Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Bakit ko pa siya aagawin kung may boyfriend na ako?"

Gulat na napatingin sa akin ang tatlong bubwit pati na rin si Jisung.

"Wait, I don't believe you! Look, nagulat din si Jisung. Nagsisinungaling ka at pinagtatakpan din siya ni Yoona." sabi ni Ayen nang makabawi sa pagkagulat dahilan para muling bumakas ang galit sa mukha ni Cherry. Oh God!

"Wait, lang ha?" nagulat ako nang magsalita si Jisung. Diyos ko! Kinakabahan ako "Nagulat lang ako kasi wala pang nakakaalam sa relasyon namin. Kayo pa lang. So, excuse us." sabi niya at hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa kung saan at iniwan ang tatlong gulat pa rin






"What was that?" kinakabahan ako sa tanong ni Jisung. Nandito kami sa labas ng library. Sarado pa kasi ang library sa gantong oras.

"S-sorry. Ikaw lang ang nakita kong pwedeng tumulong sa'kin. Baka kasi pag sinabi kong may boyfriend ako titigilan na nila ako. Sorry talaga. Tsaka thank you dahil pinagtakpan mo ako." sabi ko

"Okay?" sabi niya na parang hindi convince sa sinabi ko

"Sorry na talaga!" pangungulit ko

Natawa naman siya "Hindi ako galit. Gulat lang. Pa'no yun? I mean, anyare? Nagulat talaga ako sa ginawa mo."

"Sorry na nga eh! Gagawin ko lahat ng gusto mo basta legal in return ng pagtulong mo sa akin. Basta secret lang yun ah!" sabi ko "Kahit yung sinasabi mong assignment, gagawin ko. Akin na!"

"Chill!" natatawa niyang sabi at inilabas yung notebook niya sa bag at inabot sa akin

Malugod ko itong kinuha "Thank you talaga! Tsaka sorry sa abala! Secret lang natin yun ah! Magpanggap ka na lang. Kung ayaw mo, edi magpanggap din tayo na nagbreak. Basta."

"Sige, basta sabihin mo sa akin bakit ka nila sinasabihan na inaagaw mo si hyung." tanong niya kaya napakamot ako ng batok ko

Bago pa man magsalita ay nag-ring na ang bell. I was literally saved by the bell.






Nasa classroom na kami. Late ata ang first subject teacher namin at hanggang ngayon ay wala pa.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Yoona at lumuhod sa harap ko para magkatapat kami.

"Totoo ba yun?" tanong niya "Kayo na?"

"Oo." baka madulas pa ulit 'to next time at mabunyag pa sikreto ko. Mahirap na.

"Woah, bilis mo mag-move on ah." natatawa niyang sabi

Hindi ako magaling magsinungaling kaya bago pa ako mapaamin, binago ko na ang topic "Nga pala, tapos na ako sa mga pinapagawa niyo. Kaya tigilan niyo na ako ah." sabi ko at kinuha ang mga projects nila na pinagawa sa akin

"Oh yeah sure. Thanks bes!" sabi niya at kinuha ito bago bumalik sa pwesto niya

"Ano yun?" biglang tanong ni Jeongin

"Ah ano kase. Nagpagawa sila sakin ng project." sagot ko

"Hindi yun." sabi niya

"Huh?" I gulp

"Anong kayo na?" tanong niya ulit

Umiwas ako ng tingin pero hinarap niya ulit ako sakanya. Katakot naman this boy.

"A-ano ba yun?" kinakabahan kong tanong

"Sinong kayo na? Ano ibig sabihin nun? May boyfriend ka na?" sunod sunod niyang tanong

"Bruh, chill. Katakot ka doi." natatawa kong sabi

"Sabihin mo na---"

"Good morning class! Sorry I'm late."

For the second time, nakaiwas ako sa mga interrogation.







Recess na. Hawak ang binili kong pagkain at yung notebook ni Jisung, pumunta na ako sa table namin. Umupo ako sa tabi ni kuya at ni otor este ng pader kasi yun na lang ang available space.

"Hoy Nami!" sabi ni kuya

"Hoy kuya!" sagot ko pabalik

"Ano yung sabi ni Ayen?" tanong niya dahilan para manlaki ang mga mata "Kayo na raw?" tanong niya at lumingon kay Jisung "Wala ka man lang sinasabi."

"Woah, bilis naman kumalat nun." sabi ni Jisung

Baka mamaya niyan buong school na nakakaalam. Nami naman! Aish!

"Bf ka ni Nami?" gulat na tanong ni Hyunjin. Sana nga ikaw eh.

Sina Felix at Jeongin naman ay nagkatinginan. Alam kong hindi sila naniniwala.

"Anong sasabihin mo babae?" tanong ni kuya

"Ano bang dapat kong sabihin lalaki?" tanong ko pabalik

"Bakit niyo tinago yung relasyon niyo? Gaano pa katagal 'yan? Ano--" sunod sunod niyang tanong kaya pinutol ko na ang sasabihin pa niya

"Chill!" natatawa kong sabi

"Saan ka pupunta?" tanong niya kay Jisung nang mapansing dahan dahan itong tumayo

"Bye!" sabi niya at tumakbo

Hawak ang mga pagkain kong hindi ko pa nagalaw at ang notebook ni Jisung na nakalimutan ko nang ibalik, tumayo na rin ako at bago pa ako tanungin ni kuya, tumakas na ako sa interrogation.

Haysss. Habang naglalakad na kumakain ng chips na binili ko, nakasalubong ko si Sunny at nagkangitian kami. Ngunit agad ding nawala nang makita kong kasama niya ang tatlong bubwit.

"Thank you nga pala Nami! Binigay na samin ni Yoona." sabi ni Cherry

"Pero wala pa ring forever." natatawang sabi ni Ayen

Psh! That bish! Pinagkalat na ata sa buong sanlibutan.

Tinanaw ko na lang sila habang naglalakad palayo. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung taong gusto mo na may gusto sa bestfriend mo? O yung taong kinaaayawan mo ay inagaw ang bestfriend mo? Nami kasi! Ano bang nangyayari sakin? Nagkagusto lang naman ako ah... Sa taong di ako gusto.

Nakita ko naman si Jisung na nakaupo sa bench sa di kalayuan kaya agad ko itong pinuntahan at tinabihan.

Inabot ko na ang notebook niya sakanya "Tapos ko na."

"Uy thanks!" sabi niya

"Wala yun. Ako dapat ang magthank you sayo. Sorry talaga at nadamay ka pa. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo. Nababaliw na ako eh. Gusto mo?" natatawa kong sabi at inalok cia ng pagkain ko

"Sus! Kung hindi lang mukhang seryoso yung dahilan nito, hindi kita tutulungan. Pero thank you." sabi niya at kumuha ng inaalok ko

"Sweet niyo naman." nagulat ako nang sumulpot sa harapan namin sila kuya at Hyunjin

"Oo nga eh." natatawang sabi ni Felix na nasa likuran namin kasama si Jeongin

Oh God! I'm really doomed! Nandamay pa ako.








===================================

6th update for this month. Whaaa~ Achievement hehehez~ Samantalang nung February ni isang draft wala hakhak. Pero dahil bakasyon na, sana mas maraming updates magawa ko next month hehez~

Anyways may SeungJin fanfic ako entitled "Closer" hakhak~ Check niyo na lang sa profile ko if you're interested~ Ciao!

03-31-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro