CHAPTER 60: Contented

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DAN'S POV


MARAHAN kong pinunasan ang kaniyang noo ng basang bimpo. She moan softly but she doesn't open her eyes. Gusto ko siyang gisingin para naman makapag paalam ako na aalis ako ngayon at bukas pa ako makakauwi.


"Niel, ano na nakapagpaalam ka na ba sakaniya?" tanong ni Ian. Hindi ako lumingon sakaniya pero agad naman akong umiling bilang sagot.


Ang himbing kasi nang tulog ni Danica ngayon at alam kong kailangan niya din nang pahinga. Yun kasi ang sabi ng doctor kahapon nang ipa-check up ko siya dahil sa taas ng lagnat niya.


"I don't have the heart to wake her up." I said.


"Pero baka ma-late ka sa event. Alam mo naman na isa yun sa pinaghirapan ni Danica gawin at planuhin."


Napabuntong hininga na lang ako sakaniya, alam ko naman ang paghihirap ni Danica nung ginagawa niya yun ee. I saw it since lagi naman akong nakamasid sakaniya sa malayo, pero kahit ganun.. I don't want to leave her here, alone.


"Hindi naman siya mag-iisa ee, nandito kaya ako." reklamo ni Ian na para bang sinasabi niya na alam niya ang iniisip ko ngayon.


"Paano kung hanapin niya ako, aber? Baka kapag nalaman niya yung about sa twenty-four hours race na yan, ee mag ala-flash siya para makasali dun." naiiling kong saad.


Napag kaalaman ko kasi kay Kean na hindi naman talaga kasama sa plano ngayon buwan na ito ang twenty-four hours race pero may nag-suggest daw nun dahil sa isang hindi malaman na dahilan na tanging si Danica lang ang nakakaalam. Minsan nga napapatanong ko kung bakit hindi na lang sa akin sinabi yun ni Danica.


Muli akong napabuntong hininga. At tsaka ako tumayo at iniabot kay Ian lahat ng dapat niyang gagawin. Medyo nagreklamo pa siya dahil sa sobrang dami nun pero agad ko naman sinabi na halos yung kalahati nun ay nagawa ko na.


IAN'S POV


HINIHINGAL AKO nang matapos kong gawin lahat ng nasa list na binigay sa akin ni Daniel. At ngayon ko lang na-realize na ang hirap pa lang linisin ang buong town. Ngayon ko tuloy natanong sa sarili ko kung paano nagagawang linisin ni Danica ang buong bahay sa Town nang ganun kadali.


Naalarma ako nang marinig ko ang mahinang paghikbi ni Danica sa kwarto niya. Dali dali akong tumakbo palapit sa kwarto niya and there I saw her crying on her bed. She's fully awake and she looks really scared and lost.


Dahan dahan akong lumapit sakaniya at tsaka siya niyakap "Shhh... everything gonna be fine. Don't be scared I'm here." mahina kong bulong sakaniya.


Hinayaan ko lang siyang umiyak sa bisig ko at ako naman ay tahimik lang akong pinapatahan siya. Ganito ang madalas kong gawin sakaniya before nung may amnesia pa siya. Kapag nagigising siya ng hating gabi dahil sa nightmare niya ay madalas ko siyang yakapin ng ganito.


Napagalamanan ko din na ganito ang ginagawa ni Kenji sa tuwing nagnanaginip siya ng masama. Minsan tuloy hindi ko maiwasan maisip. Paano kaya kung na-inlove si Danica kay Kenji... may magbabago kaya sa mga nangyari?


Yung mga taong nawala sa buhay namin... nasa tabi kaya namin sila hanggang ngayon?


Napailing na lang ako sa naiisip ko...


Alam kong itong gumugulo sa isip ko ay hindi naman masasagot kahit anong hanap ko ng sagot. Dahil sabi nga nila... 'Happen is happen'


"Where's Daniel? Bakit ikaw yung nandito? akala ko ba hindi niya iiwan yung tabi ko?" sunod sunod niyang tanong sa akin.


"His somewhere. May inasikaso lang siya ngayon pero babalik din siya bukas." paliwanag ko sakaniya at inilalayaan ko siyang mahiga.


Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Mas mahalaga kesa sa akin?" tanong niya.


Umiling ako at marahang hinaplos ang noo niya. At saglit akong napasinghap nang maramdaman kong ang taas taas na naman ng lagnat niya. "Hindi... mas mahalaga ka kaya nga niya ginagawa yun ee."


"Paanong magiging mas mahalaga yun sa akin ee iniwan niya ako dito. Ibig sabihin hindi ako mahalaga." kunot noo niyang tanong.


Ngumiti lang ako sakaniya at tsaka ko siya hinalikan sa noo niya. "You won't understand right now Danica. Magpahinga kana muna."


"I want to see him." mahina niyang sabi. Hindi na ako nagsalita at tsaka kinumutan siya. "Ian... I want to see him, please."


Ngumiti ako at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi "You will...later. Matulog ka muna okay." hindi na siya sumagot at maya maya pa ay narinig ko na ang kaniyang mabagal na panghinga. Pinagmasdan ko muna ang kaniyang mukha at tsaka ako napabuntong hininga at kinuha ang phone ko para i-text si Daniel.


DAN'S POV

HINIHINGAL AKO nang marabalik ako sa Town. Dali dali akong nagpunta sa bahay ni Danica and there I saw her with Ian. "Icah.. you have to eat." mahinahon na sabi ni Ian pero umiling si Danica sakaniya.


"You need this para makainum ka nang gamot."


"You said I'm gonna see him after I take my nap. Pero bakit wala pa din siya?" nakasimangot na tanong ni Danica.


Aakmang magsasalita si Ian nang bigla akong tumikhim. Napatingin sa akin si Danica and I almost held my breath when all of the sudden she smile on me wholeheartly. Lumapit ako sakanila "Ako nang bahala dito, Ian. Salamat." sabi ko.


Hindi siya sumagot at tumango lang sakin; at tsaka lumabas nang bahay ni Danica. Tahimik na pinakain ko siya at alam kong tinitingnan niya bawat pagkilos ko. Huminga ako ng malalim at tsaka ako nakangusong tiningnan siya. "What?"


"Bat ka umalis kanina?" mahinang tanong niya sa akin.


"Kailangan ko lang talagang umalis kanina." marahang hinaplos ko ang kaniyang pisngi "Nandito naman ako diba."


Ngumiti siya sa akin at tsaka tumango. "After nito kailangan mong magpahinga."


Agad na kumunot ang noo niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kani-kanilang. "No." matigas niyang sagot sa akin.


"And why not?" kunot noo kong tanong sakaniya.


Inirapan niya ako "Duh! kagigising ko lang tapos pahinga na naman? May gagawin akong report."


Pinisil ko nang mahina ang kaniyang pisngi at ngumiti "Actually natapos ko na yun kanina bago ako umalis. Wala ka ng gagawin ngayon, Icah." ngumiti ako sakaniya "And besides kailangan mong magpahinga... gabi na kaya"


Ngumuso ito sa akin "Pero hindi ako inaantok." reklamo niya sa akin.


Napabuntong hininga ako at tsaka ako marahang hinaplos ang kaniyang pisngi "Then anong gusto mong gawin?"


She shrug her shoulder before grinning over me "Gusto kong mag joy ride this night."


Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi, but knowing her I know na seryoso siya sa sinabi niya ngayon. I clear my throat then inilapag ko ang bowl na hawak hawak ko kanina. "We can't. May sakit ka."


Sumimangot siya sa akin "Hindi mo ba alam na ito ang mas mabisang gamot sa sakit." kunot noo niyang sabi sa akin.


"Sinong nagsabi?"


"Si Kenji." walang ka-amok amok niyang sagot sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at tsaka siya ngumiti sa akin "Please, Dan."


HINDI KO MAIWASAN hindi mapatingin sakaniya habang nagmamanaho ako. She looks lively and very beautiful habang sumisigaw siya na kung anu-ano. Napatawa ako ng may mga iilang tao na napapatingin sakaniya and some of them ay mukhang namumukhaan siya.


"Hindi ka ba naiilang na pinagtitinginan ka ng ibang tao?" tanong ko.


Narinig ko ang mahina niyang pagtawa "Same kayo ni Kenji ng tanong sa akin. Pero alam mo Daniel ang pinagkaiba niyo lang siya nakangiti habang tinatanong yan sa akin while ikaw... nakasalubong ang mga kilay mo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya "Hindi kita kino-compare sakaniya. Because let's be honest.. mas mabait si Kenji kesa sayo."


"Salamat sa papuri, Danica aa" I said sarcastically.


Natawa siya sa akin "For sure pinagtatawanan ka niya ngayon." natigilan siya sa sinasabi niya at tsaka ngumiti sa akin "How I wish nagawa natin tong tatlo." mahina niyang sabi.


Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang ako sakaniya. Gusto ko din naman magawa ito kasama ni Kenji. Pero gaya nga ng sinasabi ng iba... hindi lahat ng hinihiling mo sa buhay mo nakukuha mo.


Minsan kailangan mong makuntento sa mga bagay bagay na dumadating sa buhay mo, kasi hindi lahat naman ng tao nakukuha ang nakukuha mo.


Nagpunta kami ni Danica sa dating apartment tinutuluyan niya before. Nagpunta kami sa rooftop and there pinagmasdan namin ang kagandahan ng mga bituin. She didn't say anything but the silence between us is not awkward.


Siguro kasi... sa tinagal tagal namin naghiwalay, nagawa na namin i-treasure yung mga ganitong moment na magkatabi kami pero hindi nag-uusap. This moment that I have with her.... I'm contented to the fact that she's near and she's not running away for me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro