Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


N A M I ' S

"Magsisinungaling ako pag sinabing kong hindi." sabi ni kuya

"H-huh?" napabitaw ako ng yakap at hinarap siya

"Wait, let me explain." sabi niya at lalapit sa akin

"Wag po! Bata pa po ako!" pigil ko habang nakataas ang dalawang kamay ko

"Eww, oa." komento niya "Dati pa yun, okay? Eww. Narealize ko na incest, yuck! Tsaka crush lang yun, okay? Yuck! So iba na ngayon, pero yuck pa ren."

Natawa ako sa reaksyon "Grabe ka naman. Diring diri ka sakin ah."

"Kasi kadiri ka talaga." sagot niya

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya dahil mas nangibabaw ang curiosity ko "Sino na yung crush mo?"

[paepal na a/n: "Si otor"]

Natigilan siya for one second "W-wala."

"Sabi mo kanina meron." pagpupumilit ko

"May sinabi ba ako?" tanong niya habang nakamot sa batok

Sasagot pa sana ako nang biglang kumalam ang sikmura ko.

"Gutom ka na nga pala. Kukuha na ako ng pagkain." sabi niya at tumayo na

Pinigilan ko naman siya "Hindi pa ako gutom. Naiinis lang din sayo yung tiyan ko kaya nagsalita."

"Tse! Baka magka-ulcer ka pa!" sabi niya at tinanggal na ang hawak ko sakanya bago tuluyang lumabas. Nakaligtas siya dun ah! 'To kasing tiyan ko wrong timing.

✁____________

Muli nanaman akong nagising dahil sa gutom kahit kakakain ko lang bago matulog.

[paepal na a/n: ^so me]

Dahan dahan akong bumaba ng higaan para hindi magising si kuya. Lumabas na ako sa pinto at natigilan saglit sa pagbaba ng hagdan. Medyo nahihilo nanaman ako.

Nang makarating ako sa kusina ay muntik na akong atakihin sa puso nang buksan ko ang ilaw.

"Juzko! Nakakagulat ka naman Jeongin. Uso magbukas ng ilaw pag gabi. Over naman ang pagtitipid mo sa kuryente." Nakakagulat naman talaga eh. Nakita ko si Jeongin nakaupo sa dining table at umiinom ng milo.

Hindi niya ako pinansin at pumunta na sa lababo at hinugasan yung pinaginuman niya. Snob ni koya. "Luh? Peym siya oh." pero di niya pa rin ako pinansin. Problema nito?

Kumuha na lang din ako ng baso at nagtimpla ng milo. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko kaya napalingon ako. "Jeongin? Ikaw ba yan?" Ang creepy niya kasi eh. Hindi nanamansin tas nakapatay yung ilaw dito kanina. Baka multo 'to. O kaya doppelgänger. O baka naposses siya. O baka hallucination lang ito.

Agad kong pinag-cross ang dalawang hintuturo ko at tinuro sakanya nang akmang hahawakan niya ako "Wag kang lalapit."

Pero hindi niya nanaman ako pinansin at dinampi ang kamay niya sa noo ko "May sinat ka pa. Pagaling ka ah." walang emosyon niyang sabi at umalis

Sa sobrang takot ko, agad kong tinungga ang milo at inubos na ito. Halos mahulog pa ako sa hagdan nang takbuhin ko ito at nagtalukbong ng kumot nang makarating na sa kwarto. Agad na rin naman akong dinalaw ng antok.

✁____________

Nagising ako pero ang tahimik ng paligid. Tiningnan ko ang orasan at 8AM na! Late na ako ng isang oras! Hala bakit hindi ako ginising!

May nakita akong sticky note sa may hagdan ng double deck na malamang ay si kuya ang nagsulat.

Hindi na kita ginising kasi may lagnat ka pa. Magpahinga ka na lang sa bahay, Kumain ka na pag gising ka na. ^^
-Cute

Lumabas na ako ng kwarto at tumuloy sa cr. Maghihilamos muna ako. Nagulat naman ako nang makita ko ang salamin. Hindi dahil sa may nakita akong diyos (ehem) kundi dahil may sticky note nanaman.

Wag ka munang maligo baka mabinat ka >:)
-Pogi

Bumaba na ako sa kusina para kumain at may nakita nanaman akong note sa ref.

Yung pinagkainan mo hugasan mo ah. Kagabi ikaw daw yung uminom ng milo sabi ni Jeongin. Ayun nilanggam.
-Gwapo

Tahimik akong kumain ng pandesal. Syempre alangan namang magingay ako eh ako lang magisa. Pumanik muna ako saglit sa kwarto para kunin yung cellphone ko. Magpapatugtog na lang ako para hindi naman boring dito. May note nanamang nakadikit sa cp ko na huwag ko raw ito gamitin dahil baka mabinat ako pero may one unread message galing kay kuya. Galing lang! Kinuha ko ito at bumalik na sa kusina.

7:20

Kuya:
Gising ka na ba?

7:50

Kuya:
Kumain ka na?

Kuya:
Hugasan mo pinagkainan mo ah. Hirap palayasin nung mga langgam.

8:10

Me:
Ok

Kuya:
Bakit nagccp ka? Sabi ko wag mong gamitin

Me:
Bakit nagccp ka? Makinig ka sa teacher niyo

Kuya:
Recess duh

Me:
K duh

Kuya:
Geh patapos na recess. Wag ka na magchat

Me:
K

Chinat ko naman si Jeongin para sabihing..

Me:
Yo! Sabihin mo sakin yung mga assignments ah! || Cannot send message
You are not allowed to send messages to this person

Hala! Ano yon? Binlock ako? May problema ba 'to sakin? Kagabi pa siya ganyan. Nakakaloka! Grabe siya! Nagaway ba kami? Hindi naman ah. Bala nga siya!

Sino ba pwede kong tanungan sa assignments? Eto ang problema pag hindi friendly eh. Tas binlock ka pa ng nagiisa mong pinagkakatiwalaan sa classroom niyo #ItHurts #Hugoat

Sinearch ko si Yoona. Siya na lang tatanungan ko ng assignments. Nagulat ako nang may makita akong unread messages mula sakanya. Hindi naman kami nagchachat. Bigla kong naalala...

Kinuha niya ang phone niya "I'll send you a nude pic of Cherry. Now we're quits. Ipagkalat mo pag pinagkalat ko."

"What?! No!" ngunit huli na. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa.

Nanlaki ang mata ko dahil napindot ko na ang chatbox namin pero may nagloloading na picture. Oh my god! Di pa ako ready!

Idedelete ko na sana nang bigla itong magload at selfie ito nila Sunny kasama sina Cherry at Ayen na may caption sa baba "I smell betrayal🙊"

So ibig sabihin matagal na akong pinaplastic ni Sunny? Naguguluhan ako.








===================================

R.I.P. Nammin shipper! Natagalan ako magupdate kahit ilang linggo na 'to sa drafts. Di ko matapos tapos, kinikilig kasi ako HAHAHA #NoToIncest #BadYun #I'mSoSickOfFakeFriends LapitNaPasukanPeroDiPaRinNapipirmahanClearanceNilaNami #RipOtor #RipInPeace #MiloEveryday #TaraWalwalNgMilo #AngManhidPoNiHyunjin #AngBitterNiIN #AkoPoTalagaCrushNiSeungmin #PeroWalaPaRingForever #YokoNaMaghashtag #Ciao #!

05-30-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro