Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


3 R D P E R S O N ' S P O V

Bumaba si Hyunjin nang marinig na may bumukas ng pinto. Nakita niya si Jeongin na naghuhubad ng sapatos. Nang mailagay na nito ang sapatos sa shoe rack na katabi ng pinto at saktong palapit na si Hyunjin kay Jeongin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hyunjin

"Bakit? Hindi ba ako welcome dito?" pabalang na sagot ni Jeongin

"Nagcutting ka ba?" tanong ulit ni Hyunjin at tumigil sa harap ni Jeongin

"Ikaw nga nagcutting eh." muling pabalang na sagot ni Jeongin at nilampasan si Hyunjin

Hinawakan ni Hyunjin ang balikat ni Jeongin bago pa makalampas sakanya at hinatak ito para magkaharap ulit sila "Tinatanong kita nang maayos. Ano bang problema mo?"

Tinabig ni Jeongin ang mga kamay ni Hyunjin at tinulak siya ngunit hindi naman ganon kalakas kaya napaatras lang si Hyunjin "Ikaw. Ikaw ang problema ko." sabi ni Jeongin habang dinuduro duro si Hyunjin

Nagpanting ang tenga ni Hyunjin at handa na ulit manapak nang makarinig sila ng sigaw.

"Nami!" sabay silang tumakbo palapit kay Nami na muntikan nang mahulog sa hagdan. Buti na lang napakapit ito kaya imbes na gumulong ay napaupo lang si Nami tatlong baitang mula sa taas.

"Ayos ka lang?" sabay na tanong ng dalawang binata kaya napatingin sila sa isa't isa pero agad ding umiwas matapos bumitaw ng matalim na tingin sa isa't isa

"May nahulog na ba sa hagdan na ayos lang?" sarkastikong sambit ni Nami habang tumatayo na tinulungan naman ng dalawa "Hays. Walang mangyayari kung pareparehong mainit ulo natin. Paano ba naman kasi, bakit ba kayo nagaaway? Alam niyo bang bawal ang nagaaway sa bahay na 'to?"

"Eh pano ba naman eto eh!" sabay na sambit nina Jeongin at Hyunjin at dinuro pa ang isa't isa

"Taph taph! Kakasabi lang eh." saway ni Nami na para bang nanay ng dalawa "Magbati kayo. Shake hands."

Kapwa umiwas ng tingin ang dalawang bakla este lalaki sa isa't isa.

"Aba't! Ayaw niyo?" saway muli ni Nami "Mag-hug kayo."

"Ano?!"

"Ayaw niyo?"

"Eto na nga eh."

✁____________

"Crush mo oh!" biglang sambit ni Felix sabay turo sa tatlong ng babaeng kapapasok lang ng cafe kung nasaan sila

"Shh. Ingay mo!" saway ni Seungmin

Lumingon si Jisung at nakita niya sina Sunny, Cherry at Ayen. "Crush mo yung kaaway ng kapatid mo?!" gulat na tanong ni Jisung

"Isa pa 'tong malakas boses. Shh!" muling saway ni Seungmin "Hindi naman lahat sila ay kaaway ni Nami eh."

"Ay sorry na." Jisung

"Well, si Cherry lang naman yung nangaaway kay Nami. Tas sunod sunuran sakanya si Ayen. Si Sunny naman ay pinagpalit si Nami sa mga bago niyang kaibigan. Kaya lahat sila kaaway nga ng kapatid mo." Felix

"Daming alam. Sino ba diyan?" Jisung

"Kung sino pinagtatanggol niya." Felix

"Si Ayen!?" Jisung

"Ingay neto. Hindi!" Felix

"Si Ayen?" pabulong na sigaw ni Jisung

"Hindi nga diba?" Seungmin

"Ikaw ata may crush dun eh." natatawang sabi ni Felix dahilan para matahimik si Jisung "Hala, crush mo nga?"

"Crush kasi ni Seungmin pinaguusapan diba?" Jisung

"Si Sunny kasi crush niya." Felix

"Hala weh? Crush ka nun eh." Jisung

"Edi wow." Felix

"Alam ko." Seungmin

"Hala weh? Di mo sinabi sakin?" Felix

"Manhid mo rin eh. Malamang nasaktan 'yan." sabi ni Jisung sabay batok kay Felix

"Magsitigil na nga kayo." Seungmin









===================================

Kinilig ako sa part na nagsasagutan sina Hyunjin at Jeongin kyaaaa~
Malapit nang matapos 'tong story na 'to mga bakla! Ang complicated na kasi eh lol. Siguro mga hanggang Chapter 25 (estimated) na lang 'to. Magiisang taon na kasi 'tong story na 'to in 3 months kaya tatapusin ko na 'to. Relasyon niyo nga di umabot ng isang taon eh charot HAHAHAHA. Sunod dito yung "Living with the hyungs". Nasa drafts na siya btw.

[Readers: Tas mabagal na updates din?]

Syempre, ako pa ba? Charot! HAHAHA Depende sa schedule ko lol #feelingartista. Basta yun. Salamat sa pagsupport at sorry matagal na updates. Kamsarang yeoreobun!

QOTD: Kanino ko ipe-pair sina Sunny, Cherry, Yoona, at Ayen?
09-18-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro