Teachers of S.H.A I need your cooperation for this matter, I want you to past the list of your advisory class on my office later. Kahit hindi na naka-print. Or kahit isulat niyo na lang sa scratch paper. Just past it after one hour." sabi ko.


"I also want you to take down notes the unwanted visitor that we had here in this school. Can you do that?" I asked them politely.


"Yes, Lady." they all said making me sigh of relief.


I smile on them "Good, that's all for now. Magpapatawag na lang ako ng meeting if naayos ko na ang chaos sa school natin. You may go now." I said.


Matapos nilang lumabas ay tiningnan ko ang mga list nang mga naunang nagpasa sa akin. Napasentido ako at nag angat ng tingin nang biglang may tumikhim. Nakasandal siya sa pinto habang nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong masama.


"What now, Gian?" I asked him.


"Hindi mo ba papakawalan yung vice-president?" tanong niya at tsaka niya nginuso si Kean na kanina pa nagpapa-cute sa akin.


I rolled my eyes "Jan lang siya for the meantime habang iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin sa kaniya."


"Hindi ka ba naawa sakaniya?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Hindi." simple at malamig kong sabi sakaniya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagpunta ako malapit sa bintana upang tanawin ang mga studyanteng nagkalat sa labas ng building. "Hangga't hindi ko naayos ang problemang hindi niya inayos, magiging mas cold pa ako." sabi ko.


Nakita kong napangiwi si Kean sa sinabi ko kaya nginitian ko siya; isang ngiti na hindi niya dapat pagkatiwalan dahil kayang kaya ko siyang sakalin nang nakangiti. Lumabas ako nang meeting hall at sa paglalakad ko hindi ko napigilan hindi marinig ang pinag-uusap nang dalawang istudyante.


Napalunok ako sa narinig ko at hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.




NAPABUNTONG HININGA ako at tsaka ko pinagmasdan ang puntod niya. "Kenji... bigyan mo naman ako ng lakas ooh" mahina at halos bulong ko nang sabi. Iniangat ko ang dalawang tuhod ko at niyakap ko ito "Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kong magpahinga sa mga problemang nararanasan ko ngayon. Gusto kong lumayo at tumakbo na lang... pero alam kong... hindi ko dapat gawin yun kasi mas magandang harapin ko na lang ang mga problema ko."



Napakagat ako ng labi ko at malungkot na ngumiti.


DAN'S POV


NAGLALAKAD AKO PAPUNTA sa buntod ni Kenji nang may makita akong nakaupo sa puntod niya. I held my breathe the moment nang malaman ko kung sino yun. "Minsan iniisip ko na sana nandito ka sa tabi ko. Na sana nandito ka para may masasandalan ako. Nahihirapan na kasi ako... nahihirapan na akong mag isa sa mundo. Mahirap pa lang mabuhay na pasan mo lahat at wala kang masabihan nang problema mo." malungkot niyang sabi.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita kong humugot siya nang hangin at tsaka tumayo at nag unat nang mga braso. "Just... look after me, Kenji. I'll do my best to bring S.H.A back to the normal. Yung S.H.A kung saan mas naging close tayo sa isa't isa. Yung dating S.H.A... na alam natin pareho." pahina ng pahina ang pagkakasabi niya nun.


Nakatitig lang ako sakaniya at nakita kong may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "I love you, Kenji..."



And that four words makes me feel guilty all over again.


NICA'S POV

KATATAPOS LANG nang orientation sa mga students and I was doing my routine para tingnan kung ano pa ang dapat kong baguhin. Inisa isa ko ang bawat mga classroom; pinatanggal ko din ang mga earings nang mga lalaki.


Masakit na ang ulo ko at gusto ko nang magpahinga dahil wala pa akong pahinga simula nung dumating ako galing sa Island. Sa ngayon nandito ako sa office ko at nagpapahinga... hindi ko pa kasi natatapos basahin yung mga upcoming events ng S.H.A idagdag pa na meron pala kaming battle of the band this coming friday pero wala pa din layouts.


Sa ngayon nagpakalap na ako nang mga fliers about sa battle of the band. But still kailangan ko padin ayusin kung paano ang magiging set up nang contest. At kung sino ang gagawin namin guest at mga judges that day.


"ICAAAAAAAAAAAAAAH" napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at ang sunod kong nakita ay yakap yakap na ako ni Luchia. "NA MISS KITA"


"Urgh... Luchia... stop hugging me tight. I can't breath and please stop shouting, masakit sa tenga." sabi ko.


Kumalas siya sa akin at tsaka pinakatitigan ako sa mukha "Ang laki ng eyebag mo." sabi niya.


I made a face "Salamat sa pagpansin huh!" I said sarcastically.


Natawa siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya at tsaka ko muling binalingan ang binabasa kong paper. "Manang ang tagal mo naman jan." rinig ko.


Nanigas ako sa kinauupuan ko at saktong pag angat ng ulo ko ay pagpasok niya. Saglit na nagtama ang mga paningin namin pero agad din akong nag iwas ng tingin. "Oo nga pala Icah. Kelan ka pa dumating dito? And napansin ko na wala nang masyadong outsider dito sa school natin. Wala na din akong nakikitang mga lalaking may earings. Anong magic ang ginawa mo?" nagtatakang tanong ni Luchia sa akin.


"Magic nang pagiging sadista. Pinakita ko kasi sakanila kung anong magiging itsura nila kapag hindi nila ako sinunod ee." sabi ko at tsaka nginuso ko si Kean na nakagapos pa din sa gilid ko.


Napangiwi si Daniel at nanlaki ang mga mata ni Luchia habang nakatingin kay Kean. Agad siyang tumakbo para kalagan si Kean, at nang matanggal niya ang apple niya sa bibig niya. "WAAAAAAAAAAAAAAAAH! SALAMAT TALAGA LUCHIA.. kahapon pa ako nakaganito at medyo nangangalay na ang panga ko." reklamo ni Kean.


Pinaikot ko ang mga mata ko. "Maligo kana Kean, aalis tayo." mahina kong sabi at pilit kong inignore ang tingin niya sa akin.


"Eeeh? Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.


"Sa pupuntahan.. Kaya kung ako sayo.... umalis kana sa harapan ko bago magbago ang isip ko at igapos kita ulit jan." inis kong sabi. Tumayo ako at tsaka kinuha ko ang mga papers na binabasa ko. Kailangan kong umalis sa lugar na ito... I don't want to be near with him right now.


"Ooh saan ka pupunta?" takang tanong ni Luchia habang tinutulungan si Kean.


"Sa lugar kung saan walang istorbo." ngiti kong sabi sakaniya; sinimangutan ko si Kean "I'll call you after two hours you should be ready that time." I said and with that I leave them there.




NAHAHAPONG naupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa buhay ko at parang paulit ulit na lang ang nangyayari.


I keep on loving but in the end of the day I just end up getting hurt. Bakit ganun...?


Bakit kahit anong pilit natin maging masaya kasama nung taong mahal natin hindi pa din sapat?


Bakit kahit anong gawin natin lagi na lang tayong nasasaktan?


Why we can't just get happiness for free? Tao lang ako and all I want is to be happy with the person I love. Sobrang hirap bang ibigay yun sa akin kaya ako nahihirapan ng ganito?


"Why don't you take some rest?" napatili ako sa biglang nagsabi nun at nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "What?" he asked me.


"A-Anong... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya.


Naupo siya sa gilid ko at tsaka tumingala din... nasa roof top kami ngayon at medyo makulimlim kaya hindi ganun kahangin. Na para bang pati ang kalangitan nakikisama sa ka-bitteran ko. "Ginagamot ni Luchia yung mga pasa ni Kean sa katawan." simpleng sagot nito.


"Hindi ba dapat nandun ka... kasi boyfriend ka ni Luchia." I said without looking on him. I felt his heavy stares on me but I didn't turned my head to him. I don't want to look on him since I could feel my heart breaking into pieces again.


"Aaah! Nakaabot na pala sayo yung balita" simpleng sagot niya.


Ngumiti ako ng mapait "Hindi mo ba alam na may pakpak ang mga balita ngayon? M-Mukhang o-okay lang kayo ni Luchia aa." I said.


"Yeah.. she's fun; though sometimes nakakairita ang pagiging perfectionist niya and lady-like attitude but it's okay----"


"I'm glad to here that." I said hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya sa akin. Tumayo ako at muli kong kinuha yung mga gamit ko. Aakmang iiwan ko siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko; nagtatakang tiningnan ko siya "What?"


"Where do you think your going?" he said.


Pilit na ngumiti ako sakaniya "I'm going..." pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko then "...away from you."


Aakmang bubuksan ko yung pinto sa roof top nang bigla niya akong hinaklit causing that all the files that I was holding fell on the floor. "Lagi na lang bang ganito, Danica." madiin niyang sabi sakin. Nagtatanong na tiningnan ko siya "Lagi mo na lang ba akong tatalikuran?" kunot noo niyang tanong sa akin.


"Bakit? Diba... ikaw tong pinalaya ako? Diba ako tong nasaktan mo ng sobra? Ako tong mas nasaktan satin dalawa? Ako tong..." natigilan ako at kusang tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigil "Ako tong.. umaasa na babalik ka pa sa akin... ako tong nangangarap... pero sa huli ako lang yung laging nasasaktan." I don't want to cry infront of him... but this is too much.



I had enough.


Mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko "Akala mo ba ikaw lang tong nasasaktan? Ako din naman ee... Nasaktan din ako ng iwan mo ako.. Nasasaktan din ako sa tuwing naiisip ko na dahil sa akin nawalan ka ng taong importante sa buhay mo. But don't you think... I also lost friends.. hindi lang naman ikaw tong nawalan."


I know... but hindi lang naman ako nawalan ng bestfriend ee.. I also lost my heart and the faith in love and happiness.


"I can't take care of you because I can't do what Kenji and the others do for you. Hindi ko kayang mamamatay para sayo. I can't just give up my life from you; knowing that you'll be leaving behind. Alam mo bang masakit din para sa akin... na wala akong magawa para sayo. Hindi mo alam yun, Danica... kasi ang nasa isip mo lang lagi ay kung paano ka nasasaktan. Pero paano naman ako? Naisip mo ba ni minsan na nahihirapan at nasasaktan din ako."



Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya; at habang nakatingin ako sa mga mata niya... I just realize that I never... ever getting his back on my life.



This is the end for us. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro