Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Weekends na. Tapos na ako sa mga project ko at sa mga pinagawa ni Cherry. Siyempre di ko ginandahan. Grades ko ba 'to? Sana naman pag nagawa ko 'tong pinapagawa nila tantanan na rin nila ako.

Bumaba na ako para makapag-miryenda. Nakita ko sa sala sina kuya at Jisung. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Nandun sila Jeongin at Felix na kumakain ng cake at inalok pa ako. Asan kaya si Hyunjin?

"Wow. Sino may birthday? Bakit may pa-cake?" tanong ko at kumuha ng platito't tinidor para makihati sakanila

"Wala naman." sagot ni Felix "Binili lang tayo ni Hyunjin hyung."

"Oh? Bakit? Anmeron?" tanong ko at tumabi na ako sakanila para kumain

"Sinabay niya lang tayo ng cake kasi binilhan niya si Sunny--ay sorry." napatigil si Jeongin nang pandilatan siya ni Felix

"Ahh." nasabi ko na lang at ipinagpatuloy ang pagkain


Matapos kumain ay pumunta ako sa sala. Konti lang nakain ko. Nawalan agad ako ng gana. Habang sila ay patuloy sa pagkain na sinamahan na nila kuya at Jisung.

Naramdaman kong tumabi sakin sina Felix at Jeongin.

"Sorry na Nami." sabi ni Jeongin

"Okay lang." ako

"Lagot ka Jeongin! Kasi naman.." Felix

"Oy! Wag na kayong mag-away. Kayong dalawa nga lang nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon eh." saway ko

"Eto kasing si hyung eh." Jeongin

"Sabi ko ngang wag mag away." ako

"Oo nga, Jeongin naman!" Felix

Pabiro akong umirap at akmang tatayo na nang pigilan ako ni Felix at inakbayan "Eto naman. Joke lang."

"Kasi naman Nami. Move on na!" Jeongin

Napatawa naman ako sa kanilang dalawa "Aish! Nagmu-move on na nga eh!"

"Tama yan! Nanjan naman kasi si Jeongin eh." Felix dahilan para pareho namin siyang sinamaan ng tingin ni Jeongin "Hehe joke lang. Ibig kong sabihin, nanjan si Jeongin at ako para tulungan kang mag-move on."





Nandito na ako sa classroom. Ang aga kong nagising. Di kasi ako masyadong nakatulog. Nauna na rin ako kila Kuya sa pagpasok. Konti pa lang ang mga estudyante kaya napagdesisyunan kong maglakad lakad muna hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa locker's room.

"Hoy! Ginagawa niyo jan?" saway ko sa tatlong bubwit nang makita kong pinapakialaman nila yung padlock ng locker ni Sunny

"Obvious naman diba? Nakita namin na may nilagay si Hyunjin na letter ata sa locker ni Sunny." sagot ni Cherry

"At gusto niyang basahin." tukoy ni Ayen kay Cherry

"Why don't you help us na lang? Tutal pinaplastic mo lang din si Sunny dahil kaagaw mo rin siya kay Hyunj--" agad na napatakip si Yoona ng bibig bago niya pa matapos ang sasabihin niya

Napatigil ang dalawa at kapwa kami gulat na napatingin kay Yoona.

"What did you say?" tanong ni Cherry kay Yoona "May gusto si Nami kay Hyunjin?"

"Huh? May sinabi ko?" maang-maangan ni Yoona

"Wait, ang gulo? Una akala natin si Nami ang may gusto kay Hyunjin kaso sabi mo si Sunny ata yung may gusto kay Hyunjin. Kaya tinigilan na natin siya. At sabi mo nag-date sila Sunny at Hyunjin nung weekends. Yoona, are you with us?" tanong sakanya ni Ayen

Nag date pala sila. Kaya pala may pa-cake. Pero hindi naman totoong may gusto rin si Sunny kay Hyunjin, hindi ba?

"Of course. What the hell? Anong pino-point out mo?" sagot ni Yoona

"Eh plastic ka rin pala eh! Pinagtatakpan mo pa si Nami." biglang bumaling sa akin si Cherry "At ikaw naman Nami---"

"Wait!" putol ko sa sasabihin niya "Bago pa ako madamay sa gulo niyo, lilinawin ko lang ah. Una, hindi ko pinaplastic si Sunny. Best friend ko siya! Tsaka bakit ako pagtatakpan ni Yoona eh..." naptigil ako

"Bakit? Wala ka bang gusto kay Hyunjin." nangaasar na tanong ni Ayen

"W-wala." I gulped "Wala akong gusto kay Hyunjin. Bala kayo mag-agawan sakanya." pagsisinungaling ko at tumalikod na

Hindi pa ako nakakalayo nang naramdaman kong sumusunod sila sa akin kaya napalingon ako. Agad akong tumakbo nang makita kong tila ba susugurin ako ni Cherry. Nakasunod naman sakanya ang dalawa niyang alipores.

Malapit na ako sa classroom namin nang makita kong napadaan si Jisung kaya agad ko siyang tinawag. Magkakatabi kasi ang classrooms ng grade 10.

"Oh bakit?" tanong niya. Mukhang kakapasok niya pa lang.

"I-ikaw pa lang? W-wala pa sila? Aga mo ah!" hingal kong tanong

"Oo, wala pala akong assignment. Kokopya sana. Wala naman akong mapapala sa classmate kong si Felix." natatawa niyang sagot "Bakit ba?"

"Jisung, pwede bang..." hindi ko matuloy ang itatanong ko dahil malakas pa rin ang kabog ng puso ko dahil sa pagod at kinakabahan din ako

"Pwedeng ano?" tanong niya

"A-ano kasi. Tulungan mo ako ah. Pwede bang--"

"You bitch!" napatigil ako sa sasabihin ko nang biglang sumigaw si Cherry na nasa likuran ko

Agad akong napatabi kay Jisung at binulungan siya "Sumangayon ka na lang sakin kahit anong mangyari hah."

"Mang-aagaw ka---"

"Tigilan mo na ako. Sabing bala kayong magagawan sakanya. Wag niyo akong idamay." putol ko sa sasabihin ni Cherry

"Teka, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Jisung

"'Yang babaeng yan! Inaagaw sa akin si Hyunjin." parang bata na nagsumbong si Cherry

Napatingin sa akin si Jisung na para bang nagtataka.

"Wag niyo na sabi akong idamay sa gulo niyo. Atsaka bakit ko pa siya aagawin," napatingin ako kay Jisung na nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon

Muli akong tumingin sa kanilang tatlo bago hinigit ang braso ni Jisung at sinabing "Kung may boyfriend na ako?"

Muli akong tumingin kay Jisung na nakatingin din sa'kin na lalong naguluhan.

Lord, gabayan niyo po ako sa mga ginagawa ko.










===================================

Owemjiiii~!!!! Lalang, gusto ko lang mag-owemji hakhak~

Whaaaaaa D day has come~!!!! Hoho~ Sa ngayon, si Hyunjin bias ko HAHAHAAHA. Una ko talagang bias si Jisung. Naging si Chan. Tas si Seungmin. Tas naging lahat ng 00 liner. Tas-- Arghhhhhh!!! I AM NOT loyal!!!! Kekekeke~ sklwmp~

Baby Yongbok on the multimedia~ ^^; kyeopta~( ♡ᴗ♡ )

03-30-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro