Chapter 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


N A M I ' S

Akala ko tumigil na ang pag-ulan nang maramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. Ngunit nang idalat ko ang aking mga mata'y pumapatak pa ito sa paligid. Agad akong tumingala at isang lalaking may hawak ng payong ang nakatayo sa tabi ko. Umupo siya sa tabi ko at pinahawak sa akin ang kanyang payong.

"H-hyunjin? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot bagkus ipinatong niya sa akin ang kanyang jacket at muling kinuha sa akin ang payong

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagpapaulan?" bakas ang pagaalala sa mukha niya "Tsaka ano yung sinabi ni Sunny na lasing ka raw?"

"Huh? Hindi naman. Aksidente lang yun. I mean, ah basta." sumasakit nanaman ang ulo ko

"Halika na nga. Baka magkasakit ka pa." sabi niya at inakbayan ako habang inaalalayan akong tumayo

"B-bakit ka ba ganyan?" bigla kong sabi

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Tumayo ka na nga diyan." sabi niya at muli akong inalalayang tumayo

"Bakit mo 'ko pinapaasa?" bigla akong umiyak nanaman. Hindi ko mapigilan yung bibig ko.

Natigil siya sa pagpupumilit sa akin na tumayo "Anong pinapaasa? Lasing ka ba talaga?"

"S-siguro nga. M-manhid ka nga talaga." patuloy lang ako sa pagiyak kaya halos mautal-utal ako pagsasalita. Nagsasalita pa siya pero hindi ko na ito maintindihan.






3 R D   P E R S O N ' S   P O V

"Oh? Bilis mo namang makauwi. Asan na si Nami?" tanong ni Felix sa kakauwi lang na si Jeongin. Ito kasi ang inutusan nilang maghanap kay Nami.

"Wala na." sagot nito at padabog na umupo sa sofa sa tabi nila Felix at Jisung

"Oy umayos ka ngang bata ka sa pagsagot. Mas matanda pa rin kami sayo." saway ni Jisung kay Jeongin

"Pareho lang tayong pinanganak sa 21st century." walang emosyong sagot ni Jeongin "Tsaka nakita ko na si Nami."

"Eh bakit hindi mo kasama kung nakita mo na pala?" tanong muli ni Felix

"Oo nga! Asan na siya? Iniwan mo?" Jisung

"Kasama niya si Hyunjin." Jeongin

"Hyung! Hyunjin hyung!" pagtatama ni Jisung "Wala ka nang galang bata ka."

"Lagi na lang niya akong nauunahan kay Nami." sabi ni Jeongin at hindi pinansin ang sinabi ni Jisung "Pati sa puso ni Nami siya ang nauna."

"Hugot!" sabi ni Felix sabay dab

"Woah humuhugot si bata. Binata na siya." sabi ni Jisung at ginulo pa ang buhok ni Jeongin

"Aish! Isa ka pa Jisung hyung. Pumayag ka pa kay Nami sa pagpapanggap na may bf at ikaw pa yung bf ah." Jeongin

"Hindi ko sinasadya 'yon ah. Tinulungan ko lang si Nami." Jisung

"Ooh! Palusot pa! Fo na this." natatawang sabi ni Felix

"Ikaw naman Felix hyung! Ikaw pa ang unang nakaalam mula kay Nami na nililigawan ni Hyunjin hyung si Sunny. At nilibre mo pa ng ice cream." Jeongin

"Masama ba 'yon? Ilibre rin kita sampung ice cream. Ikaw naman unang nakaalam na may gusto si Nami kay Hyunjin ah." Felix

"Ooh! Palusot pa! Fo na this." sabi ni Jisung at ginaya pa ang tono ng pananalita ni Felix

"Bala kayo diyan!" sambit ni Jeongin at tumayo na papanik ng hagdan na siyang baba naman ni Seungmin

"Nyare dun? Bakit bad trip?" tanong niya sa dalawa

"Eh ikaw? Nyare sayo? Bakit nag-lock ka sa kwarto niyo. Akala ko ba naman nandun lang din si Nami. Anong klase kang kuya?" sabi ni Felix

"Huh? Nagkatampuhan lang kami ni Nami. Hinayaan ko muna siya. Ganun yung pag nagtatampo. Magpapalipas lang ng galit tapos okay na ulit." sagot ni Seungmin "Bakit? Asan na ba si Nami?"

"Hindi ka ba chinat ni Sunny?" tanong ni Jisung

Agad namang kinuha ni Seungmin ang kanyang cellphone mula sakanyang bulsa at binasa ang unread messages mula kay Sunny "Anong-- huh? Asan na siya?" agad naman itong nagpanic at lalabas na sana ng bahay pero saktong pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Hyunjin na buhat buhat ang walang malay na si Nami. Kapwa basa ng ulan.

"Anong nangyari kay Nami!?" sabay sabay na tanong ng tatlo

"Bigla na lang siyang nawalan ng malay. Mukhang lalagnatin nga siya eh." sagot ni Hyunjin "Mabuti pa't tulungan niyo akong madala siya sa kwarto niyo."

"Mabuti pa nga." sabi ni Seungmin at inalalayan si Hyunjin sa pagbuhat sa kapatid










===================================

Hindi ko alam kung bakit umuulan sa chapter na 'to kahit summer.

Short ud pero double update naman kasi lab ko kayo~
Kahit hindi niyo ako lab~ *dabs uncontrollably to death*

04-24-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro