Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Umaga pa lang, napagutusan na ako. Ilagay ko raw 'tong munting kahon na 'to sa loob ng locker ni Sunny sabi ng manliligaw niya. Pa-secret admirer pa kuno. And yup, si Hyunjin nag-utos.

Madali ko lang itong nalagay. Hindi kasi de-susi ang padlock niya at alam ko yung password kaya natapos ako agad sa tila ba suicide na gawain ko. Wala na ba talagang pag-asa? Magmu-move on na ba ako? Kaso may ibang gustong si Sunny? So may pag-asa pa? I sighed in frustration.

Matapos kong ibalik sa pagkaka-lock ang padlock, umalis na ako. Sa pinto ng locker's room nakaharang ang tatlong bubwit a.k.a. Cherry, Yoona and Ayen dahilan para mapatigil ako.

"Oh? Did you see that?" tila gulat na sabi ni Yoona

"Seems like hindi talaga si Nami ang kaagaw mo Cherry." segunda ni Ayen "Akala ko kung anong pinaguusapan nila ni Hyunjin kanina. Kala ko para sakanya yung regalo ni Hyunjin. Kala ko may something sila."

Sana nga meron.

"May something naman talaga. Something na gagawin nila kay Sunny. Panliligaw perhaps?" Yoona "Sabi ko naman sainyo mabait si Nami."

"Nililigawan ba ni Hyunjin si Sunny?" napairap ang dalawa sa tanong ni Cherry

"Di pa ba obvious?" Ayen

"Shut up. Hindi kita kausap." Cherry "So, tulay ka nila?" tanong niya sakin

"Obvious naman diba?" sabi ko

Naningkit ang mga nila Cherry.

"Excuse me," biglang pumasok si Sunny

Nako, baka awayin siya ng mga 'to.

"Anong ginagawa niyo?" tanong niya sa mga ito at bumaling ang tingin sa akin "Inaaway ka ba ng mga 'to?"

Nakita kong ang sama na ng tingin ni Cherry sakanya na tila ba lalapa ng tao "A-eh, hindi. Lika na." at hinatak na siya palabas

Palabas na kami nang hatakin ako ni Yoona palayo kay Sunny "No bessy, you'll go with me." at tuluyan akong nilayo kay Sunny

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Sunny at binigyan ako ng pinagpalit-mo-na-ba-ako-sakanya look.

Nakakalayo na kami nang lumingon ako pabalik. Nakita kong tila ba pinagtutulungan nina Ayen at Cherry si Sunny.

"Yoona, bitawan mo ako." ngunit sadyang malakas siya at sa bawat pagpupumiglas ko ay bumabaon lang ang kuko niya

Tumigil na kami sa paglalakad nang malapit na kami sa classroom namin. Nakahawak pa rin siya sa akin at hinarap ako.

"Hindi ka ba masaya dahil hindi na mainit yung ulo ni Cherry sayo?" tanong niya

"Yung kaibigan ko naman pinagiinitan niya ng ulo." sagot ko

"Kaya ni Sunny ang sarili niya. Tsaka may alam akong sikreto mo na pag nalaman ni Sunny, ikaw ulit pagiinitan niya ng ulo. Don't worry, di ko naman sasabihin. Alam mo naman yung kapalit." sabi niya

"Sikreto ko?" tanong ko

Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong "May gusto ka kay Hyunjin."

"Akala ko alam niyo. Eh bakit niyo ako pinagiinitan ng ulo?" ako

"Alam mo, si Cherry memabintangan lang. Dahil ikaw lang daw ang babae sa barkada nila, kaya inakala niya ikaw. Tingnan mo ngayon, nakita lang si Cherry biglang nalipat yung galit niya sayo kay Cherry." siya 

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sakanya "Paano mo nalaman?"

Ngumiti siya "Halata namang nasasaktan ka kanina nung tinutulungan mo siya sa panliligaw niya kay Sunny eh."

Nakita kong lumabas si Jeongin ng room na agad lumapit sa amin.

"Sige besh! See yah later!" kumaway pa si Yoona na naglakad paalis at naiwan kami ni Jeongin

"Hindi ka ba inaaway nun?" tanong niya

"Ewan ko?" hindi ako sigurado. Alam ko namang ginagamit lang nila ako para gumawa ng mga project nila lalo na't dagsa na ng projects ngayon. Tsaka isa pa, may alam si Yoona. Blackmail. "Samahan mo nga ako."

"May 10 minutes pa naman bago mag-flag ceremony, sige. Saan ba?" tanong niya

Sumunod naman si Jeongin saakin. Habang naglalakad ay ine-explain ko ang nangyari kanina na baka pinagtutulungan na nila si Sunny.

Nagsalubong namin sina Ayen at Cherry na ang sama ng tingin. OA na kung OA pero ang naisip ko agad ay baka binugbog o nawalan na ng malay si Sunny kaya iniwan nila ito kaya binilisan namin ang paglalakad. Napatigil na ako gayundin si Jeongin. Mula sa kinatatayuan namin, tanaw ko ang pintuan ng locker's room kung saan magkaharap sina Sunny at Hyunjin na ang lapad ng ngiti.

Hinarang ni Jeongin ang kamay niya sa mata kaya napatingin ako sakanya at ngumiti ng malungkot.








Nakatulala ako buong first period. Kung hindi pa ako kinalabit ni Jeongin at sinabing recess na ay hindi ako matatauhan.

Nakarating na kami sa canteen at agad na sinaluhan sila. Narito na silang lahat kasama si Sunny na katabi si Hyunjin.

"Bibili lang ako." paalam ko

"Ako rin." sabi ni Jeongin at sumabay na sa akin

Nang makalayo na kami at tinanong niya ako, "May problema ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at naiiyak na tumingin sakanya.

"Oy! Oy! Wag ka ngang umiyak! Baka sabihin pinaiyak pa kita." natataranta niyang sabi

Pilit kong pinipigilan yung luha ko pero hindi talaga kaya kaya hinatak ko siya at tumakbo palabas ng canteen. Naghanap ako ng hindi mataong lugar at saka sinabi na nililigawan nga si Sunny ni Hyunjin.










===================================

Lame ud? ><

Natawa ako sa tatlong bubwit kekekeke~ Sino sa tingin niyo pwedeng imaginary character natin sakanila? Lemme know in the comments hihi~

Anyways, napanaginipan ko si Hyunjin. Kuya ko raw siya😱😱😱😱😂Skl~ Eyyy bday niya na kasi bukas😂 Pero bakit kuya?😭😭😭 Mananaginip na lang ako, lubusin ko na. Boypren na😭😭😭 Kaso may rule na don't sexualize the minors so yeah~😂

03-19-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro