Chapter 53

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 53: New Leader

That's I think the best decision I've ever made since I turned into a vampire— giving in to Brixton Wenz Cardinal. He managed to eradicate all my doubts and fear in just a single night. Now that I think of it, I couldn't help but to smile.

Tumabi sa 'kin si Abel at sumandal sa bench habang ako naman ay pinanatili ang tingin sa mga magsasaka na walang tigil sa pag-ani ng mga pananim.

"How was your stay here?" he asked.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at bumuntonghininga.

"What can I say?" I chuckled, shaking my head. Inayos ko sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok kong kumawala. "Gusto ko pa ngang magtagal pa."

Sa kabilang dako ay nagkulay kahel ang kalangitan dulot ng palubog na araw. Habang tumatagal ako rito sa labas ay ramdam kong palakas nang palakas ang hangin.

"You can always come back here, Astra."

Napalingon ako sa kanya. "Are you giving me a free pass since you are the son of the leader?"

Ngumiti ito bago natawa. "Sige lang. Pero... gano'n naman talaga kami rito. Bukas kami sa lahat ng nangangailangan. You know? Those insurgents... we could have provided them food if they only approached us in a good way."

Sandali akong napatitig sa kanya. "You will be a good leader just like your father, Abel."

Lumingon siya sa akin. "Oh. Thank you for saying that. It means so much to me."

Muli na lang ako tumingin sa kalangitan. Unti-unti na ring nagpapaalam ang liwanag. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Bukas din ay lilisanin ko na ang lugar na ito.

"Seryoso, Astra. Kung gusto mong bumalik ay huwag kang mag-alinlangan. When that time comes, I will give you a more comfortable place. A cozy room. Better foods. You and Sev."

"Uhm. Any place as long as here..." I responded, letting out a weighty sigh. "I am good with that."

"Ano'ng oras ka aalis bukas?" tanong niya.

I feel sad again that he mentioned that. "Bago sumikat ang araw..."

"Oh." Ramdam kong lumumbay ang boses niya. "Mukhang hindi na kita makikita pagkatapos nito. So..." He stood up and offered his right hand to me. "Thank you for coming in Esparago Clan..."

Ngumiti ako bago tumayo. Inabot ko ang kanyang kamay. "Thank you for letting us stay without asking for anything in return, Abel. I will surely miss this place."

"No worries. Can I get a hug?" he requested.

Binitiwan ko ang kanyang kamay para yakapin siya. "It's nice to meet you, Abel..."

He hugged me back. "You are the best visitor I've ever had. Please come back..."

Matapos no'n ay nagpaalam na ako babalik sa tinutuluyan ko. Naabutan ko si Brix na naglalakad. He was wearing a sweat pants paired with his favorite white t-shirt. I really think it's not Brixton if he's not wearing that familiar plain white shirt. Basa pa ang buhok nito. Nakayuko siya habang naglalakad.

I stopped walking. Huminto rin ito. Umangat ang tingin nito sa akin. Ang seryosong mukha nito ay biglang ngumiti. Just like that, I feel like melting. That smile suits him perfectly.

"Hey..." he said. "I've been looking for you around."

I smiled. "Na-miss mo ako agad? Hindi ba kasama mo ako magdamag?"

Ngumuso ito. "What about it?"

I closed the distance between us as I wrapped my arms around his waist. Tiningala ko siya at sinabayan ang kanyang tingin. "Susunod ka rin naman agad sa akin, hindi ba?"

Rumagasa ang kanyang mga kamay sa bewang ko. "For sure. Mauuna ka lang ng sandali. Ihahatid naman kita sa bungad. It's just I need to do something else."

I gave him a peck on the lips. "After The Unus. Can we go back here?"

"Wherever you go, Miladay. I will surely be there, too."

We shared the whole night together again. Halos ilang oras lang ang tulog ko pero walang pagsisisi. Kahit na ilang araw ko lang siyang hindi makikita ay nalulungkot na ako agad.

Mabilis na lumipas ang mga oras.

My chest tightened as I faced the Esparago Clan one last time. Madaling araw na. Nakahanda na kami ni Brix na umalis. Tanging mga kawal pa lang ang gising.

Naramdaman kong niyakap ako ni Brix sa likod. "Let's go..." he whispered in my ear.

Huminga ako nang malalim. Naunang sumakay kay Servena si Brix bago ako inalalayan. Yumakap ako sa kanya at pinahinga ang ulo sa kanyang likod.

"Please don't exhaust yourself," I heard him say.

"It's sad, Brix. You know?" I whispered. "Hindi na tayo pwedeng maging ganito sa Mansion."

"We can still be—"

"No," I immediately cut him off. "I want us to be a secret. Just like you, I want to protect this, too. Pero pwede naman tayong magkita ng patago para sa ganito."

Naramdaman ko ang mabigat niyang hininga dahil nakayakap ako sa kanya. "Someday, you won't be a secret anymore. One day... the world will be aware that when they mess with you, they mess with me, too..."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Please, be safe..."

"You, too..."

Gaya ng napag-usapan ay hinatid ako ni Brix sa dulo ng gubat kung saan ligtas na. Binigay niya sa akin si Servena para magamit ko. Nanginig ang mga kamay kong may hawak sa lubid.

"See you again soon, Milady..." Brix said.

Yumuko ako para gawaran siya ng halik sa labi. "See you, Master Brix."

Hinataw na niya ang kabayo kaya wala na rin akong nagawa. Nilingon ko pa si Brix na kumakaway. Nang makalayo ako ay bumigat na naman ang paghinga ko.

This is it.

Dumiretso ako sa Mansion. Nanibago rin ako agad sa mga magarang sasakyan na nakaparada sa bungad. Mukhang unti-unti na ring dumadating ang mga kasama sa Unus.

Dinala ko si Servena sa pwesto niya at tinali siya roon. I caressed her head. "Great job, Servena..."

Napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Ang naabutan ko ay si Lady Feera, ang bagong alipin ni Oscar, na kausap ang isang kasambahay na si Lady Ersa. Mukhang nagtatalo ang dalawa.

Ipagsasawalang-kibo ko na lang sana kung hindi ko lang narinig na humikbi si Lady Ersa. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang lapitan sila.

"What happened?" I asked.

Nakayuko lang si Lady Ersa.

Ngumiti sa akin si Lady Feera. "Nothing, Lady Astra. Medyo may katamaran kasi ang mga kasambahay rito."

I furrowed my brows. "Then, do the job instead," I said. Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "We don't live in here for them to serve us, Lady Feera. They don't serve slaves like us."

Her lips slightly parted. Gusto niyang dumipensa pero natikom din ang labi niya nung dumating si Oscar.

"Master Oscar..." Lady Feera bowed her head.

"Hey, Astra," Oscar greeted me, ignoring Lady Feera. Hinarap niya ako bago tumikhim. "I'm glad you are back. Hindi man lang kita nakita bago umalis. How's the mission?"

"Good," tipid kong sagot. Sinulyapan ko si Lady Feera na nakatingin lang sa amin ni Oscar. "Sorry, Master Oscar. Kailangan ko munang pumasok sa kwarto."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Umakyat na rin ako sa aking silid. Pabagsak na umupo ako sa kama at inalis sa likod ko ang bag ko. Napabungtonghininga ako.

I'm back!

Humiga ako sa kama. Damn. Miss ko na agad ang malamig na simoy ng hangin sa Esparago Clan. Hindi sinasadyang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Ginang Melendez.

Napabangon ako. The Unus. I know there's something strange about this celebration. I have no time to rest anymore. Bukas din ay darating na ang mga leader ng iba't ibang clan.

Nagpalit ako ng damit at nagmadaling lumabas. Gumulat sa akin si Oscar na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Mukhang kanina pa ito sa labas. Bakas ang pagkataranta sa kanya.

"Pwede ko bang makita ang ginawang preparation ni Resty?" tanong ko.

"S-sure!" Ngumiti ito sa akin. "Yeah. Of course, Let's go? Medyo malayo rito ang lugar kaya gagamitin natin uli si Armando." Halatang tuwang-tuwa ito.

Gaya ng sinabi niya ay ginamit namin si Armando. Nakayakap ako sa likod niya pero hindi mahigpit. Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga sinabi ni Callum. What did he do?

We went to the East Wing of the Mansion. For a moment, I thought I was in Esparago Clan again. Halos gawa sa kahoy ang mga bahay pero may kalakihan. Pansin ko rin na masyadong mahigpit ang seguridad dito.

"Where's Resty?" I asked.

"Battle Arena," Oscar answered. "He's preparing the Junior Squads for the battle show to entertain the leaders. It's all set now. Hinihimay na lang ni Resty ang mga detalye para hindi pumalpak."

Napatango ako. Nakaramdam ako ng konsensya. Iniwan ko siya sa gitna ng preparation.

Pinuntahan namin ang sinasabing battle arena ni Oscar. It's an open area. May kalakihan din ito kaya mas malayang makakakilos ang mga kalahok.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Resty na may kausap na taltong lalaki. Medyo maalikabok dahil may kanya-kanyang preparation ang mga kalahok.

Nung makababa ako sa kabayo ay nilapitan ko rin agad si Resty. I was expecting him to scold me for leaving all the things to him but instead, he smiled at me.

"Astra!" Magiliw na sinalubong niya ako. "You see? This is your idea!" He motioned his hand around the arena.

I winced. "Hey. Sorry sa biglaan kong—"

"It's fine!" Inakbayan niya ako bago kinuha ang atensyon ng mga kalahok sa kumpetisyon. Natanaw ko rin ang kambal na sina Evan at Ethan. "Hey guys! This is Lady Astra, the brain behind this awesome idea. Please give her a warm of applause."

I felt awkward when they all clapped for me.

"Stop..." bulong ko kay Resty. "No need for this."

"She will be my partner for the rest of celebration for Unus," he even announced. "If you need something or if you have a request, please approach her too but with respect."

Hindi na lang ako nagsalita.

"She's a cheater." Napatingin kami kay Evan na nagsalita. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa akin.

"We lost to her," said Ethan.

Nakarinig kami ng mga bulungan sa paligid. Mukhang hindi sila makapaniwala na natalo ang kambal na ito.

Hinila ko na lang si Resty palayo roon. Nilagpasan namin si Oscar. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya. Hanggat hindi ko alam kung ano ang ginawa niya ay hindi ako mapakali.

I really think that he's one of the biggest factors to solve the missing puzzle.

Dinala ko si Resty sa mas tahimik na lugar.

"What? May problema ba?" tanong niya.

Hinarap ko siya. "Brix knew..."

Natigilan ito. "W-what?"

"He knew that you were there when Eskelle helped him," I clarified. I could clearly see how horrified Resty with that. "You, Erikson and Braun. He knew it all along."

His fists balled up. "Why are you saying this then? Para maiyak ako na hindi niya ako sinaktan kahit na alam niya? I'm sorry, Astra. Hindi mangyayari 'yan."

"Why did you do that?" tanong ko.

Sandali itong natigilan. Halata ang pag-aalangan sa kanyang sagutin ang tanong ko.

"He was always the talk of the town, well until now..." Makahulugan niyang sambit. Tipid itong ngumiti. "Everyone was envious of the attention he was getting effortlessly."

Tumitig ako sa kanyang mga mata pero umiwas naman ito. "W-what about you, Resty? Why did you do that? Why did you betray your leader?"

Binalikan niya ang tingin ko pero sa pagkakataong ito ay ramdam ko na ang galit doon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero kitang-kita ko ang pagkasuklam sa kanyang mga mata.

"Ito lang ba ang sadya mo?" malamig niyang tanong. "Are you seeing me as the villain in this story, Astra?"

Umiling ako. "I-I just want to know your motive—"

"I need to go now."

Tumalikod na ito pero may sinabi akong nagpatigil sa kanya. "You were never jealous of the attention he has been receiving or with the ability he possesses. Am I right, Mr. Escariaga?'

"I am not that kind of man, Astra..." Yumuko ito.

"Then, why, Resty? Why did you do that?" I feel the frustration now.

Napabuntonghininga ako nang hindi niya ako sinagot. Iniwan niya akong puno pa rin ng katanungan. Gano'n pa man ay may napagtanto ako kahit na sa ilang sandali ko siyang nakausap. May mas malalim siyang dahilan kaya niya nagawa 'yon.

"I see..." Napatingin ako sa nagsalita. Si Oscar na mukhang kanina pa nakikinig sa amin. "You are starting to gather information."

I sniffed. "I just find it disgusting how Brix was mistreated in a place he sees as home."

Ngumiti ito sa akin. "You are already disgusted with those pieces of information. Paano pa kaya kapag nalaman mo na nang buo?" Naglakad ito palapit sa akin. "This is the time to be silent, Astra. Kung walang nagawa si Brix, ano sa tingin mo ang magagawa mo?"

"To clear his name..." madiin kong sambit. "I want the world to know how you turned him into a disgusting killer. G-gusto kong..." Parang may bumara sa lalamunan ko. "Gusto kong malaman ng lahat na kung may dapat man silang katakutan... hindi si Brix 'yon."

Aalis na sana ako nang hawakan ni Oscar ang braso ko. Napasinghap ako nang siilin niya ako ng halik sa labi. Panandaliang nablangko ang utak ko bago ko siya nagawang itulak.

I slapped him hard on his face. Saka na rin ako tumalikod.

"I-I'm sorry..." he whispered.

Halos mabura ang labi ko sa tindi ng pagpunas na ginagawa ko. Is he out of his mind? Why would he do that? Kung sa tingin niya ay may epekto sa akin ang ginawa niya, nagkakamali siya. Mas tumindi lang ang kagustuhan kong malaman kung ano ang tinatago niya.

Fuck!

Nakakita ako ng bench sa ilalim ng puno at umupo ako roon. Tinaas ko ang mga tuhod ko at saka niyakap ito. Damn. Why do I feel exhausted all of a sudden?

No. Hindi dapat ako magpatalo. I need to do something. Gusto kong baguhin kung ano ang nakita ni Ginang Melendez. Gusto kong malinawan sa mga pangyayari.

I don't want to end this tragically.

"Tama nga sila. Nakabalik ka na..." Naramdaman kong tumabi sa akin si Erikson. "Magpahinga ka muna. You look tired. Mas marami pang mangyayari bukas."

"I-I don't know, Erikson..." Suminghap ako nang manikip ang dibdib ko.

"It was one of the biggest mistakes I still regret until now..." I heard him say. "Kinain ako ng galit noon. Wala akong mapagbuntongan ng galit kaya kay Brix ko ito nabuhos."

Pinanatili ko ang pagkakayuko ng ulo sa mga tuhod habang nakikinig sa kanya.

"Melanie... one of our members and my girlfriend," kwento niya kung saan ramdam na ramdam ko ang lumbay ng tinig niya. "Alam kong sinagot niya lang ako para hindi kami makahalatang may gusto siya kay Brix. She didn't want to embarrass herself. Alam kong sa una pa lang ay si Brix na ang gusto niya."

Bumuntonghininga ito bago nagpatuloy.

"Hanggang sa isang araw ay nagkaroon kami ng mission. Isang delikadong mission. Halos kami ay muntik nang mapahamak. Kung wala lang si Brix ay malamang na namatay na kami roon. H-he saved us one by one..." Pumiyok ang kanyang boses. "He managed to save us all except Melanie..."

Doon ko na inangat ang ulo ko. Naabutan kong nakatingin sa malayo si Erikson. Nakangiti ito na tila inaalala ang araw na 'yon.

He looked at me, teary-eyed. "I was enraged with myself. Kung hindi lang ako mahina ay nailigtas ko sana siya. Sa sobrang galit ko ay si Brix ang sinisi ko—"

"It's fine now..." I cut him off already. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "At least alam mo na ngayon na mali ang ginawa mo. Brix would be happy to hear that."

Narinig kong humikbi ito. "Simula no'n ay ipinangako kong hindi ako aalis sa tabi ni Brix kahit na anong mangyari. Nang sa gano'n man lang ay makabawi ako. But I don't think it will ever be enough..."

"It is..." I whispered. "He knew it all along, Erikson."

Mas tumindi ang panginginig ng katawan ni Erikson. "K-kaya nung dumating ka at nakita ko kung paano ka pahalagahan ni Brix, nangako akong poprotektahan kita para sa kanya. I don't want him to lose you."

Napangiti ako. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalaman. At least ngayon ay panatag na ako kay Erikson. Maling-mali ang ginawa niya pero ang mahalaga ay nagsisisi na siya.

Sinamahan ko si Erikson hanggang sa tumahan siya.

"Sorry..." Natawa ito. "Nag-drama tuloy ako."

Tumawa rin ako. "Okay lang. Sira. At least nasabi mo na rin 'yan. It's okay now..."

"Oo nga pala..." Sumeryoso ang boses niya. "Have you heard the news?"

"What?"

"Phoenix Clan will join The Unus," he said.

I nodded. "Nasabi na sa akin ni Resty."

"Hindi na si Lord Morales ang leader ng Phoenix Clan," aniya na ikinatigil ko. "Narinig ko lang itong pinag-uusapan nina Resty at Lord Severo."

"What's wrong with that? Masama ba 'yon"

"That's alarming, Astra..." aniya sa makahulugang tinig. "Hindi ko alam kung ano ang plano nila. Pero... kilalang-kilala ng Nightfall Clan ang pumalit na leader."

"Wait. Why?"

"She was once a member of us..." aniya habang nakatitig sa mga mata ko. "One of the greatest members of Nightfall Clan. But now... she's the new leader of Phoenix Clan."

"S-sino?"

"Lady Grenda. The mother of Cardinals."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro