Chapter 8-Birthday

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Monday

Ryzel's POV

Krrriiiinnggg...

7:00. Nag alarm ang orasan ko. Tanghali na pala.

"Ano ba yan Ryzel! Ang aga mangbulabog ng orasan mo! Alas-tres pa lang yata eh!" Sigaw ni Daniela

Nakatulog sila sa kwarto ko. Nag kwentuhan pa kasi kami tungkol sa mga unforgettable experiences. Kaya ayan!

"Baliw! Mag sigising na kayo. Alas-syete na!" Patricia

Napabangon pa si Daniela sa pag kakahiga sa king-sized-bed ko.

"What! Omy ghad! Maliligo na ko! Sumunod na kayo! Kailangan natin mag prepare sa birthday ni papa Daniel!" Sigaw ni Daniela sabay labas ng kwarto ko at pumasok sa kwarto niya
"Haha! Sige na Ryzel, ligo na rin ako. Ligo ka na rin." Sabi ni Patricia sa akin sabay punta sa kwarto niya.

Gaya ng sabi niya. Naligo na rin ako.

Lance's POV

Birthday ngayon ni fafa Daniel!

Bumaba na ako para mag almusal. Nakita ko si Ralph at Peter. Naka-upo sa may hapag kainan. Tingin ko ako na lang ang kulang.
Umupo na ako at nag simula ng kumain.

"Hoy. Asan si bertdey boi?" Tanong ko
"Andoon na sa school. Inaayos na yung mga sasakyan." Ralph
"Ang daya naman ni fafa!" Sigaw ko tsaka ng pout
"Fafa? Tingin mo matutuwa si Daniela pag narinig yang pinag sasasabi mo?" Peter
"Tinatawag niya rin namang fafa si Daniel eh!" Ako
"Fafa na yun ni Ryzel. Mang-aagaw kayo!" Ralph
"Ang sabihin mo. Gusto mo ikaw lang ang FAFA ni Shaira." Pang-iinis ni Peter kay Ralph
Sinamaan siya ng tingin ni Ralph. At sa isang iglap...
May hawak ng pana si Ralph na nakatutok kay Peter.
"Chill lang pre. Di ka mabiro." Sabi ni Peter at nag patuloy sa pagkain
Si Ralph naman seryoso ang mukha.

"Hep! Brad! Kain na! Masamang makapatay." Saway ko
Padabog niyang binitawan ang pana niya at padabog na umupo.

Alexa's POV

Nandito na kaming lahat sa school. Hanggang cafeteria lang ang bukas
"Ano pa bang inaantay?" Padabog na tanong ni Gemma tsaka umupo sa isang bench
"Malay ko!" Sigaw ni Drea at naki upo sa bench

Nandito kami sa may gate. Nag-aantay.

"Chilax guys. Sa pagkaka-alam ko si Headmaster at Max daw may meeting pa kaya baka three or quarter tayo maka-alis." Ako
"Eh anong oras ba start ng party?" Tanong sa'kin ni Gem
"Malay ko! Transferee lang ako ba't mo sa'kin to tinatanong?" Iriatang tanong ko
"Eh kasi yun na nga. Transferee ka pa nga lang, nasagap mo na ang balita kung bakit mamaya pa tayo makaka-alis." Drea
"Narinig ko lang."
"Chismosa!" Gem
"Hindi nga!"

Ryzel's POV

"Baby Patricia!" Pang-aasar ni Peter kay Patricia
"Tigilan niyo nga ako!" Inis na sigaw ni Patricia

Nga pala. Na sa van na kami. On the way to Falcon's Castle. Quarter to three na kami naka-alis dahil may naging problema. And tungkol naman kay Patricia, suot niya kasi jeans na mala-rainbow ang kulay. Hahaha!

"Eh bakit ba naman kasi yan sinuot mo?" Tanong ni Lance kay Patricia sabay tawa
"Eh pano minamadali ako ng dalawang bruhang yan kaya iba nasuot ko!" Sagot ni Patricia sabay pout

Biglang nabalin ang tingin ni Patricia sa amin ni Daniel na nasa likod lang.

"Oh! Daniel! Bakit hindi ka nakikitawa? Birthday na birthday eh!" Puna ni Daniela. Pansin ko nga rin.
"Eh pano ni isang regalo wala kayong dala."
...
Sabay-sabay kaming natawa. Except kay bebe boy ko.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Tinulak ako ni Daniel dahilan para masubsob ako pero tawa pa rin ako ng tawa.
"Hala sige mamatay kayo kakatawa." Sabi ni Daniel with his cold voice. Epwaiai. Hindi po ako natatakot. HAHAHAHAHA!
"Huy Ryzel! Ikaw na lang tumatawa!" Saway ni Jillian
"Ma-ingay Ryzel. Baka magising yung love birds na natutulog nag ngangalang Shaira at Ralph." AC

Umupo ako at tumabi kay bebe boy.

"Sorry. HAHAHAHAHA! Di HAHAHAHAHA!!! N--"
"Siguraduhin mo lang." Cold bebe boy

Ngumiti ako .

"Shurna pu." Sabi ko sabay akap
"Back to reality. Upo na guys." Sabi ni Patricia sabay upo
"Andito na po tayo sa gate ng palasyo!" Sabi ni kuyang drayber
"Excited to see my parents again?" Bulong ni Daniel at nag tama ang tingin namin
"Maybe. And excited na kong matulog sa castle niyo." Sabi ko at mahinang natawa
"By the way. Hindi tayo sa dorm matutulog. Tayong sampu may kwarto sa palasyo, 6th floor (pag katapos ng 6th floor roof top) tigi-tigisa. Ang iba naman sa dorm beside the castle."
"Bakit naman?"
"Hmm. Birthday ko kaya pinag bigyan nila ako."
"Magaling." Sabi ko at mahinang pumalakpak "Anong oras nga pala simula ng party?"
"Hmm. Ang alam ko, five sakto."
"Okay."
-------
Nandito na sa castle lahat. Sayawan, kainan ang naging buhay dito. Haha! Ganito kasimple mag birthday si bebe boy☺️

"AC, cat lover ka ba?" Tanong ni Daniela
"Hmm. Oo. Namatay lang yung pusa ko dati kaya di ako nag-alaga." AC
"Wait. Correction. Imaginary cat." Peter
"Shut up little boy!" Galit na sigaw ni AC

Alexa's POV

"Huy. Anong dorm number daw?" Tanong ni Gem
"Geez! Room 501. Ano beh tanga na?" Drea
Nandito kami sa ground floor ng dorm.
"Saan ba yun?"
"Halika mag tanong tayo." Suhestyon ko at nag tanong sa janitor
"Kuya, anong floor po ang room 501?"
"Hindi ko alam iha. Bago lang ako dito. Akyat na lang kayo, may mga staff din naman na nag babantay sa bawat floor." Kuyang janitor
"Salamat po."
"Saan daw?" Drea
"Mag tanong na lang tayo." Ako
"Or mag ta-tyaga tayong hanapin ang room 501 sa napakalaking lugar na 'to." Gem
"Kung gusto mo ikaw na lang."

-----------

"Saan ba yung room na yun?" Tanong ni Gem na lumilingon-lingon sa paligid
"Naka-ilang tanong na tayo kung san-san naman tayo tinturo." Drea
"Anong oras na ba?" Tanong ko
In-on naman ni Gem ang cellphone niya at tiningnan ang oras.
"8:58 mga beseu." Gem

(A/n: Pwede na cp😉)

"Ang sakit na ng paa ko oh! Ilang hallway na mahahaba na din dinaan natin!" Reklamo ko
"Hay! No choice tayo. Babalik tayo sa palasyo at pupunta sa kwarto ni Max tsaka mag pasama." Drea
"Magpapatulong ba talaga tayo o gusto mo lang talaga siyang puntahan?" Pang-aasar ni Gem
"Oo nga! Tsaka mas malayo eh." Ako
"Tsk. Sabi ko nga diba. NO CHOICE. As in N.O. C.H.O.I.C.E. Kasi pag nag patulong tayo mas mapapadali nating mahahanap ang dorm dahil kabisado niya 'to." Drea "Hindi lang kayo ang pagod, so tatakbuhin na lang natin."
Tumakbo si Drea. Sinundan naman siya ni Gem.

Hay! Mga bruha!
Sinundan ko din sila.

"Teka! Alam niyo ba palabas. Mag lakad na lang kaya tayo. Bawas pagod tsaka mas malalaman natin kung saan tayo dumaan kanina." Suggestion ko
Parang natauhan naman sila at tumigil katatakbo.

--------

Nakarating kami kung saan ang kwarto ni Max.

"Max! Buksan mo na kasi 'tong pinto." Drea
Padabog na binuksan ito ni Max.
"Bakit?"
"Kailangan namin ang tulong mo." Gem
Tumaas ang kilay ni Max.
"Samahan mo kaming hanapin ang dorm namin." Drea
Napatigil si Max at...
Natawa? Bakit?
"Dorm ano ba?" Max
"501."
"Tss. Sakay kayo elevator. Pinakataas na floor. Tapos kumaliwa kayo. Pinaka dulo. 501." Max

Elevator?

"May elevator ba dun?" Ako
"Tanong niyo na lang sa mga janitor." Max
"Wala ng staff nung lumabas kami." Gem
"Tsk. Basta sa pinaka dulo ng  building."
"Sala---" Hindi natuloy ni Drea ang sasabihin niya ng saraduhan siya ni Max
"Tara na."
-------
"Okay lang yan Drea. Alam mo namang kahit kailan hindi ka papansinin ni Max." Pang-aasar ni Gem
"Tss. OO NA!" Sigaw ni Drea at humiga sabay talukbong ng kumot

Nag katinginan kami ni Gem at sabay nag kibit-balikat.

Ryzel's POV

Andito ako sa kwarto ngayon. Nag babasa. Yung Vs Darkness na pinahiram ni Daniela. Di pa ako makatulog eh.

"Sst."

May sumitsit.

"Sino yan?"
"Sst."

Tumingin ako sa bintana na nasa gilid ko kung saan galing ang sitsit.

"Daniel naman!"
Si Daniel nasa bintana. Lumilipad.
"Haha! Nakakatawa kang tingnan."
"Edi wow."
"Well. Bakit nakapatay ang ilaw habang nagbabasa? Masama yan."
"May liwanag naman yung buwan eh. Humarang ka lang."
"Ah! So kasalanan ko pa?"
"Oo."
"Tss. Matulog ka na. Babantayan kita."
"Hindi na ako bata. Ma-una ka na."
"Tsk. Sige. Una na ako. Goodnight."
"Goodnight din."

Umalis na si Daniel. Napabunting hininga na lang ako bago humiga.

Goodnight world!

Zzzzz......

----------

Yung nasa multimedia yung suot ng mga girls.

----------
•Chapter 8•

End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro