CHAPTER 61: Challenge

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Hindi po porket na-edit ko na ang buong libro, hindi po ibig sabihin nun na wala ng error. May mga error pa din pero hindi ganun kadami unlike before. Anyway... thank you for reading this little book of mine. ^_^

KHIEGILSAN

P.S: Hindi ko na po i-eedit ang third book ng librong to. Mas mahaba kasi yun kesa dito. At kung meron man magbabasa nun in the near future at napansin na may ibang nangyari sa mga scene dun. Then, ayun po kasi ang pinaka-orignal yung maraming ERROR.


NICA'S POV


NAALIW NA PINAGMAMASDAN ko ang pagdaksa at pag-alis ng mga tao sa Airport. Hindi ko alam kung bakit ako naaliw; siguro kasi matagal tagal din akong hindi nakagala. And when I say matagal tagal din akong hindi nakagala...


...


Mga three days lang naman akong kinulong ni Daniel sa bahay ko dahil nung nag-joy ride kami. Nilagnat ako ng pagkataas taas.


"Hindi ka ba sasabay sa amin sa pagbalik sa Island?"


Napaangat ako ng tingin at nginitian ko si Coco nang matamis "May tatapusin lang ako then after that susunod na ako sainyo dun. Wag kang mag-alala hindi mo naman masyadong mami-miss ang kagandahan ko." I said truthfully.


Pinaikot niya ang kaniyang mata at ngumuso "Alam mo Danica para kang bagyo." sabi niya.


"Bakit?" kunot noo kong tanong sakaniya.


"Ang lakas kasi ng hangin mo sa katawan."


Napataas ang kilay ko sa sinabi niya "Joke yun? Tatawa na ba ako?" tanong ko.


Sumimangot siya sa akin "Kung joke yun dapat tumatawa kana ngayon." she said before tucking her hair behind her ear. Bumuntong hininga siya "o siya siya... kapag tapos kana sa gagawin mo dito. Come back as soon as possible in Island. Kailangan ng tao sa MMR" she said.


"I will, like what I've said hindi mo naman masyadong mamimiss ang kagandahan ko." Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tsaka ko siya tinulak ng marahan "Umalis kana at nagsasawa na akong kausap ka." biro ko sakaniya.


She playfully rolled her eyes on me before waving her hands on me. Ngumiti lang sa akin si Patrick-nii bago niya sinundan si Coco na nauna nang maglakad.


'The passengers who are boarding the 9 am flight to America please begin preparations to board'


Napatingin ako sa gilid ko at hindi ko maiwasan hindi mapangiti ang naiiritang mukha niya habang kausap ang kakambal niya "Lumayas kana nga dito, Shun." naiinis na sabi ni Daniel.


Ngumisi naman si Shun "Grabe ka naman. Bakit ba lagi mo na lang akong inaapi? Hindi ba ang awkward sa pakiramdaman na inaapi mo yung kakambal mo."


Pinaikot lang ni Daniel ang mata niya. Naglakad ako papalapit sakaniya at nang makita niya ako agad naman siyang ngumiti sa akin. Ngumiti ako sakaniya bago ako nagbaling sa kakambal niya na may kung anong emosyon na dumaan sa mga mata niya. "Be careful..." sabi ko.


Tipid na ngumiti lang sa akin si Ericka at tsaka siya tumango. Kumunot ang noo ko ng biglang hinawakan ni Shun ang dalawang kamay ko then he stare on my eyes "Kung gusto mong iwan si Niel dito at sumama sa akin, handa akong magtanan kasama ka. Alam mo naman na mahal na mahal kita diba?"


Napanganga ako sa sinabi niya at aakmang magsasalita ako ng bigla na lang siyang binatukan ni Niel. And there I realize na nagbibiro lang pala si Shun.. napahagikik ako "Hindi ako sasama sayo, Shun."


Ngumuso naman si Shun sa akin "I hate you, hindi na kita mahal."


"Good.. dahil ako lang dapat ang in love kay Danica, Shun." - Daniel.


Namula ako sa sinabi ni Daniel at mas lalo akong namula nang maramdaman ko ang titig niya sa mukha ko. Hindi ako nagsalita at hindi ko na sila pinakinggan ni Shun... hanggang sa mawala na lang sila sa paningin ko.


"Let's go.." rinig kong sabi niya.


Nakangiting tumango ako sakaniya at tsaka ko inabot ang kamay niya at hinawakan yun. Napansin kong natigilan siya sa ginawa ko pero hindi naman siya nagbigay ng kung anong comment sa ginawa ko. Tahimik kami sa buong byahe, hindi naman ako naiilang na hindi siya nagsasalita.


Siguro kasi... nung maghiwalay kami; lagi kaming ganito.


"Saan nga pala tayo pupunta ngayon, Dan?" takang tanong ko sakaniya.


Hindi kasi ako pamilyar sa dinadaanan namin ngayon. Tumaas ang sulok ng labi niya at saglit akong tiningnan bago niya ibinalik yung tingin niya sa daan "It's a surprise."


Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Surprise?



KUMUNOT ANG NOO KO habang tinitingnan ko ang buong lugar. Isa itong malaking maze at feeling ko kapag pumasok ako sa loob nun hinding hindi na ako makakalabas kahit kelan. Nagtatakang tiningnan ko si Daniel na nakangiting nakatingin sa akin.


"Balak mo ba akong iligaw dito?" kunot noo kong tanong sakaniya.


Ngumisi siya sa akin "Nope." he said emphasizing the word 'P'.


I rolled my eyes to his "Then what are we going to do? Pagmamasdan natin tong maze hanggang sa mamuti na ang magaganda kong mata?"


Natawa siya sa sinabi ko "Silly, of course not. Sa tingin mo ba dadalhin kita dito para lang gawin yun?"


I shrug my shoulder "Malay mo naman, diba?" I said sarcastically.


Bumuntong hininga siya at tsaka niya ako pinakatitigan sa mga mata ko. "There's an urban legend of this place, Danica. Na kapag nagpunta ka sa pinaka-gitna nang maze na ito, makukuha mo yung isang bagay na gustong gusto mo."


Tumaas ang kilay ko "So?"


Bakit ko pa kailangan pumunta dito kung ang gusto ko lang naman ay siya sa buhay ko. Hindi ko na kailangan pang pagurin ang sarili ko dahil nakuha ko naman ang gusto ko. Well not literally... hindi pa naman kasi kami nagkakabalikan ee.


Napabuntong hining si Daniel habang pinagmamasdan ako. "Okay, ganito na lang...since hindi naman kita mapipilit na pumasok jan... Let's have a game.."


"Game?" taas kilay kong tanong sakaniya.


Nakangiting tumango siya sa akin. "Nung mga bata pa kami nila Kenji, madalas kaming mag-race kung papunta sa gitna nang maze na ito. And since you know me... I'll never lose to anyone..."


"So anong gusto mong iparating sa akin. Na ang galing galing mo?" I ask sarcastically.


"Danica Yuuki Perez, alam mo naman na simula't sapul mas magaling ako sayo."


Napanganga ako sa sinabi niya. "Sinungaling ka. Mas magaling kaya ako sayo." nanlilisik ang mga mata kong sabi sakaniya.


Hindi ko pinansin yung nakakairita niyang smug smile habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang pinaplano ni Daniel ngayon pero hindi ako papayag na sabihin niyang mas magaling siya kesa saakin. As in never in a million years...


"So, Satan girl, are you accepting my challenge to you?" he asked me with those annoying smirk of his flashes on his lips.


I rolled my eyes to his.. "There is no way in hell that I won't accept that...


...


...


Challenge, Hell boy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro