Chapter 7- 1 year past

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ryzel's POV

Sabado ngayon. Walang pasok. Bati na kami ni Daniel.

Nandito kaming mag babarkada sa cafeteria. As usual kumakain😪

"Oy Ryzel! Yung librong pinahiram ko sa'yo soli mo na!" Daniela
Libro?
"Anong libro?" Tanong ko
"Mayghad! Vs Darkness!" Daniela
"Ay! Mamaya sa bahay." Ako
"Teka ba't nga ba tayo andito diba dapat na sa bahay tayo?" Ralph
"Ikaw talaga ang tunay na tanga." Shai "Well, training daw ka--"

May mga narinig kaming nag kakagulo sa labas. Si Max?

'Ryz ang mga ninja.'
Bulong ni Max sa isip ko. Oo, si headmaster may gawa nun kanina. In case daw.

Napatayo ako bigla.

"Ryzel?"
"Ang mga ninja. Kailangan natin kumilos. Halika na!"
Tumakbo kami papunta sa gate. Nakita namin nag kakagulo ang mga estudyante. Tumakbo kami at binigyan naman nila kami ng daan. Kami ang lumaban sa mga ninja. Mga sampu lang din sila eh.
Naka laban ko yung isa.
He looks familiar.
Wala akong panahon na gumawa pa ng kung ano-anong ka ek-ekan.
Pinaralyze ko sya through eye-to-eye. Tinapat ko ang isang kamay ko sa kanya na may bola ng yelo.
Gamit ang isang kamay ay tinanggal ko ang mask niya sa mukha and... SHOCKS!!!

Adrian?

Hinatak ako bigla ni Daniel at nilayo sa mga ninja. Tumakbo ang mga ninja at agad nawala.

"Adrian?" Bulong ko sa sarili ko

Nag taka sila. I knew it! Adrian was alive!

"Si Adrian! Buhay si Adrian! Siya yun Daniel! Siya yun guys!" Sabi ko sa harap nila with matching talon-talon XD

Hindi sila nagulat pero... Nalungkot?
"Bakit kayo malungkot? Hindi ba kayo masaya na buhay si Adrian? Kababata natin siya guys!" Ako
"Pero si Adrian..." Daniela
"Ninja na siya Ryzel. Ninja." Daniel
Now I realize.
Adrian, Adrian Matthews.
Parang nang hina ako. Parang babagsak katawan ko na ewan. Masyado kaming close ni Adrian nung bata kami. Bale mag pinsan kami sa side ni mama. And now, he's a devil? How come?

-1 year past-
(Friday)

Alexa's POV

Alexa Drex is my name. 15 years old.

"Gab san ba tayo pupunta?" Tanong ko
"Punta lang, walang tayo." Bulong ni Gab
"Gabriel Dwayne!" Sigaw ko na ikinatawa niya

Naka sakay kami ni Gab sa kabayo niya, wondering kung saan kami pupunta.

"Gab nakakatakot naman dito sa gubat." Bulong ko
Wala siyang response.

Sa di kalayuan may sumabog, ngunit abot kami.
Nag kahiwalay kami ni Gab nang mataranta ang kabayong sinasakyan namin.

"Gab! Gab! Gab! Gab!" Pa ulit-ulit kong sigaw

Haggang sa unti-unting naging madilim lahat.

Ryzel's POV

Nandito kami sa library ngayon. Searching any history book na konektado sa assignment na binigay ni Ms.Andrews.
"Guys may nahanap na ako. Halika na." Saad ni Daniela
Library 'to kaya pinipigulan ni Daniela ang O.A voice niya.

Umupo na kami sa dalawang lamesa, isang lamesa sa girls, isa sa boys. Yung boys kasi kanina pa nakahanap ng libro eh😢

Biglang pumasok si Max at lumapit sa amin.

"Guys, pinapatawag kayo ni headmaster. Halika na kayo." Bulong ni Max sa amin

Hiniram namin sa librarian ang libro at pinayagan naman kami. Dumiretso kami sa Headmasters Office.
Pag pasok namin may kasama si headmaster na tatlong babae. Naka-upo sa isang sofa na bago ni headmaster.
"Ma-upo kayo." Pina-upo kami sa dating sofa ni headmaster "Max, mag stay ka, dito ka tumayo sa tabi ko."
Sinunod siya ni Max.
"Bakit po headmaster? Sino po siya?" Tanong ni Jillian kay headmaster. Well napansin ko rin eh, si Andrea tsaka Gemma may kasamang babae.
"Hmm. Yan din ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag." HM
Bumaling ang tingin naming lahat sa babae. Sa kasama nila Andrea.

"Andrea, Gemma. Sino yang kasama niyo?" Tanong ni Max. Si Max ang close kela Andrea dahil mag ka-klase sila.
"H-Ha? U-Uy. I-Ikaw na su-sumagot." Utal na sabi ni Andrea sabay baling ng tungin sa babaeng... Transferee.
"A-Alexa, Alexa Drex." Sabi nung babae
"Transferee?" Patricia
"Obviously Patricia." Sagot ni HM "Ryzel, sa tingin mo, saang klase natin siya ilalagay?"
"5th floor."
Halata sa mukha nila ang gulat at pag tataka.
"Ryzel?" Max
"Magiging kaklase ka namin Alexa Drex. The highest class." Tugon ko "Para mabantayan ko bawat kilos mo. Transferee."
Nawala naman ang nagtatakang mukha ng mga kasama ko.
"But," Pag tuloy ko kaya parang nag aantay sila ng sasabihin ko. "Mag do-dorm ka pa rin. Dorm number 16. Ka dorm mo sila Andrea at Gemma."

Alexa's POV

Nakaka kaba. Ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan nila. Tapos kaklase pa nila ako. HIGHEST CLASS daw. Emeghed. I kennet.

May binigay silang papel sa akin.

Dorm #16
5th floor
Letter for you/transferee:
'Gamitin lagi ang utak sa lahat ng oras dahil kahit anong mangyari pwede kang mamatay.'
-Ryzel

What?!
Tumingin ako kela Andrea at Gemma. Tumango lang sila. Nabasa din nila eh.

"Okay so, mag pakilala kayo sa kanya." I think his the headmaster "My name is Headmaster Christian Ford. Just call me Headmaster."
"Max Eagle. Alaga ako ni Headmaster."
"Ryzel Phoenix."
"Daniel Falcon."
"Peter Gabriel."
"Patricia Galf."
"Daniela Flinn."
"Lance Eagle."
"Adrianne Christine."
"Shaira Phoenix."
"Ralph Arch."
"Jillian Tala."
"Nice to meet you." Saad ko
"Sige na. Mag si-uwi na kayo." Sabi ni headmaster
Umuwi na kami.

Sa dorm...

"Guys. Bakit parang nagulat kayo sa sinabi na kaklase daw nila ako?"
"Like, duh! Sila ang pinakamalalakas na students. Ang room nila ang tanging room na nasa 5th floor." Sagot ni Gem
"At, ang PINAKA WORST. Makakalaban mo sila tuwing exam." Andrea
Wut!!!
"Kelan ba exam?" Nanginginig kong tanong
"Hmm. First quarter exam? Next next week. Next week kasi, birthday ni Daniel. So, whole week daw sa castle nila." Drea
OoO?
Next next week na exam tapos next week birthday? Pano ako makakapag prepare?

Bakit ba naman kasi ako napad-pad dito? Huhuhu! Normal na tao lang po ako! Naligaw sa gubat, at nagdudusa ngayon! Huhuhu!

Shaira's POV

"Bakit mo nga siya nilagay agad sa klase natin?!" Sigaw ni Daniela

Nandito kami sa bahay nla ngayon. Kumakain. XD

"PARA NGA MALAMAN KO KUNG PAANO SIYA KUMILOS!!!" Ryzel
"Hmm. Shurna besheu." Daniela
Tumayo si Daniel.
"Sige na. Uwi na kami. Sa Monday ah! 2:00pm call time. Sa van na lang na ginagamit natin lagi dalhin natin. Tapos tayo-tayo lang." Sabi ni Daniel. Umuwi na sila pag katapos nun. Kaming anim na girls na lang natira dito.

"Gandahan natin suot bukas." Patricia
"Sige na! Uwi na at mag hanap ng damit!" Daniela

Someone's POV

"Rica, may bagong salta." Adrian
"Anong tingin mo dito? Kulungan? Impyerno lang." Iritadong sagot ni Nico
"Tss. Papasukin mo!" Sigaw ni Rica

Pinapasok ni Adrian ang isang nag pupumiglas na lalaking hawak ni Ivan at Luis.

"Igapos yan!" Nico

Iginapos nila ang lalaki.

"Sino kayo?! Bakit ako nandito?! Anong ginawa niyo sa'kin?!" Tanong ng lalaki
"Ikaw ang sino? May pinag-uusapan kami tapos bigla kang papasok?" Inis kong sabi
"Ikaw ang napadpad dito. Pasalamat ka nga tinulungan ka namin eh." Adrian
"Well, sino ka nga?" Tanong ni bes na tinatawag kong girl
"Ako si Gab." Sagot nung lalaki
"Nice name. But sorry, no time for you. Ivan, Luis, kayo na ang bahala sa kanya." Rica "Wag niyo siyang sasaktan, may pakinabang ba yan."

Agad naman siyang sinunod nina Ivan.

"Ano nang plano?" Bes
"Hmm, may tatanong muna ko. Paano kayo nakalabas? Masyado silang mahigpit, hindi ko alam kung pano niyo nagawang pumunta dito ng walang nakakapansin." Rica "Ang tanong, wala nga ba?"
"Pwede ba!" Sigaw ko na ikinagulat nila "Mas may kailangan tayong dapat pag-usapan!"
"Okay." Pang-iinis ni Adrian
"So..."
"Kasama na namin siya. Kailangan natin siyang makuha sa lalong madaling panahon. Lalo na't alam ko, pino-protektahan siya nila Ryzel." Bes
"Madali lang pala eh!" Sabi ni Rica sabay tawa. Sumunod ding tumawa si Nico.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko
"You what I mean. Darling..."
------------
Classroom officers:
President: Patricia Galf
Vice President: Adrianne Christine
Secretary: Ryzel Phoenix
Treasurer: Daniel Falcon
Peace Officer: Peter Gabrielle
Muse: Daniela Flinn
Escort: Lance Eagle
------------
•Chapter 7•
End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro