Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


N A M I ' S

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom. Nandito ako sa kwarto namin at nakahiga ako sa higaan ni kuya. Bumangon ako pero agad ding napahiga dahil sa sakit ng ulo ko.

"Oh, gising ka na pala." narinig ko ang boses ni kuya mula sa taas ng hinihigaan kong double deck, agad naman siyang bumaba at umupo sa tabi ko

"Sakit ng ulo ko." nanghihina kong sabi habang hawak hawak ang ulo ko

"Kumakain ka muna para makainom ka ng gamot. Nilalagnat ka. Dadalhan na lang kita ng makakain." sabi niya at tumayo na

"Ano bang nangya--" natigilan ako nang maalala ko na "Ampon ako."

Natigilan siya sa pagbukas ng pinto at humarap sa akin. "Nami, kahit kelan namin pinaramdam sayo na hindi ka namin kadugo."

"Okay lang naman yun eh. Pero tinago niyo sa akin. Matatanggap ko naman. Nakakagulat lang kasi na bigla kong malalaman na ampon ako." ngawa ko

Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin "Alam mo Nami? Subukan mong sumagot ng hindi. Ayun na nga. Sampung taon ako nang aksidente kong malaman na hindi kita totoong kapatid. Aksidente ko ring nabasa yung adoption papers. Tinanong ko sila mama tungkol dito pero hindi na naman daw iyon importante. Gusto raw kasi nila magkaroon ng anak na babae kaso hindi na kaya ni mama. Pero tinarato ka naman naming parang tunay na parte na ng pamilya eh. Minahal ka namin na parang kadugo ka namin. Hindi naman namin pinaramdam sayo na iba ka samin eh."

"Edi sana in-explain mo!" buluaw ko

"Paano ko maeexplain? Eh ngawa ka nang ngawa. Sana pinagusapan na lang natin 'to nang ayos hindi yung magwo-walk out ka tas kung ano anong mangyari sayo. Paano kung may dumukot sayo? Tas ibenta 'yang mga lamang loob mo? Saan kita hahanapin?"

"Ang OA mo!" natatawa kong saway sakanya kahit patuloy sa pag-ayos yung mga luha ko

"Seryoso ako ah. Tsaka tingnan mo yung itsura mo oh. Hindi ka mukhang lasing, mukha kang adik. Ayan, sige ka. Walwal pa! Pag nalaman 'to ni mama lagot ka talaga." sabi niya habang nakaturo sa mukha ko

"Ewan ko sayo. Nakakainis ka pa rin. Subukan mong magsumbong." sambit ko

"Wag mo nang uulitin yun ah? Pinagalala mo 'ko." seryoso niyang wika

"Maiyak ka pa." natatawa kong sabi pero niyakap niya lang ako

"Alam mo namang ayokong may mangyaring masama sa baby damulag ko." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin

"Mainlab ka pa sakin." hindi ko alam kung bakit ko 'to biglang nasabi pero  mas nagulat ako nan napatahimik siya "K-kuya?"

"Magsisinungaling ako pag sinabing kong hindi."



3 R D P E R S O N ' S P O V

"May gusto ba talaga sa akin si Nami?" tanong ni Hyunjin kay Jeongin

Pareho silang nasa sala ngunit magkaiba ng inuupuang sofa.

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo? May bf na siya." tanong ni Jeongin na tila ba kinakabahan kung bakit nasabi ito ni Hyunjin

"Sinabi niya sa akin ang lahat." sambit ni Hyunjin

"A-anong ibig mong sabihin?" napalingon si Jeongin kay Hyunjin at tuluyan nang nilamon ng kaba

"Hindi ko alam kung dahil lasing lang siya pero diba pag lasing daw lahat ng sinasabi ay totoo." kinakabahan ding sabi ni Hyunjin

"Kung ganon..." Jeongin

"Manhid ba ako Jeongin?" Hyunjin

[paepal na otor: OO!!!!1!1!1!1!1!1! PAREPAREHO
LANG KYONG MGA LALAKI KAYO-- charr geh]

"Nagconfess na siya sayo?!"






===================================

KYYYAAAAAAAA~ wit kinikilig ako HAHAHA
Na-c-cringe ako dito na kinikilig yak HAHAHA
Balak ko sanang gumawa ng "Living with the hyungs" fanfic haha~
Nakakapressure yung mga nagcocomment ng ud nakakaloka HAHAHA Dami niyo na. Happy 2k reads~
How to say "ud na po" in a nice way? "Ganda mo po otor"
Charr baka wala nang magbasa neto hihi~
Btw, napanaginipan ko si Felix, bf ko raw siya huhu kaso panaginip lang eh huhu 〒^〒~ Sklwmp~ Ciao!

05-12-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro