Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Kung may problema ka, i-share mo naman sa akin." biglang sabi ni kuya nang pumasok siya sa kwarto namin

I gulped. Nakahalata ba siyang nagsinungaling lang ako kanina? I thought.

"Pag sinaktan ka ni Jisung, kahit mas matanda pa siya sa'kin, ako makakalaban niya." napatawa naman ako sa sinabi niya dahil mukha siyang naiinis na ewan

"Kuya, nagseselos ka ba?" natatawa 'kong sabi at bumaba mula sa itaas ng bahagi ng double deck

"The hell?" he blushed

"Kuya," I said as I hug him "Kahit may boyfriend na ako, ikaw pa rin ang pinaka-love kong lalaki sa buhay ko."

"At?"

"At.. ehem sige na pinakagwapo." kunyaring nasusuka kong sabi at ginulo niya ang buhok ko

"Nakakabakla man pakinggan pero kinilig ako." natatawa niyang sabi

"Bakla ka naman talaga eh!" sabi ko at bumelat pa tsaka humiwalay ng yakap sakanya

"Nami!" sigaw niya dahilan para tumakbo ako palabas

Nang makapunta sa kusina ay parang hindi na niya ata ako pinakaabalahang habulin. Kumuha na lang ako ng pagkain sa ref. May natira pa palang cake. Kumuha na lang ako ng matamis na cake contrast sa bitter na ako.

Nang makita ko si Jisung sa sala ay tinabihan ko ito. "Sorry sa abala ah." sabi ko at inalok pa ng cake

"Okay lang." sabi niya pero diretso pa rin tv ang tingin niya at kumurot ng cake

"Uy kadiri naman 'to!" saway ko sa pagkurot niya ng cake bago sinubo. Pero mas masagwa naman pag sinubo muna bago kinurot dba? "Tsaka sorry na nga. Galit ka ba sakin?"

Natawa naman siya at tumingin sa akin "Eh inalok mo ako eh. Tsaka ilang beses ko bang sasabihing okay nga lang. Kulit mo."

"Eh paano ba naman di mo ako nilingon kanina kaya akala ko galit ka." pagdadahilan ko

"Sus, pa'no tingnan mo oh." tukoy niya sa tv "Ang saya saya koya Wil daw pero umiiyak."

Napatawa naman ako sa sinabi niya at muntik pang mabulunan sa kinakain ko "Juzko naman."

"Sweet naman." biglang humarang si Jeongin sa tv "Kala ko ba naman kung ano pinapanood niyo at nagtatawanan kayo. Umiiyak na nga yung ale oh."

"Jeongina naman." sabay naming sabi ni Jisung dahilan para magtawanan kami

"Sabay pa! Sweet talaga. Pero di porket sweet kayo may dahilan na para bastusin niyo yung pangalan ko." nakapout niyang sabi "Ay, may kayo nga ba talaga?"

"Jeongina ka." biglang tumayo si Jisung para lumapit kay Jeongin pero agad itong tumakbo dahilan para maghabulan sila sa buong bahay


Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko, bumalik na ako para tapusin na yung mga dapat kong tapusin para matapos na ang clearance ko. Exam na kasi next next week. No clearance, no exam.

"Next next week pa naman exam, bakit kokomoletuhin mo na agad? Wala pa nga ni isang pirma yung sa akin eh." pagdadahilan ni kuya nang hinanapan ko siya ng requirements para sa clinic. Kailangan daw kasi ng yung tungkol sa bakuna kung kumpleto na ba raw.

"Hays, ako na nga maghahanap eh. Asan ba?" tanong ko

"Baka nasa kwarto ni mama. Diba nandun yung mga importanteng papeles?" hindi niya siguradong sagot

"Sure na sure ba yan?" pagdududa ko sa sagot niya

Alanganin siyang tumango kaya napabuntong hininga ako "Hay nako, maghanap ka rin dito sa kwarto. Ako na dun kay mama."

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Hyunjin na dirediretso sa paglalakad. Mukhang bad mood. Nilampasan lang ako.

"Nyare dun?" tanong ko kay Felix nang makita ko ito na kakalabas lang ng kwarto nila

"Bad mood." sagot niya na kinatawa ko

"Obvious naman. Bakit nga?" pangungulit ko

"Binasted ni Sunny." napa-oh naman ako sa sagot niya kaya napasmirk siya at nagdiretso sa baba

Si Sunny. Ilang araw na kaming di nakakapagusap. Puntahan ko kaya siya mamaya? Kakausapin ko lang.

Pumunta na ako sa kwarto ni mama, pansamantalang kwarto nila Jisung at Jeongin. Sila Felix at Hyunjin naman sa isang guest room. Tatlo lang kwarto sa bahay namin eh.

Walang tao sa loob, malamang naghahabulan pa yung mga yun. Tumungo na ako sa cabinet. Hindi naman ito nagalaw at nandito pa rin yung ibang gamit ni mama. Yung kalahati lang ng closet yung ginamit nila Jeongin at mukhang hindi naman nila pinakialamanan yung mga gamit ni mama.

Binuksan ko ang pinakahuling honus ng cabinet at nakita ko ang mga envelop na may mga papel sa loob. Sa unang envelop ay nakita ko ang birth certificate ni kuya. Lahat 'to tungkol sakanya. Pati mga report cards simula kinder.

Kinuha ko naman ang sumunod. Unang papel pa lang ang bumungad sa akin ay natuptop ko na ang bibig ko. Papel na nakapangalan sa akin. Adoption papers.

Nagulat ako at halos malukot ko na ang papel sa sobrang panginginig ng kamay ko nang biglang may kumatok at nagsalita mula sa labas "Tagal mo naman diyan Nami. Ako na maghahanap-- Nami?!" nagulat si kuya nang makita ako. Umiiyak na pala ako.

"K-kuya.." nahihirapan na ako magsalita. Binitawan ko na ang mga hawak ko para mapunasan ang aking luha "A-a-ampon ba a-ako?"

"Nami.." napasinghap ako sa paraan ng pananalita niya

"A-alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko

Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako nang sinagi ko siya at tumakbo palabas.










===================================

Namhyun? Namjeong? Or Namsung? (Namsung nga pala brand ng cellphone ko sklwmp korni ko) Isama na rin natin ang Namlix at Nammin. Natatawa ako sa pinaggagagawa ko.

Long time no update haha! May nagbabasa pa naman nito diba? Taas paa sa nagbabasa! Whooo~ Wave to the left then to the right then turn around bright eyes HAHA~ Okay nabaliw si author. Andami kong ideas para sa story na'to (obvious naman diba HAHA kaya sensya na magulo parang feelings ko sakanya *dab*) pero kontra yung kamay ko. Pa'no ba naman hanggang ngayon wala pa rin akong bias sa Skz huhu. So yeah, hopia enjoi! Annyeong~!

04-18-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro