Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Ang tagal kong nakatitig sa cellphone ko nang bigla itong tumunog indikasyon na may nagpadala ng mensahe. Galing kay Yoona.

Yoona:
Yo! Y yah absent?

Me:
Sick

Me:
Anyways, ngayon ko lang nakita yung sinend mong pic. What does it mean?

Yoona:
Isn't it obvious?

Yoona:
Gurl wake up! Matagal ka nang niloloko ng friend mo

Me:
And why are doing this?

Yoona:
I want to explain it right now kaso katamad magtype at may away sa canteen

Yoona:
Kung nandito ka lang siguro isa ka sa nanonood sa away

Yoona:
Weyt lang

Me:
Gege.. pero kung nanjan ako malamang sa labas na lang ako kumain

Yoona:
Hmm not really,, kung nandito ka siguro nandito ka rin sa scene

Me:
Watevz. Enjoy the show

Yoona:
Mas maeenjoy ko kung may popcorn. Bakit kaya walang popcorn sa canteen?

Me:
Ask the principal

Hindi na siya nagreply kaya binaba ko na lang ang phone ko at tinuloy ang naudlot kong pagkain. Matapos kumain ay sinunod ko ang utos ni kuya na uminom ng gamot at hugasan ang pinagkainan. Muntik nang dumulas ang baso sa kamay ko nang makarinig ako ng lagabog sa pintuan. Sus maryosep! Papasukin ba kami ng magnanakaw?

Binitawan ko muna yung mga hinuhugasan ko at dahan dahang sumilip sa may sala. Muntik na akong atakihin sa puso nang makita ko Hyunjin na gulo gulo pa ang buhok. Nagkagulatan pa kami.

"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Myghad Nami! Bakit ka ba nags-stutter!?

Ngayon ko lang napansin na may sugat siya sa gilid ng labi. "T-teka, ano yan?" Sugat nga. "I-ikaw ba yung nakipag-away sa canteen?"

"Paano mo naman nalaman na may away sa canteen?" tanong niya. Ano ba yan, baka pagkamalan pa akong tsismosa pero ganon na nga.

"A-ano, sinabi sa akin ni Yoona. Chinat niya ako." sagot ko "So ikaw nga? Bakit ka nandito? Nakipagaway ka na tas.. nagcutting classes ka ba?"

Umiwas siya ng tingin at nagtungo sa loob ng kusina bago naghanap ng makakain sa ref. Diba kaka recess lang, tas kakain ulit? Lamon is layp.

"Snob." bulong ko pero nagulat ako nang tumawa siya. Narinig niya kaya?

"Wag mo na akong alalahanin." sabi niya "Tsaka ako na lang 'tong magtutuloy ng hugasin mo baka mabinat ka pa." dagdag niya pa

"S-sige, sabi mo eh." sabi ko at tumalikod na

Bago pa ako tuluyang makaalis ay nagtanong siya, "Nami, may naaalala ka ba kagabi? Nung sinundo kita habang umuulan?"

Napaisip ako. Napasinghap ako nang maalalang pinagsisigawan ko siya ng paasa at manhid. "A-ay, w-wala yun. Sorry kung nasigawan kita." (a/n: kung nakalimutan niyo na, balik kayo sa chapter 15, minsan mas maganda pag binabalikan ang nakaraan)

"Yun lang ba naalala mo?"

"Huh? May iba pa ba akong sinabi?"

"Ah, wala. Sige magpahinga ka na lang."

Nagkibitbalikat ako at nagpatuloy sa pagpanik ng hagdan. May iba pa ba akong nasabi?

Hanggang sa makapasok ako sa kwarto ay iniisip ko pero sumasakit lang ang ulo ko. Anong sinabi ko?! Myghad! Kaya ba may naiiba sa mga kilos nila, Kay Jeongin, binlock ako. Tas si Hyunjin naman nakipagaway at nag-cut class pa ata. Ano bang posibleng nasabi ko para magkaganto sila?

Nagulat ako nang biglang magvibrate yung cellphone ko na nakalagay sa short ko at nakatanggap ng message mula kay Jisung.

Jisung:
Break na tayo :)

Juzko! Ano bang nangyayari sa mga tao!

Me:
Sige (:

(a/n: sana ol ganyan makipagbreak)

Okay, back to the topic. Balikan natin yung nangyari. Bigla siyang dumating at pinayungan ako kasi nga umuulan. Tas pinatong niya yung jacket niya sakin kasi nga basa na ako dahil nga umuulan. Kinilig ako ng beri layt kaya sinabihan ko siya ng paasa tapos tapos...

"Bakit mo 'ko pinapaasa?" bigla akong umiyak nanaman. Hindi ko mapigilan yung bibig ko.

Natigil siya sa pagpupumilit sa akin na tumayo "Anong pinapaasa? Lasing ka ba talaga?"

"S-siguro nga. M-manhid ka nga talaga." patuloy lang ako sa pagiyak kaya halos mautal-utal ako pagsasalita. Nagsasalita pa siya pero hindi ko na ito maintindihan. Gusto ko mang pigilan yung mga sinasabi ko pero tila ba may sariling utak yung bibig ko. Buti pa yung bibig ko may utak.

"Ano bang pinagsasabi mo jan?" kunot noo niyang tanong

"Ano ba Hyunjin! Slow ka ba? Matagal na kitang gusto! Di mo ba alam yun? Syempre hindi kasi may iba kang gusto! Akala mo ba madali lang sa akin na tulungan kang mangligaw sa bestfriend ko. Sa bestfriend ko pa!"

"STAAAAAAP!!!!" sigaw ko sabay takip ng tenga ko

Omyghad! Naaalala ko na! Sinabi ko ba talaga yun? For real? As in nesfruta real na real!?

Ayoko nang maalala pero naririnig ko pa rin sa isip ko yung mga paguusap namin.

Natigilan siya saglit at sinabing "Huh? Ano ka ba? Diba boyfriend mo si Jisung?"

"Kunwari lang iyon! Hindi ko sinasadyang madamay siya. Alam mo namang nagkakandarapa sayo si Cherry kaya hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko napapatunayan na wala akong gusto sayo." pasigaw ko pa ring sambit sakanya

"P-pasensya na, Nami. Hindi ko alam, siguro nga manhid ako. Ang tanga ko. Nagpapakatanga ako sa babaeng di naman ako gusto. Hindi ko namamalayang may nasasaktan pala dahil sa akin. S-sorry."

"Tama na!" Naiiyak na ako. Bakit ko iyon ginawa?

Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Hyunjin "Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?" sunod sunod niyang tanong

Tsaka ko lang naalala na nakaupo pala ako sa sahig habang nakatakip yung magkibilang kamay sa magkabilang tenga at nagtatantrums na parang bata.

"H-hindi?" patanong kong sagot at dali daling tumayo at tinaboy siya "Sige, wag mo na akong pansinin." sabi ko tsaka ni-lock ang pinto

Hala, ano nang gagawin ko ngayon? Wala na akong mukhang ihaharap pa sakanya.












===================================

Nag-br ako at ang super cringe myghad aatakihin ako sa puso! Cause of death: Reading her own story. HAHA Saludo ako sainyo na nakaabot hanggang sa chapter na 'to! Labyu guys~ Sabi ko nga walang mag labyutu.
Dahil lab ko kayo, dapat talaga hanggang chapter 20-25 ito, kasi sinulat ko lang 'to sa likod ng notebook ko habang nagdidiscuss yung teacher lelz hanggang sa napuno na kaya nilagay ko to sa wattpad at wala lang talaga akong magawa sa buhay ko, pero pansin niyo naman na hindi pa siya patapos kaya pinahaba ko pa dahil nga lab ko kayo kahit di niyo ako lab. Geh!
Pero seryoso, natutuwa talaga ako sa mga comments niyo at nakakagulat na may nagbabasa nito. Yun lang, lablats!

06-17-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro